Thorn Between Duty And Desire

Thorn Between Duty And Desire

last updateLast Updated : 2024-12-05
By:  cursebyharrrtOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
10Chapters
208views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Anathalia Eirah Dela Rosa ay ang pinakatampok na halimbawa ng isang spoiled brat—matigas ang ulo, impulsive, at sanay na laging makuha ang kanyang nais. May matalim na dila at pusong puno ng mapanghimagsik na lakas, hindi siya kailanman kailangang sumagot sa sinuman, lalo na sa isang lalaki. Ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya si Kaelion Isolde Vesperas, isang kalmado at mahinahon na gobernador na may pusong kasing matibay ng kanyang awtoridad. Walang pakialam si Kaelion sa mga charm ni Anathalia, at wala ni isang bagay ang nakakagulo sa kanyang mahinahong anyo—lalo na hindi isang maapoy na babae na akala niya’y kaya niyang pabagsakin. Habang sanay si Anathalia na ang mga tao ay yumuyuko sa kanyang gusto, nananatiling matatag si Kaelion, hindi tinatablan ng kanyang mga tantrum at maligalig na pagtatangkang mapansin siya. Habang ang magaspang na ugali ni Anathalia at mga pang-aakit ay hindi nakakalusot sa malamig na pagtanggap ni Kaelion, natutuklasan niyang hindi basta-basta mananalo ang kanyang puso. Kailangan niyang magbago at matutunan ang kahalagahan ng pagiging bukas, isang bagay na hindi pa niya kailanman inaalok. Sa isang mundong kung saan nagtatagpo ang pagnanasa at kapangyarihan, ang magkaibang impulsiveness ni Anathalia at ang mahinahong pagpipigil ni Kaelion ay nagbabanggaan sa isang laban ng mga kalooban. Magagawa kaya niyang iwaksi ang kanyang pagiging spoiled upang makuha ang respeto—at marahil pati ang pagmamahal—niya? O hahantong ba ang mga whim ng kanyang puso sa isang landas ng pagkabasag ng puso? @cursebyharrrt Date Started: November 28,2024 Date Finish: Status: On-going A/N: Slow Update, please bare with the writer.

View More

Chapter 1

The Bratty Heiress

Siya si Anathalia Eirah Dela Rosa, 24 years old, cumlaude at nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Business Administration sa University of California Los Angeles sa bansang America. Fresh graduate ang dalaga at napagpasyahan niyang umuwi ng Pilipinas upang makapagtrabaho sa kompanya ng kaniyang ama na ngayon ay isa sa mga naging bagong halal na congressman sa bayan ng La Union.

Ayaw na ayaw ng dalaga ang pinaghihintay siya kaya naman pinagalitan niya ang driver na sumundo sa kaniya sa airport. Sangkatutak na sermon at bulyaw ang inabot ng kawawang driver ng kanilang pamilya.

"Ganito na ba talaga kainit ang Pilipinas? Kahit naka-bukas na lahat ng aircon ang init pa rin!" maktol ng dalaga sa loob ng sasakyan.

Mas pinili na lang ni Manong Rolly ang tumahimik at makinig sa tantrums ng dalaga at baka siya pa ang pagbuntunan nito ng inis. Malayo-layo pa ang kanilang tatahakin at aabutin ng limang oras ang kanilang byahe idagdag pa ang mabigat na daloy ng trapiko.

"Arg! Walang pinagbago! Mahirap pa rin ang Pilipinas! Kaya walang asenso ang mga tao dito! Hmp!" giit na naman ni Anathalia.

Lihim na sumigid ang inis ni Manong Rolly sa anak ng amo. Kung hindi lang malaki magpasahod ang ama ng dalaga ay baka matagal na siyang umalis sa trabaho. Malaki ang utang na loob ni Manong Rolly sa ama ng dalaga, si Congressman Antonio Dela Rosa ang sumagip sa buhay ng kaniyang mag-ina sa bingit ng kamatayan. Mabait at talagang matulungin ang congresista, taliwas sa ugaling mayroon ang anak na dalaga na si Anathalia. Napaka-suplada nito at matapobre sa tao, paano ay sa ibang bansa lumaki at nag-aral.

Itinulog na lang ni Anathalia ang inis niya sa trapiko. Wala naman mangyayari kung maghihimutok siya. Ibinilin niya sa kanilang family driver na gisingin siya pagkarating nila sa probinsya.

