Pagkatapos kong magbihis, agad na naming hinanap ni Hannah ang aming classroom. Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilang pa simpleng luminga-linga sa daan. Hanggang ngayon, nabibilib pa rin ako sa laki ng eskwelahang ito.
Kaya naman pala dubbed as one of the most beautiful campuses in the world kasi malinis at maayos. Ni wala akong maipintas. Natanaw ko sa hindi kalayuan ang tarpaulin ng SPU Kings swim team. Naka-print doon ang kanilang ad para sa varsity try-out.
Napangiti ako nang makita ko ang larawan ng isang Olympic swimming pool dahil isang alon ng alaala ang nagbalik sa aking isipan.
*********************************
Summer
Na-isipan namin ni Hannah na maglakad-lakad muna pagkatapos naming kumain. Napadpad kami sa pool area ng Villa Sandejas.
Pinakamaingay sa may bandang kiddie pool kung saan nag-e-enjoy ang mga bata. Habang samay iilang mga guests naman ang nagswi-swimming sa katabing adult pool.
Ang ilang guests ay nag-re-relax habang nakababad sa hotspring, nagkwekwentohan at in-e-enjoy ang mga cocktail drinks na nanggaling sa katabing bar area. May mga guests din na nag-su-sun bathing sa pool side. Ang iba naman ay nakatambay sa veranda ng restaurant.
Dumiretso sa may bar area si Hannah kasi nauuhaw raw siya, ako naman naglakad-lakad muna.
Nasa may pool side ako nang isang grupo ng mga batang nagtatakbuhan ang sumalubong sa akin. Pilit ko silang iniwasan para hindi nila ako mabangga. Kaya lang nawala ako sa balanse at noong lumingon ako, bumungad sa paningin ko ang kulay asul na tubig sa swimming pool na handa na akong saluhin.
“Aaaaahhhhh!” napatili ako. I tried to balance myself , but to no avail. I just closed my eyes and took a deep breath preparing for the fall.
“Miss!” I heard a voice call.
Handa na akong mahulog pero sa halip na tubig ang maramdaman ko sa aking katawan, isang malakas na braso ang sumalo sa aking baywang. Sa unti-unting pagbukas ng aking mga mata, I could not help but hold my breath at the sight that greeted me. Any girl in my situation will also surely feel suffocated if the first thing she sees after opening her eyes is an overly handsome knight-in-shining-armor.
He has the most mesmerizing pair of amber eyes that I’ve ever set my sight on. Worry is visible in them but that did not make him any less attractive. His strong jaws make him look more manly and his thin lips adds more to his already overflowing sex appeal.
Heto na ba ‘yong moment sa mga fairy tale kung saan kailangang dumialogue ang prinsesa ng, ‘my hero?’
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nagpigil-hininga. Basta ang alam ko, he smells good, very masculine.
Hindi ko na rin alam kung gaano na kami katagal sa posisyon naming halos magkayakap. Para kaming mga teen stars na naka-posing para sa promo poster ng isang Star Cinema kilig movie. Naramdaman ko na lang na itinayo niya ako kaya pilit ko na ring binawi ang aking balanse at tumayo ng maayos.
The moment I was able to see the whole of him, it finally sunk in to me that he looks familiar.
Oh, how could I forget? Hello there Mr. Yummy.
“O—Okay – ehem- okay ka lang ba?” he asked me in a slightly hoarse voice.
“Ah…ha? Ah…eh… Oo. Okay lang ako. Salamat, ha,” I answered awkwardly.
“Mabuti naman,” he nodded, satisfied by my answer. Thereafter, a warm smile drew on his face.
At that moment, pakiramdam ko, na-estatwa ako. His perfect white teeth showed as his lips parted to form a captivating smile, which made me want to melt like ice crème under the hot summer sun. His smile is the kind that other people would call a “Killer Smile.” Ito ‘yong tipo na makikita mo sa toothpaste commercial habang may kumakanta sa background ng, “nothing can come between us, nothing can separate us.” Ganern!
“You should be more careful, medyo madulas dito sa pool area,” muli niyang sabi.
This is awkward, wala akong masabi. Lihim na lang akong natawa sa sarili ko. Kasi naman, twenty na ako pero feeling ko, para akong isang fourteen year old na nag-fa-fan girl kasi finally naka-meet and greet na niya ng back-to-back ang mga Oppa-bias niya sa BTS at Exo.
“Tuuulloooong! Help! May nalulunod!”
