Share

Chapter 11

I hissed. Kung ayaw niya maniwala, edi huwag.

"I'm not forcing you to believe in it," inis kong pahayag.

I don't want to answer his queries. Bahala na siya mag-isip ng kung ano-anu. 

"Ano pa ang hindi mo sinasabi sa 'kin? May iba ka pa bang tinatago?" Hindi ba siya nauubusan ng katanungan? Sumulyap naman ako sandali sa lalaki, at nakita kong lumakad na siya papalapit sa 'kin.

"Sekreto nga diba? Pag sinabi ko sa 'yo edi hindi na sekret ang tawag doon." 

I heard him uttered 'tsk' at tumahimik na. 

Nakaka-limang subo na ako bago tumigil sa pagkain. Nakakawalang gana kumain.

Naisipan kong lumabas ng silid at bumaba na. Nang makalabas na ako sa mismong bahay at nandito na ako sa front yard ay hindi ko maiwasang mamangha sa mga bulaklak sa paligid. Iba't ibang klase ng bulaklak ang bumungad sa 'kin at ang lulusog ng mga ito.

While admiring those flowers. All of a sudden, someone hold my hand

"Hi po." Napatingin ako sa bata na nasa gilid ko. 

Based on my observation, nasa 2-3 taong gulang pa lang ito. At dahil mahilig ako sa bata, binuhat ko na siya.

Hindi naman ito umayaw sa 'kin, which is good thing. Akala ko kasi iiyak ang bata pag kinarga ko.

"Hello baby, anong pangalan mo?" malambing na tanong ko habang karga-karga ang bata.

Hindi ito sumagot bagkus natatawang pilit nitong inaabot ang buhok ko at sumali naman ako sa tawa niya habang nilalayo ko sa kanya ang buhok.

Nakakahawa ang pagtawa nito, ang cute.

Naisipan kong ibaba ito dahil nangangalay na ang braso ko. Ngayon lang kasi ulit ako naka-buhat ulit ng bata. 

Tumakbo ako nang mabagal, at hinabol naman ako ng bata. Halata mo ang saya na nakaguhit sa mga mata nito habang hinahabol ako.

"Dylan!" Napatigil ako sa pagtakbo dahil sa narinig na pagtawag at ganoon din itong katabi ko.

Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses. I saw a middle-aged woman looking at us, I mean to the kid beside me.

Lumakad na ang hindi katandaan na babae patungo sa kinatatayuan namin hanggang sa nakarating na ito sa harap na namin. Mabilis namang tumakbo ang batang nagngangalang Dylan sa babae at niyakap ang tuhod nito.

"Ikaw talagang bata ka, kanina pa kita hinahanap taposs nandito ka lang pala," sabi nito sa bata na animo'y pinapagalitan.

Nakangiting tumingin sa 'kin ang babae.

"Ngayon lang 'ata kita nakita rito iha, bisita po ba kayo ni Sir Venz?" tanong nito. Tumango naman ako sa babae at kinurot ang pisngi ng batang ito. Nakakagigil kasi ang pagiging cute nito.

"Ako nga pala si Pasing at ito naman si Dylan, apo ko," pakilala niya. Ngumiti naman ako at nagpakilala rin dito.

Lumuhod na ako, at ngayon magkasing tangkad na kami ni Dylan. Tumawa naman ito at yumakap sa 'kin.

"Mommy! Mommy!" Bigla naman akong naguluhan sa paraan nang pagtawag nito.

Tinignan ko si Aling Pasing, lumuhod na rin ito katulad ko at hinagod ang likod ng bata.

"Si Ate Celine mo 'yan."

Dylan didn't listen and kept calling me 'mommy'.

"Nasaan po ba ang mga magulang ni Dylan?" Nakita ko naman ang pagdaloy ng lungkot sa mata ni Aling Pasing, nakokonsensya tuloy ako. 

Kinarga ko na ang bata, at pinabayaan ito sa paglalaro sa buhok. 

"Ayos ka lang po? Sorry, huwag niyo na lang po sagutin ang tanong ko." 

Napailing naman si Aling Pasing at ngitian ako bago magsalita, "Sa kasamaang palad, magf-five months palang si Dylan ay namatay na ang magulang nito sa isang aksidente kaya ako na ang nagpalaki sa apo ko," pagkukuwento niya.

Nakaramdam tuloy ako nang awa sa bata dahil sa maagang pagkawala ng kanyang magulang. Hinagod ko ang likod nito at napag-alamang nakatulog na ito ngayon sa 'king balikat.

