Share

Chapter 4

JUDE'S POV

"Dude, you're drinking like its the end of the world." Naiiling kong sabi habang pinagmamasdan si Karl na umiinom na halos parang wala nang bukas.

Nandito kami ngayon sa bar at nagbibilliard kasama sina Karl at Jace. Wala si Rowan dahil busy ito ngayon sa career niya bilang co-founder sa company ng parents niya. Pagkatapos ng duty ko sa ospital ng parents ko as a nurse ay kaagad kaming niyaya ni Karl na magpunta sa bar at mukhang alam na namin ang dahilan ng matinding paglalasing niya.

Nalaman namin mula sa bibig mismo ni Allison nung malasing siya na may gusto siya sa nerd na si Kenneth Natividad. Kilalang-kilala namin iyon dahil kapatid siya ng dati naming kaibigan na si Kendrick na trinaydor rin kami sa huli. Karl really likes Allison katulad rin namin nila Jace at Rowan pero siya ang pinaka naapektuhan sa pag-amin ni Allison dahil mas nauna siyang nagkagusto dito. Karl is a type of guy na hindi kaagad makontrol ang sarili kapag nagagalit o naiinis unlike us na kaya pa namin magpasensya at manahimik muna.

"Brokenhearted bro, he's a brokenhearted like us!" Natatawa namang sabi ni Jace habang naglalaro kami ng billiard. Nasa isang sulok naman si Karl at walang humpay pa rin ang pag-inom nito.

"Paano niya kaya nagustuhan ang lalakeng 'yon? We are handsome and better than that guy!" Lasing na lasing na sabi ni Karl at tumawa pagkatapos.

Sandali ko namang itinigil ang paglalaro namin ni Jace ng billiard saka ako lumapit sa pwesto ni Karl at umupo sa tabi niya.

"You know Allison, kaya nga natin siya nagustuhan dahil hindi siya tumitingin sa panlabas na kaanyuhan ng isang tao. Siguro may nakita siyang maganda sa Kenneth na 'yon kaya niya 'yon nagustuhan." Sabi ko naman.

He glared at me. "Bakit? Hindi ba tayo naging isang mabuting kaibigan kay Allison? Bakit kailangan pa niyang magkagusto sa ibang lalake kung nandito naman tayo? I know we all like her since we we're kids at papayag kana lang ba na mapunta siya sa pangit na nerdy na 'yon?" Inis niyang sabi at tinungga ang hawak niyang beer.

Natahimik ako sa sinabi niya and thinking that Allison will be that Kenneth's wife in the future and having a lot of kids ay parang tumaas ang dugo ko nang dahil do'n. Katulad ni Karl ay ayoko rin na mapunta si Allison sa ibang lalake. Tiniis namin ang ilang taon na hindi pag-amin nang nararamdaman para sa kanya at sa isang iglap lang ay makukuha na siya sa amin ng Kenneth na iyon? Hindi naman kami nag-aalangan kay CJ dahil wala namang gusto si Allison sa kanya but Kenneth is different.

He's our biggest threat to Allison's heart because Allison likes him.

Ilang sandali pa ay lumapit na rin sa amin si Jace at itinigil na ang ginagawa niya saka ito umupo sa tabi namin at uminom ng beer na hindi pa nabubuksan ni Karl.

"Kung ako sa inyo, hinding-hindi talaga ako papayag na mapunta si Allison kay nerd. Nakakainsulto kaya na ipagpalit niya tayo sa baduy at walang sense of fashion na lalake kaya kung ako sa inyo ay bakuran na natin si Allison lalo na sa siraulong si CJ." Kibit-balikat niyang sabi.

He's right. Ngayon na alam na namin na may ibang lalake nang nagugustuhan si Allison ay hindi kami makakapayag na makuha siya ng iba sa amin lalong-lalo na sa Kenneth at CJ na iyon.

Allison is ours.

CJ's POV

"Alis!" Sigaw ko sa mga estudyanteng paharang-harang sa dinadaanan ko.

Kaagad naman silang natakot pagkakita sa akin kasama sina Laurence at Gene sa likod ko at unti-unting hinawi ang daan para sa amin. Sa sobrang inis ko sa ginawa ni Allison kanina ay napagbuntunan ko na naman ng galit ang estudyanteng lalakeng lampa na nakita ko lang kanina. Binantaan ko ito na huwag magsusumbong sa ginawa namin sa kanya kundi patatahimikin ko siya ng wala sa oras. Ang duwag naman ay natakot at alam kong hindi na iyon magsusumbong pa.

Walang bumabangga sa isang CJ Valderrama dahil alam lahat ng estudyante ng St. Claire ang mga kaya kong gawin 'wag lang nila akong lamangan at higitan sa lahat. Ako ang pinakagwapo at pinakasikat sa school na ito at alam rin ng lahat na ang grupo namin nina Laurence at Gene ang pinaka delikado sa buong bayan namin.

Sinagad na naman ni Allison ang pasensya ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil sa pakikipag-usap at paglapit sa mahina at lampang nerd na Kenneth na iyon at ang gago naman hanggang ngayon ay hindi pa rin iniiwasan si Allison kahit ilang beses na namin siyang ipinahiya at pinagtripan sa school nina Laurence at Gene.