Halos mapatalon ako noong may narinig akong malakas na sigaw mula roon sa kabilang dulo ng swimming pool. Pareho kami ni Mr. Yummy na tumingin sa pinanggalingan ng boses.
Sa sobrang gulat ko, nanlaki talaga ang mga mata ko. Eh papano, si Hannah ‘yon! Nalulunod na siya sa seven feet deep na bahagi ng swimming pool. Nakaramdam na ako ng matinding kaba at aligagang nagpalinga-linga para humanap ng pwede kong gawin para tulongan si Hannah.
“Oh my gosh, Hannah Banana!” napasigaw ako.
Mas lalo pa akong nag-alala noong unti-unti nang lumubog ang kabuoan ni Hannah sa tubig. Nagmadali akong tumakbo papunta sa seven feet side. Pero bago pa man ako makarating doon, nakita ko na ang isang lalaki na walang alinlangang nag-dive sa pool. Walang kahirap-hirap siyang lumangoy para sagipin si Hannah.
I had no choice but to stand there and wait.
Ilang saglit pa, the guy surfaced from the water. I felt my heart in my mouth the moment I saw an unconscious Hannah being held by that guy. He had his left arm around Hannah’s neck keeping it tilted, while his right hand was paddling in the water.
Agad akong lumuhod sa pool side para alalayan ang lalaki na i-ahon si Hannah. I was ready to call an ambulance to rush her to the hospital, but I was dumbfounded when Hannah threw me a low-key and playful wink.
Ai, leche!
Hindi ko alam kung matatawa, mabubwisit, maiiyak, magagalit o bibigyan ko na lang siya ng jacket bilang premyo sa kagila-gilalas niyang actingan.
Baliw na talaga!
Pero hindi pa roon nagtapos ang lahat. Naka-score pa ang loka-loka ng lips-to-lips. Naku, talaga naman. Pasalamat ka sa CPR, Hannah Banana.
Kitang-kita ko ang pobreng lalaki na ginagalingan ang pag-re-resuscitate niya kay Hannah. Mukhang alam na alam pa naman niya ang ginagawa niya, kaya lang inuuto lang naman ni Hannah, eh.
Napayuko na lang ako para ma-itago ang mga maliliit na ngiti na hindi ko mapigilang kumawala mula sa labi ko. Kagat-labi na rin ako para pa rin pigilan ang sarili sa pagtawa. Ibang klase talaga ang nagagawa ng kalandian.
Pagkatapos ng tatlong attempts ng mouth to mouth resuscitation, kunwaring nakarecover na si Hannah. Kung hindi lang niya ako kinindatan kanina, malamang naniwala talaga ako sa kanya.
“Miss, are you okay!”nag-aalalang tanong ng lalaking sumagip sa kanya. Simpleng tumango lang si Hannah para sumagot.
“I’ll bring you to the clinic,” agad na tugon ng lalaki.
Binuhat niya si Hannah, bridal style, papasok ng hotel.
“That was impressive. She’s… creative.”
Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likod ko, si Mr. Yummy. Nakasandal siya sa counter ng bar at may hawak na dalawang baso ng juice tapos, unti-unti nanaman siyang ngumiti sa akin.
Oh no! Makaka-score rin kaya ako ng lips to lips kapag kunwaring nahimatay ako sa harap niya?
Siya na ang lumapit sa akin kasi hindi nanaman ako makagalaw. Inabot niya sa akin ‘yong isang baso ng juice. “Uminom ka muna, mukhang kinabahan ka sa ginawa ni… Hannah Banana? Is that her name?”
‘Hannah Banana?’ That made me laugh.
“Hannah. Just Hannah. I like calling her Hannah Banana, though. Uhmm… er… na—nakita mo ba ‘yong ginawa niya? Hindi mo naman siya isusumbong, ‘di ba?” I asked hopefully.
“Of course not!” walang alinlangan niyang sagot.
After a few moments of silence, he held out his hand for a shake.
“By the way, I’m Enrico.”
“Hello, I’m Lorryce,” pakilala ko rin. Then, I took his hand.
“Lorryce,” he paused, “nice to meet you.”
