Share

Kabanata 1

---

Kabanata

1: Assistant

'Ayan na naman siya guy's.'

'Tumabi kayo baka mahawa tayo sa kanya.'

What the hell? Anong mahawa? As if naman na may nakakahawa akong sakit. Tss

'Look at her hair, hindi ba ay bawal 'yon dito?'

'Hayaan mo na lang siya, hindi naman tayo ang mapapagalitan.'

Iba't ibang bulungan ang aking naririnig habang naglalakad papasok sa gate ng aming paaralan. Hindi ako isang baguhan kaya sanay na sanay na ako sa mga sinasabi ng mga tao sa akin.

Ano bang pakialam nila? Why don't they just mind their own business. Tsk they're just wasting their time by judging me.

Pairap kong inalis sa mga estudyante ang aking paningin at ipinokus ko sa aking dinadaan, ayoko nang pagtuunan pa ng pansin ang mga taong walang ginawa kundi pag usapan ang isang tao, nakatalikod man ito o hindi. Masyado silang nagiging pakialamero.

Ano bang masama kung may kulay ang buhok ko? Una sa lahat, buhok ko ito, buhay ko ito kaya wala silang karapatan na pagbawalan ako. Kung naiingit sila, bakit hindi sila gumaya diba? Hindi 'yong pinapakailaman nila ang buhay ko.

Pagdating ko sa locker para kuhanin ang ilang gamit ko may nakita akong grupo ng mga kalalakihan na nagkukwentohan malapit sa aking pwesto. Kinuha ko na agad ang mga dapat kong kuhanin sa locker bago dahan-dahang lumapit sa mga ito. Dahil nakabilog ang umpukan ay hindi nila napansin ang paglapit ko. Pinakinggan ko naman ang pinaguusapan nila, at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang malaman ko kung sino ang pinag uusapan ng mga ito.

Magkano pusta niyo?

yong sports car ko pre.

Sakin 'yong condo ko.

Iphone pro max sakin tol.

200k.

Siguraduhin nyo lang na ibibigay niyo talaga ang lahat ng 'yan sa oras na magpaligaw sa'kin si Twelixs, ah.

Oo naman, bro. Parang hindi mo naman kami kilala.

Sige sige, lapitan ko na.” Anito at biglang humarap, nanlaki ang mga mata nito, maging ang kabarkada nito ay nagulat nang makita nila ako sa likod.

“T-twelixs?” Napangisi ako bago humawak sa aking baba. “Ano mga ulit 'yong pustahan niyo? Ah, luxuries things.” Napatango-tango pa ako, bago ibinaling ang paningin sa lalaking mayabang na nasa aking harapan. "Nice." Napapalakpak ako ng mahina.

“And you.” turo ko sa lalaking nasa harapan ko. “Do love money that much huh?” napangisi ako nang magtangis bangang ito. “Kung iniisip mo na makukuha mo ako dahil lang sa pustahan, you're wrong.” ani ko bago naglakad paalis.

Napailing na lang ako bago dumiretso sa rooftop para manigarilyo. Halos araw-araw itong nangyayari kaya I'm used to it, may lalapit sa akin para mag confess ng feelings nila and I always reject them. Why? They're just wasting their money and time. Ano bang makukuha nila sa akin kung magpapaligaw ako? As if naman na mabibigyan sila ng yaman namin.

Yes, we are rich but I don't care.

Napansin ko na may lata sa tabi ko kaya sinilip ko ang laman noon at napakunot ang noo ko nang makitang may laman iyong abo ng sigarilyo. It means may naunang manigarilyo sa'kin dito? Tss akala ko pa naman nag i-isa lang ako.

Napatigil ako nang maramdaman kong may tao sa aking likod kaya itinapon ko sa lata ang sigarilyo ko. Walang pumupunta dito pwera lang sa mga magjowa at Staff ng paaralan kaya malaya akong gawin ang gusto ko. Pero bakit parang iba ang kutob ko isang ito?

