Share

CHAPTER 7

Author: Miss A.
last update Last Updated: 2025-08-05 21:34:06

AVERY'S POV

"Yung mga candidate ng Ms. Intramurals, pumila na kayo dito sa unahan." Tawag ni Ms. Minchin, saamin.

Ganon na lang ang kabog ng dibdib ko ng mapatingin si crushy sa gawi ko. Kahit pa halos mangatog na ang tuhod ko sa kaba ay nagawa ko pa ring lunmatod kay crushy.. Nag wave ako sa kanya at nag flying kiss sabay kindat.

Kakainis! inirapan lang ako!

Isa isa ng rumampa ang bawat class represantatives.. Hindi ako nag practice kaya naman hindi ko alam kung paano ako rarampa sa stage.. Ah! bahala na.. gagayahin ko na lang yung baklang nanalo saamin ng Ms. Gay!

Sabi naman ni Ms. Minchin, manalo-matalo ay uno ang ibibigay niya saaking grades.

"Hoy, Xerox girl galingan mo ha!" mahinang turan ng partner kong si Xander.

"Sus, ako pa ba?" mayabang kong sagot.

"Yabang ah!" naka ngisi niyang turan.

"Aba syempre! May ipagmamayabang e." saka kami nagtawanan na dalawa.

Naisara ko ang bibig ko ng makita kong nakatingin ng masama saakin si Simon. Ano na naman bang problema niya saakin?

Nagseselos kaya siya? ee.. kinikilig ang tingg*l ko! haha..

"And for the Mr. Intramurals representative of the Poltical Science class, Mr. Simon Anthony Dela Torre!" anunsyo ng Professor namin na tumayo bilang MC.

Nahigit ko ang hininga ko ng simulan ng rumampa ni Simon sa stage.. My goodness makalaglag panty ang bawat niyang galaw!

"Go, Simon my Love!" cheer ko sakaniya.

Lahat sila ay napatingin saakin. Maging ang mga professors namin ay tila ba aliw na aliw sa pag chi-cheer ko.

siniko naman ako ng partner kong si Xander. "Langya ka! Ako ang partner mo, iba ang chini-cheer mong manalo!" may himig ng pagtatampo niyang sita saakin.

"Eh, sorry naman! Mahal ko yan eh.." tugon ko saka nag peace sign sakaniya.

"Whuaahh! Simon ko yan!" proud kong hiyaw ng magsaliat ito at magpakilala.

"Aba! mukhang may No.1 fan si Mr. Simon dito ah!" puna ni Prof. MC.

"Hindi niya po ako fan.. Ako po ang future wife niya.. hehe!" kinikilig kong tugon.

"Geh, Push mo pagiging delulu mo teh!" Hiyaw ni Andrew

Binelatan ko naman siya. Inggit ka lang kasi ako may kiffy, ikaw wala! haha.. tyak sasabunutan niya ako pag sinabi ko yon sakanya.

Nadako ang tingin ko sa mga Judge na invited sa event na ito dahil kanina ko pa nararamdaman na may nakatingin saakin.

Napaawang ang bibig ko ng makita kong muli si Kuyang Pogi!

Hala! Anong ginagawa niya dito? Sa gawi ko siya nakatingin.. Ako bang tinitingnan niya?

Bigla akong nakaramdam ng hiya at sumiksik sa partner ko para itago ang mukha ko!

Dahil sa super concious na ako ng malamang narito si Kuyang Pogi ay distructed na ako. Hindi ko na nga namalayan na ako na pala ang sasalang sa stage.

"And for The Ms. Intramurals representavive of the Information Technology class, Ms. Avery Cruz!" tawag saakin ng MC.

Kahit pala mag tago ako sakaniya ay makikita at makikita niya pa rin ako dahil kailangan kong rumampa sa stage! Bahala na nga! Wish ko lang di niya ako makilala.

Lahat ay nag hiyawan ng simulan ko ng rumampa sa stage.

"Whooo! Go Xerox Girl!" sigaw ng mga classmates ko.

