ALLISON'S POV
"Allison, gumising ka na nga! Nandiyan si CJ sa baba. Kapag sinungitan mo na naman at pinaalis si CJ dito sa bahay natin ay malalagot ka talaga sa amin ni Mama." Niyugyog ako sa balikat ng nakatatandang kapatid ko na si Kuya Robin para magising ako mula sa pagkakatulog ko.Inis naman akong bumangon at napaupo sa kama ko saka siya hinarap."Pwede ba, kuya? Hindi ko nga gusto si CJ. Napakasama ng ugali niyan at higit sa lahat ay ayoko sa lalakeng bully at arogante. Hindi ibig sabihin na bestfriend mo siya at gustong-gusto siya ni Mama para sa akin ay kailangan ko na siyang maging boyfriend. I don't like him!" Sabi ko.Oo, bestfriend lang naman ng kuya ko si Caleb John Valderrama. Ang lalakeng sinalo na ang lahat ng kayabangan at kaarogantehan sa mundo. Idagdag pa na mayaman ang pamilya nila kaya mas lalo lang iyong nagpadagdag sa mapride at ma ego niyang ugali. Maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya dahil aaminin kong gwapo ito at may magandang pangangatawan pero ekis talaga sa akin ang mga lalakeng may masamang budhi dahil hindi talaga ako tumitingin sa panlabas na kaanyuhan ng isang tao. Kaya nga hindi ako sa kanya nagkagusto kundi kay Kenneth na palagi niyang binubully sa school namin.Si Kenneth lang naman ang nagligtas sa akin sa kapahamakan noong bata palang ako at doon na nagsimula ang pagkagusto ko sa kanya. Hindi man siya maporma o kasing gwapo ni CJ ay gusto ko siya dahil isa siyang mabuting tao at tagapagligtas ko.Tinaasan lang ako ng kilay ni Kuya Robin. "Whether you like it or not, si CJ lang dapat ang magiging boyfriend mo. He's my bestfriend at gusto ko siya para sa'yo. Ayaw rin ni Mama na mapunta ka sa ibang lalake at gusto niyang sa kasing yaman lang natin ang mapapangasawa mo. Kapag may ginawa kang kalokohan ulit ay hindi ako magdadalawang-isip na ikulong ka dito sa kwarto mo." Seryoso niyang sabi pagkatapos ay umalis na siya at isinara ang pintuan ko.Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak. All my life, my brother and my mother are always controlling me. Nagshift ako ng kurso at pumapasok sa school na kung saan ay nandoon rin si CJ dahil ayon ang gusto ng pamilya ko. Gusto nila si CJ para sa akin dahil sa magkasing yaman lang ang pamilya namin at kapag nagmerge ang business ng pamilya niya at pamilya ko ay mas lalo pa silang yayaman doon. My parents are both separated. May ibang pamilya na ang totoo kong Papa at mabait sa akin ang bago niyang asawa na si Tita Merly at half brother ko namang si Enzo. Palagi akong nagsusumbong kay Papa tungkol sa ginagawa sa akin nila Mama at Kuya Robin pero kahit pinagsasabihan ni Papa si Mama at kuya tungkol doon ay hindi pa rin sila mapigil sa ginagawa nila. Wala akong magawa dahil nasa poder ako ni Mama at hindi ko madepensahan at maipagtanggol ang sarili ko.Wala akong nagawa kundi mag-ayos nalang at bumaba mula sa kwarto ko. Naabutan ko naman sa sala si Kuya Robin at CJ na nag-uusap at nagtatawanan. Nang makita nila ako ay kaagad namang tumayo si Kuya Robin at lumapit sa akin."Ayusin mo ang kilos mo, Allison. Maging mabait ka kay CJ." Mahina at may diin na sabi sa akin ni Kuya Robin at pagkatapos nun ay umalis na siya at iniwan na kaming dalawa ni CJ."Come here, Allison. Join with me." Nakangising sabi ni CJ habang prente itong nakaupo sa couch namin na parang hari. Napairap nalang ako at walang nagawang lumapit at umupo sa tabi niya.Napansin ko naman ang sandamakmak na tsokolate at boquet of roses na nasa mesang kaharap namin."Well, pinabili ko nalang lahat 'yan sa assistant ni Dad since hindi ko naman alam ang gusto mo. Do you like it?" Nakangiti niyang tanong at bigla akong inakbayan. Kahit nandidiri ako sa paghawak niya sa akin ay tiniis ko nalang iyon saka tumango."Yes. Thanks." Walang gana kong sabi.He chuckled. "Akala ko mag-iinarte kapa, e. Tanggap mo na bang sa akin ka lang babagsak?" Nakangisi niyang tanong.Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Pinakiusapan lang ako ni Kuya Robin na 'wag kang sungitan ngayon pero hindi ibig sabihin nun na papayag akong maging boyfriend ka. Never na mangyayari 'yon." Sabi ko.Tumawa naman siya sa sinabi ko. "Robin and your mother really likes me for you, Allison even my Mom and Dad too at kahit anong gawin mo ay sa akin at sa akin pa rin ang huling bagsak mo. Kung ako sa'yo, magpaubaya kana lang sa akin kaysa 'yung nag-iinarte ka pa diyan. Ano pa bang mahihiling mo sa akin? Gwapo ako, hot, mayaman, sikat sa school natin at higit sa lahat maimpluwensya kaya wala kanang karapatang mamili ng ibang lalake." Mayabang niyang sabi.Sobrang lakas talaga ng hangin niya sa sarili. Napaka arogante niya at sa tingin niya ay kayang-kaya niya ako o ang ibang tao. Ang tanga nga siguro ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya dahil kahit gwapo si CJ ay sobrang pangit naman ng pagkatao nito kaya hinding-hindi ko siya magugustuhan."Ang yabang mo talaga!" Gigil na gigil kong sabi."Mayabang pala, ha?"Nagulat nalang ako nang bigla niya akong itinulak sa couch at pilit hinahalikan. Nagpupumiglas ako pero masyadong mahigpit ang kapit niya sa mga braso ko at hindi na ako halos makagalaw. Napaiyak na ako dahil ngayon ay ginagahasa na ako ni CJ."Sa akin ka lang, tandaan mo 'yan! Isa pa, layuan mo ang lampang Kenneth na 'yon!" Sigaw ni CJ at pilit niyang hinahalikan ang leeg ko.Napasigaw naman ako at binanggit ang pangalan ni Kuya Robin. Ilang minuto lang ay dumating na si kuya at nanlaki ang mga mata niya sa nakita niyang ginagawa sa akin ni CJ."Kuya, please help me..." Naiiyak kong sabi."Huwag kang mangingialam dito, Robin kung ayaw mong ipatanggal ko kina Mom at Dad ang shares ng kompanya niyo." Sabi naman kaagad ni CJ at lumingon ito kay Kuya Robin.Umiling naman si Kuya Robin at pilit inilalayo si CJ mula sa akin. Nang mapaghiwalay na niya kami ay hinarap niya si CJ na nakatitig na ng masama sa kanya at hinawakan sa balikat nito."CJ, you need to calm down, okay? Sa'yo lang si Allison. Kapag ginawa mo 'yan ay baka matrauma siya sa'yo. Gusto mo ba 'yon?" Sabi nito.Napayuko nalang ako habang umiiyak. Ang akala ko ay pinigilan ni Kuya Robin si CJ sa balak niya sa akin dahil concern siya bilang isang kapatid ko ayon pala ay hindi. All this time ay hindi pa rin niya iniisip ang nararamdaman ko.Huminga naman ng malalim si CJ. "Kapag nakita ko pa siyang kasama ang nerd na Kenneth na 'yon ay mapapatay ko na ang lalakeng 'yon. Sige na, aalis na muna ako at magpapahangin lang. Sabihin mo rin dyan sa kapatid mo na 'wag niya akong artehan ng ganyan." Galit na galit niyang sabi at pagkatapos nun ay pabadog na siyang umalis ng bahay namin.Tinignan naman ako ni Kuya Robin at magsasalita na sana siya nang kaagad akong tumakbo at nagpunta sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko at doon ay umiyak ako ng umiyak. Hanggang kailan ba ako makukulong sa ganitong sitwasyon? Kahit ang kapatid at Mama ko ay hindi iniisip ang nararamdaman ko. Bakit kailangan pang madamay si Kenneth sa init ng ulo ni CJ?I need to talk to somebody at alam kong sila Jude, Jace, Karl at Rowan ang magpapagaan ng loob ko.My four guy bestfriends.Trinity's POVAfter 5 years...Living with the 13 guys was surprising and unexpected for me. Nang nakilala ko ang labin-tatlong lalake at nakasama sa iisang bahay ay doon na tuluyang nagbago ang mundo ko. Sa pagkakakilala ko sa kanila ay marami akong natutunan katulad nalang ng pagsasakripisyo at pag-unawa.Mason or Alec is my bestfriend. Mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Jaden. Noong mga bata palang kami ay siya na ang naging kasama at kalaro ko noon. That was my best happenings in life, ang makilala ko siya.Then Jaden came, ang lalakeng mahal na mahal ko simula noong palang. He has a lot of imperfections pero in the past few years ay natanggap ko na lahat iyon lalo na nung pinatawad siya ni Mason sa naging kasalanan niya.Pagkatapos ng limang taon ay marami na rin nagbago. Madalas ay nag-aaway kami ni Jaden dahil sa pagiging seloso nito pero nasanay na ako sa kanya at nagkakabati rin naman kami sa huli. Alam ko naman na noong una
Jaden's POVLumipas ang isang buwan at naging maayos naman ang lahat sa amin ni Trinity. Sa pagkawala ni Mason ay marami akong natutunan at narealize na mga bagay. Hindi sagot ang inggit at selos sa puso para makapanakit ka ng isang tao. Kung gagawin mo ang mga bagay na 'yon ay kahit kailan ay hinding-hindi ka magiging masaya.Humingi ako ng tawad kay Mason at sa mga magulang niya dahil sa ginawa ko noon sa pamamagitan ng pagdadasal. Sa kabila noon hanggang ngayon ay malaya pa rin akong nagagawa ang mga bagay lalong-lalo na ang mahalin si Trinity.Nandito kami ngayon sa Tagaytay kasama si Trinity, ang TREASURE guys at ang mga kaibigan ni Trinity. Bakasyon ngayon at naisipan naming magpunta ulit dito sa resthouse nila Kyle para makapagrelax man lang. Sa daming nangyari nitong nakalipas na isang buwan ay minabuti nalang naming kalimutan ang lahat at makapagsimula ulit ng bago.Nakangiti kaming dalawa ni Trinity sa isa't-isa habang nakaholding hands