Nagbukas ako ng bubble gum at nginuya iyon bago hinarap ang taong nasa likod ko.

“What do you want? Money? Alright, I'll give yo—”

“Twelixs Zarina right?” Tiningnan ko mula ulo hanggang paa. Who's this boy ba? Mahinang napatango na lang ako sa tanong nito. “Yes, I am. How did you know me? Do I know you?” balik na tanong ko.

“You don't know me?”- nakangising tanong nito. “That's good, so come with me.” Anong good doon?

“Bakit ko gagawin 'yon? Ano ka batas? Tss.” pansin ko naman ang pag iggting ng panga nito.

“Yes, I am.” seryosong anito. “Sasama ka o sasama ka?”

“O.” nakangising sagot ko bago kumuha ng panibagong stick ng sigarilyo at sinindihan iyon.

“Sinasagad mo talaga pasensya

ko eh 'no? Okay, let see kung hanggang saan aabot 'yang tapang mo.” Nakangising anito bago kinuha sa bulsa ang kanyang cellphone at nagtipa doon bago itinapat sa kanyang tainga ang speaker niyon. “Hello Dean, This is the president council—

W-what? P-p-president?!

“O-okay okay, I'll come with you, just hang up that fvcking phone.” aniko bago naunang naglakad paalis pero agad din akong bumalik dahil hindi ko pala alam kung saan kami pupunta.

Hinintay ko na lang na makalapit ito bago ako sumunod.

Habang naglalakad kami sa hallway ay wala pa ding nagsasalita sa aming dalawa. Natatakot akong itanong kung saan kami pupunta dahil parang umatras bigla ang dila ko.

He's the president council of this school. Maling mali ang kalabanin ko siya. Patay na.

Huminto kami sa tapat ng isang pinto,  ibinaling ko naman kaagad ang aking paningin para malaman kung nasaan kami ngayon. Napalunok ako ng laway nang mabasa kung anong lugar ito.

“Dean Office?” tanong ko sa lalaking nasa unahan ko. Nakahinto lang ito at hindi pa binubuksan ang pinto maya nagtaka ako. “Bakit dito mo ako dinala?” takang tanong ko dito.

“Nakalimutan mo na yata ang ginawa mo sa rooftop kanina?” anito bago nagsasalubong ang mga kilay na tumingin sa akin. Napaiwas kaagad ako ng paningin. “Anong ginawa? W-Wala naman akong g-ginagawa sa r-rooftop kanina ah?” pagsisinungaling ko, nagulat ako nang ngumisi ito. “Anong nakakatawa?” inis na tanong ko.

“Kung ako sayo, papasok na ako sa loob. Sa kanila ka na lang magpaliwanag.” anito bago binuksan ang pinto at mahinang itinulak ako papasok sa loob. 

Naikuyom ko naman ang aking kamao. Wag lang talaga siyang magpapakita sa akin sa labas baka siya'y makatikim sa akin.

“Miss Zarina?” tanong ng isang babae na nakaupo sa swivel chair.  “Yes, ma'am?” yumuko ako bilang paggalang.

“Sit down, Miss Zarina.” tahimik na umupo ako sa harap nito. Nagkaroon ako ng pagkakataon para pagmasdan ang table nito. Kitang-kita ko ang kahoy na may nakaukit na pangalan niya.

“Mrs. Wreyah Valdez.” mahinang bigkas ko.

“Bakit niyo nga po pala ako ipinatawag?” tanong ko habang nagkukutkot ng kuko. Tumikhim muna ito bago sumagot. “Alam ko na aware ka sa mga nilalabag mo, tama ba ako?” Napataas ang isang kilay ko sa sinabi nito.