SPU has not yet failed to impress me. Unang tapak ko pa lang sa classroom namin, I was in awe.Maaliwalas ang aming silid-aralan. Kulay puti ang pintura ng dingding na ibinagay sa makintab na puting ceramic flooring. Ang ibabang bahagi ng mga dingding ay pininturahan ng kulay pula at lila bilang accent. May pintuan sa harapan at may pintuan sa likuran. Matatanaw pa ang open ground mula sa mga malalaking bintana sa kanang bahagi ng silid.Lecture Theater ang interior ng classroom. Sa tantsya ko, kasya ang hanggang isang daang estudyante rito. Three columns ang tiered seating arrangement. Sa pinakaharap ng classroom ay ang lecturer’s podium. Ang dingding sa harapan ay inokupa ng isang mahabang white board at sa itaas ng white board ay ang adjustable projector screen na ibaba lamang kapag may electronic presentation ang lecturer.Kalahati na ng silid ang napuno. Karamihan ay nasa harapan o kaya’y nasa gitna. Mangilan-ngilan lamang ang mga estudyanteng piniling umupo sa likuran. Hannah a
Mabilis na inalis ng mga gwardya ang “Reserved” signage sa magkakatabing parking slots sa tapat ng tinatawag nilang Runway ng Agatha Griffiths building.“Hn, Lorryce, BFF, judging by the ‘who the heck are these guys’ expression written all over your face right now, you need a little bit of introduction.”Napalingon ako kay Hannah. She read my mind. I was actually asking myself who the heck are those guys and why do I feel like they run the school.“Unlike you, I did my homework, BFF. I looked into SPU’s Who’s Who List. Although karamihan ng mga estudyante rito ay high profile, meron pa ring mga faces to remember. Okay, let’s start with that guy.”She pointed at the guy who emerged from the convertible Audi.He is tall and ruggedly handsome. His spiky mohawk hairstyle put the ‘bad’ in ‘badboy!’ Bagay na bagay iyon sa kanyang hugis diamanteng mukha. Maganda ang kanyang kayumanging balat. Matikas rin ang tindig niya, full of confidence. Iyon bang tipong, alam na alam niyang gwapo siya.I
All of a sudden, all eyes were fixed on the fourth car which parked, a black and gold Lamborghini sports car. Ito ‘yong tipo ng sasakyan na lilingonin mo talaga kapag nakita mo; ‘yong magpapapicture ka pa sa tabi para mukhang ikaw ang may-ari. Pero malakas ang kutob ko na hindi ang sasakyan ang inaabangan ng mga tao. Kasi kahit ako, I was anticipating to have a glimpse of the one inside it.Pakiramdam ko bumagal ang ikot ng mundo noong bumukas paitaas ang pintuan ng sasakyan at bumaba roon ang nagmamaneho nito. Natulala pa ako sa kanya. I will not deny, he is indeed such a good-looking creature.Matangkad siya. Katamtaman ang laki ng katawan pero nakikita ko ang magandang hubog nito sa suot niyang itim na t-shirt at medyo hapit na itim na pantalon. Mukhang malakas ang kanyang mga braso dahil sa kanyang firm biceps. His broad shoulders are also easily noticeable.His wavy and curly medium-length hair looks so good on him. Kahit medyo magulo iyon, nagmumukha lang style. Napaka-effortles
Summer “Come on!” Enrico stood and led me out of the hotel to finally start the day. Sinamahan niya akong mag-wake boarding at mag-SCUBA diving. First time kong gawin ang mga iyon at talaga namang nag-enjoy ako, nakaka-boost ng adrenaline! Saglit lang kaming nag-jet ski bago siya nag-aya na mag-zipline. Honestly, I am not a fan of heights. But like what they say, we must try everything at least once, ‘di ba? Noong una, okey lang naman sa akin na mag-zipline. Pero noong nakarating na kami dito sa site, biglang nag-sink in sa akin kung gaano kadelikado ang buhay ko sa activity na ito. Isasabit ako sa kable na ilang daang metro ang taas mula sa lupa, tapos gubat ang landing site incase worse comes to worst. Unti-unti kong naramdaman ang pagtagaktak ng pawis mula sa aking sintido, pati na rin ang panghihina ng mga tuhod ko. “Are you scared,” tanong ni Enrico. Napansin niya yatang kanina pa ako wala sa sarili ko. Hindi ako nakasagot pero sa loob-loob ko gusto ko nang umatras kasi,