Napansin naman 'yon ni Aling Pasing at akmang kukunin na niya sana ang bata ngunit mas lalong humigpit ang yakap ng Dylan kaya wala itong magawa kundi pabayaan.

"Okay lang po, ako na lang ang magdadala sa kanya sa higaan," sabi ko. Tumango naman ito at sabay na kami lumakad papasok ng bahay ni Venz. 

Pagpasok namin, bumungad sa 'min ang pagmumukha ni Venz na may kausap sa kabilang linya.

Binaba naman nito ang cellphone nang napansin niya kami ni Aling Pasing at ang batang karga-karga ko.

Lumapit ito at akmang kukunin na sana ang bata ngunit mabilis kong iniwas 'yon. Natatawa na lang kaming dalawa ni Aling Pasing dahil narinig namin ang pagmura nito sa likuran.

We went inside their room and carefully laid Dylan on the bed. Nagpasalamat naman si Aling Pasing at humingi ng pasensya bago ako lumabas. 

I caught Venz sitting on the sofa while reading a magazine. Pumunta naman ako roon and sat down next to him. He glanced at me and then turned his attention back unto reading.

"Ayos kana?" he asks, still the attention is on the magazine.

I nodded, thanking him for saving my life, and then went back to silent mode.

He put down the magazine he was reading and stared at me. I mean he was looking at my lips! 

When he brought his face closer, I gulped.

"B-Bakit?" utal kong tanong. Kumunot ang kanyang noo at lumayo na.

"Tinignan ko lang kung may sugat ka sa labi, wala naman pala. Did you vomit blood?" 

Tumaas ang kilay ko sa turan nito at tumahimik na lang. Akala ko hahalikan ako nito sa pangatlong pagkakataon. I did not bother myself to answer his query.

Oh? Disappointed ka Celine?

Mabilis akong umiling dahil sa sinabi nang isipan. Bakit naman ako madi-disappoint? Hindi naman masarap ang halik nito.

Liar.

Nakakainis na itong isipan ko, kinokontra ang mga sinasabi ko. Kung pwede lang bumili ng bagong isip, sana ginawa ko na. 

"Ano nga exact address ng lugar na ito?" tanong ko. Natagalan ito bago sumagot. Nang binigay na nito ang address, mabilis kong kinuha ang cellphone at nagpadala ng mensahe kay Naomi. 

"Aalis ka na?" 

Tumango ako sa tanong nito, uuwi na ako. Mabilis kong kinuha ang SIM card nitong cell phone, shuta, baka na-trace na nila ako.

Lumipas ang isang oras, lumapit sa 'min ang guard.

"Sir, may naghahanap po kay Miss Celine," turan nito at tumingin sa 'kin.

"Sino?" curious na tanong ni Venz.

"Naomi po." Pagkarinig ko sa pangalan ni Nao ay tumayo na kaagad ako at akmang lalakad na. Nabigla naman ako nang may humawak sa kamay ko.

Napatoon naman ang tingin ko sa kamay na hawak ni Venz bago tumaas 'yon papunta sa mukha nito.

"Bakit?" naguguluhan kong tanong.

Para itong may gustong iparating.

Umiling naman ito at binitawan na ang kamay bago sumagot, "wala."

"Sure ka? Kung may sasabihin ka, sabihin mo na, sapagkat ako'y lilisan na," paninigurado ko. Umiling lang ulit ito at kinuha ang magazine sa lamesa. Wala naman pala siyang sasabihin, bakit may pa-hawak sa kamay effect pa? 

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. 

Gusto ko sanang magpaalam kay Aling Pasing at kay Dylan kaso tulog pa 'to.

Sa aking paglalakad patungo sa gate, natanaw ko si Naomi sa 'di kalayuan, naghihintay sa 'kin. Nang makalapit ako ay bigla naman ako nitong niyakap ng mahigpit.

Akala mo isang taon kaming hindi nagkita.

You can see in her eyes the extreme concern.

"Anong masakit sa 'yo? Sorry, kasalanan ko ito e' kasi natigil ang pag-iimbestiga. May importante kasing ginawa ang kaibigan ko, sorry talaga Nao." Umiiyak si Nao habang sinasabi 'yon at paulit-ulit na binabanggit ang salitang 'sorry'. 

Hinagod ko na ang likod nito. "Shhh, okay lang." 

Humiwalay na siya pagkakayakap at nakita ko ang mukha nito.

"Yuck! Ang dugyot mo, may uhog pang tumulo." Tumawa na ako.

Napakaiyakin talaga ng isang ito.

She quickly went to the wing mirror and looked at herself.

"Wala namang uhog e'."  Mas lalo naman akong natawa kaya sumama ang timpla ng kanyang mukha.

