LOGINNyx's Point of View
"LONG time no see, Nyx." Marahan, malumanay na sambit ni ate Nixie na nasa harapan ko. Ako naman ay nanigas sa kinatatayuan, hindi pa rin makapagsalita. Nangangapa ng sasabihin habang ang isip ko ay naguguluhan. Paano siya nabuhay? Anong nangyayari? "Hindi ka ba masayang makita ako?" Naka-pout siya, tila ba nagtatampo sa naging reaksiyon ko. Ngunit ako'y patuloy pa ring pinagbubuhol ang lahat ng nangyayari. "P-paanong—" hindi pa man ako nakatapos sa aking tanong ay nagsalita na si Mav. "Pumasok na tayo sa loob," may diin ngunit malambot ang boses ni Mav na binalingan si Ate Nixie. “Paniguradong napagod ka sa byahe.” Inalalayan niya ito na para bang isa siyang dyamante na kanyang iniingatan. Habang ako naman ay nanatiling nakatayo sa may pintuan, iniwan nilang tulala. Pero mabilis akong sumunod sa kanila, at saka ko lang napansin na bitbit ni Mav ang isang pink na maleta. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, naghahanap ng kasagutan. "Dito muna siya titira pansamantala." Binasag ni Maverick ang katahimikan na bumabalot sa amin habang nasa sala kami. Umikot ang sikmura ko kasabay ng pagkabigla sa kanyang mga salitang parang martilyong tumama sa dibdib ko. Para bang hindi ako ang asawa niya, at wala akong karapatang magsalita o magdesisyon. "Ayos lang, Mav, kung hindi pwede kay Nyx. Naiintindihan ko naman." Bulong ni Nixie sa tinig na halos parang batang inosente. Ngunit sa likod ng inosente niyang boses at mukha ay nakatago ang nakakakilabot na katotohanan. At alam ko iyon—ako ang kasama niya noon. "Ayos lang kay Nyx iyan," mahina niyang sambit. Ni minsan, hindi ko pa narinig ang boses niyang ganoon—malambot, mahina, tila ba ayaw niyang masaktan ang kapatid ko. Parang may kutsilyong tumarak sa puso ko. Nagkatinginan silang dalawa, na para bang silang dalawa lang ang tao sa lugar na iyon. Na para bang sila ang mag-asawa—at ako ang panggulo. Umiwas ako ng tingin. Ni minsan, hindi niya ako tinignan ng ganoon—isang tingin na puno ng pagmamahal. "Ayos lang, Ate," labag sa loob kong sagot. Sino bang tanga na papatuluyin ang babaeng unang minahal ng asawa mo kahit akala ng lahat na patay na ito? Ako. Ako ang tangang iyon. Simula nang naging sila ni Maverick, unti-unti ng lumalayo ang loob namin sa isa't isa. Siya at ang lalaking katabi niya ngayon ang magkasama palagi. Lagi rin niyang pinapamukha sa akin na walang lalaking magkakagusto sa akin. At sa kalaunan, naniwala ako. Naniwala akong kahit anong gawin ko ay hindi ko makukuha ang gusto ko. "Linisin mo na ang guest house at doon ka matulog." Nagulantang ang buo kong pagkatao sa narinig. Hindi inaasahan. How could he say that to his own wife? "Ako na lang doon, Mav," sabat ni Ate Nixie habang kumakapit sa braso ng aking asawa. Na para bang wala ako sa harapan nila. "Nakakahiya naman kay Nyx." "Nyx wouldn't mind it," he whispered and even held her hand. And I had to endure the sight. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi bago huminga ng malalim. Pinilit kong pakalmahin ang sarili. Hindi na nila hinintay ang sagot ko. Dire-diretso silang umakyat sa itaas. Iniwan nila akong bigo, naglalakad patungo sa guest room—punong-puno ng alikabok, parang katulad ng buhay ko ngayon. *** "Pwede ba kitang makausap, Mav?" Tanong ko habang nakatayo sa balcony, kung saan sila nag-iinom ng wine na masaya, habang ako ay halos malugmok sa pagod kakalinis ng kwarto. Ang masigla niyang mga mata ay biglang dumilim nang bumaling sa akin. Para bang hindi niya nagustuhan ang presensya ko at isa akong disturbo. "You can tell it to me here." Matalim ang kanyang boses, na para bang anuman ang sabihin ko, hindi niya pakikinggan. Ngunit humugot pa rin ako ng lakas para magsalita. "Gusto ko sanang tayo lang dalawa," mahina kong sambit, pinaglalaruan ang daliri ko habang hindi makatingin nang diretso sa kanya. Biglang tumayo si Nixie, kunwari ay aalis. Hanggang ngayon ay magaling pa rin siyang magpaikot ng tao. "Pasensya na, aalis na lang muna