Share

Chapter 39

Author: HANIFAH
last update Petsa ng paglalathala: 2026-02-17 18:13:29

"Ang harot mo!" ungot ko bago kumawala sa kaniya, pero sa loob-loob ko ay parang may kung anong humaplos sa puso ko.

Sabay kaming pumasok sa loob ng mansyon habang dala-dala ng mga staff ang mga gamit namin. His hand was possessively wrapped around my waist, a silent claim that everyone should know where I stand. Pero bago pa kami tuluyang makapasok sa main foyer ay isang matinis na boses ang tumawag sa pangalan niya.

"Caleb!"

Sabay kaming napahinto. Mula sa itaas ng hagdan, isang babaeng na
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
HANIFAH
Hi. May update na po. Thanks for reading this. 🫶
goodnovel comment avatar
HANIFAH
Hi. Thanks for reading this. May update na po. 🫶
goodnovel comment avatar
Mary Ann San Pascual
more more update po..
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   9

    Hindi na nga niya talaga nilagay sa gitna namin ang mahabang unan. At sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong buwan naming pagtatabi dito sa kama, nakayakap na ako sa kaniya habang ang matigas niyang braso ang ginawa kong unan. Ramdam ko ang pagkakailang niya sa posisyon namin dahil sa paninigas ng kaniyang katawan. Maging ang paghinga niya ay parang pigil na pigil. Pero hindi ko na iyon binigyan pansin pa. Basta ako ay may kung anong nagdidiwang na sa loob ko. Para bang matagal ko na itong hinihintay na mangyari, ang maramdaman talaga na mag-asawa nga kaming tunay. Para akong timang na nakangiti, pasimpleng inaamoy ang bango niyang pinaghalong sabon at ang natural niyang amoy. "Lucas?" mayamayang tawag ko sa kaniya, ang kamay ko'y kalmado lang na nakalapat sa bandang dibdib niya. "Hmm?" tipid niyang sagot, diretso lang ang tingin sa kisame. "Paano mo ba ako nagustuhan noon? Lagi ko kasi ’yun naiisip," usisa ko. “Gusto kong malaman kung anong klaseng atraksyon ang namagitan sa

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   8

    "Bakit ka sumunod dito? Magyoyosi ako," malamig niyang sabi habang nakatalikod pa rin sa akin. Nakatulala lang ako sa likuran niya, hindi pa rin makapaniwala sa tono ng pananalita niya. Wala na ang araw-araw kong naririnig na malambing niyang boses. Pakiramdam ko tuloy ay ibang tao ang naririto. "Yosi?" lumapit na ako sa kaniya pero hindi niya pa rin ako nililingon. “Ibig mo bang sabihin, sigarilyo? Kailan ka pa natutong manigarilyo kung ganoon?" usisa ko, sinusubukang silipin ang kaniyang mukha pero iniiwas niya iyon sa akin. Mayamaya ay nasulyapan ko ang paghithit niya sa hawak na stick ng sigarilyo saka nagbuga ng usok pagkatapos. "Matagal na. Pasok ka na sa loob." Hindi pa rin niya ako nililingon kaya halos magsalubong na ang mga kilay ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko'y naiinis na ako sa kaniya. Parang gusto ko siyang sigaw-sigawan at paulanan ng sermon. Umiling ako. "Hindi ka naninigarilyo, Lucas! Ni minsan nga hindi ko naamoy 'yan sa 'yo sa loob ng tatlong bu

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   7

    Nang makaalis si Lucas, nakaramdaman ulit ako ng antok. Siguro dahil late na akong nakatulog kagabi. Humiga ulit ako at natulog na nga ulit. Kaso pagkapikit ko ng mga mata ko ay isang senaryo ang bumungad sa akin. Nasa gitna ako ng isang engrandeng bulwagan. Ang paligid ay puno ng mga nagniningning na chandelier. Umaalingawngaw sa paligid ang amoy ng mamahaling pabango at sariwang mga rosas. Pagtingin ko sa kasuotan ko ay isang mahaba ngunit may kasikipang damit ang suot ko. Hindi nagtagal ay umingay ang paligid. Doon ko napansin na nasa gitna na pala ako ng isang entablado, at sa harap ko ay madaming tao ang nakatingin sa gawi ko. Lahat sila ay pormal na pormal ang mga kasuotan. Nakangiti silang lahat habang nagsisipalakpakan. “Liana…” Agad nalipat ang tingin ko sa tabi ko nang may tumawag sa akin. Isang lalaki. Matangkad na lalaki, nakapormal din ang suot. Pero nang tingnan ko ang mukha niya ay hindi ko maaninag nang malinaw dahil parang may manipis na hamog na nakatakip dito

