AVERY'S POV"Avery, anong sabi sayo ni Sir Pogi?" Usisa saakin ni Weng.Nasa service counter kami ngayon at nagpapasa ng order ng mga customers namin ng lapitan niya ako. Isa kasi siya sa mga naka assign na mag assist ng mga customers sa second floor, maliban na lang kung ni-request ng customer ang iba saamin na mag-entertain sakanila.Malamang nakita niya ako na kausap si Kuyang Pogi kanina o Mr. Travis."Hmm.. masyado kasing kumplikado ang mga napag-usapan namin.""Sus, kumplikado ka dyan! Alam mo, masanay ka na. Karaniwan na lang saatin dito ang i-request ng mga customers noh! Alam mo bang ang swerte mo dahil nagka interest sayo si Mr. Travis ha?""Swerte? Paano mo naman nasabi?" isinandal ko ang balakang ko sa counter, para makapag pahinga kahit papano."Girl wala ka ba talagang alam tungkol sa kaniya? Alam mo bang bukod sa yummy siya ay isa siya sa pinaka mayamang businessman sa bata niyang edad? Balita ko rin na siya ang tagapag mana ng kanilang angkan! Tsaka alam mo, iyang si M
3RD PERSON'S POV"Sino bang tinitingnan mo diyan pre?" Kuryosong tanong ni Uno sa kaibigan ng mapansin itong nakatingin sa ibabang palapag ng Bar.Kanina pa siya kwento ng kwento sa lalaki pero tila hindi naman ito nakikinig sa kaniya. Nasa gilid ng rehas ng second floor sila naka pwesto, sa may dulong bahagi ng VIP table. Ito ang favorite spot nila ni Travis kapag pupunta dito sa Bar dahil mula sa kinauupuan nila ay tanaw nila ang kabuoan nito.HIndi siya sinagot ni Travis sa kaniyang tanong. Madilim ang anyo nito at panay ang galaw ng mga panga. Base sa inaasta nito ay tila hindi ito natutuwa sa kung ano man ang kanina pang pinagtutuunan nito ng atensyon.Ngayon niya mas napatunayan na kanina pa nga ito hindi nakikinig sakanya."Tsk!" naiiling na lang niyang palatak ng sundan ang tinitingnan ni Travis.Nakatitig ito ng mataman sa isang babae na mukhang bago lang sa kanilang paningin. Madalas sila rito kaya kilala na nila lahat ng empleyado dito, Halos lahat kasi ay naikama na niya.
AVERY'S POV"Yung mga candidate ng Ms. Intramurals, pumila na kayo dito sa unahan." Tawag ni Ms. Minchin, saamin.Ganon na lang ang kabog ng dibdib ko ng mapatingin si crushy sa gawi ko. Kahit pa halos mangatog na ang tuhod ko sa kaba ay nagawa ko pa ring lunmatod kay crushy.. Nag wave ako sa kanya at nag flying kiss sabay kindat.Kakainis! inirapan lang ako!Isa isa ng rumampa ang bawat class represantatives.. Hindi ako nag practice kaya naman hindi ko alam kung paano ako rarampa sa stage.. Ah! bahala na.. gagayahin ko na lang yung baklang nanalo saamin ng Ms. Gay!Sabi naman ni Ms. Minchin, manalo-matalo ay uno ang ibibgay niya saaking grades."Hoy, Xerox girl galingan mo ha!" mahinang turan ng partner kong si Xander."Sus, ako pa ba?" mayabang kong sagot."Yabang ah!" naka ngisi niyang turan."Aba syempre! May ipagmamayabang e." saka kami nagtawanan na dalawa.Naisara ko ang bibig ko ng makita kong nakatingin ng masama saakin si Simon. Ano na naman bang problema niya saakin?Nagses
AVERY'S POVNanlalabo ang mga mata kong nag dilat.. Malabong imahe ng isang lalaki ang aking nakita."Simon.." tawag ko sa pangalan ng lalaking mahal ko.Bigla kong naalala ang huling nangyari saakin bago ako mawalan ng malay, Agad akong napabangon kaya naman nauntog ako sa ulo ng isang tao na nakadukwang saakin."Ouch!" nakayuko niyang daing sapo ang kaniyang noo. Nakaupo siya sa gilid ng higaan koNakasuot siya ng white suit.. Saan naman kayang kasalan umatend ang isang ito? Ang gara ng suot niya! Para siyang mayamang Businessman sa mga pocket book na nababasa ko.Teka, nasaan nga pala ako?Nagpalinga-linga ako. Puti ang kulay ng buong silid. May Sofa na kulay puti na nakapwesto malapit sa pintuan. Dumako naman ang mga mata ko sa kamay kong may naka tusok na dextrose. Nasa isang silid kaya ako ng isang hospital?Nang mapalingon ako sa lalaking nasa harapan ko ay saktong nag angat naman siya ng mukha. "Nasa langit na ba ako?" wala sa sarili kong naiusal. Para kasi siyang Anghel na n
AVERY'S POINT OF VIEW"Ate Catherine..""Tao po..""Ate Catherine.."Nakailang katok na ako sa pinto ng bahay ni ate Catheryn ngunit wala pa ring sumasagot. Aba'y uugatan na ako saaking kinatatayuan pero mukang wala syang balak na pag buksan ako. Alam kong may tao sa loob dahil nakakarinig ako ng buduts na tugtog galing sa loob ng bahay niya.Mukhang nagbubuduts pa ang hinayupak! Hintayin ko muna matapos yung tugtog bago ulit ako kakatok. Patatapusin ko muna siyang sumayaw, Haha.Nang mag iba na nga ang tugtog ay nilakasan ko na ang katok ko sa pintuan niya. Linakasan ko na rin ang tawag sa pangalan niya para lang marinig niya pero wala pa ring nag bubukas ng pinto.Ayaw mong lumabas ah! tingnan ko kung di ka pa lumabas ngayon..Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa gilid ng bibig ko saka ako humiyaw ng malakas! "Sunog! mga kapit bahay may sunog!" dahil sa hiyaw ko ay di lang si Ate Catheryn ang lumabas pati na rin ang buong kapit bahay niya!"Wuah! may sunog daw! sunog!" taranta na ri
AVERY'S POV“Anak mo ba yan Nora? Apaka ganda naman pala ng anak mo! Ang kinis at parang labanos sa kaputian!” bulalas ng isang babaeng bumili saamin ng banana q ni Mama. Araw ng sabado ngayon at wala akong pasok. Pag ganitong mga araw ay tinutulungan ko si Mama mag lako ng mga paninda niyang miryenda.“Oo anak ko nga yan!” proud na sabi ni Mama.Yung ngiti ko naman ay abot na yata hanggang tutuli ko. Ay mali, tenga pala! Hehe.. Ito talaga ang gusto ko kapag sumasama ako kay Mama mag lako ng paninda.. Yung reaction kasi ng mga bumibili saamin ay daig pa nila ang nakakita ng artista.. Relax lang kayo, ako lang toh.. Haha!“Nay Nora, baka naman pwede nyo akong ipakilala dyan sa anak nyong maganda.” turan ng binatang tambay sa hinintuan naming tindahan.“Ay naku Betong, nag aaral pa yang anak ko.” turan ni Mama na inilapag sa harapan nila ang basket naming dala.“Papakyawin ko na yang paninda mo Nay, payagan mo lang akong ligawan ang anak mo.” pangungulit pa niya.“Naku, Betong, hindi mo