“Like what?”Anong nilabag? Wala naman akong nilalabag—

“You smoked earlier, at ang mas malala doon ay ang president council ng campus na ito ang nakahuli sa iyo.” Mariin na napapikit ako. So that president council tells her? Tsk

“It's normal Mrs. Valdez and besides hindi lang naman ako ang estudyanteng naninigarilyo sa campus na ito. ” Kampanteng sagot ko. Huminga ito nang malalim bago humarap sa akin. “Yes, I know but I want to tell you na hindi lahat ng bagay ay magagawa mo dahil lang nasa tamang edad ka na. Alam mo ba ang mangyayari kapag nalaman ng mga magulang mo ito?”

“Yes, of course.” They will abandon me  for sure.

“Tatanggapin mo ba ang parusa sa iyo o ipapatawag ko ang mga magulang mo?” saglit akong natigilan. It's okay na malaman nila, alam ko din naman hindi sila makakapunta. “Kung tatanggapin mo ang parusa ay hindi ito makakarating sa iba. Mananatiling tayo lang tatlo ang nakakaalam tungkol dito.” Marinig napapikit ako. What should I do? Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tanong nito.

“Alright, what is the punishment?”

“Hmm, let me think first.” mahinang tumango na lang ako bago inilipat ang  paningin sa labas ng bintana. Kita mula dito ang mga estudyanteng pinapahirapan dahil na-late sa pagpasok.

“You will be President council's assistant.” gulat na ibinalik ko ang paningin ko kay Mrs. Valdez.

A-ano d-daw? A-assistant?

“Dean, wala na po bang iba? Like maglinis sa ganito-ganiyan?” umiling ito kaya napasabunot ako sa sarili ko.

“Wala po akong alam sa pagiging assistant eh.” pagsasabi ko nang totoo.

“The decision is final na Miss Zarina, don't worry the president will tell you about what you're going to do.” napabuga nalang ako ng hangin bago tumayo.

“Good bye, Mrs. Valdez.” aniko bago naglakad palabas ng office na iyon. Nagulat ako nang buksan ko ang pinto ay nasa labas pa rin ang President counsil na ito. May kausap itong babae kaya hindi ako nito napansin. Napangisi ako bago naglakad patalikod kung saan hindi ako nito makikita. Dahan dahan ang paglalakad na ginawa ko para hindi nito mapansin. Pero hindi pa ako nakakalayo nang marinig kong tawagin nito ang pangalan ko. Nakangiwing humarap ako dito. “Hehe.”

“Where do you think you're going?”tanong nito bago naglakad palapit sa akin. Napatingin ako sa likod nang makitang wala na doon ang kausap nito kanina.

“Ahm, may klase pa ako eh. Sige mamaya na lang.” sagot ko bago tumalikod.

“STOP.” maotoridad na anito kaya napatigil ako. Naglakad ito papunta sa harapan ko tsaka inabot ang isang papel bago tumalikod paalis. Takang tiningnan ko naman ang papel na iyon at binasa ang nakasulat.

“Save my number, 09456312302. Go to this room when your class is done. Room 213.”—Pres.

Tss.

Nilukot ko ang papel na binigay niya bago naglakad papunta sa room namin.

‘Nakita niyo ba kanina?’

‘Ang alin?’

‘Sabi ng kaibigan ko nakita daw nilang dinala ni president si Twelixs sa dean office kanina.’

‘Legit ba?’

‘Oo nga, siguro ipinatawag siya dahil sa buhok niya 'no?’

‘Siguro nga, okay gilrs stop na, nakatingin siya sa atin.’

Hanggang sa room ay ako pa rin ang laman ng kanilang usapan. Kailan ba sila matatapos na pag usapan ako? Hindi ba sila nagsasawa? Kung ganon, ako sawang-sawa na marinig iyon sa kanila tss.

Pati ba naman ang tungkol sa pagpunta ko sa dean ay nakarating sa kanila. Tsk tsk

Natahimik ang lahat nang pumasok si Sir. Yeser pero syempre hindi rin nawala ang bulungan ng kababaihan sa aking likuran. Totoo naman kasi lahat nang sinasabi nila. Si Mr. Yeser 'yong lalaking pinapangarap ng mga kababaihan except me. He's almost perfect but he's not my type.

