Para masalba ang kompanya ng kanyang ama, napilitan si Bianca na pakasalan si Lucien Hoffman—isang ruthless at disabled na lalaki. Ngunit sa mismong araw ng kanilang kasal, nagulat ang lahat nang makita nilang nakakalakad ito nang maayos. At hindi lang iyon, napakaguwapo pa ni Lucien! Nang magtagpo ang kanilang landas, malamig na sinabi ni Lucien kay Bianca, "I will never love you or sleep with you. To me, you're nothing but a contracted wife." Ngunit dumating ang araw na hindi na niya magawang sundin ang nakasaad sa kontrata. Malumanay niyang sinabi, "I don't know, but I lose my mind when you're not here with me. Now, I’ll treat you as my wife. I will love you and… make love to you.” Umiling si Bianca. “It's a breach of contract! Do you know you'll have to pay for it?” Ngumiti si Lucien. “I can pay for that breach of contract even multiple times, as long as you'll be mine." Ngunit paano kung ang kontratang nagbuklod sa kanila ay siya ring maging dahilan para magkalayo sila?
View More“COME back here, Bianca! Don’t you dare run away!” sigaw ng ama ni Bianca sa malayo.
Namilog ang mga mata ni Bianca nang makita ang kanyang ama na si Antonio na naglalakad patungo sa direksyon niya. Bago pa ito makalapit sa kanya ay mabilis siyang kumaripas ng takbo. Ngunit agad niyang napagtanto, wala na pala siyang matatakasan. Sa harap niya ay may isang malaking pader na may matutulis na alambre sa tuktok. Naisip niya na kahit anong gawin niya ay hindi siya makakaalis nang hindi masusugatan. Bumilis bigla ang tibok ng puso niya. Wala na siyang ibang daan, at alam niyang mahuhuli na siya ng mga ito. Napaluhod na lang si Bianca. “Please leave me alone, Dad! H’wag niyo na akong pilitin!” habol hiningang pagmamakaawa niya rito. Galing si Bianca sa mansyon at do’n ginanap ang golden birthday ng ama niya. Pero imbes na magdiwang kasama ang pamilya ay tumakas siya dahil ikakasal na siya bukas kay Lucien—isang disabled at bastardong anak ng mga Hoffman. Kagaya nito, isa rin siyang illegitimate child at nagmistulang palamuti sa pamilya. Gagamitin lang sila para lumago ang kayamanan ng mga ito, pero hindi naman sila ang makikinabang. Ngunit hindi siya sinagot nito. Naglakad papalapit si Antonio kasama ang tatlong guwardya. Halatang hindi sila titigil hangga’t hindi bumabalik si Bianca sa mansyon. Pilit nilakasan ni Bianca ang loob niya. "H-Hindi ako magpapakasal, daddy! Please… parang awa niyo na, pakawalan niyo na ako.” Nagpumiglas si Bianca nang hawakan siya ng mga guwardya sa magkabilang braso. “Bitawan niyo ako!” sigaw niya, pilit na kumakawala. Ngunit mas hinigpitan pa ng mga ito ang pagkakahawak sa kanya. Hindi na niya napigilan ang maluha habang lumalapit ang kanyang ama na nakatingin sa kanya nang masama. “Napakawalang utang na loob mo!” galit nitong sabi. “Alam mo bang lahat ng ginagawa ko ay para sa iyo? Para sa kinabukasan mo?” Umiling si Bianca at nanlilisik ang mga mata. “Para sa akin? O para sa negosyo niyo?” Nagpanting ang tenga ni Antonio sa sinabi ng anak. “You don't know, Bianca, ang kasal na ‘yan ang makakasalba sa kompanya natin. Lubog na tayo sa utang, kaya kailangan ko itong gawin para mabuhay tayo. Isa kang Mondevan, at may responsibilidad kang gampanan iyon.” “Bakit hindi na lang si Monica ang ipakasal mo? Bakit ako pa? At saka, hindi ko mahal si Lucien,” umiiyak niyang sagot. “Hindi ko kayang pakasalan ang isang taong hindi ko naman kilala, lalo na’t alam kong ginagamit mo lang ako para sa kompanya mo!” Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Antonio. “Wala kang ibang choice, Bianca. Nasa puder kita, kaya kailangan mong sumunod sa akin.” Muling nagpumiglas si Bianca. “Mayroon! At hindi ito!” Sa isang iglap ay mabilis na iniyapak niya nang malakas ang sakong niya sa paa ng isang guwardya, dahilan para mapatili ito sa sakit. Nagulat ang isang guwardya at sinamantala iyon ni Bianca upang hilahin ang braso niya at makawala. Agad siyang tumakbo sa kabilang direksyon, kahit pa ramdam niyang hinahabol na naman siya ng mga tauhan ng kanyang ama. "Takbo, Bianca... takbo hangga't kaya mo," bulong niya sa sarili, pero alam niyang hindi na niya kaya. Halos hindi na niya maramdaman ang mga paa niya sa bilis ng pagtakbo, pero alam niyang hindi magtatagal ay aabutan din siya ng mga guwardya. Tama nga, dahil ilang segundo lang, isang malakas na bisig ang humablot sa kanya mula sa likod. “Bitawan niyo ako!” sigaw niya, pilit na nagpupumiglas. Ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa kanya at saka niyakap ang kanyang baywang habang ang isa naman ay mabilis na inagaw ang kanyang mga kamay at nilikod ito. “Bitawan niyo ako! Ayoko sumama sa inyo!” patuloy na sigaw ni Bianca na halos maubos na ang boses niya kakasigaw. Lumapit si Antonio at matalim siyang tiningnan. “Wala kang ibang pupuntahan, Bianca. Wala kang ibang matatakbuhan. So please, h’wag mo nang pagurin ang sarili mo.” Muli ay napaluhod si Bianca sa harap ng kanyang ama, umiiyak siya at nagmamakaawa. “Please stop the wedding. Gagawin ko ang lahat ng iuutos niyo, basta h’wag niyo lang ako ibigay sa mga Hoffman.” Pakiramdam ni Bianca na hindi pa ba sapat na pinagkait ng sarili niyang pamilya ang lahat ng pribilehiyo niya bilang Mondevan? Ginawa siyang isang alipin—taga-luto, taga-linis, at sunod-sunuran sa kahit anong utos ng kanyang pamilya. “Nasa tamang edad ka naman din, Bianca, kaya ikaw ang napili ko at hindi si Monica. Ipasok niyo na siya sa kotse,” utos ni Antonio sa mga tauhan niya. Pagdating sa mansyon ay ibinalibag si Bianca sa loob ng kanyang kuwarto—ang kuwartong naging kulungan niya sa loob ng halos dalawampu't tatlong taon na. Muli ay bumalik ang isip niya sa nakaraan, no’ng panahong sweet at close pa sila ng daddy niya. No’ng panahong pinagluluto pa siya nito ng paborito niyang pagkain, no’ng binabasahan pa siya ng story book bago siya matulog at katulad nito. Limang taong gulang noon si Bianca nang magpakasal si Antonio sa kanyang madrasta na si Camille at isinilang ang kapatid niyang si Monica. Pakiramdam niya ay hindi na siya bahagi ng pamilya. Kung hindi lang namatay ang kanyang ina matapos siyang ipanganak, baka iba ang naging kapalaran niya ngayon. Ilang sandali pa ay pumasok sa kuwarto ang ama niya. “Maaga pa tayo bukas kaya magpahinga ka na,” wika nito. “Dad, please… maawa ka naman sa akin. Hindi ba’t minahal mo naman ako bilang anak mo noon? Matagal ko nang gustong malaman ito…. Bakit ganito ang pagtrato mo sa akin? Ano bang nagawa ko?” Muling bumuhos ang luha ni Bianca saka muling nagsalita, “You used to be my father, and I don't understand why you are doing this to me.” Napakuyom ng kamay si Antonio, at saka siya nagsalita. “Bunga ka ng pagkakamali namin ng ina mong si Amanda. Isa kang kahihiyan na pilit kong itinago sa pangalan ng Mondevan. I tried to be a good father to you, Bianca, pero kailangan kong mag-asawa at magkaanak para mas lalong tumibay ang tungkulin ko bilang Chairman. Alam mo bang kaya lagi kang naka-homeschool? Hindi iyon dahil sa gusto kitang protektahan, kundi para walang makaalam na may isa akong illegitimate child. Pero ngayon, kailangan