Trinity's POVNasa ospital ako ngayon at nang iminulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang mga nag-aalalang mukha ng TREASURE Guys."Trinity, are you now okay?" Nag-aalalang tanong ni John sa akin.Ngumiti naman ako saka tumango. Natamaan ng basag na vase ang binti ko nang magwala si Mason kaya nasugatan ito at halos hindi ko na maigalaw ang paa ko sa sakit. Isinakay niya ako sa isang wheelchair dahil ipapagamot raw niya ako sa personal doctor niya.Hindi ko aakalaing aabot kami sa ganito at sa pagkamatay niya ay lubos akong nalulungkot para dun. Siya pa rin ang Alec na kababata ko. Siya pa rin 'yung Alec na mabait at mapagmahal sa mga magulang niya. Napaiyak na naman ako na ikinaalarma nila."Trinity, what's wrong?" Tanong ni David at inalo niya ako.Umiling lang ako bilang sagot saka hinarap ang TREASURE Guys."Maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Nasaan na pala si Jaden ngayon?" Tanong ko.Umili
Jaden's POVNapa facepalm nalang ako habang tinatahak namin ang Batangas kasama ang ibang TREASURE Guys. Nang nabalitaan nila sa akin na si Mason ang Alec na tinutukoy ko na kababata namin ni Rinrin ay nagpresinta na rin sila na sumama sa akin para iligtas si Trinity. Ikwinento ko na sa kanila ang lahat para hindi na sila magtaka pa kung bakit dinukot ni Mason si Trinity.Ang sikip ng pwesto namin dito sa Van at dahil ang dami namin sa loob ng sasakyan ay halos hindi na ako makahinga sa sobrang suffocation."Ano ba naman 'yan, John! Pwede bang 'wag kang malikot? Nakita mo na ngang ang sikip-sikip dito tapos para ka pang bulate na inasinan diyan!" Inis na reklamo ni Justin habang katabi si John."Sorry na! Nag-aalala lang naman kasi ako kay Trinity kaya hindi ako mapakali, e." Nakapout niyang sabi."Tsk! Mabuti nalang at wala si Micca dito kundi baka-" David stopped them."Huwag na nga kayong magbangayan dyan. Kahit ngayong araw l
Trinity's POVNagising na lamang ako sa isang madilim na kwarto. Tanging ilaw na lamang na nanggagaling sa bintana ang nagsisilbing ilaw sa kwarto. Nakahiga ako sa isang kama habang nakagapos ang mga paa at kamay ko. May panyo rin na nakalagay sa bibig ko. Naiyak nalang ako nang mapagtanto ko na kung sino ang gumawa sa akin nito.Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at kahit madilim at hindi ko maaninag ang mukha niya ay alam ko na kung sino siya. Lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ng kama. Nakatitig ako sa kanya habang umiiyak habang siya naman ay nakangising nakatingin sa akin."You're still beautiful even if you're crying." Nakatitig niyang sabi sa akin.Takot ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil nakatakip ang bibig ko ng panyo. Hikbi na lamang ang nagawa ko at sumiksik ako sa dulo ng kama gawa ng takot ko sa kanya. Hindi siya ang Mason na nakasama ko sa TREASURE House. Ibang-iba siya. Nakakatakot siya.
Trinity's POVNapag-usapan namin ni Mason na magkikita kami sa Coffee Shop mamayang 8am at iuuwi naman daw niya ako ng 5pm. Mabuti nalang at may pasok si Jaden sa kompanya nila at kaninang 6am pa siya umalis at baka 9pm na rin siya makauwi kaya pasalamat nalang at hindi kami magkikita ngayong araw dahil magiging busy siya sa trabaho niya.7:45am na at nakabihis na rin ako. I wear simple jeans at sleeveless ruffled dress na kulay yellow. Nagdala rin ako ng purse at ready to go na.Nagpahatid ako sa driver namin papuntang Coffee Shop. Nang makarating na ako at makalabas ng kotse ay nakita ko kaagad si Mason sa labas ng Coffee Shop na mukhang naghihintay sa akin. He's very simple when it comes to his fashion. Hindi siya katulad ni Jaden at ng ibang TREASURE Guys na kung todo pumorma. He's wearing a simple gray t-shirt, wristwatch, jeans and rubber shoes pero kahit napakasimple lang ng get up niya ay nakaw atensyon pa rin siya dahil napakagwapo niya. Hindi nga