Share

Kabanata 01

Bumuntong hininga ako habang nakatitig sa dalawampu’t isang notebook na nasa harap ko. Patung-patong silang nasa lamesa na parang naghihintay na isa-isa kong sagutin. ‘Yong iba pa ay parang mas mahal pa ang halaga kesa sa normal na baon ko araw-araw.

I sighed heavily. Mga mayayaman nga naman. May pera na nga’t pribilehiyo, tamad pa ring mag-aral. Gusto ko tuloy magwala dahil ang dami nito para sa ngayong araw lang, kaso nasa library ako kaya dapat tahimik lang. Though that’s kind of contradictory. This is how I earn my allowance, mas maraming magpapagawa ng homeworks at activities, mas maraming pera.

“Mr. Ignacio! Last warning na ito. Kung pumunta ka lang dito para makipagkwentuhan sa mga kaibigan mo, lumabas ka nalang.” Bumaling ako sa grupo nila Creed. Natigil ang kanina pa nilang kaingayan nang pagalitan sila ng librarian. Their faces looked so embarrassing after that. I can’t help but laugh. Mukha silang binuhusan ng malamig na tubig.

Well, kasalanan din naman nila. Kilalang strikto ‘yong librarian at dito pa talaga nagchismisan. Napatakip nalang ako ng mukha gamit ang notebook nang tignan ako ni Creed gamit ang mga nanghahamon na mata. Bahala siya r’yan.

“Nakakatawa ‘yon?” Mas lalo kong itinaas ang notebook para takpan ang mukha nang maramdaman kong umupo siya sa silyang nasa harapan ko.

“Umalis ka nga. Baka mapagalitan pa ‘ko ng librarian dahil sa’yo. Dinadamay mo pa ko sa galit niya sa lahi mo.” Inihagis ko ‘yong papel na napulot ko papunta sa kaniya pero mukhang wala namang epekto sa kaniya. Nagulat pa nga ako nang ilabas niya ang bag mula sa likod at kunin ang laptop niya mula roon. He smirked when he saw me looking at him.

“Ano? Por que close kayo nung librarian pagbabawalan mo na ‘kong umupo rito? Let me remind you Ms. Varseza that according to the 1987 Philippine Constitution Article 3 (1), ‘No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.’ You have no power to remove my rights in occupying this space just because you are close to the librarian.” Umiling nalang ako at inirapan siya. He chuckled playfully. ‘Yan na naman siya.

“I believe this is already an injustice on my side.” He continued. Padabog kong binagsak ang hawak na ballpen at mariin siyang tinignan.

“Magkakaroon lang ng injustice kung mas mamumula ‘yang kabilang pisngi mo kapag sinuntok kita.” Tumawa siya sa sinabi ko. Hinayaan ko nalang at nagpatuloy sa pagsagot ng homework ko at ng mga nagpapasagot. Tumahimik na rin naman siya pagkatapos. Mabuti naman. Having him beside me is like having a dumb politician in a speech spitting nonsense to the people who believes to what they say.

We stayed silent for past an hour. I was busy answering some tasks while he was typing something on his laptop. Milagro ngang napaka-amo ng mukha niya habang seryosong nakatitig sa screen. Madalas kasi ay mukha siyang sama ng loob. Baka ipinaglihi siya ro’n.

I stretched a little when I felt my neck aching because of my weird position here. Nakayuko ako sa mesa habang mariing nakatitig sa higit sampu pang notebook. They looked like a huge building kapag pinagpatung-patong ko. Kulang na lang ay lagyan ko ng mini rooftop sa ibabaw para maging kamukha na no’ng isang building malapit dito.

Ngumiwi ako. It was a little hard to answer some, though. Madalas ay math ang subject kaya nahihirapan din ako. Sinilip ko si Creed nang hindi na ako makapagpigil sa ginagawa.

“Ano ‘yon?” Kumunot ang noo niya habang nakatitig pa rin sa screen.

“Sagutin mo nga ‘to.” Inabot ko sa kaniya ‘yong notebook. Lumingon siya sa ibinigay ko at itinigil na muna ang ginagawa. Nagkusot siya ng mata bago tinanggap ‘yon.

