Share

Kabanata 2

NGISING ngisi ako habang naglalakad papasok ng gate ng El Dorado University. Ano kaya reaksyon ni pres nang hindi ako sumipot sa usapan namin kahapon. Pfft paniguradong nag apoy na iyon sa galit.

"HAHAHAHAHAHA"

'Is she insane?'

'Ow, that's creepy. Girl.'

Napatigil ako sa pagtawa nang makarinig nangbulungan sa tabi.

Hindi ko na lang pinansin ang mga bubuyog na iyon bago dumiretso sa cafeteria para kumain.

"Ate, isang balot ng gummy worms nga." sabi ko sa ate bago inabot ang aking bayad. Nang makuha ko ang binili ko ay dumiretso ako sa likod ng lumang building at doon kinain ang mga gummy worms.

It's my favorite.

Nasa kalahati na ang gummy worms na kinakain ko nang makaamoy ako ng usok mula sa sigarilyo. Awitness, it means may dumarayo dito para mga sigarilyo? Napangisi ako.

Tumayo ako sa pagkakaupo at sinundan kung saan nagmumula ang usok na iyon. Hindi ko inasahan ang taong madadatnan ko doon.

"Transferee, right?" Napatigil ito sa paninigarilyo bago humarap sa akin. Nanlaki ang mata nito nang makita ako. "Don't worry, hindi kita isusumbong." ani ko kaya nakahinga naman ito nang maluwag. "May isang stick ka pa ba diyan?" dagdag ko pa. Kunot-noong tumango lang ito kaya inilahad ko ang kamay ko. "Are you sure" halatang nag da-dalawang isip ito na ibigay sa akin ang stick na hawak niya. Tumango na lang ako para makumbisi iyo.

"Thanks." ani ko. "Pahiram din ng lighter mo, naiwan ko akin eh." inabot naman kaagad ito. Ibinalik ko din kaagad nang matapos kong gamitin.

Umupo ako sa tabi nito. "Twelixs Zarina nga pala." pakilala ko pero hindi ko nilahad ang kamay ko. Hindi ako sanay humawak ng inang kamay eh. "Waviel Dela Merced." Pakilala din nito. "Nice to meet you, Eli." napatitig ako dito sandali.

"What did you say?"

Tumikhim muna ito. "Nice to meet you, Eli." nakangiting iniwas ko ang aking paningin.

Ito ang unang beses na may tumawag sa akin sa ganoong pangalan. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag ginagawan ka ng nickname ng ibang tao ano? Nasanay na kasi ako sa tawag nilang, warfreak, Crazy, at kung ano ano pa.

"Hey Eli, you okay?" napabalik ako ng tingin nang mag tanong ito. "Yes, I'm fine. Nice to meet you din." pilit ngiting sagot ko bago tumayo.

"Where are you going?"

"Kahit saan?" patanong na sagot ko. "How about you? Mananatili ka lang ba dito? You're just new here, hindi ka ba natatakot sa maaari nilang gawin sa'yo?" umiling ito na ikinataka ko.

"I can fight back." nakangising sagot nito kaya napailing ako. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin transferee. What I mean is, handa ka bang maparusahan kapag nalaman nilang naninigarilyo ka?"

"Hindi nila malalaman kung hindi mo sasabihin right? And can you please stop calling me transferee? I already give my name to you right?" Napakamot na lang ako sa aking batok.

"Sorry. Hehe" nahihiyang aniko. "I won't tell anyone so don't be nervous. Basta huwag ka lang magpapahuli sa kanila kung ayaw mong magaya sa akin."

"Bakit? Ano bang nangyari sa'yo?" curious na tanong nito. Huminga ako nang malalim bago ito sinagot. "Magiging assistant ako ng president council ng school na ito bilang kaparusahan."

"Ow, that's not nice." nakangiwing anito.

"I know right. Aish!" napahilamos na lang ako sa aking mukha dahil sa inis.. Tinapon ko muna ang along sigarilyo bago humarap dito. "May gusto sana akong itanong, kung mao-offend ka okay lang kahit hindi mo na sagutin."

"I will not, what is it?"

"Why do you smoke?" saglit itong natigilan sa tanong ko.

"Para sa akin kasi nakakawala ito ng stress. Dahil dito nagagawa kong pakalmahin ang aking sarili na mag isip nang kung ano anong bagay.

"How about you? Why do you smoke?"

"Ako? Simple lang naman. I love the smell of the cigarette that's why I tried to use it. Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang sarili ko na manigarilyo." Hanggang sa naadik ako.

"I see." tango tangong sagot nito.

"I have to go Waviel, bye." paalam ko bago iniwan itong mag isa. Kaunting estudyante lang ang nakikita ko sa paligid kaya minadali ko ang aking paglalakad. Nang makarating ako sa harap ng building namin ay ginawa kong normal ang aking paglalakad. Lahat nang nakakasalubong ko ay sila mismo ang umiiwas sa akin. Tss

Bakit ba takot na takot sila sa akin? Porque ganito ako? Tss hindi naman ako nangangagat.

Napatigil ako sa pag akyat mang hagdan nang may humara sa dinadaan ko. Dahan dahan ko namang inangat ang paningin ko bago nginisian ang mga ito.

"Move." seryosong aniko sa mga ito pero hindi man lang natinag ang mga ugok. "Hindi niyo ba ako narinig?" dagdag na tanong ko, ngumisi lang ang nasa gitna nila. Ano bang problema nila? Ang la-laki na nga nilang tao tapos hahara pa sa dinadaan ko? Tss

Mukhang alam ko na ang kailangan nila. Tss "Do want money huh?" nakangising tanong ko bago isa isang tiningnan ang mga ito. Napaatras naman ako nang naglakad ang mga ito palapit sa akin. Dahil nasa hagdan kami ay nahihirapan akong umatras dahil nakatalikod ako.