ako, Mav, para makapag-usap kayong dalawa." Akmang aalis na siya, ngunit biglang hinawakan ni Mav ang kanyang pulso. Marahan. Maingat. Isang bagay na hindi niya kailanman ginawa para sa akin. Sumikip ang dibdib ko sa aking nakita. “Dito ka lang," pakiusap niya. Na para bang hindi niya kayang mawala si ate kahit sandali lang. Pagkatapos ay bumaling ang tingin niya sa akin—nanlilisik. Gumalaw ang kanyang panga. Nanginginig ang buo kong katawan. Panic shrieked through my veins. "Magsalita ka." Utos niya, malamig, parang naiinip na sa presensya ko. "Buntis ako." Kita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Nanlambot ang kanyang mukha, tila ba may gustong sabihin ngunit hindi maibuka ang bibig. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, pumagitna si ate. "Hindi mo ba alam, Nyx?" Bumaling ang tingin ko sa kanya—puno ng kunwaring pag-aalala ang kanyang mukha. Ngunit sa mata niya, ibang emosyon ang nakatago. Binaling ko ang tingin kay Mav, ngunit bumalik na sa walang emosyon ang kanyang mukha. "Hindi makakabuo si Maverick." My mouth parted. Nanlamig ako sa mga salitang iyon. Pero... paano? Si Mav lang ang tanging lalaking gumalaw sa akin. Parang may kulog na dumagundong sa loob ko. "M-Mav," iniling ko ang ulo ko, pilit naghahanap ng salita. Ngunit wala. Wala akong mailabas na tinig. Naglakad ako patungo sa kanya kahit nanghihina na ang tuhod ko. "Mav, maniwala ka sa akin. Ikaw lang... ikaw lang ang tanging lalaking hinayaan kong galawin." Puno ng pakiusap ang aking tinig habang hinahawakan ko ang laylayan ng damit niya. At doon, nakita ko ang pagkurap ng pagdududa sa kanyang mga mata. He knew me. I would never lie. May kumapit na pag-asa sa puso ko. "M-Mav..." daing ni Nixie. Mabilis pa kay Flash, nasa tabi na niya ang lalaki habang ako ay halos matumba. "Bakit? Anong nangyayari?" Tanong niya, puno ng pag-aalala. "Nahihilo ako..." sumbong ni ate habang unti-unting pumikit. "Let's go to the hospital." Hindi man lang niya ako tiningnan muli. Binuhat niya si Ate in a bridal style. “Hindi ko kayang mawala ka ulit sa akin.” Bulong niya dahilan upang manlamig ang aking katawan sa aking narinig. Kahit nakapikit si Nixie, nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi habang karga-karga siya ng asawa ko. Na para bang sinasabi niyang kahit ako ang asawa... siya pa rin ang pipiliin. Habang tanaw ko silang pababa ng hagdan, bumuhos ang mainit kong luha. Hanggang sa maramdaman ko ang malamig na likido na dumaloy sa aking hita. Takot kong tiningnan iyon. Tinakpan ko ang bibig ko. Dugo. "H-hindi... hindi," bulong ko sa gitna ng pagkawasak. "Mav! Ang anak n-natin!” Sigaw ko habang bumabagsak ako sa sahig—mag-isa, duguan, at iniwan. Ngunit wala…walang Mav na bumalik.Nyx's Point of View NAKATINGIN lang ako sa kanya habang hinihintay kung ano ang sasabihin niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang may kaba at inis na nagsasabay sa dibdib ko. Ano bang aaminin niya? Bumuka ang kanyang labi, tapos biglang ipagdidikit muli. Parang pinipigilan niya ang sarili niyang magsalita. In the end, he sighed in exasperation before finally speaking. "Nixie and I... are over. Really over." Napangiwi ako. I blinked, just to make sure I heard him right, pero wala siyang idinugtong. Iyon lang? Akala ko naman ay isang malaking rebelasyon na gugulantang sa amin. "O-okay?" I hesitated. Tumango lang siya, walang paliwanag. Iyon na 'yon? Wala nang iba? I shook my head, pinipigilan ang buntonghininga. Masyado lang siguro akong nag-expect. He b
Nyx's Point of View I stared blankly at my phone. Kung nagsasalita lang siguro ito, baka kanina pa siya nahihiya sa ginagawa kong pagtitig. The message. The unknown name. I wanted to know who he was... but I was afraid of what I might discover. May hinala akong si Maverick iyon, pero parang imposible naman. I groaned softly and slapped my forehead. Ang dami ko ng problema sa buhay, dinagdagan pa ng kung sino mang walang magawa sa oras. I was still staring at my phone when it suddenly rang. It was Liam. Matagal bago ko sagutin dahil nagdadalawang-isip pa ako, but in the end, I did. "Napatawag ka, Liam?" iyon agad ang bungad ko habang sinagot ang kanyang tawag. "How are you?" paos ang boses niya, halatang pagod pero sincere. "Ayos ka lang ba diyan?" "I'm fine, Liam." "Is he hur