kita… ikaw lang ang makakasalba sa kompanya natin, para naman may silbi ka.” Gumuho ang mundo ni Bianca sa bawat salitang naririnig niya. Matagal na niyang nararamdaman na parang hindi siya kabilang sa pamilya niya, pero iba palang marinig ito nang direkta mula mismo sa ama niya. “Maghanda ka na bukas, Bianca, ikakasal ka na kay Lucien, and that is your fate,” anito saka malakas na isinara ang pintuan ng kwarto niya. Hindi na alam ni Bianca ang magiging kapalaran niya bukas. Natatakot siya na baka mas lalo siyang pahirapan ng mga Hoffman. May sabi-sabi na strikto raw ang pamilya. Makaka-survive kaya siya? Naiwan si Bianca na nakaupo sa malamig na sahig ng kanyang kwarto, tulala habang patuloy na tumutulo ang kanyang luha. Wala na siyang lakas para magpumiglas o sumigaw. Umiiyak na lang siya hanggang sa wala nang luha na lumabas. “Bakit ganito?” mahina niyang bulong. Pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa mundo. Kahit anong gawin niya, kahit anong pagmamakaawa niya ay hindi siya pinapakinggan. “Ganito na lang ba talaga ang buhay ko?”NAGTUNGO sila sa isang tahimik na lugar. Pagdating nila ay humarap si Bianca kay Lucien. "May marka ka," sabi nito habang nakaturo sa pisngi niya. "Wala 'to," sagot ni Lucien, bahagyang umiwas ng tingin. "Hindi pwede dahil alam kong haharap sa mamaya sa stage," salaysay ni Bianca. Binuksan ni Bianca ang maliit niyang bag at inilabas ang concealer at compact powder. "Stay still," utos niya. Napataas ng kilay si Lucien. "Talagang may dala ka pang ganito?" Napairap si Bianca. "Syempre, babae ako. At isa pa, ikaw ang dahilan kung bakit napalakas ang sampal ko sa'yo." Bahagyang natawa si Lucien. "So inaamin mong sinaktan mo ako?" "Hindi ko kasalanan 'yon," agad na sabi ni Bianca. Lumapit si Bianca sa kanya na halos magdikit na ang kanilang mukha. Kinuha niya ang concealer at maingat na tinapik-tapik sa pulang marka sa pisngi ni Lucien. Napakurap si Lucien nang maramdaman ang malambot nitong mga daliri sa balat niya. "Dahan-dahan," mahina niyang sabi. Napahinto si
PAGPASOK nina Bianca at Lucien sa venue, agad silang sinalubong ng eleganteng ambiance ng event hall. Tanaw nila ang isang grand stage kung saan doon gaganapin ang pirmahan ng merger agreement.Hindi pa man sila nakakaupo ay lumapit ang isang babaeng naka-red silk dress. Maganda ito, maayos ang tindig at halatang sanay sa ganitong high-profile gatherings.“Lucien,” bati nito, sabay ngiti na may bahid ng panunukso. “Nice to see you, it's been a while," dagdag pa nito.Napakunot ang noo ni Bianca. May kakaibang tension sa pagitan ng babae at ni Lucien.“And you are?” tanong niya. Hindi maitago ang bahagyang curious na tanong ni Bianca.Ngumiti ang babae at inabot ang kamay kay Bianca. “Oh, sorry. I’m Valerie Montenegro, director of investments sa Hoffman Group… and an old friend of Lucien.”Bumaling si Bianca kay Lucien, na tahimik lang at walang emosyon sa mukha. Pero nahalata niya ang bahagyang pag-iwas ng mga mata nito na para bang hindi naging maganda ang alaala niya kay Valerie.Na
