Share

Chapter 6

Author: Im Sol
last update Last Updated: 2025-03-04 20:53:11

ABALA si Lucien sa pagdadampi ng makeup sa pisngi niya dahil kailangan niyang iharap ang mukha niya mamaya sa event, nang biglang bumukas ang pinto.

"What the hell, Lucien?"

Napapitlag siya at halos mahulog ang hawak niyang sponge nang marinig ang boses ng matalik niyang kaibigan—si Calix.

Napatigil si Calix sa may pintuan, nakakunot-noo habang nakatingin sa kanya. Ilang segundo lang ay bumagsak ang tingin nito sa pulang marka sa pisngi niya, saka biglang natawa.

"Anong nangyari sa mukha mo? May sumampal ba sa'yo?" asar na tanong ni Calix, kasabay ng pagtawa nito.

Nanlaki ang mga mata ni Lucien at agad niyang tinakpan ang pisngi niya gamit ang kamay. 'Damn it! Bakit ba pumasok ito nang hindi man lang kumatok?!'

"Wala!" mariing sagot ni Lucien, saka agad na tumalikod.

Pero lalo lang lumakas ang tawa ni Calix. "Dude, obvious naman na may sumampal sa'yo! Hahaha! Sino may gawa niyan? At bakit ka nagme-makeup?"

Hindi sumagot si Lucien at nagpatuloy sa pag-a-apply ng concealer, pilit tinatabunan ang marka.

Napansin ni Calix ang mga makeup products na nakakalat sa mesa at napailing ito. "Wait lang… bumili ka ba ng mga ‘to? Kailan ka pa naging expert sa makeup, ha?"

Hindi pa rin nagsalita si Lucien. Maya-maya pa ay unti-unti niyang na-realize na nagkamali siya ng pagpili ng shade. Sa halip na itago ang pamumula ng pisngi niya ay mas lalo lang itong nahahalata.

"Ang layo ng color shade na binili mo. Mukha kang nasunog sa beach. Medyo tan ka tingnan. Hahaha!"

Napangiwi si Lucien at napatingin sa repleksyon niya sa salamin. Totoo nga! Para siyang nagbakasyon sa dagat nang hindi naglagay ng sunscreen.

"What the fuck I'm doing?" bulong niya sa sarili.

"Lucien Hoffman, makeup artist na ba ang bagong career mo?" pang-aasar pa ni Calix habang dinadampot ang iba’t ibang makeup sa mesa. "At bakit ang dami mong binili? Eh hindi mo naman alam gamitin!"

"Shut the fuck, Calix," inis na sagot ni Lucien. "Hindi mo na kailangang malaman."

Pero hindi papayag si Calix na walang makuhang sagot. "Hmm…" Tumango-tango ito, kunwari nag-iisip. "Mukhang ang asawa mo ang gumawa nito, 'no? Bagong kasal lang kayo pero hindi na kayo magkasundo."

Biglang naalala ni Lucien ang galit na tingin ni Bianca bago siya sinampal. Pakiramdam niya tuloy, kahit natakpan na ng makeup ang pisngi niya, ramdam pa rin niya ang hapdi nito.

Napangiwi si Lucien habang nakatingin sa sarili sa salamin. Hindi niya alam kung mas pipiliin niyang lumabas na may pulang marka sa pisngi o magmukhang nag-sunburn sa maling shade ng makeup.

Napansin naman ni Calix ang pagkadismaya niya kaya napailing ito. "Hay naku, ako na nga."

"Ha?" Napakunot-noo si Lucien.

"Ako na magtatakip niyan! Halata namang wala kang alam sa makeup," sagot ni Calix habang dinampot ang foundation na nasa mesa. "Dapat kasi, concealer muna bago foundation! Tapos i-blend nang maayos para hindi mukhang nilublob sa arena ang mukha mo."

"Alam mo 'yan?" nagdududang tanong ni Lucien.

"Medyo may alam ako sa makeup dahil sa mga tutorials ni Cheska. Alam mo naman na makeup vlogger ang kapatid ko, kaya may napupulot naman akong idea kahit papaano kakalike ng bawat post niya," pagmamalaki ni Calix habang sinisimulang i-apply ang makeup sa pisngi ni Lucien.

Napangiwi si Lucien nang maramdaman ang bigat ng kamay ng kaibigan. "Take it easy! This is not construction work!"

"Arte mo! Tumigil ka nga r'yan at h'wag na malikot kung ayaw mong mas lumala pa ito," reklamo ni Calix habang sinisikap na pantayin ang kulay ng mukha ni Lucien.

Pero bago pa nila matapos, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Grasya, ang isa sa mga kasambahay ni Lucien.

"Sir Lucien, eto na po ang sapatos na pinalinis niyo—"

Halos mabitawan ni Grasya ang kahon ng sapatos nang makita ang eksena sa harap niya.

Si Calix, may hawak na makeup brush, habang si Lucien naman ay nakapikit habang mini-makeup-an sa mukha!

Napatakip ng bibig si Grasya. "Ay Diyos ko, patawarin niyo po ako!"