Kumaway ako saknila at nag flying kiss saka kumindat! Talagang ibinuhos ko na ang kalandian ko sa stage at nag ala Catriona Gray, na nag Lava walk! Wish ko lang talaga hindi ako nag mukhang ewan sa ginawa ko.. hehe..

Dinig ko ang malakas nilang hiyawan! Mukhang nakuha ko ang simpatya ng karamihan!

Sa huli nga ay ako ang tinanghal na Ms. Intramurals at si Simon naman ang Mr. Intramurals.

"Ayan na Ms. Avery, kayo na ang tinanghal na Mr.& Ms. Intramurals ng crush mo!" tudyo saakin ng professor na nag MC.

"Yes, prof! winner na winner po talaga!" sagot ko saka ngumisi kay Simon na ang hitsura ng mukha ay parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Ang ingay mo, nakakahiya ka!" mahina niyang asik ng ilapit niya ang mukha niya saakin.

Dahil hindi naman nila narinig ang sinabi saakin ni Simon ay inakala nila na sweet kami sa isa't-isa kaya nagtilian sila.

"Ayee.. mukhang love is in the air ah.." tudyo pa ni Prof. MC.

Plastic naman na ngumisi si Simon sakanila. Sinamantala ko naman ang pagkakataon at ikinawit ko ang kamay ko sa braso ni Simon.

"Wuy, tama na yan girl! baka naman mabura na si Simon dyan sa picture na hawak mo." sita saakin ni Fiona.

Hindi ko na kasi tinigilang halikan ang picture namin ni Simon na magkasama kaming dalawa sa stage. Kuha iyon kanina ng manalo kami sa event. Tapos na ang MR. & MS. IINTRAMURALS pero hindi pa rin tapos ang sports activity. Nandito kami ni Fiona sa isang bench sa ilalim ng punong accassia nakatambay dahil wala naman kaming sinalihan sports competition.

"Grabe beshy! Dream come true talaga! Baka hindi ako makatulog nito mamaya!" Masaya kong bulalas.

"Obvious nga!" medyo bitter niyang tugon.

"Ikaw naman, bat parang di ka happy?" sita ko sakanya.

"Pano, nakakadiri kana.. puro laway na yang picture nyo oh.." aniya na tila nandidiri.

Matapos ng event ay umuwi na rin kami ni Fiona.

"Bye! Beshy.." Kaway niya saakin ng makasakay siya sa kotse nila.

"Bye! see you tomorrow!" kaway ko din sakaniya.

Sumakay na ako ng jeep papunta naman sa bago kong trabaho. Alas kwatro y media ay nasa labas na ako ng Bar.

hinanap ko ang employee's entrance.

"Miss, anong kailangan mo?" puna saakin ng guard na nakatayo sa isang maliit na pinto sa pinaka dulong bahagi ng labas ng bar.

"Ahm, kuya ito po ba ang employee's entrance nitong bar?" tanong ko sakanya.

"Bakit mo tinatanong Miss?" sahalip ay tanong niya rin saakin.

"Eh, kasi po, Pinapunta po ako dito ni Ate Catherine.. Isa na rin po kasi ako sa magiging empleyado nitong bar. Kumbaga po, first day ko po ngayon." paliwanag ko

"Si Catherine Flores ba ang tinitukoy mo?"

Napakamot ako saaking noo. Patay! HIndi ko alam ang apilyido ni Ate Cathy.

"Eh, kuya diko po alam apilyido ni-"

"Avery nandito ka na pala. Ang aga mo ah!"

Napalingon ako sa likuran ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Ate Catherine.

"Kuya Bogs, Si Avery yan, bago nating waitress." imporma niya kay Kuyang guard.

"Ah, ganon po ba Ma'am? Sige po, pasok na po kayo." Turan ni Kuyang Guard saka binuksan ang pinto.

