MasukNyx's point of view
"GWAAGH!" Nanginginig ang balikat ko habang paulit-ulit na sumusuka. Kanina pa ako pabalik-balik sa banyo simula nang magising ako. Tumingin ako sa salamin. Nanlaki ang mga mata ko nang maisip kong hindi pa ako dinatnan simula noong nakaraang buwan hanggang ngayon. Napatakip ako ng aking bibig. Hindi kaya... Sumilay ang ngiti ko sa labi. "Am I pregnant?" I murmured to myself while holding my belly. Mabilis akong nagpunta sa OBGYN. Kailangan kong makasiguro upang malaman ni Mav. At baka...baka sa pagkakataong ito ay pipiliin na niya ako. Kami ng anak namin. "Congratulations Ms. Dela Cuz, you're 3 weeks pregnant." Anunsyo ng doctor habang nakangiti at pinakita sa akin ang isang papel. May namumuong init sa gilid ng aking mata nang pagmasdan ko iyon. "I-I'm pregnant," bulong ko habang nagagalak ang puso ko sa aking nalaman. Halos hindi maalis ang mata ko sa papel kung hindi lang tumikhim ang doctor kaya binaling ko ang aking tingin sa kanya. "I hate to say this but your pregnancy is very sensitive." Biglang sumeryoso ang kanyang mukha kaya umayos ako ng upo at nakinig sa susunod niyang sasabihin. "Hindi ka pwedeng ma stress o gumawa ng mabibigat na trabaho dahil maaari kang makunan. Ingatan po natin ang baby." I held my belly softly. Hinding-hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa baby. Niresetahan niya ako ng vitamins. Kahit hanggang sa pag-alis ng hospital ay hindi maalis sa aking labi ang ngiti sa magandang balita. "Your dad would finally be happy baby," masigla kong sambit. Nang makarating ako sa bahay ay agad ko siyang tinawagan upang ibalita sa kanya ang tungkol sa bata. Ngunit bigo akong napaupo sa kama nang hindi ko man lang siya macontact. Kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ako pwedeng maging malungkot ngayon. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti. Nag-isip ng magagandang bagay upang idistract ang sarili. Ngunit tatlong araw na ang lumipas hindi pa rin bumabalik si Maverick at hindi ko matawagan. Isang araw ay napagpasyahan kong pumunta sa bahay ng kanyang mga magulang umaasang nandoon siya. "Magandang araw—" "Walang maganda sa araw kung ikaw ang unang bubungad." Matulis niyang tinuran na tila ba walang pakialam kung anong mararamdaman ko. Ngumiti lang ako at hinayaan na lang. "Dito po ba umuwi si Mav?" Ngumiwi siya. "Bakit ba kasi ikaw pa ang napili ni Maverick!" Bulalas niya na puno ng panghihinayang at parang hindi narinig ang aking tanong. "Ma," "Huwag mo nga akong tawaging mama! I'm not your mama," sigaw niya, dumako ang tingin ko sa sahig. "Ni hindi ka na dapat pang tumapak dito!" Singhal niya. Tipid akong tumango upang hindi na kami mag-away dahil hindi ako pwedeng ma stress. "Pasensya na po," Iritable ang kanyang mukha na tiningnan ang aking kabuuan. "Bakit ba kasi si Nixie pa ang namatay—bakit hindi pa ikaw?" Humigpit ang kapit ko sa aking damit. Sumikip ang aking lalamunan, halos hindi makalunok. Kung alam lang nila. Ilang beses kong pinangarap na sana ako na lang. Kasi baka magiging masaya sila at makakalaya na ako sa lahat ng sakit na aking nadama. Pinilit kong isuot ang maskara ng ngiti, kahit ang bigat na sa loob. Kahit halos mawasak na ako. "Aalis na po ako." magiliw kong pahayag ngunit tanging pagkasuklam lang na titig ang aking natanggap at hinayaan kong tanggapin iyon. Hinagod ko ang aking tiyan, pilit iniisip na sapat