PAGKASARA ng pinto ay hinigpitan ni Lucien ang paghawak niya sa braso ni Bianca, dahilan para mapadaing ito sa sakit.
"Aray! Nasasaktan ako, Lucien!" usal ni Bianca. "Ano bang ipinunta mo roon, ha?" pigil galit na sabi ni Lucien nang bitawan niya ito. "I'm sorry," nauutal na sagot ni Bianca. "Hindi ko sinasadya—" "Hindi mo sinasadya?" Mariing natawa si Lucien na may halong pagkairita. "Kanina lang tayo nag-usap na hindi natin papakialaman ang buhay natin sa isa't isa, tapos ganito gagawin mo?" Hindi nakasagot si Bianca. Nanikip ang lalamunan niya na makita ang mga titig nito na para bang gusto siyang tunawin sa galit. "Dahil lang ba sa sinabi kong gold digger ka, kaya mo ginagawa ito?" patuloy na sabi ni Lucien. "Or maybe you’re just waiting to see how strong my legs still are. And when I’ll finally be completely disabled and helpless, then you can take my wealth? Are you really this desperate, huh?" Ilang sandali pa ay isang mabigat na sampal sa pisngi ang natamo ni Lucien. Sa sobrang bigat ng pakiramdam ni Bianca ay napahinga siya nang malalim. "Please stop accusing me as gold digger. Hindi ako gano'ng klaseng tao, Lucien," mariin na sabi ni Bianca. Pilit pinipigilan na huwag pumatak ang mga namumuong luha niya. "Hinanap kita kanina dahil pinapasabi ni daddy na bukas ay merger na ng kompanya at inauguration ng kapatid ko. Kailangan natin pumunta. Nakabukas ang pinto ng kwarto mo kaya pumasok ako. Kaya pasensya na kung nagawa ko 'yon. Pero hayaan mo, simula ngayon, hindi na kita guguluhin pa," dagdag na sabi Bianca saka siya tumalikod at iniwan si Lucien. Pagkapasok ni Bianca sa kwarto ay mabilis niyang isinara ang pinto at sumandal roon. Tila nanlambot ang mga tuhod niya sa nangyari. Hindi na niya napigilan ang luhang kanina pa niya pinipigil. 'Bakit ba ang sakit?' Hinawakan niya ang kamay niyang ginamit pangsampal kay Lucien. Hindi niya akalain na magagawa niya iyon. Hindi niya ugali ang manakit ng tao, pero hindi niya kinaya ang mga salitang binitiwan nito. 'Paano niya nagagawang isipin na ganun ako? Dahil ba isa rin akong illegitimate daughter? Na wala akong narating sa buhay?' Alam niyang simula pa lang pagpasok niya sa mansyon ay hindi siya kailanman nagustuhan ni Lucien. Pero hindi niya inasahang hahamakin siya nang ganito. Hindi siya gold digger. At higit sa lahat, hindi niya ginusto ang kasal na ito. Napahawak siya sa dibdib niya, dama niya ang bawat kabog ng puso niya, hindi dahil sa takot, kundi sa sakit na unti-unting bumabalot dito. 'Ano pa ba ang dapat kong gawin para patunayan na hindi ako masamang tao?' Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. Bukas na ang merger ng Hoffman at Mondevan. Wala siyang oras para magmukmok at magpaka-stress. Mabilis niyang pinunasan ang luha at tinungo ang kama. Humiga siya ro'n, at di namalayang dinaluyan na siya ng antok. *** Nanatiling nakatayo si Lucien dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari. Hindi niya maigalaw ang katawan niya at hindi rin siya makapagsalita. Ang mainit na hapdi sa pisngi niya ay hindi maikukumpara sa kung anong naramdaman niya—iyon ay ang kahihiyan. "S-Sinampal ako ni Bianca?" natatawa't naiinis na sambit ni Lucien sa sarili. Iginagalang at kinatatakutan siya. Pero ngayon? Sinampal lang siya ng isang babae. At hindi lang basta sinampal—iniwan pa siyang nakatulala sa hallway. Napatingin siya sa repleksyon niya sa bintana. Kita niya ang pulang marka sa pisngi niya. 'Mukha ba akong talunan?' Maya-maya pa ay may narinig siyang tinig sa likod nya. Napalingon siya at nakita ang isang maid na si Grasya, na mukhang kanina pa nanonood sa kanya. Tanaw niyang halatang gustong matawa ito pero pinipigilan lang. Napakurap si Lucien. 