LOGINNyx's Point of View
NAWALAN na ako ng lakas habang nakahiga sa kama. Tulala lang akong nakatingin sa kisame habang binibigkas ng doktor ang masakit na balita—nakunan ako. Gusto kong matawa. Ang pait ng katotohanan na paulit-ulit na lang ipinapamukha sa akin. Ayaw ni Maverick sa akin. Bumalik na si Ate Nixie. Wala na ang anak namin. Ano pa ang silbi ng buhay ko? Kung noong wala si Ate ay wala na akong halaga sa kanya, paano pa kaya ngayon? Kanina pa ako dito, panay sigaw at iyak. Hindi matanggap ang nangyari kaya tinawagan ko si Mav. "Mav—" "Pwede ba, Nyx, tumigil ka na? Nasa ospital pa kami ni Nixie." Hindi pa man ako nakasagot ay agad niyang binaba ang tawag. Natawa na lang ako. Siguro nga... dapat sumuko na ako. Tapusin ko na ito. Namanhid na ang buo kong katawan pati ang puso ko. Nakakapagod din pala. Pinilit kong bumangon. Hindi pa man ako dapat i-discharge pero inalis ko na ang mga nakakabit sa akin. Kailangan kong kumilos. Kailangan matapos na ito. Ngunit sa kasamaang palad, paglabas ko pa lang ng pintuan ay natanaw ko agad sila—si Maverick at si Nixie, magkahawak-kamay sa harap ng nurse's counter habang nakangiti sa isa't isa. "Ang sweet nila," rinig kong bulong ng mga tao sa paligid. Parang piniga ang puso ko. Nag-iwas ako ng tingin at lalayo na sana, pero huli na—tinawag ako ni Ate. "Sinusundan mo ba kami?" Narinig iyon ng lahat kaya lalo pang lumakas ang bulong-bulungan. Nag-init ang dibdib ko. "Wala ka na talagang delikadesa? Mag-eeskandalo ka pa talaga dito matapos mong pagtaksilan ako?" singhal ni Maverick, mahina pero matalim. Hinawakan niya ang pulso ko nang mahigpit—tila walang pakialam sa nararamdaman ko. Tinitigan ko lang silang dalawa. Ni hindi ba niya man lang itatanong kung bakit ako nandito? "Uuwi na ako," pilit na inaalis ang kamay niya. "Wala akong oras sa drama mo, Nyx!" bulong niya. "Aalis na nga ako, diba?" hindi ko mapigilan ang magsarkastiko. Kita ko ang pagkabigla sa mga mata niya, pero agad ding napalitan ng pang-iinsulto ang kanyang ngiti. Tinabig ko ang kamay niya nang lumuwag na iyon at iniwan sila. Nawala ang bigat at init sa aking katawan, para akong iniwan ng sarili kong kaluluwa. Ni luha, wala nang pumapatak. Siguro kasi... binuhos ko na lahat kanina. O baka sa araw-araw na pag-iyak at pagkabigo, napagod na rin ang puso ko. *** PAGKARATING ko sa bahay agad kong tinawagan ang aming attorney upang mag-file ng annulment. "Are you sure about this, Mrs. Dela Vega?" tanong niya sa akin sa ikalawang pagkakataon. Alam niya ang lahat. Na mahal na mahal ko ang lalaki, na kaya ko siyang patawarin kahit ano pa ang gawin niya. Pero ngayon...tapos na iyon. Tao rin naman ako. Napapagod. "Yes, attorney," pormal kong tugon. "Does Mr. Dela Vega know about this? I'm pretty sure you can talk about this and resolve it." Mapait akong ngumiti kahit hindi niya nakikita. Kahit ipagsigawan ko pa ito, Maverick would never care. "He will love this, attorney." "I bet you didn't know but Mr. Dela Vega wouldn't—" "Attorney, I know my husband." Putol ko sa kanyang sadabihin. Agad kong tinapos ang tawag matapos niyang sabihin na kukunin ko na lang iyon para mapirmahan naming dalawa ni Maverick. Huminga ako ng malalim. Nakatingin sa malaking salamin sa harapan ko habang nakaupo. Pinasadahan ko ng tingin ang aking kabuuan—nagmukha na akong mas matanda sa edad ko. Wrinkles. Eyebags. Pangmatandang damit. Ang layo ko na sa dating ako—simula nang pinili kong maging mabuting asawa ni Maverick. Nilibot ko ang tingin sa vanity ko. Wala ni isang kolorete. Pati sa closet, paulit-ulit lang ang mga damit ko. Para sa opisina. Para sa family dinners. Napangisi ako. "Dahil lang sa pagmamahal." *** UMUWI sila kinagabihan. Hindi ako lumabas ng kwarto. Pinakikinggan ko lang ang halakhakan nilang umaabot hanggang dito. Ni hindi man lang ako hinanap ni Maverick. I closed my