na ito upang tanggapin na nila ako. Pero pagkalabas ko ng kanilang bahay ay bumuhos ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan. "A-ayos lang ako," pang-aalo ko sa aking sarili habang hinihimas ang aking tiyan na hindi pa kalakihan. Pinilit ko ng gabing iyon na matulog ngunit hinahanap ko parati si Mav. Hindi ako makatulog ng maayos—laging may kulang. Tiningnan ko ang kabilang side ng kama at iniisip na nandyan siya habang yakap ako. Pero mapait akong ngumiti kasi hanggang pangarap lang iyon. *** GALING akong trabaho. Pauwi na. Pagbaba ko sa sasakyan ay sinalubong ako ng malamig na hangin—parang nagbabadya na isang trahedya. Hindi ko na lang iyon napansin at nagpatuloy sa paglalakad. Pero bawat pintig ng puso ko'y sumisigaw ng pangamba. Pagbukas ko ng pintuan ay madilim ang paligid tila ba pinapamukha sa akin na mag-isa lang ako. 'Pero hindi na ako mag-isa. May baby na ako sa aking sinapupunan.' Bulong ko sa aking isipan. Just as I was about to close the door—a familiar figure suddenly appeared. His scent lingered on my skin. "Nyx," isang malalim na boses ang tumawag sa akin no'n. Halos mawalan ako ng hininga sa biglang pagdapo ng mata niya sa akin. Gusto ko siyang yakapin at sabihin ang aking malaking supresa ngunit...namutla ang aking mukha ng makita kung sino ang nasa tabi niya. Matangkad. Strawberry scent. Mahaba ang buhok. Napaatras ako, nakabuka ang bibig pero walang lumalabas na salita. Paanong...paano nangyaring nandito siya?Nyx's Point of View NAKATINGIN lang ako sa kanya habang hinihintay kung ano ang sasabihin niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang may kaba at inis na nagsasabay sa dibdib ko. Ano bang aaminin niya? Bumuka ang kanyang labi, tapos biglang ipagdidikit muli. Parang pinipigilan niya ang sarili niyang magsalita. In the end, he sighed in exasperation before finally speaking. "Nixie and I... are over. Really over." Napangiwi ako. I blinked, just to make sure I heard him right, pero wala siyang idinugtong. Iyon lang? Akala ko naman ay isang malaking rebelasyon na gugulantang sa amin. "O-okay?" I hesitated. Tumango lang siya, walang paliwanag. Iyon na 'yon? Wala nang iba? I shook my head, pinipigilan ang buntonghininga. Masyado lang siguro akong nag-expect. He b
Nyx's Point of View I stared blankly at my phone. Kung nagsasalita lang siguro ito, baka kanina pa siya nahihiya sa ginagawa kong pagtitig. The message. The unknown name. I wanted to know who he was... but I was afraid of what I might discover. May hinala akong si Maverick iyon, pero parang imposible naman. I groaned softly and slapped my forehead. Ang dami ko ng problema sa buhay, dinagdagan pa ng kung sino mang walang magawa sa oras. I was still staring at my phone when it suddenly rang. It was Liam. Matagal bago ko sagutin dahil nagdadalawang-isip pa ako, but in the end, I did. "Napatawag ka, Liam?" iyon agad ang bungad ko habang sinagot ang kanyang tawag. "How are you?" paos ang boses niya, halatang pagod pero sincere. "Ayos ka lang ba diyan?" "I'm fine, Liam." "Is he hur