"Wag kang mayabang. Anong tingin mo sa amin, walang pera? Ha?" Medyo tumaas ang boses nito. "Kayo nang bahala sa kanya, siguraduhin niyo lang na hindi na siya makakapagyabang sa susunod na pagkikita namin." dahil sa sinabi ng pinakaleader nila ay humakbang ang mga kasama nito palapit sa akin kaya muli akong napaatras sa aking kinatatayuan. Hindi ko inasahan na sasala ang paa ko sa isang baitang ng hagdan kaya napapikit lang ako at hinintay na bumagsak ang katawan ko sa sahig. Ilang segundo pa ang lumipas nang wala akong maramdaman kaya napamulat ako ng aking mata.

Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang mukha ni pres.

Anong ginagawa niya bakit---

Napatigil ako nang narealize na sinalo niya pala ako mula sa pagkakalaglag. Nakahawak pa din ito sa baywang ko kaya agad akong umayos ng tayo at lumayo ng kaunti dito.

"You okay?" Tumango ako habang hindi nakatingin dito.

Agad kong hinanap ang mga lalaking nasa harapan ko kanina. Napailing na lang ako nang hindi sila makita doon. Dapat nilang pagbayaran ang ginawa nila sa akin. Muntik na nila akong mapatay. Sa taas ng hagdan na iyon kung nahulog siguro ako ay baka pinaglalamayan na ako ngayon. Tss humanda talaga sila sa akin.

Hinding-hindi ko palalampasin ito.

Hinarap ko si pres para magpaalam. "Pasensya na pero kailangan ko nang umalis. Salamat nga pala." hindi ko na ito hinintay pang makasagot dahil tumalikod na kaagad ako at nag umpisang maglakad paaalis.

Napatigil ako nang may humara sa dinaraan ko kaya napaangat ako ng paningin dito. Napakunot naman ang noo ko nang makilala kung sino ito.

Siya na naman? Ano bang kailangan niya?

"Come with me." anito bago hinalbot ang kamay ko. Agad ko namang kinuha iyon pabalik at pinukulan ito nang masasamang tingin. "Why would I?" nakangising tanong ko.

"Because I am the president." matigas na sagot nito. Tss akala niya siguro ay matitinag ako. "So what?" Wala akong pakialam kung anak ka pa ng presidente ng pilipinas.

"Hanggang kailan ka ba titigil ha?"

Halatang nagtitimpi ito ng kanyang galit. Saan ba nagmumula ang galit niya? Tinaasan ko ito ng isang kilay "Ano bang pakialam mo?!" napakagat ito sa kanyang labi bago humarap sa akin.

"May pakialam ako. I am the president council remember? Ayaw kong makita na sinisira ng mga kabataang gaya ko ang buhay nila. Kaya please lang, nagmakakaawa ako. Tumigil ka na." Nakikiusap na anito.

"Bakit ba hindi mo na lang ako lubayan ha? Marami pang kagaya ko d'yan na may bisyo, bakit sa akin mo lang ginagawa ito? Hindi tayo magkaibigan kaya hindi mo ako mapipigilan." Hindi porque ikaw ang president ay susundin na kita. Hindi mo yata ako kilala. Tss

"Alam mo kung bakit ko ginagawa 'to sa'yo? Alam mo ba kung bakit kita pinipigilan ha?!" tahimik lang akong nakatingin dito at hindi sinasagot ang tanong niya. I'm not interested at all. Huminga ito nang malalim bago sumagot.

"Dahil gusto kong magbago ka Twelixs! Gusto kong bumalik ka sa dating ikaw! Sa dating Twelixs!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw nito.

Namumula na din ang mga mata nito na animo'y maya-maya lamang ay tutulo na ang luha. Halatang pinipigilan niya iyong mangyari. Napaiwas na lang ako ng tingin.

"'yong Twelixs na punong-puno nang pangarap sa buhay. Sa nakikita ko kasi, ibang Twelixs na ang kaharap ko ngayon." dagdag pa nito bago iniwas ang kanyang paningin sa akin.

Ano bang alam niya tungkol sa akin? Kung pagsalitaan niya ako ng ganoon akala mo naman ay matagal na kaming magkakilala. Pero ang nakakapagtaka ay hindi ko naman siya kilala. At isa pa, ito ang unang beses na nakilala ko siya.

"We're just schoolmates but we're not friends." aniko bago tuluyang iniwan ito. Dumiretso ako sa likod ng building namin at doon nagsisigaw.

"AYOKO NA DITOOOO!"

Kahit saan na lang ako magpunta ay pinapakialaman ako ng mga tao. Saan ba ako lulugar?

"HAYAAN NIYO NA LANG AKO, PWEDE BA 'YONNNN? HAAAA?" Nakayuko na lang ako sa sahig habang umiiyak.

"Parang awa niyo na..."

M-mali bang m-magpakasaya? Mali bang gawin ang lahat nang bagay? Alam ko naman na we only live once kaya habang buhay pa ako ay gagawin ko ang mga gusto kong gawin. Para atleast mamamatay akong masaya hindi ba? Mamamatay akong nagawa ko lahat ang gusto ko.

Nawalan na ako nang gana na bumalik sa room matapos ang pag uusap namin ni Pres na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalalaman ang pangalan. Hindi sa gusto kong nalaman ang pangalan niya, masyado kasing mahaba kung tatawagin ko siyang president council hindi ba? Tss anyways, ano bang pakialam ko doon.

Humiga ako sa isang puno at dinamdam ang masarap na simoy ng hangin bago ipinikit ang aking mga mata. Kahit sa ganitong paraan ‘man lang, ramdam ko na may kakampi ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status