แชร์

Chapter 8

ผู้เขียน: Victoriaaa
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2020-07-30 15:48:24

"Pagkatapos mo maglaba, kung gusto mo, umalis ka muna. Maggala ka, gawin mo gusto mo" napatingin ako kay sir Spencer na nakatayo sa likuran ko habang nagbabanlaw ako ng mga damit.

Umalis? Bago yun ah.

"W-wala po ba kayong ipagagawa? O iuutos man lang?" tanong ko. Nakakapanibago naman kasi na pinapaalis niya ako ng walang inuutos.

"May narinig ka bang may inutos ako?" umiling ako. "Edi wala" saka siya umalis.

Ano yun? Nakakapanibago talaga.

Gaya ng sinabi niya, umalis ako ng bahay niya pagkatapos ko maglaba. Pumunta akong parke at doon tumambay.

Napaka-aliwalas ng lugar kahit di gaanong presyo dahil sa daming gusali sa paligid.

Habang nagmamasid ako, napako ang paningin ko sa dalawang batang naghahabulan. Nakakamiss ang dalawa kong kapatid.

Nagmasid masid lang ako doon. Napakasayang pagmasdan ng mga bata. Naglalaro lang sila't walang iniindang problema.

"Hi ate" napalingon ako sa tumawag sa akin. Isa itong cute na batang lalaki na may hawak na robot. "Pwede pakabit ng kamay? Di ko kasi makabit, natanggal" dagdag niya. Agad ko namang ginawa ang pakisuyo niya ng bigla siyang umiyak.

"Sinira mo ang laruan ko!" sabi niya habang umiiyak. Agad akong nataranta't naibagsak ang robot na lalo niyang ikinaiyak. "Mama!! Mama!"

"Hey, tahan na. Shhh" alo ko sa bata na patuloy na umiiyak. "Aayusin ko nga laruan mo diba?" marahan kong dinampot ang laruan saka ko pilit ikinabit ang kamay ng robot pero hindi ko ito maikabit.

"Tumahan ka nga, ikaw nagsira ng laruan mo tapos iiyak iyak ka at isisisi sa iba?" napabaling ang mata ko sa pinanggalingan ng boses. Si sir Spencer na nakapamulsa't kunot ang noo. "Akin na nga yan" kinuha niya sa akin ang robot at siya ang nagkabit ng tanggal na kamay. "Oh, ayan maayos na. Tumahimik ka na"

Tila natakot ang bata sa kanya at kinuha na lang ang robot saka umalis. "Sutil na bata" kumento niya. Sa kanya pa talaga nanggaling.

"S-sir, ano hong ginagawa ninyo dito?" tanong ko matapos tumayo.

"Bakit? Bawal ba ako dito? Sa iyo ba itong lugar?" tugon niya. Minsan talaga ayoko na lang itong kausapin.

"I mean-- nevermind. Salamat po sa pagtulong sa akin" nginitian ko siya na ikinataas ng isa niyang kilay.

"Umuwi ka na, nagugutom na ako" saka siya tumalikod sa akin at nagsimulang maglakad.

Napailing na lang ako. Pinuntahan niya lang yata ako dito para utusan.

Pagkauwi ko, agad akong dumiretso sa kusina, nakaupo na siya sa pwesto niya habang nakapangalumbaba sa mesa na tila batang nag-iintay ng meryenda.

"Dalian mo naman" kumento pa niya.

"Ito na po" tugon ko saka siya pinaghandaan sa mesa. Agad naman akong nagtungo sa salas habang kumakain siya. Di naman kasi ako nun aalukin.

Pagtapos niya kumain ng meryenda, umakyat na siya sa kwarto niya.

Napabuntong hininga ako, hindi pa din nagbabago ang pakikitungo niya sa akin matapos ang nangyaring sagutan kahapon. Ok iyon, pero umaasa pa din ako na magsosorry siya sa mga nasabi niya sa akin.

Teka nga? Kaya ba niya ako pinaalis kanina para makabawi sa nangyari? Ganun kaya iyon?

Iniling iling ko ang ulo ko. Kung ano ano na lang naiisip ko. Hindi iyon ganun, imposibleng naiisip pa niya iyong nangyari kagabi eh wala naman siyang puso.

Kinabukasan, maaga siyang pumasok kaya maaga din akong nakapasok. Dumiretso ako sa library para mag-ubos ng oras.

"Ang aga aga, nandito ka" bungad ko kay Kenji na nagbabasa sa dulong bahagi ng mahabang mesa dito sa library.

"Eh, ano naman? Ikaw nga nandito din" tugon niya.

"Ano iyang binabasa mo?" tanong ko matapos makaupo katabi niya.

"Porn" simpleng sagot niya. Agad ko siyang hinampas ng hawak kong libro na nagpatawa sa kanya. "Joke lang. Nagbabasa ako para sa science"

"Di mo pa din ba naiintindihan yung lesson doon?" tanong ko. Noong nakaraan pa kasi siya sa amin nagtatanong kung paano iyong sa science.

"Naiintindihan ko na yun. Nag-aadvance reading lang ako, di ko kasi gets mag-explain si ma'am" tugon niya. Nanahimik na lang ako't nagsimula ng magbasa.

Makalipas ang ilang minuto, napagdesisyunan na namin pumasok sa klase.

Naglalakad kami sa hallway ng mapansin ko si sir Spencer na nakabusangot habang kinakausap ng isang babae sa labas ng klase nila.

Napasilip ako sa loob ng klase nila. Tahimik ang karamihan sa kanila pero magugulo ang mga kalalakihan.

Napabalik ang tingin ko kay sir Spencer, nakatingin na siya sa banda namin ni Kenji habang nakakunot ang noo. Marahan ko siyang nginitian bago kami lumagpas sa kanya.

Ano na naman kaya ang iniisip nun? Malandi na naman siguro ako sa paningin niya.

"May kilala ka ba sa section na yun?" tanong ni Kenji.

"W-wala" tugon ko.

"Talaga ba? Kaya pala biglang bunagal paglalakad mo nung nasa tapat tayo ng classroom ng section 3" bigla siyang ngumisi. "May crush ka doon no? Sh*t, nagdadalaga ka na"

"Nagdadalaga ka dyan, matagal na akong dalaga no. Magdidisinuwebe na nga ako" sagot ko.

"Oo nga pala, matanda ka na nga pala" matalim ko siyang tinignan. Sarap talaga hampasin nito ni Kenji. "Bakit? Matanda ka naman na talaga ah"

"Oo na" pinaikot ko ang itim ng mata ko.

"Di lang halata kasi ang liit mo" bigla ko siyang hinampas. Napaka talaga ng batang to. "Bat ka nagagalit, eh totoo naman? Di ka nga halatang 18 years old eh, parang kaedad ka lang namin. Bukod kasi sa height mo, di ka naman mukhang matured"

"Di ko alam kung compliment yan o panlalait" sabi ko bago kami naupo sa pwesto namin.

"Compliment yun" tugon niya ng nakatalikod sa akin. "Kung iyon ang iisipin mo"

"Siraulo ka talaga" binatukan ko siya saka siya tumawa.

Nang matapos ang klase namin, agad akong umuwi para magluto dahil maya maya ay nandito na ang amo ko.

"Hello sir, matatapos na ho ito, wait na lang po" bungad na bati ko kay sir Spencer pero tila hindi niya ako narinig at nagpatuloy lang siya sa kwarto niya.

Saktong pagkababa niya mula sa kwarto niya ay nakapaghanda na ako sa lamesa ng meryenda niya.

Wala akong narinig ni isang salita sa kanya. Umupo na lang siya basta sa upuan at kumain.

May topak na naman itong lalaking to.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)   Chapter 34

    “Bakit ang tahimik mo kaninang dinner? Di ka pa din ba okay kay Kenji?” tanong ko kay Spencer pagkapasok namin ng kwarto. Umuwi na sila Megan at Kenji, nakapaglinis na din ako ng kusina.“Hindi ko siya gusto pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na siya gugustuhing maging kaibigan mo. He’s been a good friend to you, nakakairita lang talaga yung ugali niya,” sagot niya.“Eh bakit parang may iniisip ka kanina?” tanong ko.“Iniisip ko lang kasi kung sino ang magiging model na ihahandle mo,” sagot pa niya bago nahiga. “Paano kung lalaki iyon at magkagusto sayo?”“Spens, trabaho ang gagawin ko saka tingin mo ba magkakagusto iyon sa akin? Model ang pagsisilbihan ko, matataas ang standard ng mga iyon,” paliwanag ko sa kanya para mawala ang worries niya.“Dyan mo ba talaga gusto magtrabaho?” tanon

  • The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)   Chapter 33

    Agad akong naligo matapos ang saglit na tawag na nareceived ko. Nagluto na din ako’t kumain. Excited akong pumunta sa kumpanya para doon magpa-interview.“Aalis ka? Saan ka pupunta?” magkasunod na tanong ni Spencer pagkagising niya’t pagkalabas ng kwarto.“Tinawagan na ako ng kumpanyang inapplyan ko, pinapapunta nila ako ngayon sa opisina nila para doon interview-hin,” nakangiti kong sabi. “Nakapagluto na din ako dyan ng pagkain mo.” Tumango tango si Spencer.“Goodluck babe.” Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. “Pagtapos mo doon, uwi ka agad ha.”Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Wala naman na din kasi akong pupuntahang iba kaya uuwi talaga ako matapos iyon saka pasado alas-dose na, 1:30 pm ang interview ko, for sure nasa 3pm na ang tapos nun pahapon na kaya wala na din akong balak maglaboy.