“’Di ba binabayaran ka para rito? Ba’t mo pinapagawa sa’kin, huh?” Nagtaas siya ng kilay sa’kin. Umirap ako, “Arte mo. Sagutin mo nalang.”

His forehead creased while he looked at the problem intently. Mabilis niyang binasa ‘yon, alam ko dahil pinapanood kong mabilis na lumilipat ang mga mata niya sa bawat linya ng notebook. He silently read it and after some time, he got himself a paper and started to solve.

Ngumisi ako habang pinapanood siyang nagsusulat sa papel. I know this is just a piece of cake for him. Kilala siya bilang isa sa top students ng class nila dahil sa kagalingang mambola at sa katalinuhan na rin. He was always present in competitions and quiz bees. Favorite na nga ‘to ng bawat teacher, eh. Siguro kapag grumaduate kami rito, magpapagawa sila ng rebulto para sa kaniya.

Kung alam lang nila, hmm…

Well I guess not everybody’s perfect. Matalino ‘tong lalaking ‘to pero bastos palagi. Ang sama ng ugali neto kapag nagkikita kami. Naalala ko tuloy nung ilang araw akong nagsave ng allowance para bumili ng milktea sa harapan ng university tapos no’ng nakita niya ‘ko, nakiinom ba naman si gago at hindi pa nahiyang kinalahati pa! Sinasapak ko na pero umiinom pa rin. Parang walang pera pero kilala ang pamilya nila rito.

“Oh, makinig ka. Gamitin ko utak mo ha — kung meron ka man no’n.” Binato ko siya ng ballpen dahil do’n.

“Etong k ‘yong constant of variation mo. To solve for k, you need to write the problem as a=kbc where a is equals to 20 when b is equals to 5 and c is equals to 7…” Tumingin ako sa itinuturo niya sa papel. He was smoothly talking while I was focusing on his hand. Ang ganda pala ng kamay netong kumag, ah. Mas makinis pa palad niya kaysa sa’kin. Ano kaya skincare niya?

“Aray!” Nagulat ako nang pinitik niya ang noo ko.

“Ang sakit no’n, gago!” Parang naalog ang kaluluwa ko ro’n!

“Makinig ka.” Umiling siya at nagpatuloy. Nakasimangot akong nakatingin sa itinuturo niya habang ineexplain niya ‘yon. Nang matapos ay ibinaba niya ‘yong papel at nagpatuloy na sa ginagawa. Nagawa pa nga akong ijudge kung bakit daw hindi ko na matandaan ‘yong lesson na ‘yon.

No’ng grade 9 pa ‘yon itinuro sa’min, ‘no!

Nagpatuloy nalang akong magsagot habang inaabala siya maya’t maya para magpasearch, sagot, at explain. Hindi naman siya mukhang naiinis sa ginagawa ko kaya nagpatuloy nalang ako.

I heave a sighed when I realized that I won’t finish them all today. Marami pa ‘kong gagawin. At magsasara na mamaya ang library. Ayoko namang makulong dito ‘no.

“Aalis ka na?” Tumaas ang kilay ko nang mag-angat ng tingin sa akin si Creed. His eyes looked sore and tired from doing something in his laptop. Research paper yata nila ‘yong ginagawa niya. Nakita kong nagsesearch ng related literature kanina nang silipin ko, eh.

“Ano sa tingin mo?” I scoffed. Tumawa siya at nagsimula na ring magligpit ng mga gamit niya. Umiwas ako ng tingin nang kuhanin niya iyong case ng macbook niyang laptop at ilagay ro’n. Sabi na’t sosyal ‘tong gagong ‘to. Ang mahal kaya no’ng ganon nung last kong tignan. Parang hindi dapat ako gagawin nang isang buong taon para lang makabili no’n. I’m sure this is just a glimpse of how wealthy the Ignacio’s are.

Sana all.

“Mauna ka na. Magliligpit lang ako rito at magwawalis.”

“Hindi na, tulungan na kita.” Umiling ako at tinulak siya palayo. Duda ako sa kumag. Parang hindi nga naglilinis ‘to ng kahit ano sa bahay nila.

