ALLISON'S POV
Dahil walang pamalit ng damit si Kenneth sa nabasa niyang damit na kagagawan nila CJ ay kailangan niyang umuwi sa kanila. Hindi ko naman siya maiwan-iwan dahil makokonsensya ako kapag ginawa ko iyon. Isa pa, ako ang dahilan kung bakit palaging binubully nila CJ at ng mga kaibigan niya si Kenneth kaya may pananagutan ako sa kanya."Uuwi nalang muna siguro ako, Allison. Hindi na muna ako aattend sa huling klase ko dahil sa ganitong kalagayan ko. Medyo natuyo na nga ako pero basa pa rin ang ilang parte ng damit ko." Sabi ni Kenneth at bumuntong-hininga siya."Sasama nalang ako sa'yo pauwi ng bahay niyo." Nakangiti ko namang sabi.Tila nagulat siya sa sinabi ko."S-sasama ka sa akin pauwi ng bahay? M-may huling klase ka pa, hindi ba? Kaya ko naman ang sarili ko at sanay na ako sa ganitong sitwasyon." Sabi naman niya.I shrugged. "Dahil sa akin kaya ginawa 'yan nila CJ sa'yo. Hindi kita kayang iwan na ganyan ang sitwasyon mo kaya kung okay lang sa'yo ay sasamahan na kitang umuwi sa inyo." Sabi ko at hinawakan ang isang balikat niya.Parang naestatwa naman siya sa ginawa ko at napatitig sa akin. Hindi ko rin maiwasang hindi mapatitig sa kanya at kasabay nun ay ang pabilis ng pabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung ano ba itong nararamdaman ko pero sigurado akong gusto ko talaga si Kenneth. Dahil parang nalulunod na ako sa mga titig niya ay ako na ang unang bumitaw nun at napaiwas nalang ng tingin. Ganon rin siya kasabay ng pagkamot nito sa batok niya."Kung 'yun ang gusto mo. S-sige." Sabi niya nalang. Napangiti naman ako dun.Kinuha ko muna ang bag ko sa classroom namin bago ako bumalik ulit kay Kenneth na naghihintay sa akin mula sa labas."Let's go?" Masaya kong ani.Tumango naman siya at ngumiti saka kami umalis. Kaya ko namang mag-iskip ng isang klase para kay Kenneth at mabuti naman na wala sa paligid si CJ kaya malaya akong masasamahan siya pauwi sa kanila. Kaagad kaming nagtungo sa parking lot ng school namin at pinasakay niya ako sa kotse niya.Nagulat pa ako dahil Volkswagen T-Roc ang kotse nito at alam kong sa India palang ito mabibili na nagkakahalaga rin ng ilang milyon. Alam ko iyon dahil mahilig sa kotse si Kuya Robin at may mga magazines siya na puro mga car models ang nando'n at kapag bored ako sa bahay ay tinitignan ko iyon at binabasa. Mayaman pala talaga ang pamilya nila Kenneth at hindi lang siya isang simpleng mayaman kundi mas higit pa doon."Where did you get this car?" Gulat kong tanong nang nasa loob na kami ng kotse niya."Binigay 'to sa akin ni Dad. Kahit papaano ay may awa pa rin siya sa akin at iniregalo niya sa akin 'to nung birthday ko." Sabi naman niya at pinaandar na nito ang kotse niya.Tumango nalang ako at hindi na muling nagsalita pa. Mabuti pala at kahit papaano ay may care ang Dad ni Kenneth sa kanya. Ilang minuto lang ay inihinto na niya ang kotse niya sa isang bahay o I mean mansyon na sa tingin ko ay ang tinitirhan niya. Bumaba naman kami sa loob ng kotse niya at napanganga nalang ako sa lawak at laki ng mansyon nila Kenneth."Pasok na tayo sa loob?" Tanong niya. Tumango naman ako at kaagad na niya akong hinatak papasok sa loob ng mansyon nila.Pagkapasok namin ay kaagad kaming binati ng mga maids na nakaabang mula sa loob ng mansyon."Good afternoon po, Sir Kenneth." Sabay sabay na sabi nila.Tumango naman si Kenneth. "Good afternoon din. Nakauwi na ba si Kendrick?" Tanong nito sa isang maid na sa tingin ko ay