Dahil matrapik ay hapon na nang marating nila ang probinsya sa bayan ng San Juan, La Union. Natuwa ang dalaga sa nakitang napakagandang view. Ang mala-asul na kulay ng tubig dagat, ang maalat na simoy ng angin. Napapikit si Anathalia nang dumampi sa kaniyang balat ang malamig na hangin. Para bang niyayakap siya, at hinihele, 'ang sarap sa pakiramdam na makauwi sa sariling bayan. Dito ako ipinanganak pero sa America ako lumaki. Gayunpaman, hindi ako nakalilimot sa lugar na ito.' wika ni Anathalia sa kaniyang isip.

"Thali! Iha, welcome home anak."

Otomatikong ngumiti si Anathalia pagkarinig sa boses ng ama. Miss na miss na niya ito. Madalang na lang kasing bumisita ang ama sa kaniya sa America simula ng mag-umpisa ang campaign period at naihalal ang ama ay mas lalong dadalang ang pagpunta nito sa America.

"Daddy! I miss you so much!" ani Anathalia at patakbong pinuntahan ang ama. Mahigpit na yakap ang iginawad niya sa ama, maging ang kaniyang ama ay ganoon din.

"Pasensya ka na anak kung hindi ako ang sumundo sa'yo. May inaasiko kasi ako para sa victory party mamayany gabi kasama ang mga kaalyado ko sa politika." ang sabi ng kaniyang ama.

"It's okay dad, i understand you're a busy person now. But i am happy with your achievement dad! I am so proud of you dad congtratulations may daddy, our congressman!" saad ni Anathalia.

Tumawa ang ama si tinuran ng anak. "Silly my daughter, thank you anak. Do you want to come with me in the party later tonight? Or you want to have a rest first? I know you're tired darling."

"Yes dad maybe i'll come late, i need to get some beauty rest,"

Muling tumawa ang ama. Kilala ang anak sa pagiging maarte pagdating sa katawan nito lalo na sa kaniyang mukha.

Nagpaalam ang kaniyang ama na mauuna na sa venue ng party. Sinabi nito na huwag mahiyang magsabi sa mga kasambahay nila kung may kailangan siya. Tumango si Anathalia at umakyat sa kaniyang silid na nasa ikalawang palapag ng bahay.

Pumasok siya sa silid, binuksan ang ilaw, tumambad sa kaniya ang maganda, malinis at maaliwalas na kulay mabaya ang dingding, kulay pilak naman ang de-tiles na sahig. Siya ang pumili sa magiging kulay ng silid niya, napaka-girly kung titignan. Kulay lila ang mga kurtina, ganoon din ang kaniyang punda at kubre-kama. Ang kaniyang wardrobe at mga cabinet ay ganoon din. Mahilig talaga siya sa kulay na lila, paborito niya kasi si Sofia the First, kaya naman nakahiligan na rin niya ang kulay na iyon.

Naglakad siya papunta sa may bintana, binuksan iyon. Tumambad sa kaniya ang madilim ng paligid, nagawi ang mga mata sa kalangitan. Kay gandang pagmasdan ng mga nagkikislapang mga bituin. Nakaharap ang kaniyang silid sa may bakurang bahagi ng bahay, mas gusto niya kasi ang tahimik na kapaligiran at pag gising naman ay tatambad sa kaniya ang mga magagandang halaman at bulaklak sa may hardin.

“Mag-a-alas siyete na pala? Masyado akong nawili at hindi napansin ang oras.” wika ni Anathalia.

Nakapagpahinga na siya ng kaunti kaya naman tinungo niya ang silid-paliguan niya na nasa loob lang din ng kaniyang silid. Mahigit kalahating oras din siyang nagbabad sa shower, ang lagkit na kasi ng kaniyang pakiramdam. Pagkatapos maligo ay tinungo naman niya ang wardrobe kung saan naroon ang mga gamit niya sa pagbibihis.

Pinili niya ang isang short fitted lavender tube dress na hanggang itaas ng kaniyang tuod ang haba. Naglagay din siya ng light make up sa mukha at pulang kolorete naman sa kaniyang labi. Hinayaan niyang nakalugay ang itim, mahaba at unat niyang buhok na hanggang beywang ang haba. Para naman sa kaniyang paa ay pinili ang bagong bili niyang kulay puting stilletos na may taas na 3 inches.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras dahil tumatakbo ang oras. Nagpahatid siya kay Manong Rolly sa nasabing venue. Malapit lang naman pala ang pinagdausan ng party sa covention hall din ng nasabing bayan.

Pagbaba niya ng sasakyan, halos lahat ng mga mata at atensyon ay nasa kaniya. Maging ang mga may edad ng kalalakihan ay sa kaniya nakatuon. Hindi pinansin ni Anathalia ang ibinibigay na atensyon sa kaniya ng mga tao, dere-deretso siyang pumasok sa hall at hinanap ng kaniyang mga mata ang ama. Sa kahahanap ay iba ang natagpuan ng kaniyang mga mata, ang lalaking nakasuot ng white polo na mahaba ang manggas pero nakatiklop hanggang siko. Naka-slacks ng itim. Mapungay at agresibo ang mga mata, matangos ang ilong at makapal ang mga mapupulang labi na kay sarap hagkan. “Erase! Erase! Anathalia maghunos dili ka!” pagalit na bulong ni Anathalia sa sarili.