Nyx's Point of ViewTIME slows down as I watch the hands of the clock move. Kanina pa ako nakatitig sa orasan na nakasabit sa dingding, pero gano’n pa rin. Parang hindi nga humahakbang ang oras. Tanging tik-tak lang ng orasan ang naririnig ko.Hindi pa bumabalik si Maverick simula kanina. Nakaligo na ako, nagbihis, kumain ulit pero wala pa ring bakas ni Maverick.At hindi ko rin alam kung bakit ko nga ba siya hinihintay. Ewan, parang may gusto lang akong marinig mula sa kanya.But I tried to erase it in my mind. Hindi ko na dapat iniisip pa si Mav. Malaki na siya kung nahuli siya ni Nixie na nagloloko, labas na ako ro’n.Tinawagan ko si Nathaniel nang makapag-ayos na ako ng sarili bago matulog. Gabi na rin kasi at dinadalaw na ako ng antok.Dumapa ako sa kama, naka-on na ang MacBook, at nag-video call ako kay Nanay Alejandra sa WhatsApp.Nanay answered, at ang unang bumungad sa screen ay si Nathaniel na namumugto ang mat
Nyx's Point of View WALA akong ibang inisip buong araw na iyon ay kung paano ako ipinagtanggol ni Maverick laban sa mga magulang ko. He knew Nixie wouldn't want our parents to be disrespected, not even by me. Pero habang tumatagal, napagtanto ko na rin na... hindi ko kailangang itama lahat ng gusto nila. I've realized a lot of things, kaya nag-iba na ang prinsipyo ko sa buhay. Some things are meant to be buried forever. Pero si Maverick... huminga ako nang malalim, pinilit kong alisin siya sa isipan ko. Hindi ito maganda. Mali itong nararamdaman ko. Maybe he was just trying to be nice to me? My lips pressed into a thin line, trying to convince myself that everything would be fine. Pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik ang boses niya. The way he said my name. The way he stood for me. Bakit napakalaki ng epekto niya sa akin? Dahil ba... kahit minsan, noon ay hind
Nyx's Point of View HINDI ako tumayo.Hindi dahil wala akong galang kundi dahil hindi naman nila deserve ang respeto ko. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nila sa akin? Noong naging asawa ko si Maverick, ni minsan, hindi ko naramdaman na may respeto sila sa akin. Kasi kay Nixie umiikot ang mundo nila. Kasi mas kailangan daw ni Nixie si Maverick. Harap-harapan nila akong hindi pinahalagahan. Nakatitig lang ako sa kanila. Ni hindi ko magawang ngumiti o magalit. Wala lang talaga akong pakialam pero alam kong sa loob ko ay pinipigilan ko lang ang aking sarili. Akala ko kapag nagkita kami ulit, I would be fuming mad but instead, I just stared at them like it was nothing. "Aren't you going to say hi to your mother and father?" Mom's voice was light, but her smile was forced. I knew that kind of smile, the one that hides disgust behind sweetness. Katulad ni Nixie, ganoon si M
Nyx's Point of ViewHINDI ko siya pinansin sa buong lakad namin. Kasi napapansin kong may kung ano pa ring epekto siya sa akin sa tuwing magkalapit kami.Kahit simpleng paglapit lang niya, parang may kumikirot, may kumakalabit sa nakaraan. At hindi ko iyon nagugustuhan. Dinala niya ako sa isang malayong lugar, somewhere quiet. Hindi ko sigurado kung tama ba itong ginagawa namin. Pero... nagtitiwala pa rin ako sa kanya kahit hindi ako sigurado kung dapat pa nga ba.Bahala na nga.Pumasok kami sa isang maliit na café sa Italy, malapit lang sa Verona — the city of Romeo and Juliet. Hindi ko alam, pero under the Verona sky, love always felt like a promise and a curse. Gaya ng dalawang taong nagmamahalan ngunit sa huli ay nabigo pa rin. Umuulan nang marahan. Pagpasok ko pa lang, agad na sumalubong sa akin ang halimuyak ng kape, ‘yung halong aroma ng espresso beans at ulan sa labas. May kung anong lungkot at init na sabay sumagi sa dibdib