I am all smiles while walking along the corridor going to my classroom while holding a cup of milk tea. Maaga pa naman, pero sabi nga nila, the early bird catches the worm. “Hi Lorryce,” bati sa akin ng isa sa mga classmates ko sa Math 1. “Hi,” I waved back. Another classmate smiled at me and I responded with a smile, too. I stopped as soon as I reached my destination. I opened the double door of my classroom while sipping from my cup, then lo and behold… Isang malutong na sampal sa mukha ni Marcus Aiden Enrique Rickson Sandejas ang eksenang bumati sa akin. Ilang metro lang ang layo nila sa akin. Of course, my eyes grew wide at that scene. I was not prepared for that! Palipat-lipat kina Marcus Aiden Enrique Rickson Sandejas at sa babaeng sumampal sa kanya ang paningin ko. Iyong fierce na expression sa mukha no’ng babae ay unti-unting lumambot. Her eyes are now pleading, looking straight into his eyes. “I wish I could say ‘I hate you’ to you right now,” she choked on her own word
Mag-isa akong kumakain ng tanghalian dito sa Blended. Medyo puno ang Blended ngayon kaya hindi ako naka-upo sa tabi ng bintana. Ngayon ko lang napansin ang isang bahagi ng pader na puno ng mga litrato ng mga customers ng shop.Lutang na lutang ang litrato nina Marcus Aiden Enrique Rickson Sandejas at ni Castiel Alain Enrico Rickson Sandejas na nakahawak ng Blended coffee cup habang ibinabandera nila ang kanilang nakakabighaning mga ngiti.Come to think of it, sabi ni Hannah, dito rin raw nag-aaral si Enrico pero hindi ko pa siya nakikita. Sana siya na lang ang nakikita ko madalas at hindi iyong kapatid niyang GGSS.Hindi ko kasi talaga kinakayanan ang trip ng Enrique Sandejas na iyon. Does he really find satisfaction in breaking girls’ hearts?Bakit ba ang hirap-hirap para sa ibang tao ang makuntento sa isa? Nakakainis. Kung sila kaya ang ipagpalit sa iba ng paulit-ulit para malaman nila kung gaano kasakit sa puso ang pakiramdam ng pinaglalaruan.I know that comparing is not a good th
Summer“Welcome to the Island of Love,” panimula ng isa sa mga guides namin.“Island of Love?” paglilinaw ng isa naming kasama.“Oo, iyon ang tawag sa islang ito. Ang paniniwala, isang diwata ng pag-ibig raw ang nakatira dito sa islang ito. Ang talon na ito naman ang nagsisilbing wishing waterfalls ng pag-ibig.”“Mayro’n pa bang gano’n sa panahon ngayon,” natatawang tanong ng isa pa sa aming mga kasamahan.“Hindi natin masasabi. Pwedeng totoo ‘yon, pero pwede rin namang hindi. Walang nakakaalam. Wala naman sigurong masama kung susubukan, hindi ba,” sagot ng guide.“Oo nga naman,” sang-ayon ng isa sa mga kasama namin.“Ako, gusto ko na lang rin maniwala. Syempre masarap maniwala sa forever at sa magic. Pero kailangan lang nating tandaan na hindi naman natin pwedeng i-asa ang lahat sa magic at hiling. Kailangan rin nating mag-effort para makuha natin ang gusto natin,” muling pahayag ng guide namin.Inabutan ako ng isang babaeng guide ng pulang rosas habang titig na titig sa mga mata ko
SummerKanina pa ako hindi mapakali. “Please naman… kahit isa lang, oh,” pagmamakaawa ko sa cellphone ko. Sinusubukan kong mag-send ng message kay Hannah para humingi ng tulong.Sending…Sending…Sending failed…“Ugh! Aaaiiishh,” I grunted. Nakakainis naman, eh!“Enrico, pahiram naman ng phone mo. Baka may signal ka. Kasi naman itong network ko. Sabi nila ‘abot raw ang mundo,’ parang hindi naman,” sabi ko sa kanya habang patuloy ko pa ring ipinagpipilitang humanap ng signal.“Sorry, I don’t like bringin phones,” simpleng sagot niya.He does not like bringing his phone? Papaano na lang kung may emergency? Please naman mag-send ka na…Sending Failed!“Aaaahhhiiissh,” muli kong pagbulalas. Sa sobrang inis ko, itatapon ko na sana ang aking telepono sa dagat. Hindi ko na nga lang iyon naituloy dahil naalala kong kabibili ko lang ng telepono ko at medyo mahal. Sayang naman.“Why don’t you just give it a rest. Malabo talagang magkaroon ng signal dito dahil liblib. Malamang kahit ‘yong is