Maagang gumising si Anathalia, maganda ang naging tulog niya kagabi napaginipan pa nga niya ang batang gobernador. Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ng dalaga, naisipan niyang sumama sa isinasagawang feeding program ng ama para sa mga kapos-palad nilang kababayan. Alam niya kasing pupunta rin si Kaelion, gusto niyang makita at makilala pa ng husto ang binata.
”Are you sure you want to come with me iha? Hindi ka na napagod kagabi? Pinaalam ka sa akin ni Kaelion kagabi dahil inaantok ka na raw kaya naman um-oo ako dahil alam kong ligtas ka kapag siya ang kasama mo.” Sabi ng ama na naghahanda na sa kanilang pag-alis. “Yes dad, i want to see kung ano iyong mga ginagawa para sa mga homeless poor na kababayan natin. Malay n'yo magustuhan ko na talagang tumira rito for good right?” proud niyang sagot sa ama. Pinakatitigan siya ng ama, winawari ang mukha ng anak kung nagsasabi ito ng totoo. Her father sigh at the thought but nanaig ang pagiging maunawain ama sa anak. Kilala niya si Anathalia, sunod lagi ang luho nito, bagama't matagal na silang hiwalay ng ina ni Anathalia, hindi nawala ang pagmamahal at pag-aaruga niya sa anak. Mas pinili noon ni Congressman Dela Rosa na ibigay ang kustodiya ni Anathalia sa ina nito. Dahilan na rin sa mas mayaman at may kakayahan sa buhay ang mga Torres kay sa kaniya. Hindi kasal ang magulang ni Anathalia, ayaw ng mga magulang ng ina ni Anathalia na matali ang bunsong anak ng mga Torres kay Antonio Dela Rosa na isang barangay kagawad lamang noong ito ay binata pa. Nakapagtapos si Antonio sa tulong ng iskolarship habang ito ay naninilbihan sa bayan bilang kawnselor. “Daddy? Hello? Earth to daddy! Ang layo na yata ng napuntahan n'yo dad?” biro ni Anthalia sa ama. “Oh! May iniisip lang ako anak, ready ka na?” “Yes dad kanina pa ikaw na lang ang hinihintay ko,” Tumawa ang ama, inakay ang anak patungong sasakyan. “Dad, nandoon ba si Kaelion ngayon? I mean isa siya sa mga sponsor 'di ba?” patay malisya niyang tanong kahit alam naman niyang pupunta ang binata. “Yes darling, why are you asking? Are you interested in him?” “Dad! I am just asking!” Ginulo ng ama ang buhok ng anak. “Don't get too attache to him iha, he's a busy person and very didecated to his work. He loves the people of San Juan and the province of La union, he comes from a wealthy family too but he knows how to mingle with his people. I know iha, he's handsome and so on. But please? Have a little distance, i don't want to see you crying because of loving him or whatsoever okay?” mahabang saad ng ama. Naging tahimik si Anathalia sa sinabi ng ama alam niya kasing may pinaghuhugutan ang ama. Base sa naging experience nito sa naging relasyon sa kaniyang mommy. Aminado siyang tama ang lahat ng tinuran ng ama sa kaniya. Pero hindi niya mapigilan ang sariling magkaroon ng interes sa batang gobernador. Na-hook ang puso niya sa guwapong binata, marami na siyang nakilala na lalaki pero walang pumasa sa kaniyang panlasa tanging si Kaelion pa lang ang nakakuha sa kaniyang interes. “Where here iha, halika na, mukhang nag-umpisa na silang mamigay sa mga bata.” Tumango lang si Anathalia sa ama bilang sagot. Sumunod siya sa ama sa paglalakad. Hangga't maari ay gusto niyang sundin ang bilin ng ama. Pumasok