Share

To Love Pryne's Impurity
To Love Pryne's Impurity
Author: BuzzyBee

Chapter 1

Nakakasilaw na flash ng camera ang bumungad kay Phoebe pagbaba ng sasakyan. Kumalat na sa lugar nila na siya ay nobya ng nag-iisang anak na lalaki ng isa sa mayayamang pamilya sa lugar nila. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan at nakayuko lamang siya. Hindi siya sanay sa ganong senaryo. Isang malapad na kamay ang humawak sa bewang niya at nginitian siya ng nobyo. Kumabog na naman ang dibdib niya, napakagwa-

“Phoebe! Phoebe! Gumising ka na jan male-late ka na sa school. Diba internship nyo na ngayon.” Tapik sa kanya ng kapatid na lalaki.

Namumungay ang mga mata na tiningnan niya ang kapatid. “Hmmm...”

“Sige na mauuna na ako sayo ha.” Paalam ng kapatid.

Tumungo siya sa banyo para maghilamos. Panaginip lang pala.

Ang hindi niya maintindihan bakit sa dinami-dami ng mapapanaginipan niya ay ang lalaking yon pa. Umirap na kinuha niya ang sepilyo ang nagsimula ng ayusin ang sarili para pumasok.

Habang naglalakad papuntang sakayan ng bus, tumawag sa kanya ang Mommy Henry. Mommy Henry as is beki.

“Hi Mommy Henry!”

“Phoebe, may customer ka ng alas otso ha. Same casino. Dumerecho ka na dito after ng duty mo.” Masayang wika nito sa kanya.

“Okay po. Got it.”

Malamyang umupo siya sa sinasakyan at pumikit saglit.

Hanggang kalian ba ako magiging ganito. Bakit ba ang unfair. Bumuntong-hininga na lamang siya sa isipin na iyon.

7:40 pm, De Luxe Casino Hotel.

Sakay ng isang rent-a-car isang napakagandang pigura ng babae ang bumaba.

“Keep the change na po kuya!” sabay ngiti.

“Salamat Mam!” tugon ng driver.

“Phoebe! Ang ganda naman talaga ng alaga ko.” Salubong sa kanya ni Henry.

“Hi Mommy Henry!”

“Hmmm…” langhap nito sa kanya. “Fresh na fresh. Laging amoy baby, kaya ka nililinyahan eh.” Hagikgik neto.

“Well, natural kong amoy yan.” Pilya niyang sagot. “Oh saan yung customer ko?”

“Aba! Teka?” Pinasadahan siya ni Henry ng tingin. “You’ve grown honey!” malanding tawa na naman neto.

“Hmmp! Wala naman akong choice mommy Henry.” Tumawa lamang ang amo niya.

“Let’s wait for him na lang muna dito, may kausap pa siya sa taas. He’ll call me when he needs you.” Iginiya siya nito sa isang sofa sa gilid at kumuka ng wine.

May ilang buwan na din ng maaksidente si Prince, ang kapatid niya. Patapos na ang klase niya noon at muntik na siyang hindi makapag-enroll. Isang buwan noong bedridden ang kapatid kung kaya’t ang dating part-time na pagbebenta ng cosmetics at pabango ay naging pagbebenta ng katawan. Suki niya si Henry noon sa mga paninda niya at inalok siya nito ng trabaho. Sa sobrang kagipitan, napilitan siyang tanggapin ang alok nito sa kanya. Kahit ganon ang tarabaho ni Henry, mabait ito sa kanya at maaayos na customer siya binibigay.

“Phoebe! Uy!” untag neto sa kanya.

“Mommy Henry…sorry. Pagod lang.”

“Nako, malapit ka na matapos sa pag-aaral mo, ibig sabihin malapit mo na din ako iwan.”

Mapait siyang napangiti. Hindi gaya ng ibang employer ay ginigipit ang ibang escorts na gusto ng umalis. “Hindi naman tayo sigurado eh. Baka mamaya may makakilala sakin dito, mahirapan ako maghanap ng trabaho.”

Tinapik siya nito sa balikat.

“Hindi mangyayari yun, ano ka ba. Kaya nga sa maayos na customer kita binibigay eh. Yung one night kalimot na agad. I don’t know if that can be considered good, but that’s the least that I can do for you.” Ngumiti ito.

“Thank you.”

“Wala yon ako dapat magpasalamat sayo. Wag ka lang kalmutin ng iba kong girls kase naiinggit sayo eh Ganda mo girl!” nagkatawanan ito. “Eto inumin mo to pampalakas ng loob.” Inabot nito sa kanya ang baso ng wine.

“Aalis na ako after niya tumawag ha, alam mo na. Bebe time din ako.” Kinikilig na wika nito.

“Hmmm! Iba na naman ba yan?”

“Tigilan mo nga ako ha.” Irap nito saka nag-ring  ang cellphone. “Hello…oh yes sir. She’ll be coming. Thanks.” Binaba nito ang tawag at tumingin sa dalaga. “Ayun na, Go signal na ni Zeus.”

“Zeus?”

“Ay! Mala-Zeus kase ang hubog girl!” kinikilig na hampas nito sa kanya. “Basta pag inaway ka ng ibang girls sabihan mo ako. Go na, ita-transfer ko na sayo ang bayad. As usual.”

Tumayo silang pareho at nilagok niya ang huling laman ng baso.

Tinungo ni Phoebe ang elevator at nagtungo sa VIP room. Nasanay na din siya sa ganoong trabaho. Noong una halos nangangatog na nilalakad niya ang bawat pasilyong tinutungo nya papunta sa mga customer niya. Sa nakalipas na tatlong buwan pakiramdam niya ay manhid na siya.

Salamat na din lang kay Mommy Henry dahil hindi old and dying ang binibigay sa kanyang customer. Karamihan ay mejo bata pa, like late or early thirties.

Muli na naman sumingit sa isipan niya ang lalaki sa panaginip niya, she smiled mocking herself.

“Haaay…pano ba magiging kami non eh isa lang naman akong escort at siya? Anak mayaman, isusuka lang ako ng pamilya ng lalaking yon. At tyaka sa sa dinami-dami ng lalaki ba’t siya pa?”

Naalala niyang nabangga niya ang isang lalaki nong nakaraang lingo habang kasama niya ang customer niya sa casino, kumuha siya noon ng beer para kay Mr. Alejandro, isa sa mga pinakabata niyang customer in his late thirties. Libangan na ata ng mayayaman bumili ng aliw. Humingi siya ng pasensya gayun na din si Mr. Alejandro sa lalaki ngunit kita niya kung gaano kasama ang tingin nito sa kanya. Pagtapos non ay giniya na siya ng kliyente niya patungo sa silid.

“That’s Thomas Preston. He’s one of the big shots in town. But he doesn’t pay women for sex.” Ngingisi-ngising nitong sabi habang nagtatanggal ng butones ng polo. “Come here, unbutton my clothes.” Masunurin siyang lumapit dito. “Don’t wish for a man like him Pryne.”

“I know my place Mr. Alejandro.” Sagot niya dito. Sanay na siya sa mga pang-iinsulto na naririnig niya sa mga nagging kliyente niya. Mabuti na lamang at isang beses lang siya nirerefer ni Henry sa mga ito.

Huminto siya sa tapat ng VIP room at chineck ang number sa key card.

VIP Room 701

Nagpakawala siya ng hangin bago tinapat ang key-card, agad naman itong bumukas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status