TAHIMIK lang si Bianca habang nakaupo sa kabilang dulo ng limousine. Kahit nakatingin siya sa labas ng bintana ay hindi niya maiwasang mapansin si Lucien sa gilid ng paningin niya. Naka-itim na facemask ito, at kahit hindi halata ay alam niya kung ano ang tinatago nito.Hindi siya nagsalita. Ni hindi rin siya nagtanong. Pero sa loob-loob niya, sigurado siyang bakas pa rin ang iniwang marka ng palad niya sa pisngi no'ng sinampal niya ito.Maya-maya ay tumikhim si Lucien. Masyadong tahimik ang sasakyan, at kahit hindi niya nakita ang reaksyon ni Bianca ay ramdam niyang kanina pa siya tinitingnan nito.Umubo ng bahagya si Lucien, nagpapanggap siyang may sakit. "I am not feeling well," aniya, sabay hinipo ang noo para tinitingnan kung may lagnat siya.Napataas ng kilay si Bianca. Hindi siya nagsalita nang ibaling ang tingin niya rito at saka muling lumingon sa bintana. Napapigil siya ng ngiti. Iniisip niyang deserve naman ni Lucien iyon dahil sa mga pang-aakusa sa kanya.Pinanood ni Lucie
ABALA si Lucien sa pagdadampi ng makeup sa pisngi niya dahil kailangan niyang iharap ang mukha niya mamaya sa event, nang biglang bumukas ang pinto. "What the hell, Lucien?" Napapitlag siya at halos mahulog ang hawak niyang sponge nang marinig ang boses ng matalik niyang kaibigan—si Calix. Napatigil si Calix sa may pintuan, nakakunot-noo habang nakatingin sa kanya. Ilang segundo lang ay bumagsak ang tingin nito sa pulang marka sa pisngi niya, saka biglang natawa. "Anong nangyari sa mukha mo? May sumampal ba sa'yo?" asar na tanong ni Calix, kasabay ng pagtawa nito. Nanlaki ang mga mata ni Lucien at agad niyang tinakpan ang pisngi niya gamit ang kamay. 'Damn it! Bakit ba pumasok ito nang hindi man lang kumatok?!' "Wala!" mariing sagot ni Lucien, saka agad na tumalikod. Pero lalo lang lumakas ang tawa ni Calix. "Dude, obvious naman na may sumampal sa'yo! Hahaha! Sino may gawa niyan? At bakit ka nagme-makeup?" Hindi sumagot si Lucien at nagpatuloy sa pag-a-apply ng concealer, pili
PAGKASARA ng pinto ay hinigpitan ni Lucien ang paghawak niya sa braso ni Bianca, dahilan para mapadaing ito sa sakit. "Aray! Nasasaktan ako, Lucien!" usal ni Bianca. "Ano bang ipinunta mo roon, ha?" pigil galit na sabi ni Lucien nang bitawan niya ito. "I'm sorry," nauutal na sagot ni Bianca. "Hindi ko sinasadya—" "Hindi mo sinasadya?" Mariing natawa si Lucien na may halong pagkairita. "Kanina lang tayo nag-usap na hindi natin papakialaman ang buhay natin sa isa't isa, tapos ganito gagawin mo?" Hindi nakasagot si Bianca. Nanikip ang lalamunan niya na makita ang mga titig nito na para bang gusto siyang tunawin sa galit. "Dahil lang ba sa sinabi kong gold digger ka, kaya mo ginagawa ito?" patuloy na sabi ni Lucien. "Or maybe you’re just waiting to see how strong my legs still are. And when I’ll finally be completely disabled and helpless, then you can take my wealth? Are you really this desperate, huh?" Ilang sandali pa ay isang mabigat na sampal sa pisngi ang natamo ni Lucien.
MAAGANG bumaba si Bianca mula sa kanyang silid at nadatnan si Lucien sa dining table, tahimik na umiinom ng kape habang nakatutok sa tablet. Napansin niyang nasa tabi nito ang isang brown envelope, sa palagay niya iyon na ang kontrata."Umupo ka," malamig na sabi ni Lucien nang makita siya. "Basahin mo ito," dagdag pa niya saka humigop ng kape.Umupo naman si Bianca at kinuha ang dokumento. Binasa niya ito nang mabuti, sinusuri ang bawat kondisyon. Ngunit habang binabasa niya ay may isang bagay na hindi niya nagustuhan, iyon ang dapat alam ni Lucien ang lahat ng kilos niya—kung saan siya pumunta at kung ano ang ginagawa niya. Tumigil si Bianca sa pagbabasa at tiningnan siya. "At kung hindi ko pirmahan?""Masisira ang plano ng pamilya natin, at ikaw... baka hindi mo magustuhan ang magiging consequences," walang emosyon na sagot ni Lucien.Muli niyang binalikan ang dokumento. Wala siyang ibang choice. Kailangan niyang manatili rito, pero hindi ibig sabihin ay magpapakulong siya ulit tu
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments