Home / Romance / Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce / Chapter 5: Why Does He Keep Spoiling Me?

Share

Chapter 5: Why Does He Keep Spoiling Me?

Author: PILOSOPOTASYO
last update publish date: 2026-07-20 09:17:50

“At ano'ng ginagawa ng pekeng tagapagmana sa Hacienda Ashbourne?”

Pagkapasok pa lang ni Jade sa mansyon, bumungad na agad sa kaniya ang ingratang si Margaret.

Marahas siyang nagpakawala ng hininga bago umismid.

“Sa pagkakaalala ko, hindi ako pinagbawalan ni abuelo na pumunta rito, so why ask?” aniya bago ipinagkrus ang mga braso sa dibdib.

Ngumisi si Margaret bago lumapit sa kaniya.

“Wala ka nang lugar sa pamamahay na ito, Jade. Hindi ka isang Ashbourne, at kailanman ay hindi ka magiging isang Ashbourne. Kaya bakit mo pa ipinagsisiksikan ang sarili mo sa lugar na hindi ka naman kabilang?”

“Dahil may tao pang nagmamahal sa akin dito, Margaret!” nakatiim ang bagang na sambit niya. “Bakit mo ba ako pinapakialaman? Why don't you mind your own business? Or shall I ask... bakit hanggang ngayon, hindi ka pa rin pinapakasalan ni dad?”

Bumakas ang matinding galit sa mukha ng babae. Sa paraan nang pagtitig nito sa kaniya, tila gusto na siyang lamunin nang buhay.

“'Wag mong pakialaman ang relasyon namin ni Winston. Maybe... maybe hindi pa rin siya nakaka-move on sa pagkamatay ni Beatrice.”

“Margaret, my mom died five years ago. And as far as I remember, dad has already moved on.” May panunuya siyang napangiti. “You know, isa lang ang ibig-sabihin noon—hindi ka pa rin lubos na pinagkakatiwalaan ni dad.”

Namula ang mukha ni Margaret sa galit. Makalipas ang ilang segundo, bigla na lang tumama ang palad nito sa kaniyang pisngi. Sakto namang dumating ang abuelo niya at mabilis siyang ipinagtanggol.

“Get out of my sight, Margaret, before I kick you out of Hacienda Ashbourne!”

Sa takot, dali-daling tumalikod si Margaret.

Naiwan na lamang silang maglolo.

“Are you okay, Jade?” tanong ng matanda.

Tumango siya.

“I'm fine, abuelo.”

“Bakit ka naparito? Do you need something? Tell me, apo. I've heard Winston took everything from you, and I'd like to help.”

“May gusto lang po akong itanong, abuelo.”

Tahimik siyang pinagmasdan ng matanda bago siya niyaya sa swimming pool area.

“What is it, Jade?”

Kagat ang ibabang labi, napabuntong-hininga siya.

“Sino po ang tunay kong ina? Ang tunay kong ama?” Garalgal ang boses niya. “Abuelo, gusto ko pong malaman kung sino talaga ang mga magulang ko. Hindi na po ako makatulog gabi-gabi kakaisip. Kung hindi po ako isang Ashbourne... then who am I?”

“I don't know, apo.” Marahan itong umiling. “Kung alam ko lang, sasabihin ko sa iyo. Why don't you ask Winston?”

“Magagalit lang po siya sa akin, abuelo. Nasa diary ni mom na anak ako ng mortal niyang kaaway, pero walang pangalan na nakalagay.” Napayuko siya. “And also... I was wondering. Bakit po ako kinuha ni mom sa tunay kong ina? Parte ba ‘yon ng paghihiganti niya? I don't understand...” Napapikit siya. “I'm... I'm confused.”

“Ako rin naguguluhan, Jade.” Marahan nitong hinaplos ang balikat niya. “Nevertheless, apo pa rin kita. At para sa akin, dala-dala mo pa rin ang apelyido ko. You're still an Ashbourne, Jade. If you need help, don't hesitate to tell me, okay?”

Tumango lang siya.

Buong akala niya, makakakuha siya ng mga sagot.

Ngunit nabigo lang siya.

Gayunpaman, masaya pa rin siya dahil, sa kabila ng lahat ng nangyari, nanaig pa rin ang kabutihan ng matanda.

Hindi nagtagal, nagpaalam na rin si Jade.

Pagkalabas niya ng mansyon, naningkit ang mga mata niya nang mapansing may isang lalaking prenteng nakatayo sa tabi ng fountain.

Umiling siya at nilampasan ito.

Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalayo, bigla itong nagsalita.

“Hey!”

Dahan-dahan siyang humarap.

Sakto namang hinubad ng lalaki ang suot nitong shades, dahilan upang makita niya nang buo ang mukha nito.

Guwapo ito.

“Who are you?” tanong nito.

“I'm Jade... Jade... Jade Kingsley.”

Bahagyang napaawang ang mga labi ng lalaki bago ito lumapit sa kaniya.

Sinulyapan siya nito mula ulo hanggang paa bago muling nagsalita.

“Are you related to Evren Kingsley?”

Marahan siyang lumunok.

“He's my husband.”

“R-Really? I didn't know.” Bahagya itong napangiti. “By the way, I'm Drax Ashbourne.”

“Isa kang Ashbourne?” napakunot-noo niyang tanong. “H-How?”

“Winston Ashbourne is my uncle.” Bahagya itong napakamot sa batok. “Unang... beses... ko pa lang pumunta here in the Philippines. At oo, isa akong Ashbourne.”

Ramdam niyang hirap itong magsalita ng Tagalog. Sabagay, sa hitsura pa lang nito, halatang lumaki ito sa ibang bansa. At sa tanang buhay niya, wala siyang nakilalang Drax Ashbourne.

Kung hindi pa lumabas ang katotohanan, malamang na pinsan niya ang lalaki.

Sa halip na makipag-usap pa rito, nagpatuloy na lang siya sa pag-alis. Sumakay siya sa BMW niya at minaneho iyon patungo sa Kingsley Group.

“Where have you been, Ma'am Jade?” bungad agad ni Edmund nang makita siya.

“Somewhere... why?”

“Pinapatawag po kayo ni Sir. Evren. Tinawagan ko po kayo, pero—”

“Pinatay ko ang phone ko.” Putol niya rito. “Pupunta na ako.”

Pagkasabi niyon, nagmartsa na siya patungo sa elevator.

Nang makarating siya sa penthouse, dumiretso siya sa opisina ng asawa. Sa labas pa lang, nakita na niyang abala ito sa loob. Gayunpaman, pumasok pa rin siya nang hindi kumakatok.

“Do you need me?” malamig niyang tanong. “Or do you want me to make you co—”

“Where is it, Jade?”

Naputol ang sasabihin niya.

Napakunot-noo siya.

“Ang alin? May pinapagawa ka ba sa aking report? Wala akong maalala. Alam mo namang bago ako umalis ng gusaling ito, tinitiyak kong tapos ko ang lahat ng trabaho ko.”

Ngumiwi si Evren bago tumayo.

Nagsalin ito ng alak sa isang baso bago naglakad palapit sa glass wall, kung saan matatanaw ang iba't-ibang gusali sa labas.

Ilang sandali itong nakatanaw roon bago humarap sa kaniya.

“The divorce agreement.” Lumagok ito sa hawak na baso. “Have you forgotten?”

Biglang nanghina si Jade.

Mabuti na lang at nasa likuran niya ang couch. Nang mawalan siya ng lakas, napaupo siya roon.

Matagal siyang nanatiling tahimik.

Pagkaraan ng ilang sandali, kagat ang ibabang labi, marahan siyang nag-angat ng mukha sa asawa.

“Binabawi ko na 'yon, Evren.”

Bahagyang nangunot ang noo ni Evren bago ito umupo sa harap niya.

“What do you mean?” seryoso nitong tanong.

“H-Hindi na ako makikipag-divorce sa iyo.” Bahagya siyang napahikbi. “Hindi ko na ‘yon itutuloy.”

“Why?”

Napaluha siya.

“Bukod kay abuelo, ikaw na lang ang meron ako, Evren. Kaya hindi ko na itutuloy ang divorce. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko.”

Ngumisi si Evren.