“Good morning Class.” nakangiting bati nito kaya napatili ang mga nasa likuran ko. Agad naman akong napatakip sa aking tenga nang wala sa oras. Kailangan ba talaga ay tumili? Tsk.

“Quiet class, you have a new classmate again. Be good to him okay?” anito bago tinawag ang lalaking nasa labas. Pagkapasok nito ay biglang tumahimik ang lahat. Pinagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa. Bagsak ang itim nitong buhok at singkit ang dalawa nitong mata. Mapula at manipis ang labi nito. Maayos naman ang pananamit nito, actually I like his style. Parang badboy ang datingan dahil sa earrings nito maging ang polo nito ay nakabukas ang dalawang botones sa taas.

“Hi, Waviel Dela Merced.” pakilala nito habang ngumunguya ng bubble gum. Mukha namang nakulangan ang karamihan sa pag papakilala nito. Maging si Sir ay napakunot din ang noo. “That's it?” Tumango ang transferee kaya pilit na ngumiti lang si Sir. Yeser. “Okay, sit down.” Ani Sir.

Matapos ang klase namin sa maghapon ay mabilis akong naglakad palabas at dumiretso sa parking lot. Ayoko kasing pumunta sa room 213 kaya tumatakas ako, maybe bukas makakapunta ako tinatamad pa kasi ako eh.

Sumakay ako sa motor ko at mabilis na pinatakbo ito pauwi sa aming bahay.

NANG makauwi ako ay nadatnan ko sa kitchen si Mommy habang nagluluto. Dahan dahan akong naglakad paakyat ng hagdan pero hindi pa ako nakakarating sa pinakatuktok nang marinig ko ang pangalan ko mula sa baba.

“Twelixs!” Tawag ni Mom. Napakagat ako sa ibaba kong labi bago humarap dito. “What is it Mom?” inalis nito ang apron at inilapag sa mesa ang pagising niluto nito. “Bumaba ka muna saglit.” Anito, mabibigat ang mga paa kong inihakbang ito. Nang makarating ako sa harap nito ay umupo ako sa upuan na nakalaan para sa akin.

“How's school?”

“It's fine, just like yesterday.”

“Be good at school, okay? Ayoko na muling puntahan ka doon para mag-sorry sa mga magulang ng mga estudyanteng nakakaaway mo.” napayuko naman ako. “Sampong beses ka nang nagtransfer, sana naman ay magtagal ka na sa university na pinasukan mo ngayon.” hindi ako nakaimik sa pangangaral nito.

She's right pang sampong beses na akong nag ta-transfer ng school dahil kada may rules akong nilalabag ay automatic akong tinatanggal. Kahit anong mangyari ay hindi mababago sa akin ang pagiging 'rule breaker'. Kahit sayang school ako pumunta ay ganoong bansag ang itinatawag mila sa akin, which is true.

Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, basta ang alam ko lang ay masaya ako sa ginagawa ko ngayon. No one can stop me from doing what I want.

“Magbago ka na Twelixs, kaya walang gusto makipagkaibigan sa'yo dahil d'yan sa ugali na mayroon ka eh.” Ani Mom kaya napairap lang ako.

“It's okay, I don't need friends at all.”aniko bago tumayo. “Ayoko magkaroon ng kaibigan na 'yong kayaman ko lang ang tanggap hindi ang ugaling mayroon ako. Ayokong magaya sa'yo Mom. Ang dami mo ngang kaibigan pero hindi mo naman alam kung mga totoo ba sila.”Agad akong napapikit nang makatanggap ako ng sampal mula dito.

Nakangising humarap lang ako na para bang walang nangyari. “I'll go ahead.” ani ko bago naglakad paakyat sa second floor.

Kaibigan? Tss that's nonsense.

I don't think na magkakaroon pa ako n’yan. Ako na mahirap pakisamahan at puro hanap ay gulo? Nah, never.

I deserved to be alone.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status