“I insist.” Iniwan ko nalang siya at nagsimula nang magpunta sa mga lamesa upang maghanap ng kalat ng mga estudyanteng walang disiplina. Nang balingan ko si Creed ay nagsisimula na pala siyang magwalis. Nakatitig siya sa sahig na parang may malalim na iniisip. He looked so out of place while doing that. Parang hindi bagay sa kaniya ‘yang gawaing ganyan. His fit and muscular frame is too overqualified and weird to look at while he’s holding a broom.

Mukha yatang ‘yong sahig pa yung nahihiya sa paglilinis niya. I wonder what pushed him to do that. Sa mga normal na araw naman na nagkakasalubong at nagkikita kami ay hindi ko pa siya naabutang naglilinis. Maybe something was off about his day.

Or was it a way to punish himself for doing something? Mukha siyang nags-space out kanina, eh. Parang malalim ang iniisip. Baka nakapatay ‘to tapos ito ang ginagawa para maalis ang guilt sa kaluluwa niya, ah. Umiling nalang ako at nagpatuloy sa paghahagilap ng mga kalat.

“Miss, naiwan mo ‘tong pinagbalatan mo ng banana milk.” Kinalabit ko iyong estudyanteng naglalakad palabas. Mukha pa naman siyang nagmamadali. Buti nahabol ko.

“Ano b-“ Natigil siya nang makitang ako ‘yong kumalabit sa kaniya. Nagtaas ako ng kilay. Her expression softened and she immediately got it from my hand. Mabuti naman. Mukhang bubugahan pa niya ako ng apoy, e’.

Kilalanin dapat niya binabangga niya.

“’Yon lang ba?” Nagulat ako nang sumulpot bigla si Creed sa harapan ko. Nakapamaywang siya habang nakahawak iyong isang kamay ng walis at ‘yong kabila naman ay nasa dustpan. Hindi man lang pinagpawisan.

Inikot ko ang mata sa buong library at nakitang maayos naman na. Ang kalat pa nito kanina, ah. Bilib din ako rito kay Ignacio, ang bilis maglinis. Nakakadalawang mesa palang ako, nawalis na niya nang buo itong library. Sabagay, hindi naman ganon kalaki ang library, pero hindi rin naman maliit. Sakto lang.

“Bilis mo, ah.” Bilib akong tumingin sa kaniya. He smirked at me. Binitawan niya ‘yong mga hawak at ipinagkrus ang kamay sa dibdib.

“Ako lang ‘to, Elisha.” Proud siyang tumingin sa’kin. Tumango ako at hindi na siya sinagot dahil paniguradong magyayabang lang siya. Somehow, his gesture reminded me of a memory years ago. A scene that lives in my mind. Like a long lasting flow of happiness and longing. It was something that I haven’t scene for years now.

“Ang dami naman nitong mangga.” Nag-angat ako ng tingin kay Baron na naka akyat sa puno. He looked down at me and smiled.

“Teka, saluhin mo pa ‘tong mga ibabagsak ko. Patpatin ka pa rin, kailangan mong kumain nang marami.” Sumimangot ako habang tumatawa siyang nasa ibabaw ng puno. His roar of laughter was manly. It was masculine. Comfortable yet still frustrating because of what he said.

Itinaas ko ‘yong basket nang mag-umpisa na siyang maghulog. Nahihirapan ako dahil medyo mabigat dahil may laman na pero kaya ko naman. Ayaw kasi niyang kunin nalang at siya nalang ‘yong bumaba rito. Gusto raw niyang nahihirapan ako; para naman daw may exercise.

“Ayos ba?” Ipinagpag niya ang mga kamay pagkatapos na makababa sa puno. He chuckled when he saw me pouting.

“Mabigat ba?” He was biting the insides of his cheeks while his hands are crossed on his chest. I looked at him, frustrated. Bwisit naman. Nabibigatan na nga ako pero tinatawanan niya pa rin ako. Nahihirapan na nga akong saluhin pero parang wala lang sa kaniya!

“Aww. Kawawa naman.” Umiwas ako ng tingin at tumakbo palayo sa kaniya. Nakakainis naman. I was marching while going away from him. And what was more frustrating was that he was just laughing while I’m mad!