Nagkatinginan sina Lucien at Calix, at parehong natigilan.

"Grasya, hindi ‘to ‘yung iniisip mo—" agad na sagot ni Lucien.

"Oo nga! Hindi kami… alam mo na… hindi ito ‘yun!" dagdag ni Calix at saka biglang napalunok.

Pero halata kay Grasya na hindi siya kumbinsido. Umiling-iling pa ito at bumaba ang tingin sa mesa, kung saan nagkalat ang makeup products.

"Hindi niyo na po kailangang magpaliwanag, Sir. Hindi naman po masama ang magpakatotoo sa sarili," seryosong sabi ni Grasya.

"WHAT?!" sabay na sigaw ng dalawa.

Lalong lumala pa ang sitwasyon nang biglang dumaan sa may pinto si isa pang kasambahay na si Mang Kardo.

"Oh, anong kaguluhan ‘to?" tanong ni Mang Kardo.

Itinuro ni Grasya ang dalawa. "Sina Sir Lucien at Sir Calix po… nagme-makeup session."

Napakunot-noo si Mang Kardo, saka dahan-dahang tumango. "Ah… kaya pala."

"ANO KAYA?!" sigaw ulit ng dalawa, pero mukhang hindi na nila mababago ang impresyon nina Grasya at Mang Kardo.

Mabilis na lumabas si Grasya matapos na iwan ang sapatos, at narinig pa nilang may binubulong ito sa sarili. "Iba na talaga ang panahon ngayon… kahit may asawa na si Sir Lucien, mas close pa sila ni Sir Calix…"

Napahawak na lang si Lucien sa noo niya, habang si Calix ay napahawak sa dibdib niya at tila bang nasaktan ang ego niya.

"Damn it, Lucien, ito na ang pinakamalaking eskandalo sa buhay ko!"

"Shut up, Calix! This is your fault. Pumasok ka kasi sa kwarto ko na hindi nagpapaalam," reklamo ni Lucien.

Napahilamos na lang ng mukha si Calix. Kilala siya bilang casanova sa barkada nila, pero ang mapagbintangan siyang bakla ay hindi niya ito matatanggap.

"Do you know how much I protect my image with women? And now I'm being mistaken for gay?" reklamo ni Calix dito.

Tumango-tango na lang si Lucien habang matamlay na nakatingin sa salamin. He's losing hope na magawa niyang matakpan ang marka sa mukha.

Pero maya-maya pa ay may naisip siya na hindi na niya kailangan ng makeup.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • 'Till Contract Do Us Apart    Chapter 9

    NAGTUNGO sila sa isang tahimik na lugar. Pagdating nila ay humarap si Bianca kay Lucien. "May marka ka," sabi nito habang nakaturo sa pisngi niya. "Wala 'to," sagot ni Lucien, bahagyang umiwas ng tingin. "Hindi pwede dahil alam kong haharap sa mamaya sa stage," salaysay ni Bianca. Binuksan ni Bianca ang maliit niyang bag at inilabas ang concealer at compact powder. "Stay still," utos niya. Napataas ng kilay si Lucien. "Talagang may dala ka pang ganito?" Napairap si Bianca. "Syempre, babae ako. At isa pa, ikaw ang dahilan kung bakit napalakas ang sampal ko sa'yo." Bahagyang natawa si Lucien. "So inaamin mong sinaktan mo ako?" "Hindi ko kasalanan 'yon," agad na sabi ni Bianca. Lumapit si Bianca sa kanya na halos magdikit na ang kanilang mukha. Kinuha niya ang concealer at maingat na tinapik-tapik sa pulang marka sa pisngi ni Lucien. Napakurap si Lucien nang maramdaman ang malambot nitong mga daliri sa balat niya. "Dahan-dahan," mahina niyang sabi. Napahinto si

  • 'Till Contract Do Us Apart    Chapter 8

    PAGPASOK nina Bianca at Lucien sa venue, agad silang sinalubong ng eleganteng ambiance ng event hall. Tanaw nila ang isang grand stage kung saan doon gaganapin ang pirmahan ng merger agreement.Hindi pa man sila nakakaupo ay lumapit ang isang babaeng naka-red silk dress. Maganda ito, maayos ang tindig at halatang sanay sa ganitong high-profile gatherings.“Lucien,” bati nito, sabay ngiti na may bahid ng panunukso. “Nice to see you, it's been a while," dagdag pa nito.Napakunot ang noo ni Bianca. May kakaibang tension sa pagitan ng babae at ni Lucien.“And you are?” tanong niya. Hindi maitago ang bahagyang curious na tanong ni Bianca.Ngumiti ang babae at inabot ang kamay kay Bianca. “Oh, sorry. I’m Valerie Montenegro, director of investments sa Hoffman Group… and an old friend of Lucien.”Bumaling si Bianca kay Lucien, na tahimik lang at walang emosyon sa mukha. Pero nahalata niya ang bahagyang pag-iwas ng mga mata nito na para bang hindi naging maganda ang alaala niya kay Valerie.Na