Alam kong nasa loob lang rin ang kulo ng Kenneth na iyon. Nakikita ko na sinasadya niyang ipahiya at pagtripan ko siya palagi para magpaawa kay Allison. Kung anuman ang mga lihim niya ay madidiskubre ko rin iyon.

"I can't believe it bro. Sa lahat ng magugustuhan niyang future wife mo ay si Kenneth pa talaga ang natipuhan niya? That's a big insult to you!" Sabi ni Gene at nakipag-apir pa kay Laurence.

Hindi na kami pumasok sa unang klase namin at nagcutting classes nalang. Wala na rin ako sa mood na mag-aral pa pero nang dahil kay Allison at para mabantayan ko rin siya sa mga lalakeng magtatangkang umaligid sa kanya ay pumapasok pa rin ako. Sa katunayan nga ay kayang-kaya ko namang makagraduate kaagad ng college dahil matalino naman ako pero gusto kong maabutan si Allison kaya hanggang ngayon ay 4th year college pa rin ako. Isa na rin sa dahilan ay ang paulit-ulit kong pakikipag-away sa mga mapagtitripan naming i-bully ng mga kaibigan ko.

Sinamaan ko naman sila ng tingin na ikinatahimik nila.

"Mga bugok! Malamang ginayuma ng Kenneth na 'yon si Allison kaya may gusto sa kanya 'yung girlfriend ko." Sabi ko naman saka hinithit ang hawak kong sigarilyo. Nasa school grounds kami ngayon tumatambay at nagpapalipas ng inis at galit ko.

"Girlfriend? Hindi pa naman kayo ni Allison, right? Kaya bakit mo sinasabing girlfriend mo na siya? Manliligaw ka pa lang niya, CJ." Tumatawa namang sabi ni Laurence.

Uminit naman kaagad ang ulo ko dahil sa sinabi niya. "What did you just say?"

Akmang sasapakin ko na sana ito nang napigilan naman ako ni Gene.

"Bro, relax. Kumalma ka nga. Kaya ka iniiwasan ni Allison dahil dyan sa sobrang ikli niyang pasensya mo, e. Ikontrol mo nga 'yang pagiging hot headed mo at baka tuluyan na siyang maturn off sa'yo." Sabi naman ni Gene habang hinahagod-hagod nito ang likuran ko upang kumalma ako.

Huminga naman ako ng malalim at sinamaan ng tingin si Laurence na napailing nalang.

"Yeah, hindi ko pa siya magiging girlfriend pero doon na rin naman ang punta nun. Ipinagkakanulo na nga siya sa akin ni Robin at ng Mom niya kaya wala na siyang choice kundi ang tanggapin ako sa buhay niya." Mariin kong sabi pagkatapos ay tinapakan na sa sahig ang hawak kong sigarilyo.

"Ipagpalagay na nga nating ipapakasal ka sa kanya pero papayag ka bang pakasalan ka lang ni Allison dahil lang sa gusto ng kapatid at mama niya at hindi dahil sa mahal ka niya?" Tanong ni Laurence na ikinatahimik ko.

Mga bata palang kami ay may gusto na ako kay Allison. Siya at si Robin lang ang nag-iisa kong kaibigan noon at naalala ko pa 'yung mga oras na palagi kaming magkasamang naglalaro at namamasyal sa kung saan-saan. Nabago lang ang lahat ng iyon nang mamatay ang lola ko dahil na rin sa sobrang katandaan nito. Ang lola ko lang ang tumayong totoo kong magulang at nagmahal sa akin dahil sobrang busy sa trabaho at halos hindi na rin ako maasikaso nina Mom at Dad. Doon na ako nag-umpisa maging rebelde at maging selfish pagdating kay Allison dahil siya lang noon ang kaisa-isang taong nagmalasakit at nagmahal para sa akin. Sa pagbabago ko ay tuluyan na niya akong nilayuan at hindi ko na maibalik pa ang kung ano man ang mayroon kami noon.

I know that she doesn't really love me at parang isang kapatid lang ang turing niya sa akin noon but I don't care. As long na sa akin siya at hindi na makukuha pa ng ibang lalake ay sisiguraduhin kong sa akin lang ang bagsak niya.

"Wala akong pakialam kung hindi niya ako mahal. Ang mahalaga ay sa akin lang siya." Sabi ko habang nakatitig ng mariin sa upos ng sigarilyong tinapakan ko.

Humalukipkip naman si Laurence. "Pero tandaan mo, marami kang karibal kay Allison. Hindi lang si Kenneth maging pati na rin 'yung apat niyang bestfriends." at tinaasan ako nito ng kilay.

Napayukom ang mga kamao ko dahil do'n. Hindi ako tanga para hindi malaman na may gusto rin sila Jude, Jace, Karl at Rowan kay Allison. Nakipagbugbugan na nga ako noon kay Karl dahil inamin niya sa aking mahal niya si Allison pero wala silang magagawa dahil ako lang ang karapat-dapat para kay Allison.

Umiling nalang ako at tumayo ng tuwid mula sa pagkakasandal ko sa puno.

"Wala silang magagawa dahil sa akin lang si Allison. She's mine and mine alone."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status