“Babalatan ko lang ‘to. Tapos kainin natin sa bahay niyo!” He yelled but I didn’t looked back and continued to pace my way back home.

The setting of the sun was calm that day. Ang init ng hangin ay nakakakalma. Ang mga ulap ay sumasayaw sa kalangitan. Ang simoy ng hangin ay nakakalutang. Nakakamiss.

Things have changed. Yet something remains untouchable. It was the things before that were already marked in my mind. Something that stays. And it was those memories. The scene of morning wake and the crisp sound of leaves ruffling endlessly. The scent of sold sampaguitas and desired pancakes. The scene of going home everyday. They all live at the back of my mind. And in my most secret desires and wishes, I keep going back to them. Like nothing has changed.

They say times flies so fast when we enjoy it. And I’m pretty sure it’s true. Like the falling fine sands in the hourglass. Like the narrow space in between. I knew it will all pass through smoothly. And I will surely miss them all.

“Uuwi ka na ba n’yan?” Umiling ako.

“Maglilinis pa ‘ko ng bathroom do’n sa 3rd floor sa building ng mga senior high. Schedule ko ngayon, eh.” Wika ko habang isinasakbit ang bag sa likod ko.

“Ang dami mo namang trabaho.” He said cockily.

“Ang dami mo namang reklamo.” Tinulak ko siya palayo.

“Umuwi ka na nga. Baka hinahanap ka na, Ignacio.” Diniinan ko ang pagbanggit sa apelyido niya. Ginaya ko pa nga yung pagtawag ng librarian sa surname niya para naman maalala niya galit no’n sa kanya.

“Hintayin nalang kita.” Mapilit talaga.

“Do’n sa may nagfifishball, ah. Ipangreserve kitang kwek-kwek.” Aba’t nagfifishball ‘tong hayop na ‘to? Sa yaman niya? Bagong balita yata sa’king hindi na matapobre ang mga mayayaman ngayon. Madalas kasi ay nandidiri sila sa mga streetfoods. Personality kasi nila ‘yon madalas.

“Libre?” Tanong ko.

“Pag-isipan ko.” Tumawa siya. Umiling nalang ako at naglakad palayo. Bahala siya r’yan. Mapera naman siya kaya sigurado akong afford niya kahit papakin ko lahat ng tinda ro’n sa fishball-an.

Umihip ang hanging pang-hapon habang naglalakad ako palabas ng building namin. Ang kalmadong sinag ng araw ay tumatama sa balat ko. I looked at my shoes while pacing my way to the next building. Medyo luma na pala ang mga ‘yon. Last year ko pa yata ‘to binili. Ang madilim na kulay ay unti-unti nang nawawala. Marami na ring gasgas at humihiwalay na rin ng kaunti ‘yong ibabang parte. Bumuntong hininga ako at kinompyut sa utak ko ang gagastusin para sa mga ‘to.

May sapat na pera naman ako ngayon para bumili ng bago. Iyong pagsagot ko ng homework at pagtatrabaho sa café ay malaking tulong para may maipambili ako. Iyon nga lang ay ayokong gastusin muna ‘yong ipon ko para lang sa mga sapatos. Ngumuso ako. Kailangan ko ng mga ‘yon pero siguro ay kakayanin ko naman kung magtitiis pa ako nang isang buwan o higit pa. May nabibili namang shoe glue rito. ‘Yon nalang ang gagamitin ko. Dapat maging praktikal ako para mabuhay.

Nanliit ako nang matanto kung gaano kalayo ang buhay ko sa normal na buhay ng mga estudyante rito.

They would always wake up with a spoonful of breakfast right before their tables or dining area. Ang uniporme’y nakaplantsa na at nakahanda para suotin, maliligo na lang at mag-aayos. I’m sure a car ride is waiting for them once they step out of their houses, too. Darating sa eskwelahan na mau sapat na baon.

Their only goal is to study and do their best. Far away from mine which is to live and make sure that my life will be progressive. And in those moments where I find myself looking at them, I’ll realize how I’m way far ahead of them. How my living is significantly different from theirs.

