“Mommy!” Tuwang-tuwa na sigaw ni Princess at Nicolai ng makita nila ako na nakatayo sa entrance ng school. Makikita ang labis na kasiyahan sa kanilang mga mukha, kaya naman abot tenga ang ngiti ko. Lumuhod ako sa lapag, saka inilahad ang aking mga braso at hinintay na makalapit ang dalawang bata. Sabik na tumakbo ang magkapatid habang nag-uunahan na makalapit sa akin. “Hmp… Yeah!” Impit kong sigaw ng mayakap ko ng mahigpit ang dalawang bata. Walang hirap na binuhat ko sila saka salitan na pinupog ng halik. Nangibabaw sa buong paligid ang matinis na tawa ng dalawang bata kaya naman natuôn sa amin ang atensyon ng mga tao. Kung titingnan mo ay mukha kaming tunay na mag-ina sa lambing ng mga bata sa akin. Hindi maikakaila ang matinding pananabik nila sa atensyon ng isang ina. Hinihingal na ang magkapatid ng tigilan ko, ngunit ang ngiti sa kanilang mga labi ay hindi matatawaran. Natatawa na ibinaba ko na sila sa lapag. Magkahawak kamay na sabay kaming naglalakad patungo sa n
“Get out!” Binasag ng malakulog na boses ni ninong Vincent ang katahimikan ng buong kabahayan. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng library na nagsisilbing opisina nito ay ito na kaagad ang bungad niya sa akin. Napakasungit nito, wala na siyang ginawa kundi ang sigawan at palayasin ako sa kanyang harapan. Sa kabila ng masasakit na salitang binitawan nito ay nanatili pa rin ako sa Mansyon, hindi ako nagpasindak. Nilunok ko ang lahat ng hiya sa aking katawan. Sinikap ko na maging manhid, at magpanggap na isang bulag at bingi sa harap nito. Pride? Wala na ako nito, handa akong magpakumbaba at magtiis hanggang sa tuluyan na niya akong mapatawad. Kahit na batid kong suntok sa buwan ang nais ko. “Hm, what a desperate woman.” Nang-iinsultong wika ni Alona sa mahinang tinig, sapat lang upang kaming dalawa lang ang makarinig. Bigla na lang itong sumulpot sa aking likuran. Pasimple kong pinuno ng hangin ang dibdib ko, upang pahabain pa ang pasensya ko sa babaeng ito. Kun
“Anong ibig sabihin nito!?” Tila kulog na nilamon ng makapangyarihang tinig ni Vincent ang buong paligid habang matalim na nakatitig sa mukha ni Tara. Nagtatanong ang mga mata ni Tara, dahil sa labis pagkabigla ay tila umurong ang kanyang dila. Sino ba naman ang hindi matutulalâ kung ang kanyang pinakamamahal ang siyang nakatayo sa kanyang harapan. Ilang gabi na ba siyang hindi makatulog ng dahil sa kanyang ninong Vincent? Ilang araw na rin niya itong pinananabikan na makita at matitigan ang mukha. Sa pagkakaalam niya ay wala ito sa bansa, kaya anong ginagawa niya dito Mansion? Nag-iigtingan ang mga ngipin ng ninong Vincent niya habang ang mukha nito ay tila kasing pula ng kamatis. “Nagseselos ba sya? Kung Oo ay malugod kong tatanggapin ang galit nito habang ang puso ko ay tila sasabog sa labis na kaligayahan.” Sa kabila ng galit ni Vincent ay nagawa pang mangarap ng gising ni Tara. Hindi nawawala sa kanya ang umasâ kahit pinapatay na sya nito sa pamamagitan ng ting
“Ang lahat ay sabay na napalingon sa aking direksyon, ang kanilang mga mata ay tila nagtatanong. Habang ang ilan sa kanila ay nakapaskil ang sarkastikong ngiti. Mariin na naglapat ang aking mga bagâng ng mangibabaw ang isang sipol. Nang mga oras na ito pakiramdam ko ay nabastos ako, at ito ang unang pagkakataon na merong gumawa nito sa akin. Kung nalalaman lang nila kung sino ako, may maglalakas loob kaya na bastusin ako? Kahit naman isang simpleng puting t-shirt at itim na maong pants lang ang suot ko na pinarisan ng itim na sapatos ay malinis at kagalang-galang pa rin naman akong tingnan. Kahit na ganito ang klase ng pananamit ko ay kaya ko pa ring makipagsabayan sa mga bisitang babae na nakasuot ng two piece. Alaga sa exercise ang katawan ko, kaya naman matatawag na perpekto ang kurba ng aking katawan. Nalipat ang atensyon ko sa lalaking kasalukuyang nakatayo sa gilid ng swimming pool. Sa kanang kamay niya ay isang maliit na crystal glass na may laman na matapang na alak
“Mommy, sana lagi na lang tayong ganito, ‘yung ikaw lang ang susundo sa amin and we will never seen her face?” Natawa ako sa tinuran ni Princess. Napaka cute talaga ng batang ito at napakadaldal., Pagkatapos na sabihin ‘yun ay kumurot ang maliit nitong daliri sa kinakain niyang cotton candy na halos nangangalaghati na. She’s pointing Alona, dahil sa pagkakataong ito ay hindi sinundo ng babaeng ‘yun ang mga bata. Tanging ako lang at ang driver ang siyang sumundo sa mga bata. Tulad kasi ng inaasahan namin na kapag wala si Ninong Vincent ay lumalabas ang totoong ugali ng babaeng ‘yun. Dalawang araw na kasi simula ng umalis si Ninong Vincent for business trip. Kaya naman dalawang araw na ring hindi sinusundo ni Alona ang mga bata na tulad ng ipinapakita nito sa harap ng kanilang Ama. Masuyo kong hinaplos ng kaliwang kamay ang ulo ni Princess sabay halik sa sintido nito. Mukhang nainggit naman ang kapatid niyang si Nicolai, dahil tumayo ito mula sa kanyang kinauupuan at lumipat sa
“Malawak man ang mansyon ay tila nasa loob kami ng isang kahon, masikip, nakakasakal na wari moy maging ang hangin ay hindi na makapasok. Naging hamon para sa akin kung paano makasurvive sa laban na ‘to. Mas gugustuhin ko pang ideploy ako sa isang giyera at saluhin ang bala ng mga kalaban kaysa dito na halos wala akong kalaban-laban. Ano naman ang laban ng puso ko sa matinding pasakit na hatid nito sa akin sa tuwing nakikita ko ang ninong Vincent ko at ang fiancee nitong si Alona? Halos araw-araw kasi silang magkasama at sa mismong harapan ko pa talaga naglalambingan. Wala talagang laban ang puso ko, at hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko ito kakayanin. Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Pagkatapos na maisilid sa loob ng bag ang huling libro ay saka isinukbit sa aking kanang balikat ang dalawang bag. Tahimik na lumabas ng silid habang ang ekspresyon ng mukha ko ay nanatiling seryoso. Ang pagiging malamig sa laha