eyes. It's over. Hindi ko na hahayaang masaktan pa ako ng mga nangyayari. Pagkagising ko, naghanda ako ng kape at tinapay para sa sarili. Ngunit dumating silang dalawa. Malagkit ang tinginan nila kahit nasa harapan lang nila ako. Nag-iwas ako ng tingin at aalis na sana nang hawakan ni Mav ang kamay ko. "Ipagtimpla mo ako ng kape," mariin niyang utos. Hindi ako sumagot, tinitigan ko lang siya ng malamig. "Ako na, Mav," sabat ni Ate Nixie, banayad ang boses. Agad akong binitawan ni Mav at buong atensyon ay ibinigay kay Nixie. "Mabuti ka pa," parinig ni Mav. Humigpit ang kapit ko sa baso. Ano kayang klaseng kapal ng mukha meron siya? After years of serving him—wala siyang pasasalamat. Pero dahil lang sa isang tasa ng kape mula kay Nixie, halos sambahin na niya ito? "Sana ikaw na lang ang naging asawa ko," pabiro niyang sabi. "Pwede naman, Mav," sagot ni Ate, may halong landi sabay hagikhik. Hindi ko na tinapos ang usapan. Parang mawawasak na ang puso ko. Akala ko wala na. Pero kaunti na lang, Nyx. Kaunti na lang at makakaalis ka rin. Bulong ko sa sarili. *** PUMASOK ako sa trabaho makalipas ang ilang araw para mag-resign. Hindi ko na kinaya na lagi ko silang nakikita sa bahay. Kahit saan ako lumingon, naroon ang tawanan at landian nila. Limang araw na lang. "Uy, ikaw muna dito, Nyx. May pinapagawa kasi si Sir Maverick. Mukhang magpo-propose na sa dating fiancée," ani ng isa, sabik at kinikilig. Pero nanatiling walang ekspresyon ang mukha ko. "Sige na, Nyx, promise last na 'to." "Hindi ko trabaho 'yan," malamig kong sagot. Napatigil siya, tapos biglang tumawa ng malakas, na nakakuha ng pansin ng iba. Tapos agad na nanlilisik ang mga mata niya. "Ano? Porket magaling ka ay mayabang ka na?" singhal niya. "Hindi ko naman sinabing magaling ako." sagot ko ng walang emosyon. Kita ko ang pagtaas ng kilay niya. "Baka kaya siya ganyan kasi bumalik na si Nixie," rinig kong bulong sa kabilang mesa. "Oh," napangiwi siya. "Kasi bumalik na ang original, at hindi mo na malalandi si Sir." Nanatili tikom ang bibig ko. Nagpatuloy lang ako sa pagtipa at pagprint ng resignation letter—dala na rin ang annulment papers. Pagkatapos, tumayo ako. "Kung wala ka nang sasabihin, gawin mo na ng maayos ang trabaho mo." Malamig pa sa yelo ang boses ko habang naglalakad papunta sa opisina ni Mav. Hinigpitan ko ang hawak sa dalawang envelope. Kailangan ko na itong tapusin. Pero bakit... boses pa rin niya ang hanap-hanap ng puso ko?Nyx's Point of View NAKATINGIN lang ako sa kanya habang hinihintay kung ano ang sasabihin niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang may kaba at inis na nagsasabay sa dibdib ko. Ano bang aaminin niya? Bumuka ang kanyang labi, tapos biglang ipagdidikit muli. Parang pinipigilan niya ang sarili niyang magsalita. In the end, he sighed in exasperation before finally speaking. "Nixie and I... are over. Really over." Napangiwi ako. I blinked, just to make sure I heard him right, pero wala siyang idinugtong. Iyon lang? Akala ko naman ay isang malaking rebelasyon na gugulantang sa amin. "O-okay?" I hesitated. Tumango lang siya, walang paliwanag. Iyon na 'yon? Wala nang iba? I shook my head, pinipigilan ang buntonghininga. Masyado lang siguro akong nag-expect. He b
Nyx's Point of View I stared blankly at my phone. Kung nagsasalita lang siguro ito, baka kanina pa siya nahihiya sa ginagawa kong pagtitig. The message. The unknown name. I wanted to know who he was... but I was afraid of what I might discover. May hinala akong si Maverick iyon, pero parang imposible naman. I groaned softly and slapped my forehead. Ang dami ko ng problema sa buhay, dinagdagan pa ng kung sino mang walang magawa sa oras. I was still staring at my phone when it suddenly rang. It was Liam. Matagal bago ko sagutin dahil nagdadalawang-isip pa ako, but in the end, I did. "Napatawag ka, Liam?" iyon agad ang bungad ko habang sinagot ang kanyang tawag. "How are you?" paos ang boses niya, halatang pagod pero sincere. "Ayos ka lang ba diyan?" "I'm fine, Liam." "Is he hur
