“At naniniwala ka sa babaeng 'yan, Evren?” hindi makapaniwalang tanong ni Jade sa asawa.Tinitigan siya ni Evren bago tumayo.“It came from her mouth, Jade.”“So, dahil galing sa bibig niya, paniniwalaan mo na?!” Bahagyang tumaas ang boses niya. “Evren, alam kong hindi mo naman ako ipagtatanggol, pero hayaan mong ipaglaban ko ang sarili ko. Kung ano man ang sinabi ni Charlotte, wala 'yong katotohanan. Kahit kailan, hindi namin siya b-in-ully. Siya pa nga ang nam-bully sa amin. Binaliktad niya ang kuwen—”“Bakit ko naman babaliktarin ang kuwento, Jade? What I said is true. You bullied me when we were in college. Natatakot kang malamangan kita, so you locked me in the bathroom,” turan ni Charlotte, dahilan upang mamilog ang mga mata niya.Kumuyom ang magkabilang kamao ni Jade. Unti-unting namasa ang mga mata niya habang matamang nakatitig sa babae, na punong-puno ng kasinungalingan ang mga sinasabi.“Umalis na lang tayo rito, Jade. Let's go,” sambit ni Maxwell bago hinawakan ang braso n
Última atualização : 2026-07-20 Ler mais