Namangha ako ng makapasok sa loob ng bar. Ito ang unang pagkakataon na makapasok ako sa ganitong lugar. Malawak ang loob. Dahil wala pang mga customers ay nakapatong pa ang mga stool sa mga lamesa. May malaking stage din sa gilid na may tatlong poles sa gitna.

"Alas syete pa talaga ang bukas ng bar na ito, pero 5 pm ang pasok ng mga empleyado para makapag prepare pa." Turan ni Ate Cathy habang inililibot niya ako sa loob nitong Bar.

"Let me remind you Avery, isa itong High-end Bar. Ang mga clients dito ay mga mayayamang tao. Mga Bilyonaryo ang kadalasang umiinom dito, kaya kailangan may class din ang bawat galaw mo. Maliwanag ba yon?" Tanong niya saakin.

"Copy, Ate." sagot ko.

"Sa itaas ang VIP area. Naroon din ang ating mga VIP Rooms kapag gusto ng clients ng privacy. Ang trabaho mo dito ay mag serve ng mga alak at pulutan ng mga customers. Syempre, kukunin mo din ang mga orders nila. Nasa sayo na kung gusto mong mag patable, additional payment yon para sakanila at syempre kung gusto mo ring sumama para ilabas nila or ikama, nasa sayo na din iyon. May mga VIP rooms naman tayo dito just incase na ayaw nyong lumabas at kung gusto mong dito na lang kayo mag s*x."

Napaawang ang bibig ko sa mga sinabi niya. "Eh, ate.. wala naman po akong balak magpa ganyan.. Ang usapan lang po natin ay mag we-waitress lang po ako dito diba?"

Bigla ay tumawa siya. "Sinasabi ko lang sayo, dahil malay mo mag bago ang isip mo lalo pag na-offeran ka ng malaking halaga. Alam mo kasi, marami na rin akong ipinasok dito na ganyan ang sinabi saakin, pero ngayon, naku! sila pa ang nago-offer sa mga clients ng kanilang sarili." mapanuya niyang turan.

Napag lapat ko ang aking bibig at hindi nakakibo.

"Virgin ka pa ba?" bigla ay tanong niya saakin.

"Ah..O-opo." alanganin kong sagot.

"Sabi na eh, kaya ganyan reaction mo. Alam mo Avery, maganda at makinis ka. Kaya nga kita in-offeran dito kasi ganyang klase ng mga mukha ang gustong-gusto ng mga clients namin dito. Swerte mo biniyayaan ka ng maamo at magandang mukha. Magagamit mo yan para pagkakitaan. Di kita pipilitin kong ayaw mo magpa table or take-out sa mga clients pero kapag nagbago ang isip mo, sabihan mo lang ako. Kapag Virgin pa, mas malaki ang binabayad nila." aniya pa na nagpakilabot saakin.

Bakit ganon? Bakit parang hindi big deal sakanila ang pagbibenta ng katawan sa kung sino-sinong lalaki?

Dinala ako ni ate Cathy sa isang silid. "Ito nga pala ang employee,s lounge. Pag dating mo, dito ka pupunta para mag ayos ng sarili mo. Dito ka rin magpapahinga kapag breaktime."

Binuksan niya ang silid. Napalingon saakin ang mga babae sa loob na mga nakaharap sa isang mahabang vanity mirror. Ang iba sa kanila ay nag ma-make-up at nag aayos ng buhok.

"Iyan si Mia." Tukoy niya sa babaeng nakapwesto malapit dito sa may pinto. hanggang balikat ang kaniyang purple na buhok. Sa tingin ko ay nasa 25 years old na siya pataas. Maganda siya. Matangos ang ilong at makinis ang maputing balat.

"Hi! Sino yan Ate Cath?" nakangiti niyang bati.

"Everyone, this is Avery Cruz!" pakilala niya saakin.

Taray! Umi-english ang ante mo!

"Yan namang nasa tabi ni Mia ay si Bea." Ngumiti rin saakin si Bea na noon naman ay nag kukulot ng kaniyang buhok.

