Share

Chapter 4

Talagang nahiya pa siya, sana sinabi na lang niyang bigtiin ko sarili ko kakatrabaho para sa kanya. Sorbang tamad niyaReklamo ko sa isip habang binabasa ko ang schedule na ibinigay niya sa akin ngayong umaga eksakto pagkagising niya.

Sabi dito sa schedule ko;

Tuwing may pasok daw siya ay kailangan 6:30 am gising na ako para maglinis ng bahay, magluto ng agahan at magplantya ng damit niyang susuotin sa school. Di ko siya pwedeng gisingin habang natutulog pero kung malalate na daw siya, sige gisingin ko na siya dahil ayaw niyang malate at syempre kailangan kong ayusin ang pinaghigaan niya. Pag nasa school kami if ever na magtagpo daw kami, ayaw daw niyang may makakaalam na magkakilala kami kaya tumahimik daw ako at pag uwian na, hindi daw ako pwedeng maglakwatsa dahil hindi naman daw ako si Dora. Kailangan ko daw umuwi agad at ipagluto siya ng pagkain, after naman nun kailangan ko ng maglaba ng mga maduduming damit.

Tuwing walang pasok naman, ganun pa rin. Ang kaibahan lang, pag walang pasok sa school bawal akong umalis ng bahay, tuwing mamamalengke o may iuutos lang daw siya saka ako pwedeng lumabas.

Napakagaling hindi ba? Nakakagana talagang pagsilbihan!!!

"Grabe talaga" isang buntong hininga ang pinakawalan ko matapos kong pakatitigan ang papel na ibinigay niya.

"Hoy, aalis muna ako, ikaw na muna bahala sa bahay, wag kang aalis" paalam niya na tinanguan ko na lang. Mamaya na lang ako bibili ng gamit.

Kahit pa naglinis na ako kanina ay nagsimula na lang ako muling maglinis dahil wala rin naman akong ginagawa.

Pasado alas kwatro ng hapon, dumating na ang amo ko mula sa kanyang pag-alis.

"Sir, aalis ho muna ako kung ok lang" paalam ko na ikinataas ng isa niyang kilay. Anong masama sa sinabi ko? Nakaupo na naman siya kaya hindi na kabastusan ang pag entrada ko ng paalam at maayos din naman ang pagpapaalam ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Bibili ho sana ng gamit pamasok" sagot ko. Napansin kong bahagyang lumaki ang mga mata niya na tila napagtanto na niya na hindi pa ako nakakabili ng gamit.

"Dalian mo, ayoko mag gala gala ka pa" sabi niya kaya agad akong nagbihis at nagmadaling lumabas. Hindi naman gaanong malayo ang mall dito dahil nung papunta ako sa kanila noong hinatid ako ng tauhan ng donya ay nakita ko ang mall.

Alas singko trenta na ng gabi ako nakauwi mula sa pamimili, kahit ano kasing pagmamadali ko ay hindi ko pa rin nasikap na maging mas maaga dahil sa dami ng tao at sinikap ko rin kasing pumili ng mura lang para maisave ang natirang pera na magagamit ko pa sa ibang bagay.

"Bakit ang tagal mo? Magluto ka na, nagugutom na ko" bungad niya matapos akong makitang kakalabas lang ng kwarto ko kung saan ko dineretso ang mga pinamili ko.

"Opo sir" saka ako kumaripas ng kilos upang ipagluto siya.

What a beast! Siya na nga itong pinagsisilbihan, napakasama pa ng ugali.

Hanggang matapos ang araw na iyon ay hindi siya nawalan ng utos. Kahit madaling araw nga ay hindi niya pa rin ako pinatahimik. Akala naman niya bata pa siya, nagpatimpla pa talaga ng gatas at nagpabake ng cookies dahil hindi daw siya matulog.

Kinabukasan, maaga ako muling gumising para maglinis ng tumunog ang telepuno.

"Hello?" tugon ko pagkadampot ko ng telepuno.

"Hello anak, si inay to" agad akong napangiti ng marinig ko ang boses ng inay.

"Hello ho inay kamusta ho kayo dyan?" tugon ko kay inay mula sa telepuno ng bahay ng amo ko. Wala kasi akong cellphone, maging ang inay ay naibenta na ang kanyang cellphone noon dahil sa kagipitan pero mabuti at umuwi pala doon si ate Lorna at tinawagan ako para makapag-usap kami ng inay.

"Nako ayos lang kami dito, ikaw ba anak kamusta dyan? Mabait ba ang amo mo?" tanong ni inay. Nako kung alam mo lang inay, sorbang bait ng amo ko, sarap sakalin!

"Opo inay, mabait ho si sir Spencer, binigyan niya pa nga ho ako ng pambili ng gamit pangeskwela" kwento ko kay inay.

"Mabuti anak, mag-ingat ka dyan ha! Ibabalik ko na ang telepuno ng ate Lorna mo, paalam na anak" pagbibigay hudyat sa akin ni inay na ibababa na niya ang tawag.

"Sige ho, ingat rin ho kayo dyan inay" saka niya pinatay ang tawag.

"Mabait pala ako?" napatingin ako kay sir Spencer na nasa gilid ko na pala. Nakangisi siyang nakatingin sa akin habang nakapamulsa't nakasandal sa pader.

"Andyan na ho pala kayo sir, may kailangan ho ba kayo?" tanong ko.

"Wala naman, wag mo lang akong iistorbuhin sa kwarto ko dahil matutulog ako" saka siya umalis sa harap ko. Batugan masyado!

Hanggang sa dumating ang tanghalian, hindi pa rin lumalabas sa kwarto niya si sir. Well, hindi naman talaga siya sa akin sumasabay.

"Sagana nga ako dito sa pagkain, wala naman ako laging kasabay" pabulong kong sabi habang naghuhugas.

"Bakit, kailangan ba may kasabay ka pa kumain?" napalingon ako kay sir na naka upo na sa upuan niya kaharap ng mesa. Pinunasan ko ang mga kamay kong pinanghuhugas ko ng plato saka ko ipinaghanda si sir Spencer. Nakatingin siya sakin habang pinaghahanda ko siya kaya hindi na ako nagdalawang isip na magtanong.

"May problema ho ba sir?" tanong ko matapos kong maihanda lahat ng gagamitin niya sa pagkain, maging ang pagkain niya.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko" sagot niya.

"Yung kailangan ho ba may kasabay ako kumain?" tanong ko na tinanguan niya saka nagsimulang kumain. "Hindi naman ho, nasanay lang ho siguro akong kasabay lagi ang pamilya ko kumain"

"Mabuti dahil unang una hindi mo ko kapamilya para sabayan ka at pangalawa, ayokong sabayan ka" hindi tumitingin na sabi niya. Mapait akong napangiti sa narinig ko saka ako bumalik sa paghuhugas ng plato.

Inferness ang sakit niya magsalita.

"Tapos na ko" mabilis na sabi niya saka tumayo at iniwan ang pinagkainan. Agad kong tinungo muli ang kusina para maghugas ng pinagkainan niya. Kung alam ko lang na mabilis niyang mauubos ang pagkain niya, sana inintay ko na lang siya kanina para isang hugasan lang at hindi naudlot ang kanina kong ginagawa.

Matapos kong maghugas ay nagbalik ako sa pagbabasa ko ng mga libro na nasa bookshelf niya na makakatulong sa akin sa pagbabalik eskwela ko.

Ano kayang klaseng school ang Evans Academy, bukod sa pang mayaman iyon na school? May kakaiba pa kaya? Naeexcite na akong maglunes para makapasok na ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status