sila sa loob ng bahay ampunan ang The House of Lost Angels. Ang daming bata ang nakatira sa bahay ampunan, akala niya sa gilid-gilid ng kalsada magpapakain ang ama katulad sa abroad. Pero nagkamali siya dahil may pinagawa pa lang bahay ampunan ang gobernador at ng kaniyang ama. Mukhang mahilig din sa bata ang binata, iyon agad ang nakita ni Anathalia sa binata na may kalong na maliit na bata. Sa tantya niya ay nasa isang taong gulang ang batang buhat-buhat ni Kaelion. “Good morning everyone!” “Good morning po congressman!” Bati ng mga batang naroon maging ang mga kinuha nilang mag-aalaga sa mga bata. “Good morning gov,” pag bati ng ama ni Anathalia kay Kaelion. “Magandang umaga congressman, glad you came,” balik na bati ni Kaelion kay Congressman Dela Rosa. Pigil na pigil ni Anathalia na batiin si Kaelion. Ayaw niyang suwayin ang ama kaya magpapa-good girl muna siya ngayon. Hindi niya tinapunan ang binata ng kahit isang tingin habang kasama ang ama sa pagbibigay ng mga school supplies at higene kit. Naisipan ni Anathalia na maglibot sa bahay ampunan. Mamayang hapon pa naman sila uuwi maigi ng libangin ang sarili kaysa maboryo siya sa panonood sa mga bata na walang ibang ginawa kun'di mag-agawan sa mga laruan na ipinamamahagi ng kaniyang ama. Kanina pa kasi siya naiinis sa mga boses ng mga bata. “Hmm, looks like this house for the poor kids is huge for them. Ilang pera kaya ang nagastos ni dad para dito?” na wika ni Anathalia sa sarili. Nakatayo si Anathalia sa harap ng isang puno ng mangga. May bunga na ang puno pero hindi pa ito masyadong marami. Natuwa si Anathalia at gustong kumuha ng isang bunga, paborito niya kasi ang mangga kahit sa ibang bansa siya lumaki. “Hindi mo naman siguro balak akyatin ang punong iyan hindi ba? Sa ganyang uri ng pananamit mo siguradong maisisilipan ka lang.” Nagulat si Anathalia sa biglaang pagsulpot ni Kaelion. Hindi niya akalain na susundan siya ng binata. “Nasaan na iyong batang karga-karga mo? Tsaka, bakit ka umalis doon baka hanapin ka ng mga bata,” wika ni Anathalia, hindi binigyan pansin ang naunang sinabi ng binata sa kaniya. Umiling naman si Kaelion at lumapit sa dalaga. Inalis ang suot na leather jacket at ipinatong sa balikat ng dalaga. “Ang iksi ng damit mo, lalo na iyang palda mo, hindi ka ba nasisikipan diyan? Huwag kang magsusuot ng ganyan kung nasa public place ka, baka mabastos ka ng mga lalaki. Alam mo naman dito sa Pilipinas, makakita lang ng maganda ay m*nam*ny*k na. Respeto na rin sa sarili mo Anathalia.” Mahabang turan ni Kaelion. “Okay na sana iyong sinabi mong maganda ako? Pero ang haba na ng sinabi mo na parang sinisermunan mo ako, Kaelion. Nasa 21st modern century na tayo, bakit parang ako pa ang kailangang mag-adjust? Do i need to change the way i dress? Ganito ang nakasanayan ko, ayaw ko na may nangingialam sa gusto at ginagawa ko," pa supladang tugon ni Anathalia. Tinitigan lang siya ng binata. Napansin din niya na hindi gaanong palasalita ang binata. Pero pagdating sa kaniya ay marami itong sinasabi. “Hindi kita sinisermunan, pinapaalahanan lang kita. Anak ka isang congressman, malamang sa malamang maraming magkakagustong lumapit sa'yo, hindi mo alam ang isip ng tao kaya Anathalia makinig ka rin sa daddy mo.” Nagitla si Anathalia