  • The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)   Chapter 32

    MATAPOS NG ILANG ARAW na pag-iisip, heto na ako’t pauwi na sa amin kasama si Spencer. Napag-usapan naming kakausapin namin si inay na mananatili ako sa Maynila kasama si Spencer ngunit hindi bilang katulong niya kundi bilang nobyang kinakasama. Sa katunayan, nasabihan ko na si inay sa tawag sa plano namin ni Spencer pero sabi ko ay uuwi pa din ako sa bahay para mas mapag-usapan namin. Habang nasa byahe kami ay tumitingin ako ng mga hiring sa internet. Madami na akong napasahan ng resume pero dahil wala pang nagreresponse ay minabuti kong maghanap hanap pa. Nang makarating na kami sa bahay ay agad kaming sinalubong nila Lunar at Solar. “Ate!” sabay na tawag ng mga kapatid ko saka sakin yumakap pagkalapit. “Nasan ang inay?” tanong ko sa kanila. “Nasa loob siya ate, nagluluto pa po,” tugon naman ni Lunar. Sabay sabay kaming pumasok sa loob habang tahimik lang sa may likuran ko si Spencer. “Inay.” Nilapitan ko siya saka nagmano

  • The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)   Chapter 31

    Matapos ang araw na iyon, maingat ko ng pinagmasdan ang mga kilos ni Spencer. Mukha naman siyang normal na’t hindi aabot sa punto na iyon pero tuwing sinasabi niyang huwag ko siyang iwan ay nakakapangamba. Tuwing binabanggit niya kasi iyon ay tila sobra niyang lungkot.“Saan mo gusto magcollege?” tanong sa akin ni Spencer habang nakatingin sa cellphone niya ngayong kumakain kami ng pananghalian.“College? H-hindi na ako magka-college,” sagot ko. Tinanggap ko na sa sarili kong hindi na ako magpapatuloy sa pag-aaral para makapagtrabaho na’t makatulong kila inay.“Bakit? Edi hindi kita makakasama sa pag-aaral ko,” tugon niya ng nakakunot ang noo.“Kaya mo naman mag-aral ng wala ako, ano bang inaalala mo? Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko,” mahinahon kong sabi. Padabog siyang tumayo sa pagkakaupo niya saka tumingin sa akin ng masama.

  • The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)   Chapter 30

    "Salamat Isha, sabi ko na nga ba't ikaw lang ang makakapagpahinahon sa kanya" niyakap ako ni Megumi. Nandito kami ngayon sa mansyon nila mr. Cane kung saan nakaburol ang labi ni Carmen. Tahimik man si Spencer sa upuan niya ay hindi mapagkakaila ang kalungkutan niya kahit pa sabihing hindi na siya umiiyak. "Nga pala, hinanap ka ulit sakin ni Gil nung nagkita kami last time, hindi mo ba siya tinext?" dagdag niya matapos humiwalay."Hindi eh, nakalimutan ko. Bakit daw ba?" tanong ko."Ewan ko, may gusto yata yun sayo eh" kumento pa niya.Gustodaw.."Ano nga palang nangyari sa inyo kagabi ni Spencer?"A-anonganongnangyari?Anonggusto

  • The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)   Chapter 29

    "Kay Spencer?" bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba."Di namin kayang pakalmahin si Spencer tuwing nagwawala siya kaya pinuntahan kita para tulungan kami, alam kong mahal ka niya kaya alam kong makikinig siya sayo" paliwanag niya. Pero paano kung hindi rin siya sa akin makinig? Natatakot ako.Hanggang makarating kami sa hotel na pagtutuluyan ko pansamantala ay naging tahimik lang ako."Mahalaga kay Spens si Carmen, di man babaeng iniibig pero bilang babaeng naging tunay na kaibigan sa kanya" napatingin ako kay Megumi matapos niyang magsalita sa hangin. "Isha, pasensya ka na talaga pero ikaw lang ang naisip kong makakatulong sa amin"Matapos niya ako maihatid sa kwartong gagamitin ko ay umalis na siya dahil hinahanap na daw siya sa kanila.Nagpagulong gulong ako sa malamb

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status