“Bakit hindi mo 'yan naisip noon?” malamig nitong tanong. “Pinaghintay mo ako sa wala.”

Sa isang lagok, inubos nito ang laman ng baso bago bumalik sa mesa.

Nanatiling tahimik si Jade sa kinauupuan.

Makalipas ang halos isang minuto, tumunog ang cellphone niya.

Nang tingnan niya ang screen, bumungad ang isang bank notification.

BANK ALERT: You have received PHP 5,000,000.00 via bank transfer from EVREN KINGSLEY. Transaction completed on 17 Jul 2026, 9:33 AM. Reference No.: 8459127631. Thank you for banking with us.

Nanigas siya sa kinauupuan.

Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin kay Evren. Nakatitig ito sa kaniya habang may ngisi sa mga labi.

“Go shopping, Jade.” Bahagya itong sumandal sa mesa. “You know I can't live without spoiling you, my wife.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce   Chapter 51

    “Huwag mong sabihing—”“Baka importante ’yon, Preston,” putol ni Jade sa nobyo.“Nandoon si Charlotte, Jade. Ayokong magkita kayong dalawa at mag-away na naman kayo.”“Iiwas ako. Ayoko na ring makipag-away sa kaniya. Ako na ang iiwas. Ako na ang lalayo.”“Jade, look—”“Please, Preston. Just this time,” pakiusap ni Jade habang sinasapo ang braso ng nobyo.Wala nang nagawa si Preston kundi ang bumuntong-hininga. Sa huli, itinuon na lamang niya ang atensyon kay Drax, na nasa kabilang linya pa rin.“Pupunta ako, Drax.”“Okay, Jade. Hinihintay ka na niya.”Sa halip na sumagot pa, pinatay na ni Jade ang tawag bago binalingan si Preston.“Sa Hacienda Ashbourne tayo, Preston.”Napailing ang lalaki. “Sa tingin mo ba, magandang ideya ito kaysa harapin muna ang kasong isinampa sa iyo ni Charlotte?”Ramdam ni Jade ang pag-aalala ni Preston. Naiintindihan naman niya ang nobyo, pero marami pa silang oras para harapin ang kaso. Hindi niya alam kung bakit, ngunit nang sabihin ni Drax na gusto siyang

  • Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce   Chapter 50

    Hindi pa man sumisikat ang araw, nagising na agad si Jade. Ngayong araw, nakaplano ang pagharap niya sa kasong isinampa ni Charlotte laban sa kaniya. Hindi siya natatakot, sapagkat alam niya sa sarili niyang si Charlotte ang nauna.Lumabas siya sa balkonaheng nakakonekta sa silid ni Preston, kung saan agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Malapit nang mag-Pasko, ngunit heto’t sunod-sunod na problema ang kinakaharap niya. Umaasa siyang sana, bago mag-Pasko, maging masaya na siya sa piling ng lalaking mahal niya.“Baby, pangako, hindi ko hahayaang maranasan mo ang kaguluhang nararanasan ko. I will make sure na bubuhayin kita nang maayos at malayo sa mga taong unti-unting sumisira ng buhay ko,” emosyonal niyang sambit habang sapo ang kaniyang tiyan.“Baby, are you okay?”Napapitlag si Jade nang marinig ang tinig mula sa kaniyang likuran. Nang lumingon siya, bumungad sa kaniya si Preston—na kahit bagong gising ay sobrang guwapo pa rin.“Okay lang ako, Preston.”“You’re not

  • Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce   Chapter 49

    “Ayos ka lang ba, Jade?” may pag-aalalang tanong ng ina ni Preston nang humiwalay ito sa kaniya.Bagama’t gulat pa rin, tumango si Jade. “A-Ayos lang po.”“Are you sure? Mabuti na lang at dito ka naisipang dalhin ni Preston. You're safe here, Jade.”Hindi alam ni Jade ang isasagot sa babae. Sapagkat sa kabila ng kasinungalingang pinili nilang dalawa ni Preston na sabihin sa mag-asawa, heto’t mabait pa rin ang mga ito sa kaniya. Ni hindi niya nakita sa mukha ng mag-asawa ang anumang sama ng loob. Bagkus, pag-aalala ang nangingibabaw sa kanilang mga mukha.“Dito ka muna manatili hangga’t hindi pa naaayos ang sitwasyon. Hindi ligtas para sa iyo ang lumabas, lalo na’t buntis ka, Jade,” mayamaya’y wika ni Francis.Kagat ang ibabang labi, tumango si Jade. “Maraming salamat po sa tulong niyo. Hindi ko po alam kung paano ako makakabawi—”“No need, Jade.” Sinapo ng ina ni Preston ang pisngi niya at mataman siyang tiningnan. “Wala kang utang na loob sa amin para bumawi. I'm actually happy becau

  • Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce   Chapter 48

    Mas gugustuhin na lang ni Jade na umiwas sa gulo kaysa makipag-away kay Charlotte. Kaya nang matapos siya, tumalikod na siya. Subalit isang hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang bigla siyang pigilan ni Charlotte sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.“Iniiwasan mo ba ako, Jade?!” mariing tanong ni Charlotte.Saglit na hindi kumibo si Jade bago marahas na binawi ang braso mula sa babae. Sa halip na sagutin ito, nagpatuloy lamang siya sa paglalakad.“Hey, Jade! I am talking to you!” bulyaw pa ni Charlotte.Huminto siya. Sunod-sunod siyang nagpakawala ng hangin sa bibig bago walang emosyong hinarap ang babaeng tila uhaw sa atensyon.“Ano ba, Charlotte? Ayoko ng gulo, okay? Kung gusto mong makipag-away, maghanap ka ng iba. Huwag mo akong idamay sa pagiging war freak mo!” bulalas ni Jade sa babae.Humalakhak si Charlotte bago dinukot ang cellphone sa bag. Walang ideya si Jade kung ano ang gagawin nito. Ngunit hindi nagtagal, bigla na lamang nitong itinutok sa kaniya ang cellphone.“OM

  • Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce   Chapter 47

    Malalim na ang gabi, pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ni Jade habang nakatitig sa kisame. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang katotohanang may taong gustong sumira sa kaniya at sa mga taong pinagkakatiwalaan niya.“Bakit hindi ka pa natutulog, Jade?” rinig niyang tanong ni Preston.Bumuntong-hininga siya bago ito nilingon. Gising na pala ito, at bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala.“Hindi ako makatulog, Preston,” tugon niya. “Parang hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang nasa likod noon. Malinaw na gusto niya akong sirain. At damay ka rin doon, Preston. Kahit mga kaibigan ko, hindi niya pinalampas.”“Jade,” mahinahong sambit ni Preston at mas lumapit sa kaniya. Kinuha nito ang kamay niya at masuyong pinisil iyon. “Sa rami ng pinagdaanan mo, ngayon ka pa ba susuko? And look, you don't need to worry about me. Kaya ko ang sarili ko, Jade. Ayoko lang na mag-isip ka nang sobra dahil buntis ka. Baka kung ano ang mangyari sa iyo kapag—”“Mapapanatag

  • Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce   Chapter 46

    “Where are you going?”Pagkalabas pa lamang ni Jade sa banyo, sinalubong na agad siya ni Preston. Nasa sala ito at tila kanina pa naghihintay, kaya bahagya siyang napahinto. Hindi niya naman planong lumabas nang matagal. Gusto lamang niyang makipagkita kina Ysa, Florence, at Maxwell dahil kailangan niyang makausap ang mga ito. Matapos ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw, kailangan niya ng mga taong matagal na niyang pinagkakatiwalaan.“Makikipagkita ako sa mga kaibigan ko.”Agad na napabuntong-hininga si Preston at lumapit sa kaniya. Kita sa mukha nito ang pag-aalala, bagay na ilang beses na niyang napansin mula nang makatanggap siya ng mga hindi kilalang mensahe.“Jade, this isn't the right time, okay? It's not safe to go outside. Mas maiging dito ka na lang muna sa condo ko hanggang sa maging maayos ang sitwasyon.”“Preston, hindi naman puwedeng dito lang ako. Besides, hindi natin sigurado kung malaking threat ba ‘yon.”“Nakatanggap ka pa ba ng mga mensahe? Tinatakot ka pa ri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status