Beranda / Romance / To Serve And To Protect Your Heart / Chapter 042: “I want to court her.”

Share

Chapter 042: “I want to court her.”

Penulis: Dragon88@
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-19 22:45:53

“Shit!” Naibulalas ko ng muling gumanti ng putok ang mga kalaban.

Mabilis kong inabot ang isang kamay ni Conrad at nilagay ang baril sa palad nito. Nagtatanong ang mga mata na tumingin siya sa mukha ko sunod sa baril na nasa kanyang kamay.

“Anong gagawin ko dito?” Parang wala sa sarili na tanong nito sa akin. Ano ba ang nangyari sa lalaking ito at parang akala moy naengkanto?

“Isubo mo sa bibig mo bago mo paputukin.” Napipikon kong sagot sabay yuko dahil sa bala ng baril mula sa kalaban. Sumimangot ang mukha nito dahil sa pang babara ko sa kanya. Hindi ko na siya pinansin bagkus mas pinagtuunan ko ng pansin ang kaligtasan ng mga bata.

Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse sa tapat ng front seat. Maingat na pinagapang ang mga bata papasok sa loob ng sasakyan.

Habang nakasiksik ang mga bata sa lapag ng kotse ay ako naman ang sumunod na sumakay. Mabilis, ngunit may pag-iingat na pumwesto ako sa driver seat. Kaagad na isinara ko ang pinto ng kotse dahilan kung bakit bigla
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 045: Conrad…

    “PRINCESS!!!” Nahintakutan kong sigaw habang panay ang lingon ko sa magkabilang panig ng dalampasigan. Maraming tao sa paligid pero mukhang mga walang alam ang mga ito sa biglang pagkawala ni Princess. “Tara, what happened?” Narinig kong tanong ng isang lalaki sa bandang likuran ko. Hindi na ako nag-aksaya pa na alamin kung sino ito bagkus patuloy kong sinuyod ng tingin ang buong paligid. “Conrad! Hawakan mo muna si Nicolai.” Natataranta kong sabi sabay pasa sa kanya ng bata. Kahit walang alam ito sa mga nangyayari ay alerto naman siya na tinanggap ang bata. Mabilis na tinalunton ko ang direksyon sa lugar kung saan ko iniwan si Princess. “Princess! Sweetheart, where are you!?” Naiiyak ko ng sigaw, wala na akong pakialam sa mga taong napapalingon sa akin. Marahil inakala nila na nababaliw na ako.Hindi ako tumigil sa paghahanap hanggang sa nakarinig ako ng isang sigaw ng babae.“‘Yung bata! Nalulunod!” Ani ng babae na siyag nagpalingon sa akin sa direksyon na tinatanaw nito. Wari

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 044: Princess…

    “Ano pa ang itinatayo mo dyan? Hanapin mo!” Paasik na utos sa akin ni ninong Vincent. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko bago muling ipinagpatuloy ang paghahanap sa nawawalang relo nito. Nandito kami ngayon sa kanyang silid, kaming dalawa lang ang tao dito habang si Alona at ang mga bata ay nasa labas na ng resort dahilan kung bakit hindi na ako mapalagay. Kasalukuyan kaming naka check in sa isang rest house, napakalaki nito at halos mapuno na ito ng mga turista. Napakaganda ng lugar na ito, aakalain mo na isa itong paraiso. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko man lang maenjoy ang ganda ng kalikasan dahil simula ng dumating kami dito ay wala ng ginawa ang ninong ko kundi ang sigawan at pagalitan ako.“Pwede bang mamaya ko na lang hanapin?” May halong pakiusap na sabi ko kay ninong Vincent. Hindi ko masabi sa kanya na kinakabahan ako sa tuwing si Alona ang kasama ng mga bata. At kahit naman ipaliwanag ko na isa si Alona sa mga taong pinaghihinalaan na may personal interest sa kasong

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 043: “ It’s not over until it’s over…”

