Share

CHAPTER 5

Penulis: June
Habang handa nang umalis si Ram sa mansyon, napatingin siya sa labas ng bintana ng sasakyan. Sa gitna ng malakas na ulan, nakita niya si Karina na nakayuko at nakasiksik sa gilid ng batong pader malapit sa gate.

Basang-basa na ang damit nito, dikit na dikit sa katawan at mas malinaw na naiguguhit ang hubog nito. Nakalugay ang mahabang buhok na tumatakip sa bahagi ng mukha niya, dahilan para magmukha siyang kawawa at inabandona.

Agad na naunawaan ni Ram ang sitwasyon. Kilala niya ang ugali ng ina at kapatid. Hindi kailanman magiging mabait ang mga ito para ipahatid pauwi ang babaeng kinamumuhian nila.

Lumingon siya sa katabing assistant na si Stanley. “Bumaba ka. Kumuha ka ng payong.”

Agad na kinuha ni Stanley ang itim na payong sa sahig ng sasakyan at mabilis na lumabas sa ulan. Lumapit siya kay Karina habang dahan-dahang binuksan ni Ram ang bintana.

“Hop in,” malamig na sabi ni Ram. “I will take you home.”

Nagulat si Karina nang makita si Ram. Agad siyang umatras at umiling. “Tito Ram, okay lang po ako. Hihintayin ko na lang na tumila ang ulan. I can manage.”

Naalala ni Karina ang mga babala ni Benjamin tungkol kay Ram; na delikado ito, at dapat niyang ilayo ang sarili rito. Ayaw na niyang dagdagan pa ang gulo ng buhay niya ngayong gabi.

Bahagyang sumimangot si Ram. Lalong lumalim at tumigas ang tinig niya. “I said, hop in. Don’t make me repeat what I said.”

May bigat ang presensya ng lalaki, isang klaseng awtoridad na mahirap tanggihan. Naramdaman ni Karina ang pag-alinlangan sa sarili habang unti-unting humihina ang kanyang pagtutol.

Bago pa siya makatanggi muli, dumating si Stanley sa tabi niya at inabot ang payong. Maingat nitong kinuha ang basang clutch sa nanginginig niyang kamay.

“Ms. Karina, pakiusap po, sumakay na kayo,” malumanay na sabi ni Stanley. “Tuloy-tuloy po ang pag-ulan. Ayon sa weather forecast, mukhang matatagalan po ito bago huminto. Malakas din ang hangin, at wala po kayong suot man lang na jacket. Baka magkasakit kayo.”

Napatingin si Karina sa madilim na ulap, saka sa basang-basang sarili niya. Nanginginig na rin siya sa lamig.

Sa huli, kinagat niya ang labi at sumakay sa kotse.

Mainit at magarbo ang loob ng Rolls-Royce. Malambot na leather seats at amoy mamahaling pabango ang sumalubong sa kanya. Ramdam agad ni Karina ang pagkakaiba ng temperatura.

Napatingin si Ram sa basang-basa niyang damit na lalong dumikit sa katawan niya. Halos maging manipis ang tela. Agad nakita ng lalaki ang outline ng katawan ni Karina. Nanigas ang kanyang lalamunan sa nakita.

Walang imik na tinanggal ni Ram ang dark gray na suit jacket at inihagis sa babae.

“Salamat po,” mahina niyang sabi habang mabilis na isinukbit ang jacket sa balikat. Mainit pa ito at may amoy ng pabango nito. Kahit papaano, napapakalma siya nito. “Ipapa-linis ko po ito at ibabalik sa inyo.”

“Sunugin mo na lang,” malamig na sagot ni Ram. Para bang wala lang sa kanya ang mamahaling damit.

Umalis ang sasakyan mula sa manor at dumaan sa madilim at maulang kalsada. Tahimik ang buong biyahe.

Nasa sulok si Karina, hindi makatingin sa katabi. Ramdam niya ang mabigat na presensya ni Ram. Parang hinihigop ng kung anong bagay ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Kinakabahan siya nang hindi niya maintindihan kung bakit.