'Gano’n ba kalakas ‘yung sampal ni Bianca at narinig niya ito?' "Sir, ayos lang po kayo?" tanong ni Grasya, halatang sinisikil ang ngiti. Agad niyang inangat ang baba at kunwaring walang nangyari. "Hindi naman masakit," agad niyang sagot, kahit na ramdam pa rin niya ang kirot sa pisngi. Pero halata sa mukha ni Grasya na hindi siya naniniwala. "Eh, sir, kasi po parang—" "Sinabi nang hindi masakit!" putol niyang sabi, mas madiin. Napaatras si Grasya pero bumaling ang tingin sa pisngi niya. "Eh, sir, ang pula po kasi—" Napakamot si Lucien sa leeg, saka mabilis na pinahiran ang pisngi niya. "Allergy lang ‘yan sa alikabok," palusot niya, kahit halata naman ang bakas ng kamay ni Bianca rito. Hindi na napigilan ni Grasya ang ngumiti. "Kakaiba ang allergy niyo pala, Sir, pula na hugis kamay. Hindi po kayo nasam—" "Hindi. Hindi ako sinampal, allergy lang 'to, kaya hugis kamay," mabilis na sagot niya bago tumalikod at naglakad palayo. Pero kahit lumayo na siya, dinig pa rin niya ang mahina na tawa ni Grasya. Napakuyom ng kamay si Lucien habang naglalakad. "It’s nothing to be ashamed of, Lucien. It doesn’t hurt. And I'm not the one at a loss here," pilit niyang kinukumbinsi ang sarili habang naglalakad siya patungo sa study room niya. Pero ang totoo, pakiramdam niya, si Bianca ang nanalo.NAGTUNGO sila sa isang tahimik na lugar. Pagdating nila ay humarap si Bianca kay Lucien. "May marka ka," sabi nito habang nakaturo sa pisngi niya. "Wala 'to," sagot ni Lucien, bahagyang umiwas ng tingin. "Hindi pwede dahil alam kong haharap sa mamaya sa stage," salaysay ni Bianca. Binuksan ni Bianca ang maliit niyang bag at inilabas ang concealer at compact powder. "Stay still," utos niya. Napataas ng kilay si Lucien. "Talagang may dala ka pang ganito?" Napairap si Bianca. "Syempre, babae ako. At isa pa, ikaw ang dahilan kung bakit napalakas ang sampal ko sa'yo." Bahagyang natawa si Lucien. "So inaamin mong sinaktan mo ako?" "Hindi ko kasalanan 'yon," agad na sabi ni Bianca. Lumapit si Bianca sa kanya na halos magdikit na ang kanilang mukha. Kinuha niya ang concealer at maingat na tinapik-tapik sa pulang marka sa pisngi ni Lucien. Napakurap si Lucien nang maramdaman ang malambot nitong mga daliri sa balat niya. "Dahan-dahan," mahina niyang sabi. Napahinto si
PAGPASOK nina Bianca at Lucien sa venue, agad silang sinalubong ng eleganteng ambiance ng event hall. Tanaw nila ang isang grand stage kung saan doon gaganapin ang pirmahan ng merger agreement.Hindi pa man sila nakakaupo ay lumapit ang isang babaeng naka-red silk dress. Maganda ito, maayos ang tindig at halatang sanay sa ganitong high-profile gatherings.“Lucien,” bati nito, sabay ngiti na may bahid ng panunukso. “Nice to see you, it's been a while," dagdag pa nito.Napakunot ang noo ni Bianca. May kakaibang tension sa pagitan ng babae at ni Lucien.“And you are?” tanong niya. Hindi maitago ang bahagyang curious na tanong ni Bianca.Ngumiti ang babae at inabot ang kamay kay Bianca. “Oh, sorry. I’m Valerie Montenegro, director of investments sa Hoffman Group… and an old friend of Lucien.”Bumaling si Bianca kay Lucien, na tahimik lang at walang emosyon sa mukha. Pero nahalata niya ang bahagyang pag-iwas ng mga mata nito na para bang hindi naging maganda ang alaala niya kay Valerie.Na