nasa mid 50's na ang edad."Kanina pa siya nakauwi, anak. Nandoon sa loob ng kwarto niya at lasing na lasing. Kahit kailan talaga ay wala nang ginawang mabuti 'yang kapatid mo." Umiiling na sabi nung maid."Ganon po ba? Hayaan niyo nalang po muna siya. Nga pala, Manang Loida, ito nga pala si Allison. Kaibigan ko." Pagpapakilala ni Kenneth sa akin.Ngumiti naman sa akin 'yung maid at hinaplos ang mukha ko na ikinagulat ko. "Ang ganda-ganda mo namang dalaga at napakakinis pa, ineng. Mabuti pala at magkaibigan kayo nito ng alaga ko. Alam mo bang ikaw palang ang ipinapakilala niya sa aming kaibigan niya? Bagay na bagay kayo dahil kung nag-aayos lang itong si Kenneth ay makikita mo kung gaano ito kakisig!" Nakangiting sabi niya na ikinapula naman ng buong mukha ko. Nangingiting umiling nalang si Kenneth dahil sa sinabi ni Manang Loida."Salamat po, Manang Loida." Nahihiyang sabi ko naman."Paano po, Manang Loida. Aakyat na po kami sa kwarto ko." Pagpapaalam ni Kenneth.Tumango naman si Manang Loida. "Kung may kailangan kayo ay tawagin niyo lamang ako, ha?" Tumango lang si Kenneth at pagkatapos nun ay hinila na niya ako paakyat nang kwarto niya.Pagkapasok namin sa loob ay sobrang laki at lawak rin ng kwarto niya. Halos lahat na yata ng kakailanganin niya ay nandito na. Idagdag pa ang mga iba't-ibang klase ng libro na nakalagay sa maganda at malaki niyang bookshelves maging pati na rin ang mga awards niya sa schools ay nakalagay naman sa isang wooden cabinet. He's such a genius and talented guy at hindi na nakakapagtaka kung marami man siyang nahakot na awards at achievements mula sa school."May pagkain diyan sa loob ng ref, Allison. Kumuha kalang ng kahit anong gusto mo. Magpapalit lang ako ng damit." Sabi niya sa akin saka ako nito pinaupo sa mahaba niyang couch. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya."Salamat." Sabi ko.Umalis naman siya at nagtungo na sa banyo niya. Ako naman ay nililibot pa rin ng tingin ang kabuuan ng kwarto niya. Hindi katulad ni Kuya Robin na magulo pagdating sa mga gamit niya ay maayos at malinis naman sa kwarto si Kenneth. Ni wala nga yata akong makitang alikabok o dumi man lang sa mga gamit niya. Mas lalo pa iyong nakapagdagdag ng pogi points niya sa akin at mas lalo ko pa siyang nagustuhan nang dahil do'n. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay lumabas na rin si Kenneth mula sa banyo.Laking gulat ko na ang kaninang nerd na Kenneth na nakita ko ay ibang-iba na sa Kenneth na nakikita ko ngayon. He's wearing a white sando shirt at kitang-kita ko 'yung mga muscles niya sa braso at chest nito. Nakasuot rin ito ng black shorts na hanggang tuhod niya at ang buhok niyang parang Jose Rizal style ay medyo magulo at naka brush-up na. Wala na rin ang suot niyang malaking eyeglasses at talagang napakaganda ng mga mata niya.Napakagwapo ni Kenneth at sa tingin ko nga ay mas gwapo pa siya kaysa kay CJ.Nang makita niya akong nakatitig sa kanya habang nakaawang ang bibig ay napakamot na naman ito sa batok niya pagkatapos ay lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko."Ganito talaga ang ayos ko kapag nasa loob lang ako ng kwarto ko. Nagiging pangit at nerd lang ako kapag nasa labas dahil talagang nahihiya akong ipakita ang tunay kong itsura." Sabi niya."Pero bakit? Kung ganyan ang ipinapakita mong itsura sa labas at sa school natin ay sigurado akong hindi ka pagtatawanan at lalaitin ng ibang tao at siguradong sisikat ka