  • 'Till Contract Do Us Apart    Chapter 7

    TAHIMIK lang si Bianca habang nakaupo sa kabilang dulo ng limousine. Kahit nakatingin siya sa labas ng bintana ay hindi niya maiwasang mapansin si Lucien sa gilid ng paningin niya. Naka-itim na facemask ito, at kahit hindi halata ay alam niya kung ano ang tinatago nito.Hindi siya nagsalita. Ni hindi rin siya nagtanong. Pero sa loob-loob niya, sigurado siyang bakas pa rin ang iniwang marka ng palad niya sa pisngi no'ng sinampal niya ito.Maya-maya ay tumikhim si Lucien. Masyadong tahimik ang sasakyan, at kahit hindi niya nakita ang reaksyon ni Bianca ay ramdam niyang kanina pa siya tinitingnan nito.Umubo ng bahagya si Lucien, nagpapanggap siyang may sakit. "I am not feeling well," aniya, sabay hinipo ang noo para tinitingnan kung may lagnat siya.Napataas ng kilay si Bianca. Hindi siya nagsalita nang ibaling ang tingin niya rito at saka muling lumingon sa bintana. Napapigil siya ng ngiti. Iniisip niyang deserve naman ni Lucien iyon dahil sa mga pang-aakusa sa kanya.Pinanood ni Lucie

  • 'Till Contract Do Us Apart    Chapter 6

    ABALA si Lucien sa pagdadampi ng makeup sa pisngi niya dahil kailangan niyang iharap ang mukha niya mamaya sa event, nang biglang bumukas ang pinto. "What the hell, Lucien?" Napapitlag siya at halos mahulog ang hawak niyang sponge nang marinig ang boses ng matalik niyang kaibigan—si Calix. Napatigil si Calix sa may pintuan, nakakunot-noo habang nakatingin sa kanya. Ilang segundo lang ay bumagsak ang tingin nito sa pulang marka sa pisngi niya, saka biglang natawa. "Anong nangyari sa mukha mo? May sumampal ba sa'yo?" asar na tanong ni Calix, kasabay ng pagtawa nito. Nanlaki ang mga mata ni Lucien at agad niyang tinakpan ang pisngi niya gamit ang kamay. 'Damn it! Bakit ba pumasok ito nang hindi man lang kumatok?!' "Wala!" mariing sagot ni Lucien, saka agad na tumalikod. Pero lalo lang lumakas ang tawa ni Calix. "Dude, obvious naman na may sumampal sa'yo! Hahaha! Sino may gawa niyan? At bakit ka nagme-makeup?" Hindi sumagot si Lucien at nagpatuloy sa pag-a-apply ng concealer, pili

  • 'Till Contract Do Us Apart    Chapter 5

    PAGKASARA ng pinto ay hinigpitan ni Lucien ang paghawak niya sa braso ni Bianca, dahilan para mapadaing ito sa sakit. "Aray! Nasasaktan ako, Lucien!" usal ni Bianca. "Ano bang ipinunta mo roon, ha?" pigil galit na sabi ni Lucien nang bitawan niya ito. "I'm sorry," nauutal na sagot ni Bianca. "Hindi ko sinasadya—" "Hindi mo sinasadya?" Mariing natawa si Lucien na may halong pagkairita. "Kanina lang tayo nag-usap na hindi natin papakialaman ang buhay natin sa isa't isa, tapos ganito gagawin mo?" Hindi nakasagot si Bianca. Nanikip ang lalamunan niya na makita ang mga titig nito na para bang gusto siyang tunawin sa galit. "Dahil lang ba sa sinabi kong gold digger ka, kaya mo ginagawa ito?" patuloy na sabi ni Lucien. "Or maybe you’re just waiting to see how strong my legs still are. And when I’ll finally be completely disabled and helpless, then you can take my wealth? Are you really this desperate, huh?" Ilang sandali pa ay isang mabigat na sampal sa pisngi ang natamo ni Lucien.

  • 'Till Contract Do Us Apart    Chapter 4

    MAAGANG bumaba si Bianca mula sa kanyang silid at nadatnan si Lucien sa dining table, tahimik na umiinom ng kape habang nakatutok sa tablet. Napansin niyang nasa tabi nito ang isang brown envelope, sa palagay niya iyon na ang kontrata."Umupo ka," malamig na sabi ni Lucien nang makita siya. "Basahin mo ito," dagdag pa niya saka humigop ng kape.Umupo naman si Bianca at kinuha ang dokumento. Binasa niya ito nang mabuti, sinusuri ang bawat kondisyon. Ngunit habang binabasa niya ay may isang bagay na hindi niya nagustuhan, iyon ang dapat alam ni Lucien ang lahat ng kilos niya—kung saan siya pumunta at kung ano ang ginagawa niya. Tumigil si Bianca sa pagbabasa at tiningnan siya. "At kung hindi ko pirmahan?""Masisira ang plano ng pamilya natin, at ikaw... baka hindi mo magustuhan ang magiging consequences," walang emosyon na sagot ni Lucien.Muli niyang binalikan ang dokumento. Wala siyang ibang choice. Kailangan niyang manatili rito, pero hindi ibig sabihin ay magpapakulong siya ulit tu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status