na binanggit ng binata ang daddy niya. “Nag-usap ba kayo or kinausap ka kiya? Tell me Kaelion, may sinabi ba ang daddy ko sa'yo?” Imbes na sumagot ang binata ay umiling lang ito at tumalikod sa dalaga. Hinabol ni Anathalia ang binata, Hinawakan ng dalaga ang palad ni Kaelion. Tumigil naman si Kaelion at humarap sa naguguluhang si Anathalia. “Ano ba ang sinabi sa'yo ng daddy ko? Bakit ayaw mong sabihin sa akin Kaelion?” Bumungtong hininga si Kaelion, tinanggal ang kamay ni Anathalia na nakahawak sa kamay niya. Nasaktan si Anathalia sa ginawang aksyon ng binata. “Para rin iyon sa kapakanan mo, Anathalia, please keep your distance from now on huwag mo na akong lalapitan or kung magtatagpo ang mga landas natin, just pretend that you don't know me and please show no interesting in me. I don't have time for your games.” giit ni Kaelion at tuluyang tinalikuran si Anathalia. Nasaktan si Anathalia sa mga binitiwang salita ni Kaelion. Ganoon pa man hindi hahayaan ni Anathalia na mawala sa kaniya ang pansin ng binata. Nakaisip ng plano si Anathalia sa kung paano makalalapit kay Kaelion na hindi nalalaman ng ama. “Let's see Kaelion, i am not Anathalia Eirah Torres Dela Rosa for nothing.” saad ni Anathalia sa isip.Mainit ang araw sa San Juan, at ang dagat ay tila kumakaway sa bawat dumadalo sa charity event na inorganisa ng pamilya Vesperas. Ang hangin ay may dalang alat at kasabay ng hampas ng alon, umaalingawngaw ang tawanan ng mga kabataang surfer. Sa gitna ng masayang kaganapan, naroon si Anathalia, suot ang isang puting summer dress na bumagay sa kanyang maputi’t makinis na balat.“Anak, behave ka ah,” bulong ng ina bago sila maghiwalay. “Remember, ito’y para sa komunidad. Huwag mong gawing personal.”Tumango lamang si Anathalia, ngunit sa loob-loob niya ay kumukulo na ang dugo. Dahil sa hindi kalayuan, nakita niya ang lalaking ayaw na ayaw niyang makita ngunit hindi rin mawala sa kanyang isipan—si Kaellion Vesperas. Nakasuot ito ng simpleng polo na nakatupi ang manggas at dark slacks. Bagama’t hindi pormal, nangingibabaw pa rin ang tindig ng isang lider.“Good afternoon, everyone.” Malinaw at matatag ang boses ni Kaellion nang batiin ang mga tao mula sa entablado. “This event is not about
Hindi mapakali si Anathalia kinabukasan matapos ang huling banggaan nila ni Kaellion. Kahit anong gawin niya, paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang malamig na titig ng binata—mga matang tila nagsusuri, humuhusga, ngunit may nakatagong lalim na hindi niya mawari. Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang hindi sapat ang kanyang yabang para tabunan ang bigat ng presensiya nito.Sa kabilang panig, abala si Kaellion sa mga papeles sa opisina ng gobernador. Ngunit sa bawat pahina na kanyang nililipat, sumasagi pa rin sa isipan ang tinig at matatalim na salita ng bratty heiress. “Walang makakapigil sa akin, lalo na ikaw.” Isang linya na tila hamon at paalala na may taong handang lumampas sa kanyang mga hangganan.Pagdating ng gabi, nagsama-sama ang pamilya Dela Rosa sa hapag. Congressman Dela Rosa, nakasuot ng kanyang puting polo barong, nakamasid lamang sa katahimikan ng anak. “Anak, bakit parang aligaga ka?” tanong nito habang kumukuha ng ulam.Umiling lang si Anathalia at pilit na ngumiti.