"Ito naman si Rina at yon namang isa ay si Weng." Lahat kayo dito ay mga waitress. Pero halos lahat sila ay nagpapa table din sa mga customers. Mamayang 8pm ang dating ng sunod na batch. Sa kabilang room naman sila. Itong mga makakasama mo ay pang Opening session. May mga lalaki rin tayong waiter dito na para naman sa mga babaeng customers. Sa kabila naman ang kanilang kwarto. Mahigpit na ipinagbabawal dito ang pakikipag relasyon sa kapwa empleyado ha." turan niya saakin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 130

    3RD PERSON'S POV “Uhm, h-heto ang unan. Mas magandang mahiga ka ng maayos kung matutulog ka na.” “Maiidlip lang muna ako. Maligo ka na, pagkatapos mo, maliligo na rin ako.” lihim na nag-init ang pisngi ni Fiona sa sinabi ni Simon. Tila gusto niyang tuktukan ang sarili dahil inaamin niya sa sarili na iba ang dating sakaniya ng sinabi ni Simon. Hindi niya mapigilang bigyan ng malisya ang sinabi nito na naghahatid ng kakaibang saya sakaniyang puso. Nang muli niyang ibalik ang tingin sa lalaki ay tulog na ito at nakahiga na sa sofa. Kagat niya ang ibabang labi habang masiglang nagtungo sa banyo. Kinuskos niyang mabuti ang kaniyang katawan. Ngunit ganon na lamang ang kaniyang panlulumo ng maalala na wala nga pala siyang anumang malinis na damit pamalit. Kinuha na lamang niya ang bathrobe at iyon ang isinuot pansamantala. Nilabhan na rin niya ang sinuot at isinampay sa banyo bago lumabas. Nilapitan niya ang binata at marahang tinatapik sa pisngi. Kumunot ang noo nito at dahan-dahan

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 129

    3RD PERSON'S POV “Arghhhh!! Haaa!!!! Bwiset ka Avery!!!” galit na galit na tinabig ni Natalia ang lahat ng nakalagay na gamit sakaniyang Vanity mirror! Paulit-ulit na nag pa-flashback sakaniyang isipan ang mga pangungutya sakaniya ni Avery. Idinukdok niya ang kaniyang mukha sa lamesa at nagu-umpisa ng yumugyog ang kaniyang mga balikat. Mahina siyang humagulgol. “Travis! Why Travis? Bakit ka ganyan? Bakit ba paulit-ulit mo na lang akong binabalewala? Bakit hindi na lang ako? Bakit????” palahaw niya habang hilam sa mga luha ang kaniyang mukha. Masyado siyang nai-insulto ni Avery! Hindi niya matanggap ang masakit na katotohanan na isinampal sakaniya nito. “Hindi! Hindi ako papayag na hindi ka mapapasaakin! Lahat ng hahadlang para mapasaakin ka ay buburahin ko sa mundo! Hindi pwedeng mabaliwala lang ang lahat ng ginawa ko! Hindi!!!” *** “Shit! What happened?” bigla na lang tumirik ang sasakyan ni Fiona sa kalagitnaan ng masukal na daan. Pauwi na sana siya sa Manila gal

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 128

    3RD PERSON'S POV “Luis, itago mo ang mukha ni Tyrone. Tyrone, baby yumuko ka at huwag haharap ano man ang mangyari. Dali na anak..” ani Avery sa dalawa ng makilala niya ang babaeng kanilang makakasalubong. Hindi naman nag-usisa ang kaniyang anak. Mabilis itong tumalima at isinubsob nito sa balikat ni Luis ang mukha. “Oh, hi, Avery! Look at you, ibang-iba na ang ayos mo ngayon ah! Is that your boyfriend? May anak na kayo?” nakangiting bati sakaniya ni Natalia ng magkaharap sila. Nakatalikod si Tyrone kay natalia kung kaya't hindi nito kita ang mukha ng bata. Nakasuot ng black dress si Natalia na lalong nagpaputla sakaniyang balat. Nakahawak ang isang kamay nito sa kulay gold nitong signature bag. Maarte siya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa. “Natalia, ikaw pala!” buong kumpiyansang tugon din ni Avery na pinagkrus ang mga braso sakaniyang dibdib. Walang kangiti-ngiti niyang sinalubong ang mga mata ng babae. Hindi siya magpapatinag dito. Wala ng dahilan para pagtimpi