TAHIMIK lang si Bianca habang nakaupo sa kabilang dulo ng limousine. Kahit nakatingin siya sa labas ng bintana ay hindi niya maiwasang mapansin si Lucien sa gilid ng paningin niya. Naka-itim na facemask ito, at kahit hindi halata ay alam niya kung ano ang tinatago nito.Hindi siya nagsalita. Ni hindi rin siya nagtanong. Pero sa loob-loob niya, sigurado siyang bakas pa rin ang iniwang marka ng palad niya sa pisngi no'ng sinampal niya ito.Maya-maya ay tumikhim si Lucien. Masyadong tahimik ang sasakyan, at kahit hindi niya nakita ang reaksyon ni Bianca ay ramdam niyang kanina pa siya tinitingnan nito.Umubo ng bahagya si Lucien, nagpapanggap siyang may sakit. "I am not feeling well," aniya, sabay hinipo ang noo para tinitingnan kung may lagnat siya.Napataas ng kilay si Bianca. Hindi siya nagsalita nang ibaling ang tingin niya rito at saka muling lumingon sa bintana. Napapigil siya ng ngiti. Iniisip niyang deserve naman ni Lucien iyon dahil sa mga pang-aakusa sa kanya.Pinanood ni Lucie
ABALA si Lucien sa pagdadampi ng makeup sa pisngi niya dahil kailangan niyang iharap ang mukha niya mamaya sa event, nang biglang bumukas ang pinto. "What the hell, Lucien?" Napapitlag siya at halos mahulog ang hawak niyang sponge nang marinig ang boses ng matalik niyang kaibigan—si Calix. Napatigil si Calix sa may pintuan, nakakunot-noo habang nakatingin sa kanya. Ilang segundo lang ay bumagsak ang tingin nito sa pulang marka sa pisngi niya, saka biglang natawa. "Anong nangyari sa mukha mo? May sumampal ba sa'yo?" asar na tanong ni Calix, kasabay ng pagtawa nito. Nanlaki ang mga mata ni Lucien at agad niyang tinakpan ang pisngi niya gamit ang kamay. 'Damn it! Bakit ba pumasok ito nang hindi man lang kumatok?!' "Wala!" mariing sagot ni Lucien, saka agad na tumalikod. Pero lalo lang lumakas ang tawa ni Calix. "Dude, obvious naman na may sumampal sa'yo! Hahaha! Sino may gawa niyan? At bakit ka nagme-makeup?" Hindi sumagot si Lucien at nagpatuloy sa pag-a-apply ng concealer, pili
PAGKASARA ng pinto ay hinigpitan ni Lucien ang paghawak niya sa braso ni Bianca, dahilan para mapadaing ito sa sakit. "Aray! Nasasaktan ako, Lucien!" usal ni Bianca. "Ano bang ipinunta mo roon, ha?" pigil galit na sabi ni Lucien nang bitawan niya ito. "I'm sorry," nauutal na sagot ni Bianca. "Hindi ko sinasadya—" "Hindi mo sinasadya?" Mariing natawa si Lucien na may halong pagkairita. "Kanina lang tayo nag-usap na hindi natin papakialaman ang buhay natin sa isa't isa, tapos ganito gagawin mo?" Hindi nakasagot si Bianca. Nanikip ang lalamunan niya na makita ang mga titig nito na para bang gusto siyang tunawin sa galit. "Dahil lang ba sa sinabi kong gold digger ka, kaya mo ginagawa ito?" patuloy na sabi ni Lucien. "Or maybe you’re just waiting to see how strong my legs still are. And when I’ll finally be completely disabled and helpless, then you can take my wealth? Are you really this desperate, huh?" Ilang sandali pa ay isang mabigat na sampal sa pisngi ang natamo ni Lucien.
MAAGANG bumaba si Bianca mula sa kanyang silid at nadatnan si Lucien sa dining table, tahimik na umiinom ng kape habang nakatutok sa tablet. Napansin niyang nasa tabi nito ang isang brown envelope, sa palagay niya iyon na ang kontrata."Umupo ka," malamig na sabi ni Lucien nang makita siya. "Basahin mo ito," dagdag pa niya saka humigop ng kape.Umupo naman si Bianca at kinuha ang dokumento. Binasa niya ito nang mabuti, sinusuri ang bawat kondisyon. Ngunit habang binabasa niya ay may isang bagay na hindi niya nagustuhan, iyon ang dapat alam ni Lucien ang lahat ng kilos niya—kung saan siya pumunta at kung ano ang ginagawa niya. Tumigil si Bianca sa pagbabasa at tiningnan siya. "At kung hindi ko pirmahan?""Masisira ang plano ng pamilya natin, at ikaw... baka hindi mo magustuhan ang magiging consequences," walang emosyon na sagot ni Lucien.Muli niyang binalikan ang dokumento. Wala siyang ibang choice. Kailangan niyang manatili rito, pero hindi ibig sabihin ay magpapakulong siya ulit tu