Pasimple siyang sumulyap sa profile nito. Matangos ang panga, perpektong hugis. Maayos kahit nabasa ng ulan ang buhok nito. Lahat tungkol kay Ram ay sumisigaw ng yaman at kapangyarihan. Malayo ito kay Benjamin ba magiliw, madaling lapitan. Si Ram ay kabaligtaran. Mapanganib. Suplado.

Pagkalipas ng dalawampung minuto, huminto ang sasakyan sa harap ng bahay ni Karina. Mabilis siyang kumilos at hinawakan ang door handle.

“Salamat po sa paghatid,” nagmamadali niyang sabi. Iniwan din niya ang jacket sa upuan. “Maraming salamat po talaga.”

Kaagad na pumasok sa kanilang bahay si Karina. Naiwan naman si Ram na tinititigan ang pigura ng babae habang unti-unti itong nawawala sa kanyang paningin.

Naiwan sa loob ng kotse ang bahagyang amoy ng jasmine galing sa pabango ni Karina. Hindi namalayan ni Ram na napahinga siya nang malalim na animo’y patuloy na sinasamyo ang amoy na iyon.

Napapikit siya sandali.

“She’s your nephew’s wife,” mariin niyang paalala sa sarili. “Control yourself, Ramoncito Del Valle.”

Pagkapasok ni Karina sa loob, biglang sumakit ang ulo niya. Mainit din ang kanyang katawan bagama’t nananatiling basa ang katawan. Mabigat ang kanyang ulop, pakiramdam niya’y parang umiikot ang mundo.

Bago pa siya makapagpalit ng damit, dumilim na ang paningin niya at bumagsak sa sala.

Pagkagising ni Karina, nasa hospital bed na siya.

Amoy disinfectant ang buong kwarto. Sa tabi niya ay may mga pamilyar na pagkain; strawberry shortcake, macarons, chocolates, at isang bouquet ng pink roses.

“Ma’am, gising na po pala kayo!” sabi ng nurse na biglang lumapit. “Mahigit dalawampu’t apat na oras po kayong nilagnat nang mataas. Halos hindi po kayo iniwanan ni Mr. Del Valle. Buong gabi po siyang nagbantay sa tabi ninyo. Isang oras lang po ang nakalipas mula nang umalis siya dahil may emergency.”

Tiningnan ng nurse ang thermometer. “Gusto niyo po ba siyang tawagan? Matutuwa po siya kapag nalaman niyang gising na kayo.”

Napatingin si Karina sa mga pagkain at bulaklak. Bahagyang lumambot ang dibdib niya kahit magulo ang isip niya.

Ganito lagi si Benjamin.

Kapag may sakit siya, ito lagi ang ginagawa nito—binibili ang mga paborito niya, pinupuno ng matatamis na pagkain at bulaklak ang paligid niya. Para gumaan ang pakiramdam niya.

Pero ngayon, mas masakit isipin.

Paano naging iisang tao ang lalaking nag-aalaga sa kanya… at ang lalaking nanloko sa kanya?

“Nasaan siya ngayon?” tanong ni Karina habang dahan-dahang bumangon.

Ngumiti ang nurse. “Nasa loob lang po siya ng ospital, may inaasikaso.”

“Hahanapin ko na lang siya.”

Lumabas si Karina sa kwarto at naglakad sa malamig at tahimik na corridor.

Pagliko niya sa hallways, natigilan siya.

Nandoon si Benjamin, palabas mula sa obstetrics and gynecology department.

Ngunit hindi siya nag-iisa. May kasama siyang babae.

Nakahawak ang kamay nito sa tiyan na tila ba iniingatan ang isang bagay na mahalaga.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 50

