SIMON'S POV “Let him go Travis!” galit na turan ni Daddy sakaniya habang bumaba ng hagdan. Pabalang akong binitawan ng magaling kong kuya. Napangisi ako habang tinitingnan siyang magtagis ang mga bagang. Dumistansya siya saakin at bumaling ng tingin kay Daddy. Hindi nagbabago ang anyo niya, matalas pa rin ang mga mata. I know he's cursing us in his mind! “Ano na naman ang pinagtatalunan nyo?” punong puno ng otoridad na tanong ni Daddy habang nagsasalitan ng tingin saaming dalawa. “Why don't you ask your favorite bastard son?” sarkastikong tanong ni Travis kay Daddy saka kami akmang tatalikuran ng hawakan siya ni Daddy sa isang braso para pigilan. “Don't turn your back on me while I'm still talking to you, Travis! You really don't know how to respect your father! Nilingon siya ni Travis. “Why should I respect the man who doesn't know how to respect my mother?” sarkastiko pa rin nitong sagot kay Daddy. Natigalgal si Daddy at tila naumid ang dila. Iwinaksi naman ni Travis ang kam
SIMON'S POV “Wuy, sino yang tinititigan mo?” napapitlag ako ng biglang sumulpot si Cristof sa tabi ko. “Bat ba bigla ka na lang sumusulpot?” asik ko sakaniya saka ibinalik ang tuon ko sa babaeng naka kuha ng atensyon ko. Nasa ilalim ako ng puno ng Mangga nagpapahinga ng makuha ang atensyon ko ng isang babaeng may bitbit ng ilang rim ng bond papers. “Xerox girl! Andyan ba yung akin?” salubong sakaniya ng isang lalaki na marahil ay classmate niya. “Jonas, mag tigil ka nga. Wala kang binigay kahapon na bayad kaya hindi ka kasali.” sagot niya. “Ang damot naman nito! Dapat pag ganiyan, inaabunohan mo muna. Babayaran naman kita eh.” “I'm sorry Jonas but business is business. Hindi ako bumbay na may pang abono kaya sorry na lang.” mataray niyang sagot. “Damot mo. Matisod ka sana.” Dahil sa dami ng bondpapers na kaniyang dala ay di niya nakita ang sanga. Natapakan iyon ng isang paa niya habang ang isang paa naman niya ay sumabit sa sanga. Ang bilis ng karma, natisod nga siya! Nagk
AVERY'S POV “Hindi pumasok sa last subject si Simon. Mukhang kagabi pa siya wala sa mood, Avery.” tugon ni Cristof. “Umuwi na kaya siya?” medyo malungkot kong tanong. Sayang naman, hindi ko rin pala siya makakausap ngayon. “Palagay ko hindi pa. Kanina nandon siya sa rooftop. Subukan mong puntahan.” aniya saka ako tinapik sa balikat at lumakad na sila ng kaniyang kasama. Sa fire exit na ako dumaan at nag hagdanan na lang. Syempre natatakot akong mag elevator dahil baka mamaya bigla na lang maulit yung nagyari samin ni Simon sa elevator. Paano kung ako lang ang sakay ng elevator tapos biglang mamatay yung ilaw sa elevator at mag stop, tas pag balik ng ilaw nasa loob na si Sadako? Ngee... Takot ako!! Hingal kabayo ako ng makarating sa pinaka rooftop. Sixt floor ba naman itong inakyat ko eh! Ewan na lang kung hindi lumawit ang dila ko! Nagpalinga linga ako sa paligid hanggang sa makita ng mga mata ko ang taong itinitibok ng puso ko. Naroon siya sa may sulok nakaupo, nakasand
AVERY'S POV May sanib yata si Papa at sobrang bait ng pakikitungo kay Mr. Travis. “Ahm, Papa ako na po ang maghahatid kay Avery sa school niya.” paalam pa ni Mr. Travis sa tatay ko. “Hindi ba nakakaabala sayo ijo?” tanong ni Papa na naupo na sa harapan ko. “Hindi naman ho. Ako ho ang CEO ng aming kumpanya kaya any time pwede akong pumasok, besides wala naman akong scheduled meeting ngayong araw na ito.” Napaawang ang bibig ni Papa sa sinabi ni Mr. Travis. Talagang nagpapa impress siya sa tatay ko at nagawa pang ipagmalaki na isa siyang CEO. “C-CEO ka?” kanda utal na turan ni papa habang namimilog ang mga mata. Tumango naman si Mr. Travis habang nakangiti. “Opo, meron po kaming shipping lines na nag o-operate globally and-.” “Ahm, maliligo na po ako at gagayak.” singit ko naman sa usapan nila saka tumayo na. Nagpunta ako sa kwarto namin para kumuha ng pamalit na damit. Hindi ko na kasi kinakaya ang kayabangan ni Mr. Travis. Kailangan ko na siyang mapaalis sa bahay nam
AVERY'S POV Kapwa kami kinakapos ng hininga ng tigilan niya ang labi ko. Habol ko ang aking hininga na nag iwas ng tingin sakaniya. “Bakit mo naman ginawa yon?” mangiyak ngiyak kong turan habang pinupunasan ng likod ng palad ko ang aking bibig. Isinandal niya sa headrest ng sofa ang kaniyang ulo saka pumikit. “I'm sorry, hindi ako nakapag pigil. Kung alam mo lang kung gaano ako nagtitimpi.” napalayo ako ng bahagya sakaniya pero agad niyang hinapit ang balakang ko palapit muli sa tabi nya. “Just stay here beside me, I promise, hindi ko na yon uulitin ng walang pahintulot mo.” aniya saka ipinatong ang kaniyang ulo sa balikat ko. “A-anong ginagawa mo Mr. Travis?” kinakabahan kong tanong. “The effects of the alcohol are kicking in on me. I'm feeling sleepy. Can you let me lean on your shoulder? I just want to rest on your shoulder until I fall asleep.” Hindi na ako nakapag protesta pa ng mapansin kong bumibigat na ang kaniyang pag hinga at tuluyan na ngang nakatulog sa b
AVERY'S POV Nasa loob na ako ng kwarto ni Mr. Travis. Grabe amoy na amoy yung pabango niya dito sa kwarto niya. Tila nanunuot sa ilong ko ang masculine perfume niyang gamit pero hindi naman iyon sobrang tapang. Ang sarap nga langhapin e. Wala namang gaanong gamit dito sa loob, maliban sa isang 52 inches na tv, side table sa tabi ng kama at isang long couch. May dalawang pinto rin sa loob ng kwarto niya. Siguro yung isa comfort room habang yung isa ay walk in closet. Ganon naman pag mayayaman diba? May pa walk in closet! Simple lang ang interior design ng kwarto niya. Dark gray na may highlights na gold. Napapitlag ako ng biglang bumukas ang pinto at sumandal sa may hamba si Mr. Travis. May hawak siyang baso na may alak. Lasengero naman tong lalaking to! Sayang gwapo pa man din! Di ba siya nagsasawa kakainom? Sabi nila kapag problemado daw ang isang tao, mahilig uminom ng alak. Iyon kasi yung nagiging Cop-out nila para takasan ang problema. May problema kaya siyang dinadal