Kausap nito ang kaniyang ama, mukhang magkakilala ang dalawa. Nagmadaling lumapit ang dalaga sa kinaroroonan ng dalawa.

“Dad, i'm sorry i'm late!"

“Oh darling good to see you here you're just in time." Ani ng ama at h******n ang anak sa may pisngi.

“Really dad? I thought i'm late,”

“No darling, by the way Kaelion, i want you to meet my daughter, Anathalia Eirah. Darling? This is Kaelion Isolde Vesperas the new elected Governor of the second district.” Pagpapakilala ng congressman sa dalawa.

“Hi, please to meet you Governor Vesperas.” bati ni Anathalia at inilahad ang kamay sa lalaki.

“Please to meet you Miss Dela Rosa." Tugon ni Kaelion at inabot ang kamay ng dalaga.

Mabilis na bumitaw ang kamay ng lalaki sa dalaga na ikinadismaya ng huli. Lahat ng lalaki ay naghahabol, sabik na makilala siya pagkakita sa kaniya. Pero itong si lalaking nakilala niya ngayon ay wala man lang nakikitang emosyon sa mukha.

Gustong-gusto ni Anathalia na makilala ang lalaki ng husto pero hindi man lang nagpakita ng kahit anong motibo o interes ang binata sa kaniya.

”Hey, Kaelion.”

Tumingin si Kaelion sa dalaga ngunit ibinalik din ang atensyon sa harapan kung saan nagsasalita si Congressman Dela Rosa.

“Isolde," Ulit ni Anathalia pero sa pangalawang pangalan ng binata.

Nagulat si Kaelion sa tinawag sa kaniya ng dalaga. Ang nanay niya lang kasi ang may tumatawag sa kaniya sa pangawala niyang pangalan.

“What do you want? Bigyan mo naman ng atensyon ang speech ng daddy mo, huwag mo akong guluhin baka may makarinig pa sa'yo.” seryosong bigkas ni Kaelion.

“Hmp! Guwapo ka sana pero ang suplado mo naman!” Ani ni Anathalia bago tumayo at iniwan ang binata sa kanilang lamesa.

Tinahak ni Anathalia ang daan palabas. Nawalan na siya ng gana kung kaya mas mabuti pang umuwi na lang siya.

“Tatawagan ko na lang si Manong Rolly o kaya ay mag-commute na lang ako maya ko na sabihin kay daddy na inaantok na ako,” giit ni Anathalia sa sarili.

Papara na sana siya ng taxi nang may humawak sa kaniyang braso. Nagulat siya ng mapagtantong si Kaelion iyon.

“I will drive you home naipaalam ko na kay congressman na ako maghahatid sa'yo, he leave you under my care so if you allow me?”

Kung kanina ay tila pagalit ang tono ng boses nito ngayon naman ay malumanay na nakikiusap sa kaniya.

“Teka lang ha? Kanina lang galit ka tapos ngayon mabait ka? Wow. Kaya kong umuwi mag-isa Governor Vesperas.” Iwinaksi ng dalaga ang kamay ng binata, tumalikod at naghihintay ng masasakyan.

“Look Anathalia, i am sorry for what i said erlier. It's not my intention to hurt your feelings. Just please let me drive you home, please?”

“Fine! Kung hindi lang kita crush hindi ako magpapahatid sa'yo! Tara na nga!”

Lihim na natawa ang binata sa sinabi ng dalaga.

Hinatid niya ang dalaga sa bahay nito. Hindi rin naman kasi kalayuan ang bahay ng mga Dela Rosa sa convention hall.

“Thanks for the ride, i forgave you for your rudeness my future husband!” maarteng turan ni Anathalia.

“How sure you are that i will be your husband in the future?”

“Watch and learn Mr. Governor! I will get you by hook or by crook! Bye! Muwah!"

Patakbong pumasok ng gate ang dalaga. Namumula ang mukha sa kilig na nadarama.

Samantala, humalakhak si Kaelion sa sinabi ni Anathalia. Mukha ngang spoiled brat ang nag-iisang anak na babae ni Congressman Dela Rosa.

“Anathalia Eirah Dela Rosa, we'll see who's gonna win. Wait for my intrusction miss spoiled brat a wannabe wife,” na wika ni Kaelion sa sarili, binuhay ang sasakyan paalis sa manyon ng mga Dela Rosa.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status