Habang ang gabi ay patuloy na dumadaan, nagpatuloy ang hindi pagkakaunawaan at ang hindi pagkakasunduan sa pagitan nila ni Kaelion. Si Anathalia, na ngayon ay mas maligaya na nakikita ang mga pagbabago sa kanyang sarili at sa kanyang relasyon kay Kaelion, ay nagsimulang magtaka kung may mga bagay pa bang mas malalim na nakatago sa kanilang koneksyon. Ang mga tanong na hindi pa nasasagot ay nagsimula nang magparamdam, at si Kaelion, na minsan ay tila masyadong malayo at mahirap abutin, ay nagsimula nang magpakita ng bahagyang pagpapakita ng emosyon. Gayunpaman, hindi pa rin niya kayang buksan ang kanyang puso nang buo. Isang araw, matapos ang ilang araw na hindi pagkikita, nagdesisyon si Anathalia na makipagkita kay Kaelion upang mag-usap. Hindi ito madali para sa kanya. Alam niyang may mga bagay na kailangan niyang aminin—mga bagay na hindi niya kayang tanggapin, at mas lalong hindi niya kayang makita na umaalis sila sa ganitong sitwasyon. Pinili niyang ipakita ang kanyang malasakit
Habang lumalalim ang ugnayan nila, dumating ang isang sandali kung saan ang lahat ng kanilang napag-usapan at napagplanuhan ay naharap sa isang malupit na pagsubok. Isang gabi, matapos ang isang gala na dinaluhan nila sa isang marangyang lugar, naupo sila sa isang tahimik na kanto ng restawran. Ang lahat ng kasamahan nila ay nagsialisan na, at sa wakas, nakatagpo sila ng oras upang mag-usap ng mas seryoso.Habang nakaupo at nag-uusap, napansin ni Anathalia ang isang maliit na pahiwatig na nagsimula siyang magduda sa ilang mga bagay na dati'y hindi niya iniisip. Ang mga paminsang sagot ni Kaelion ay tila nagiging mas malamig, at ang kanyang mga mata ay hindi kasing giliw gaya ng dati. May isang pader na nagsimulang bumangon sa pagitan nila."Kaelion, may mali ba?" tanong ni Anathalia, ang tinig ay may halong alalahanin. Naramdaman niyang nagbago ang tono ng kanilang relasyon, at hindi siya sigurado kung ano ang sanhi ng biglaang pagbabago.Pinilit ni Kaelion na magpakita ng katahimikan
Habang tumatagal ang kanilang pagkakasama, unti-unting nabubuo ang isang hindi inaasahang koneksyon sa pagitan ni Anathalia at Kaelion. Ang mga simpleng pag-uusap at mga tahimik na sandali ay nagiging pagkakataon upang mas makilala nila ang isa't isa, hindi lang bilang mga personalidad sa pampulitikang mundo kundi bilang mga indibidwal na may mga pangarap, takot, at kahinaan. Ang lahat ng iyon ay nagpapalalim ng kanilang pagkakaunawaan at, sa hindi inaasahan, nagiging sanhi ng unti-unting pagkahulog ni Anathalia sa mas seryosong nararamdaman.Isang hapon, matapos ang isang mahaba at matinding pagpupulong, nagtakda sila ng oras upang maglakad-lakad sa isang parke malapit sa lugar ng kanilang opisina. Ang hangin ay malamig, ngunit hindi ito nakakasagabal sa kanilang tahimik na paglalakad. Si Anathalia, na dati'y sanay sa pagiging sentro ng atensyon, ay biglang nakaramdam ng kakaibang pakiramdam ng kapayapaan sa presensya ni Kaelion. Hindi na siya ang dating Anathalia na mahilig magpataw
Hindi inaasahan ni Anathalia na magiging ganito kadali ang magbukas ng sarili kay Kaelion. Sa mga nakaraang linggo, nagsimula siyang magbago, at ang mga simpleng pagsubok na dating tinatrato niya bilang mga laro ay nagiging mas seryoso. Ngunit sa isang gabi ng pagpupulong, natutunan niyang hindi basta-basta ang lahat ng bagay na may kinalaman kay Kaelion. Nasa isang formal na usapan sila tungkol sa isang mahalagang isyu—isang proyekto na may kinalaman sa bagong patakaran sa ekonomiya—ngunit napansin ni Anathalia na may mas malalim pang usapin ang lumulutang."Anathalia, ano sa tingin mo ang magiging epekto ng proyekto sa mga maliliit na negosyante?" tanong ni Kaelion, ang kanyang tono ay hindi pormal ngunit seryoso. Ang mga mata nito ay puno ng pagninilay, ngunit sa bawat salita, may pagkamaingat sa lahat ng kanyang sinasabi.Nais ni Anathalia na sagutin nang mabilis at ipakita ang kanyang kaalaman, ngunit sa pagkakataong iyon, hindi siya sigurado. Alam niyang hindi sapat ang simpleng