rin katulad ni CJ dahil gwapo ka. You're handsome, Kenneth pero bakit nahihiya kang ipakitang ganyan ang ayos mo?" Concern kong tanong.Ngumiti naman siya ng mapait. "Wala naman akong pakialam sa kung anuman ang itsura ko, Allison. Nasanay na ako sa pagiging baduy at nerdy ko. Ayoko rin na maging sikat sa school natin katulad ni CJ at okay na ako sa ganito kong kalagayan. Hindi ko nga aakalain na kakaibiganin mo pa ako kahit pangit ang itsura ko sa school natin." He chuckled.Hinawakan ko naman ang kamay niya. Nakakatuwa lang na kahit marami pala siyang kayang ipagmalaki sa sarili niya ay hindi niya iyon ginagawa dahil kuntento na siya sa Comfort Zone na gusto niya.Ibang-iba siya sa lahat ng mga lalakeng nakilala ko."Kahit ano pa man ang itsura mo ay tanggap pa rin kita bilang kaibigan ko. You saved me from danger before, right? Kaya nagkaroon rin ako ng malaking utang na loob sa'yo, Kenneth. At isa pa-"Hindi ko naman maituloy ang mga susunod na sasabihin ko. Aaminin ko na bang may gusto ako sa kanya? Paano kung magulat siya sa sasabihin ko? Paano na kung umamin ako ng tunay kong nararamdaman para sa kanya ay layuan niya na ako?"What is it, Allison?" Tanong niya.Umiling nalang ako at hindi ko na itinuloy pa ang sasabihin ko. Mukhang hindi yata maganda na ngayon ako umamin ng nararamdaman ko para sa kanya."W-wala 'yon." Sabi ko nalang saka ako umiwas ng tingin.Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinawakan sa mukha at iniharap sa kanya.He looks so serious right now."Allison, may gusto akong aminin sa'yo at ngayon yata ay ito na ang tamang panahon para sabihin ko 'to." Seryosong sabi niya habang nakatitig ito sa mga mata ko."Ano 'yon?" Tanong ko naman na naguguluhan.Ngumiti siya at sa hindi ko inaasahan ay bigla niya akong hinalikan sa labi na ikinagulat ko. Naramdaman ko nalang ang paghalik niya sa akin habang napahinto naman ako sa sobrang pagkagulat. Hindi pa rin ako tumutugon sa mga halik niya hanggang sa huminto na siya sa paghalik sa akin.Sinapo niya ang buong mukha ko."Allison, mahal kita. Please, let me court you,"At sa sinabi niyang iyon ay hindi na matigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko at sa pag-ikot na kung ano sa sistema ko.He's my first kiss.KENNETH'S POV"Allison, mahal kita. Please, let me court you,"Sa sinabi kong iyon ay napahinto si Allison at bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko. Alam kong hindi niya inaasahan ang pag-amin ko pero sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon para malaman niyang mahal ko siya. Matagal ko rin itinago itong nararamdaman ko at ngayon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para umamin na sa kanya."Kenneth..." Tanging nasabi niya at para pa rin itong naguguluhan dahil sa sinabi ko."Alam kong nabigla ka dahil sa pag-amin ko ng nararamadan ko para sa'yo pero kasi, hindi ko na kaya pang itago 'to lalo na kung palagi tayong magkasama at nagkakausap. Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ako kaagad e, ang sa akin lang gusto kong patunayan sa'yo kung gaano kita kamahal." May determinasyon kong sabi at hinawakan ko ang isang kamay niya.Nakita ko naman ang unti-unti niyang pagluha na ikinaalarma at ikinagulat ko."Hey, why are you crying?" Natataranta kong tanong at pinunasan ang m
ALLISON'S POVAbot langit ang ngiti ko pagkahatid sa akin ni Kenneth mula sa labas ng subdivision ng bahay namin. Gusto pa nga sana niya akong ihatid hanggang sa tapat ng bahay namin pero tumanggi ako dahil baka makita pa siya ni Kuya Robin at mapagbuntunan ng galit. Hindi ko akalain na may gusto rin pala siya sa akin at ngayon nga ay nililigawan na niya ako. I can't hide my happiness right now, Kenneth loves me.Hindi ko maintindihan kung bakit galit sa kanya at hindi sila magkasundo ng kapatid niyang si Kendrick. Mabait si Kenneth pero kabaligtaran naman nun si Kendrick. Kanina ay nakita ko kung paano magalit si Kenneth nang may ibinulong sa kanya si Kendrick na hindi ko alam kung para saan iyon. Naalala ko lang ang sinabi nitong "Don't you ever lay your hands to her! Kahit kapatid pa kita ay malalagot ka sa akin kapag ginawa mo 'yon!" Hindi ko alam kung sino ba ang tinutukoy nila pero may ideya na akong ako iyon.Kahit kailan ay hindi ko nakitang magalit si Kenneth sa kahit na sinu
ALLISON'S POVDumating na rin ang Saturday at ngayon ang first date namin ni Kenneth. Napag-isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Ate Miracle at tama nga siya, I need to fight my rights against from my mother and older brother. Hindi pwedeng habangbuhay nalang nila akong diktahan at kontrolin and I hope na sa desisyon kong ito ay balang araw na matanggap rin nila iyon. Kung kinakailangan na ay hindi na ako mag-aatubiling umalis mula sa poder nila para na rin sa sarili ko.Mga 1pm nang umalis ako ng bahay. Mabuti at wala si Kuya Robin dahil nasa trabaho pa ito at ganoon rin si Mama. Ang usapan namin ni Kenneth ay magkita nalang sa Ayala mall. Nagtaxi nalang rin ako papunta doon at hindi na nagpahatid pa sa driver namin dahil delikado at baka malaman pa ni Kuya Robin na makikipagkita ako ngayon kay Kenneth. Gusto nga sana ni Kenneth na sunduin ako mula sa bahay namin pero hindi ako pumayag.Nang makarating na ako sa mall ay kaagad akong nagpunta sa 2nd floor kung saan tinext sa akin ni Ke
KARL'S POVTinext kami ni Allison at sinabing may ipapakilala raw siya sa amin. May ideya na kaming baka 'yung mga kaibigan niyang sina Hannah at Paula iyon dahil sinabi niya noon na gusto raw kaming makita at makilala ng mga kaibigan niya sa school. Napangiti naman ako dahil saktong aaminin ko na rin kay Allison ang nararamdaman ko para sa kanya. I'm waiting for this right moment at hinding-hindi ko na ito sasayangin pa.Sobra akong nasaktan nung inamin niya sa amin nung malasing siya na may iba na siyang lalakeng nagugustuhan pero hindi ako papayag do'n. Hindi ko hahayaang may ibang lalakeng magmamahal at magpapasaya kay Allison bukod sa akin.I love her very much and I won't let her go.Nagsama-sama ulit kami nila Jude at Rowan sa condo ni Jace. I know that they also like Allison too pero hindi ko alam kung hanggang kailan nila balak itago ang nararamdaman nila para dito pero alam kong hindi rin sila madaling kalaban.Allison texted us na parating na daw sila ng kasama niya. Napaay
ALLISON'S POVMukha yatang hindi maganda na ipinakilala ko ngayon si Kenneth sa mga bestfriends ko dahil nag-away at nagkasagutan pa sila. Maging pati sina Jace at Karl ay nagalit na rin sa akin. Hindi ko tuloy maintindihan kung tama ba itong naging desisyon ko o talagang hindi lang maintindihan ng mga bestfriends ko na may boyfriend na ako at hindi na nila kailangang maging overprotective pa sa akin?Tahimik lang ako habang nagmamaneho si Kenneth pauwi ng bahay namin. Nakita ko kung paano niya kausapin ang mga kaibigan ko at aaminin kong medyo nayabangan ako sa ginawa niyang iyon. Hindi ko naman siya makausap tungkol doon dahil baka maoffend lang siya sa sasabihin ko. Normal lang naman siguro na nagiging ganito si Kenneth dahil girlfriend na niya ako at nagseselos lang siya kila Jude, Jace, Karl at Rowan dahil malapit ako sa kanila.Tama naman ako, hindi ba?"Sigurado ka bang bestfriends mo lang 'yung mga 'yon? It looks like na may gusto silang lahat sa'yo lalo na 'yung Jace at Karl
ROWAN'S POVWeekdays was such a hectic schedule for me. As a co-founder of my parents business company ay nagiging busy na rin ako at nawawalan ng time sa ibang bagay. Idagdag pa ang mga nangyari kahapon sa pagitan namin nila Allison at ng boyfriend niyang si Kenneth. I'm sure that Jace and Karl still can't accept na may bago nang lalakeng magpapasaya at magmamahal kay Allison and I can't blame them dahil katulad nila ay nasaktan rin ako sa balitang iyon.I still love Allison but right now, I can't do something about that.Kasama ko ngayon magwork out sa gym si Jude na kanina pa tahimik at parang malalim ang iniisip. I guess its Allison and like me, he also loves her."Are you okay, Jude?" Tanong ko at inabutan siya nang mineral water after I used threadmill.Kinuha naman niya ang inabot kong mineral water at kaagad ininom iyon ng isang lagukan lang. "I'm still thinking about what happened yesterday. That guy is just like Kendrick but in a worse way." Naiiling niyang sabi at tinanggal
ALLISON'S POVAnother day of classes begins. Sobrang maraming nangyari nitong mga nakaraang araw including na umamin na sa akin si Kenneth na mahal niya ako at naging kami na nga idagdag pa ang pagkamuhi sa akin ng mga bestfriends ko dahil hindi nila matanggap si Kenneth bilang boyfriend ko. Nalulungkot ako and at the same time ay hindi ko alam kung anong gagawin ko para magkaayos ulit kaming magkakaibigan. Hindi ko naman kasi pwedeng hiwalayan si Kenneth nang dahil sa kanila dahil ayoko namang masaktan si Kenneth sa gagawin kong iyon at isa pa, mahal na mahal ko siya at ayoko siyang iwanan ng basta-basta.Pagkatapos kong kumain ng breakfast kasama sina Kuya Robin at Mama ay kaagad na akong lumabas ng bahay at naabutan ko si CJ na nakasandal sa gilid ng kotse niya at mukhang hinihintay ako."Get in." Tipid niyang sabi at kaagad nang pumasok sa loob ng kotse niya.Nagtaka naman ako dahil ang tahimik niya ngayon at mukhang wala sa mood. Mas mabuti na rin ang ganito para matahimik na ang
ALLISON'S POVIsang linggo na ang nakakalipas simula nang maging kami ni Kenneth. Sa ngayon ay maganda at maayos naman ang relasyon namin except nalang sa pagiging seloso at possessive niya sa mga lalake kong kaklase kaya ang ginagawa ko nalang ay hindi na ako nakikipag-usap pa sa kanila lalong-lalo na kay Hiro na Student Council President dahil todo ang pagseselos ni Kenneth sa kanya sa tuwing nagkakausap kami nang kahit lang sa mga school stuffs.Totoo nga ang sinabi ni CJ na hindi na niya ako muling kukulitin o guguluhin pa kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi nila Hannah at Paula maging pati na rin ni Hiro na baka may ibang binabalak si CJ para masira ang relasyon namin ni Kenneth kaya nananahimik na siya. Hindi rin naman siya nagsusumbong kina Kuya Robin at Mama kaya panatag na ako do'n. Baka tuluyan na talagang narealize ni CJ na hindi ako ang babaeng para sa kanya.Isang linggo na rin akong hindi pinapansin ng apat kong bestfriends. They can't still accept na may boyfriend na