    “Hmp! Huh! Huh!” Hinihingal na ipinasok ni Tara ang dalawang may kalakihang bag sa loob ng compartment ng sasakyan. Tagaktak na ang kanyang pawis dahil ng mga oras na ito ay mataas na ang sikat ng araw. Labis siyang naguguluhan kung bakit biglaan yata ang pagpapa impake ng ninong Vincent niya ng kanilang mga gamit? Wala man lang pasabi, gustuhin man niyang magtanong ay batid niya na susungitan lang siya nito. Kahit papaano ay nakadama siya ng lungkot, ayon kasi sa isang katulong ay aalis daw ang mag-ama, kasama si Alona. Alam niya na hindi siya kasama dahil tanging gamit lang ng mga bata ang ipinaimpake sa kanya. Isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan habang pilit na pinag-iisipan ang mga nangyayari. “I want to court her.” Matatag na pahayag ni Conrad, ang mga mata niya ay matiim na nakatitig sa mga mata ng kanyang ninong Vincent. Ilang sandali na nagkatitigan ang dalawa, kung iyong susuriin ay para silang nasa isang dwelo na walang may nais magpatalo

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 042: “I want to court her.”

    “Shit!” Naibulalas ko ng muling gumanti ng putok ang mga kalaban. Mabilis kong inabot ang isang kamay ni Conrad at nilagay ang baril sa palad nito. Nagtatanong ang mga mata na tumingin siya sa mukha ko sunod sa baril na nasa kanyang kamay. “Anong gagawin ko dito?” Parang wala sa sarili na tanong nito sa akin. Ano ba ang nangyari sa lalaking ito at parang akala moy naengkanto? “Isubo mo sa bibig mo bago mo paputukin.” Napipikon kong sagot sabay yuko dahil sa bala ng baril mula sa kalaban. Sumimangot ang mukha nito dahil sa pang babara ko sa kanya. Hindi ko na siya pinansin bagkus mas pinagtuunan ko ng pansin ang kaligtasan ng mga bata. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse sa tapat ng front seat. Maingat na pinagapang ang mga bata papasok sa loob ng sasakyan. Habang nakasiksik ang mga bata sa lapag ng kotse ay ako naman ang sumunod na sumakay. Mabilis, ngunit may pag-iingat na pumwesto ako sa driver seat. Kaagad na isinara ko ang pinto ng kotse dahilan kung bakit bigla

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 041: Sino ka ba talaga?

    “Mommy!” Tuwang-tuwa na sigaw ni Princess at Nicolai ng makita nila ako na nakatayo sa entrance ng school. Makikita ang labis na kasiyahan sa kanilang mga mukha, kaya naman abot tenga ang ngiti ko. Lumuhod ako sa lapag, saka inilahad ang aking mga braso at hinintay na makalapit ang dalawang bata. Sabik na tumakbo ang magkapatid habang nag-uunahan na makalapit sa akin. “Hmp… Yeah!” Impit kong sigaw ng mayakap ko ng mahigpit ang dalawang bata. Walang hirap na binuhat ko sila saka salitan na pinupog ng halik. Nangibabaw sa buong paligid ang matinis na tawa ng dalawang bata kaya naman natuôn sa amin ang atensyon ng mga tao. Kung titingnan mo ay mukha kaming tunay na mag-ina sa lambing ng mga bata sa akin. Hindi maikakaila ang matinding pananabik nila sa atensyon ng isang ina. Hinihingal na ang magkapatid ng tigilan ko, ngunit ang ngiti sa kanilang mga labi ay hindi matatawaran. Natatawa na ibinaba ko na sila sa lapag. Magkahawak kamay na sabay kaming naglalakad patungo sa n

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 040: I like you, Tara…

    “Get out!” Binasag ng malakulog na boses ni ninong Vincent ang katahimikan ng buong kabahayan. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng library na nagsisilbing opisina nito ay ito na kaagad ang bungad niya sa akin. Napakasungit nito, wala na siyang ginawa kundi ang sigawan at palayasin ako sa kanyang harapan. Sa kabila ng masasakit na salitang binitawan nito ay nanatili pa rin ako sa Mansyon, hindi ako nagpasindak. Nilunok ko ang lahat ng hiya sa aking katawan. Sinikap ko na maging manhid, at magpanggap na isang bulag at bingi sa harap nito. Pride? Wala na ako nito, handa akong magpakumbaba at magtiis hanggang sa tuluyan na niya akong mapatawad. Kahit na batid kong suntok sa buwan ang nais ko. “Hm, what a desperate woman.” Nang-iinsultong wika ni Alona sa mahinang tinig, sapat lang upang kaming dalawa lang ang makarinig. Bigla na lang itong sumulpot sa aking likuran. Pasimple kong pinuno ng hangin ang dibdib ko, upang pahabain pa ang pasensya ko sa babaeng ito. Kun

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status