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 127

    3RD PERSON'S POV “Tyrone, anak lalabas lang muna kami ng Ninong Luis mo. Dyan ka muna anak ha? Mamaya ay uuwi na rin tayo.” paalam ni Avery sa anak bago pa man buksan ang pintuan ng silid nito. Tumango lang si Tyrone bilang tugon sa ina. “Avery, totoo bang siya ang ama ni Tyrone?” bakas sa mukha ni Luis ang inis. Iginiya niya ang binata sa waiting area at pinaupo. “Oo.” tipid niyang sagot. “bakit mo siya hinahayaang makalapit kay Tyrone? Pitong taon niya kayong pinabayaan, Ave.” hindi maitago ni Luis ang kaniyang galit sa walang kwentang lalaki. “May Thalasemia si Tyrone at ang tanging paraan lang para madugtungan ang kaniyang buhay ay ang blood transfusion mula kay Travis, kaya kahit ayoko mang ipaalam ang tungkol kay Tyrone ay wala akong choice.” malungkot niyang paliwanag. “Hindi ba pwede ang dugo ko na lang? Willing naman akong magdonate. Napakayabang ng lalaking yon, Ave. Kanina ko pa siya gustong suntukin! Pasalamat siya at naroon si Tyrone.” ani Luis na muling naikuyom

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 126

    3RD PERSON'S POV “Tyrone, he's still your father. Because of him, you're getting okay now. Whatever our misunderstanding is, that's between us, and our children shouldn't be involved.” Tumulis ang nguso ni Tyrone. “But he's making you cry, Mommy... Does he ever apologize to you? He never does, right?” Sandaling natahimik si Avery. Manang-mana ang kaniyang anak sa ama nito. Ang ironic lang kasi na ang dalawang magkaparehas ng ugali at matigas pa sa bato ang puso, ngayon ay siyang nagbabanggaan. Nakakataba ng puso na meron siyang anak na handa siyang protektahan sakabila ng pagiging musmos pa lamang nito. Gayon pa man ay hindi niya gustong bastusin ng bata ang sarili nitong ama. Kahit ano pang naidulot ni Travis sakaniyang sakit ay hindi niya gustong magtanim ng galit ang kaniyang mga anak sakanilang ama. Kahit papano ay tumatanaw pa rin siya kay Travis ng pasasalamat na hindi nito ipinagkait na mag bigay ng dugo para sakanilang anak. Hinaplos niya ang ulo ni Tyrone. “Ikaw tala

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 125

    3RD PERSON'S POV “Dito ka muna anak huh, I will talk to your Daddy outside.” tipid lang na tumango si Tyrone at muling nagyuko. Napabuntong hininga na lang si Avery ng tingnan ang munti niyang anak na malungkot pa rin. Napagpasyahan niyang lumabas na para kausapin si Travis at ihingi ng pasensya ang inasal ng anak nila. Paglabas niya ng silid ay nakita niya si Travis na nakaupo sa may waiting area. Nakayuko ito at tila ba malungkot. Lumakad siya palapit dito at naupo na dalawang bangko ang pagitan sa lalaki. “Pagpasensyahan mo na si Tyrone sa inasal niya sayo kanina.” pambungad niya dito. Sarkastiko namang tumawa si Travis at nag angat ng tingin sakaniya. “Ano bang itinatak mo sa isip ng anak natin at ganon na lamang kasama ng tingin niya saakin?” Napaawang ang bibig ni Avery. Sinasabi na nga ba niya at ito ang iisipin ni Travis, sakaniya. Pagak din siyang natawa at matalim na tiningnan ang lalaking malalamig na naman ang titig na ipinupukol sakaniya. “Sabi na nga ba, yan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status