It must be good to live a luxurious life, I wonder. And I would always find myself imagining that. Dreams are free, after all.

Napahinto ako sa harapan ng comfort room ng mga senior high. Huminto ako ng bahagya nang makaramdam ng pagod mula sa pag-akyat sa mga hagdan papunta rito. Dapat talaga maglagay na sila ng mga elevator dito. Nakakapagod umakyat ‘no!

Itinali ko muna ang buhok bago ako pumasok sa loob. Itinulak ko ang pinto at pinasadahan ng tingin ang lilinisin ko. Napakunot ang noo ko nang makakita ng mga pinagbalatan sa lababo. Lumapit ako ro’n at kinuha iyon isa-isa. Napakakalat naman ng mga ‘to. Hindi ba sila marunong maglinis? Inaamin kong hindi maayos tignan itong C.R pero hindi naman yata tamang ituring na parang basura ‘to. Umiling nalang ako at isinarili ang reklamo tungkol sa mga kalat. Wala rin namang kwenta ang pagrarant ko. Kinuha ako rito para maglinis, hindi para magreklamo. Inalala ko ‘yon.

Kinuha ko ‘yong mop sa isang sulok at nagsimulang pumulot ng mga kalat sa sahig. Namilog ang mga mata ko nang makakita ng wrapper ng comdom don. Jusko, ano bang pinaggagawa ng mga tao rito? Dito pa talaga nila ginawa?! Hindi ba sila nahihiya na may makakita sa kanila?

Libog nga naman.

Nasa pangalawang cubicle na ako naglilinis nang makarinig ako ng kalabog. Bumilis ang tibok ng puso ko at agad na binitawan ang hawak na mop. Anong nangyayari?

Nanlamig ako nang maalala iyong kwento na may nagpapakita raw ritong babaeng naka-puti kapag uwian na. Ang sabi’y nagpakamatay raw dahil sa napagalitan ng adviser. Nagpapakita raw ‘yon sa mga estudyante para manakot at maghiganti. Hindi naman siguro totoo ‘yon ‘no? Baka guni-guni ko lang ‘yon. Umiling ako upang maiwasan na umisip tungkol doon. Sabi pa naman nila, kapag daw natatakot ka, nararamdaman iyon ng mga multo kaya mas ginaganahan silang magparamdam sa’yo.

Hindi ako natatakot, ‘no.

Slight lang.

Nagpatuloy ako sa pagmomop at iniwasan ang pag-iisip ng nakakatakot. Ako rin naman ‘yong tumatakot sa sarili ko. Kung hindi ko iyon iisipin wala namang mangyayaring masama. O baka hindi.

Tumayo ang balahibo ko nang may kumalabog uli. Sa takot ko ay iniangat ko ang mop at lumabas sa ikatlong cubicle. Pinakinggan kong mabuti iyong kalabog habang hawak pa rin ang mop. Mas lalo iyong lumalakas habang lumalapit ako sa pinakahuling cubicle. Nadaragdagan na rin ng halinghing sa bawat hakbang ko. Anong nangyayari?

Huminga ako nang malalim habang lumalapit do’n. Itinutok ko ‘yong dulo ng mop sa pintuan at dahan dahang itinulak papasok ang pinto. Nakakatakot na at baka may lumabas bigla na kung ano.

I stood frozen in my place when I saw the scene inside that was causing chaos in my mind. Namilog ang mga mata ko sa nakita. Nabitawan ko ‘yong mop, causing a sudden sound which filled the whole comfort room.

A slim girl was sitting peacefully on the lap of someone who’s face is covered by the girl. Her uniform was falling on her lap, with her brassiere pulled down just below hers. Her back was arched while silent moans were coming out of her mouth.

The scene looked so obscenely sexual that I was taken aback. The man’s frame was familiar to me. Those large hands that are traveling on the girl’s porcelain back.. I’m sure I’ve seen them somewhere. Bumaba ang tingin ko. Those shoes and that stance…

I was just about to identify who it was but then they both stopped, probably noticing my presence behind them. Nanatili akong nakatayo ro’n habang pinoproseso ang nangyayari.

What. The. Fuck.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status