Nyx's Point of ViewTIME slows down as I watch the hands of the clock move. Kanina pa ako nakatitig sa orasan na nakasabit sa dingding, pero gano’n pa rin. Parang hindi nga humahakbang ang oras. Tanging tik-tak lang ng orasan ang naririnig ko.Hindi pa bumabalik si Maverick simula kanina. Nakaligo na ako, nagbihis, kumain ulit pero wala pa ring bakas ni Maverick.At hindi ko rin alam kung bakit ko nga ba siya hinihintay. Ewan, parang may gusto lang akong marinig mula sa kanya.But I tried to erase it in my mind. Hindi ko na dapat iniisip pa si Mav. Malaki na siya kung nahuli siya ni Nixie na nagloloko, labas na ako ro’n.Tinawagan ko si Nathaniel nang makapag-ayos na ako ng sarili bago matulog. Gabi na rin kasi at dinadalaw na ako ng antok.Dumapa ako sa kama, naka-on na ang MacBook, at nag-video call ako kay Nanay Alejandra sa WhatsApp.Nanay answered, at ang unang bumungad sa screen ay si Nathaniel na namumugto ang mat
Nyx's Point of View WALA akong ibang inisip buong araw na iyon ay kung paano ako ipinagtanggol ni Maverick laban sa mga magulang ko. He knew Nixie wouldn't want our parents to be disrespected, not even by me. Pero habang tumatagal, napagtanto ko na rin na... hindi ko kailangang itama lahat ng gusto nila. I've realized a lot of things, kaya nag-iba na ang prinsipyo ko sa buhay. Some things are meant to be buried forever. Pero si Maverick... huminga ako nang malalim, pinilit kong alisin siya sa isipan ko. Hindi ito maganda. Mali itong nararamdaman ko. Maybe he was just trying to be nice to me? My lips pressed into a thin line, trying to convince myself that everything would be fine. Pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik ang boses niya. The way he said my name. The way he stood for me. Bakit napakalaki ng epekto niya sa akin? Dahil ba... kahit minsan, noon ay hind
Nyx's Point of View HINDI ako tumayo.Hindi dahil wala akong galang kundi dahil hindi naman nila deserve ang respeto ko. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nila sa akin? Noong naging asawa ko si Maverick, ni minsan, hindi ko naramdaman na may respeto sila sa akin. Kasi kay Nixie umiikot ang mundo nila. Kasi mas kailangan daw ni Nixie si Maverick. Harap-harapan nila akong hindi pinahalagahan. Nakatitig lang ako sa kanila. Ni hindi ko magawang ngumiti o magalit. Wala lang talaga akong pakialam pero alam kong sa loob ko ay pinipigilan ko lang ang aking sarili. Akala ko kapag nagkita kami ulit, I would be fuming mad but instead, I just stared at them like it was nothing. "Aren't you going to say hi to your mother and father?" Mom's voice was light, but her smile was forced. I knew that kind of smile, the one that hides disgust behind sweetness. Katulad ni Nixie, ganoon si M
Nyx's Point of ViewHINDI ko siya pinansin sa buong lakad namin. Kasi napapansin kong may kung ano pa ring epekto siya sa akin sa tuwing magkalapit kami.Kahit simpleng paglapit lang niya, parang may kumikirot, may kumakalabit sa nakaraan. At hindi ko iyon nagugustuhan. Dinala niya ako sa isang malayong lugar, somewhere quiet. Hindi ko sigurado kung tama ba itong ginagawa namin. Pero... nagtitiwala pa rin ako sa kanya kahit hindi ako sigurado kung dapat pa nga ba.Bahala na nga.Pumasok kami sa isang maliit na café sa Italy, malapit lang sa Verona — the city of Romeo and Juliet. Hindi ko alam, pero under the Verona sky, love always felt like a promise and a curse. Gaya ng dalawang taong nagmamahalan ngunit sa huli ay nabigo pa rin. Umuulan nang marahan. Pagpasok ko pa lang, agad na sumalubong sa akin ang halimuyak ng kape, ‘yung halong aroma ng espresso beans at ulan sa labas. May kung anong lungkot at init na sabay sumagi sa dibdib



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