Later on, naisipan namin na pumasok sa sasakyan niya. Magkatabi kami ni Nao sa backseat habang yakap-yakap ako nito.

"Saan tayo pupunta?" I asks. 

I noticed that we were taking on a different path. Hindi ito ang papunta sa apartment ko nor sa bahay niya.

"You'll stay at our resthouse for a while, so they can't follow you." Aww. I'm very lucky to have a friend like her, very sweet and charming. Hindi ako nagkamali na ituring 'tong kaibigan at kapatid.

"Ang sweet naman ng kaibigan ko, pa-kiss nga sa puwet," pang-aasar ko dahilan upang tingnan ako nito nang masama at nag-action pa siya na para bang nasusuka.

Nagkulitan lang kami sa loob ng sasakyan, hindi na rin masakit ang napuruhang sikmura ko.

Tumigil muna kami sa malapit na fast food chain at nag-takeout. Kumakain habang nasa biyahe. 

Hapon nang narating namin ang resthouse na tinutukoy niya. 

Pumasok na kaagad kami sa loob at dumiretso sa kanyang silid.

Nagsimula naman itong magtanong.

"Hindi mo man lang sinabi sa 'kin na mayaman pala ang naging boyfriend mo," pang-aasar nito. 

"Fake boyfriend," correction ko sa kanyang turan.

"Osige, sabihin na nating fake boyfriend, pero wala ka bang nararamdaman dito? Kahit crush man lang?" 

Crush? Ano ba 'yong crush? Ang alam ko paghanga 'yon sa tagalog diba?

Nagkibit-balikat na lang ako. 

"There's really no such thing in my mind right now. The King will not allow me to have a relationship with a person without royal blood," I stated.

Nag-isip naman ito saglit bago tumingin sa 'kin. "Your mother has no royal blood, pero naging sila ng ama mo. At heto nga, nabuo ka nila."

Hmm...

Pilit kong inaalala ang kwento ng mga magulang ko.

"Sa pagkakaalam ko, may pinagawa ang lolo sa 'king ina ngunit hindi ko malaman kung ano. Ang sabi lang ng parents ko, mahirap daw 'yon."

Tumango-tango naman si Nao, siguro dina-digest nito ang mga nalalaman niya mula sa 'kin.

"Kung gano'n pala, hindi imposibleng maging kayo ni Venz," she said. I rolled my eyes, bakit ba pinipilit niya maging kami noong kumag na 'yon?

"Mukha bang gusto namin ang isa't-isa? Tigilan mo kami Nao ha, may girlfriend na 'yon." Gulat naman ang reaksyon nito sa kanyang narinig.

"What? May girlfriend na 'yon? Bakit ikaw ang ipinakilala sa pamilya? Aba, gago 'yon ah," nanggagalaiting turan niya. 

Sumabog na ako, hindi ko na mapigilan ang sarili na tumawa nang sobrang lakas.

"Kidding aside HAHAHAHAHA." Patuloy pa rin ako sa pagtawa, nainis naman ito sa 'kin kaya binato ako nito nang unan. 

"Walanghiya ka talaga, akala ko totoo." Tuloy pa rin ang paghampas nito sa 'kin ng unan at ako naman ay todo iwas sa kanyang atake. At dahil wala 'ata itong planong tumigil, mabilis kong hinablot ang nakita kong unan sa tabi nito at hinampas ko rin siya. Naghampasan kaming dalawa habang tumatawa. 

Nang mapagod na, kusa na kaming tumigil at nahiga sa kama. Pagod na pagod kami habang nakatingin sa bubong nitong bahay.

"What if one day he would confess his feelings to you? What will you do?" Two simple questions, yet I find it arduous to answer.

"I don't know, tatakbo? Magtatago?" parang tangang sagot ko rito. Umupo naman ito sa kama at niyugyog ang balikat ko.

"Magseryoso ka kasi," nakanguso nitong sabi habang patuloy sa pagyugyog. Tumawa naman ako at umupo rin katulad niya, magkaharap na kami ngayon sa isa't-isa.

"Hindi ko talaga alam, promise." Pinakita ko pa ang nakabuka kong palad at tinaas 'yon. Mas lalo naman itong ngumuso at bumalik na sa pagkakahiga.

"Hindi mo pa alam sa ngayon kasi nasa 'what if' pa tayo pero pag nangyari ang bagay na 'yon, ang masasabi ko lang sa 'yo ay goodluck." Siguro nga may punto ito ngunit ayokong mag-assume na may gusto sa 'kin si Venz. 

One thing is for sure, don't assume things that will lead to disappointment.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status