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   6

    Kinabukasan, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nagulat ako nang mapatingin sa bintana. Mataas na ang sikat ng araw. Mabilis akong napaupo at napatingin sa tabi ko. Wala na rin si Lucas sa tabi ko. "Hala, baka nakaalis na siya!" bulalas ko.Dali-dali akong tumayo at tinungo na ang labas. Paglabas ko ng kuwarto, naabutan ko siyang tahimik na nagkakape sa hapag. Suot na rin niya ang kaniyang pamasok na t-shirt, pero parang wala pa siyang balak umalis."Gising ka na pala," malumanay niyang sabi. Wala na ang lamig ng boses niya kagabi."Bakit hindi mo ako ginising? Late na ako sa factory! Anong oras na ba?" sunod-sunod kong tanong at nagmamadaling kumuha ng baso para uminom na muna ng tubig. "Sinabihan ko na si Marites kanina na hindi ka muna papasok," seryosong sagot niya habang nakatingin sa akin.Napatigil ako sa pag-inom. "Huh? Bakit?""Tinanghali ka na ng gising, Mahal. Ayaw kong madaliin ka para lang makapasok sa trabaho," sabi niya sabay tayo. Lumapit si

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   5

    "Spoiled brat?" ulit ko, kunot na ang noo ko. "Ano naman 'yun?" Imbes na sagutin agad ako ay isang beses niya akong inilingan bago dahan-dahang tumayo. Pinunasan niya pa ang mga kamay niyang punong-puno ng bula ng sabon sa kaniyang pantalon, saka humakbang palapit sa akin. "Halika na. Mauna ka nang matulog," aya niya. Inabot niya ang kamay ko para igiya ako papasok sa loob ng bahay, umiling ako. "Sandali lang. Ano muna 'yung spoiled brat na sinabi mo? Bakit parang... parang ang pangit pakinggan?" Napansin ko ang paglunok niya at saglit na pag-iwas sa akin ng tingin. Huminga din siya nang malalim, tila tinatantya kung paano ipapaliwanag ang salitang iyon sa akin na wala ngang maalala. "Wala 'yun," mayamayang sagot niya. "Salitang English 'yun na ang ibig sabihin ay... mahal ko. Iyong tinuturing na prinsesa." Lalong kumunot ang noo ko, sinusuri ang kaniyang mukha kung nagsisinungaling ba siya o hindi. "Prinsesa?" "Oo. Iyong lahat ng gusto, nasusunod. Iyong ayaw madumihan ang mga

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   4

    Pagsapit ng hapon, habang nag-aayos na kami ng mga gamit para umuwi, natanaw ko si Lucas na naglalakad patungo sa gawi namin. Hindi niya suot ang kaniyang sumbrero gaya ng nakasanayan tuwing uuwi na kami. Sa halip ay hawak-hawak niya ito at tila nag-aalinlangan ang mukha niya nang makalapit na siya sa amin. "Mahal," tawag niya sa akin at tumayo na sa harap ko. "Ayos lang ba sa 'yo kung... kung mauna ka na munang umuwi? Nagyayaya kasi ang mga kasama ko, hihiram lang daw ng kaunting oras para uminom. Anibersaryo naman daw." Napanguso ako nang mapansin ko na naman ang panunuksong tingin nina Susing, bago ko tanguan si Lucas. “O-oo naman, bakit naman hindi?" sagot ko at hilaw pa siyang nginitian. Bihira lang siyang humingi ng permiso sa ganitong bagay; kadalasan ay parang anino ko siya na laging nakabuntot para siguraduhing ligtas ako. Ano ba naman ’yung pagbigyan ko siya sa gusto. "Oo naman, ayos lang," ulit ko pa sa maayos nang boses. "Minsan lang naman 'yan. Huwag ka lang masyado

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status