Nyx's Point of ViewTIME slows down as I watch the hands of the clock move. Kanina pa ako nakatitig sa orasan na nakasabit sa dingding, pero gano’n pa rin. Parang hindi nga humahakbang ang oras. Tanging tik-tak lang ng orasan ang naririnig ko.Hindi pa bumabalik si Maverick simula kanina. Nakaligo na ako, nagbihis, kumain ulit pero wala pa ring bakas ni Maverick.At hindi ko rin alam kung bakit ko nga ba siya hinihintay. Ewan, parang may gusto lang akong marinig mula sa kanya.But I tried to erase it in my mind. Hindi ko na dapat iniisip pa si Mav. Malaki na siya kung nahuli siya ni Nixie na nagloloko, labas na ako ro’n.Tinawagan ko si Nathaniel nang makapag-ayos na ako ng sarili bago matulog. Gabi na rin kasi at dinadalaw na ako ng antok.Dumapa ako sa kama, naka-on na ang MacBook, at nag-video call ako kay Nanay Alejandra sa WhatsApp.Nanay answered, at ang unang bumungad sa screen ay si Nathaniel na namumugto ang mat
Nyx's Point of View WALA akong ibang inisip buong araw na iyon ay kung paano ako ipinagtanggol ni Maverick laban sa mga magulang ko. He knew Nixie wouldn't want our parents to be disrespected, not even by me. Pero habang tumatagal, napagtanto ko na rin na... hindi ko kailangang itama lahat ng gusto nila. I've realized a lot of things, kaya nag-iba na ang prinsipyo ko sa buhay. Some things are meant to be buried forever. Pero si Maverick... huminga ako nang malalim, pinilit kong alisin siya sa isipan ko. Hindi ito maganda. Mali itong nararamdaman ko. Maybe he was just trying to be nice to me? My lips pressed into a thin line, trying to convince myself that everything would be fine. Pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik ang boses niya. The way he said my name. The way he stood for me. Bakit napakalaki ng epekto niya sa akin? Dahil ba... kahit minsan, noon ay hind
Nyx's Point of View HINDI ako tumayo.Hindi dahil wala akong galang kundi dahil hindi naman nila deserve ang respeto ko. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nila sa akin? Noong naging asawa ko si Maverick, ni minsan, hindi ko naramdaman na may respeto sila sa akin. Kasi kay Nixie umiikot ang mundo nila. Kasi mas kailangan daw ni Nixie si Maverick. Harap-harapan nila akong hindi pinahalagahan. Nakatitig lang ako sa kanila. Ni hindi ko magawang ngumiti o magalit. Wala lang talaga akong pakialam pero alam kong sa loob ko ay pinipigilan ko lang ang aking sarili. Akala ko kapag nagkita kami ulit, I would be fuming mad but instead, I just stared at them like it was nothing. "Aren't you going to say hi to your mother and father?" Mom's voice was light, but her smile was forced. I knew that kind of smile, the one that hides disgust behind sweetness. Katulad ni Nixie, ganoon si M
Nyx's Point of ViewHINDI ko siya pinansin sa buong lakad namin. Kasi napapansin kong may kung ano pa ring epekto siya sa akin sa tuwing magkalapit kami.Kahit simpleng paglapit lang niya, parang may kumikirot, may kumakalabit sa nakaraan. At hindi ko iyon nagugustuhan. Dinala niya ako sa isang malayong lugar, somewhere quiet. Hindi ko sigurado kung tama ba itong ginagawa namin. Pero... nagtitiwala pa rin ako sa kanya kahit hindi ako sigurado kung dapat pa nga ba.Bahala na nga.Pumasok kami sa isang maliit na café sa Italy, malapit lang sa Verona — the city of Romeo and Juliet. Hindi ko alam, pero under the Verona sky, love always felt like a promise and a curse. Gaya ng dalawang taong nagmamahalan ngunit sa huli ay nabigo pa rin. Umuulan nang marahan. Pagpasok ko pa lang, agad na sumalubong sa akin ang halimuyak ng kape, ‘yung halong aroma ng espresso beans at ulan sa labas. May kung anong lungkot at init na sabay sumagi sa dibdib