    Agad na lumitaw ang malinaw na pulang marka ng sampal sa mukha ni Benjamin. Kitang-kita ang bakas ng limang daliri ni Karina sa maputla niyang pisngi.Hinawakan niya ang nasaktang bahagi at tumingin kay Karina nang hindi makapaniwala. Unti-unting sumiklab ang galit sa kanyang mga mata.“Sinampal mo ako?!” umalingawngaw ang boses ni Benjamin sa bakanteng corridor ng ospital, puno ng gulat at galit.Diretsong tiningnan siya ni Karina, nanginginig sa matinding galit ang dibdib niya.“Bakit hindi kita sasampalin? Ikaw na lalaking makapal ang mukha!!”“Ikaw na nga ang nang-cheat, ikaw pa ang may gana na siraan ako sa ama ko?” Nanginginig ang boses niya, pero bawat salita ay puno ng poot. “Benjamin Del Valle, nakakadiri ang pagkatao mo! Kinamumuhian kita!!”Lalong nagliyab ang galit ni Benjamin. Bigla siyang lumapit at mahigpit na hinawakan ang balikat ni Karina, saka siya marahas na isinandal sa malamig na pader.“Walang hiya?” halos magdikit ang mukha nila. Ramdam ni Karina ang hininga niy

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 49

    Tumango lang si Ram sa narinig at nagwika, “Naiintindihan ko.”Napaka-walang emosyon ng tono niya, na para bang ordinaryong report lang ang pinakikinggan. Pakiramdam tuloy ni Stanley ay parang nasayang lahat ng effort niya para roon.“May meeting ka rin ppo ng alas-diyes, video conference sa Germany,” paalala ni Stanley.“Mm.” maikling sagot ni Ram. Pagkatapos ay ibinalik niya ang atensyon sa mga dokumento sa mesa.Kaya tahimik na lumabas si Stanley sa opisina.Bandang tanghali, pumasok si Karina sa employee cafeteria ng Polaris Technology na may halong kuryosidad. Pagbukas pa lang niya ng glass door, natigilan siya sa kanyang nakita.Hindi ito ordinaryong cafeteria ng kumpanya. Para itong high-end restaurant. Malawak ang espasyo, maliliwanag ang floor-to-ceiling windows, at elegante ang disenyo. Ang mas nakakagulat pa ay ang menu…mula Chinese na kung pao chicken, Italian mushroom cream soup, Japanese sushi, hanggang Thai curry, halos kumpleto ang pagkain mula sa iba’t ibang bansa.“Ba

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 48

    Sa isang pasilyo ng ospital, hawak ni Kian ang isang mamahaling hospital bill habang mahigpit ang pagkakunot ng kanyang noo. Sobrang laki ng gastos sa operasyon at lampas na ito sa inaasahan niya. Kahit naibenta na nila ang bahay ng pamilya, kulang pa rin sila ng malaking halaga.Biglang tumunog ang cellphone niya, at narinig niya ang boses ni Lily sa kabilang linya, halatang nagmamadali.“Kailan mo ba balak kumilos?!”Tumingin si Kian sa napakalaking hospital bill sa kanyang kamay bago sumagot sa mabigat na boses. “Sa mga susunod na araw.”Sa kabilang linya, ngumiti si Lily, halatang nasisiyahan. “Mabuti. Tandaan mo, bilisan mo at huwag kang mag-iiwan ng kahit anong bakas.”“Alam ko ang gagawin ko,” sagot ni Kian.Pagkababa ng tawag ni Lily, isang malamig at madilim na kislap ang lumitaw sa kanyang mga mata. Planado na niya ang lahat. Kapag nagtagumpay si Kian sa pagpatay kay Karina, tatawag siya nang anonymous sa pulis para pareho silang mamatay sa pinangyarihan. Sa ganitong paraan,

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 47

    “Hindi mo trabahong diktahan kuna ano ang dapat o hindi ko dapat gawin,” Malaman ang bawat salitai ni Ram. Wala itong puwang sa anumang pag-aalinlangan.Ramdam ni Stanley ang mapanganib na presensyang bumabalot sa hangin kaya tahimik siyang umatras ng dalawang hakbang para bawasan ang kanyang presensya.Namula sa galit si Benjamin. Umumbok ang ugat sa kanyang noo. Mula pagkabata, palagi na siyang natatalo ng tiyuhing ito sa pamilya man o sa negosyo. At ngayon, kailangan niyang panoorin na parang wala siyang magawa habang tila may interes ang tiyuhin niya sa kanyang asawa. Isang matinding dagok ito sa kanyang pride.Subalit hindi natinag si Ram. Sa halip, lalo pa siyang nanindigan. “Isa pang pagkakamali at mawawala ka sa posisyon mo bilang general manager ng Del Valle Group.”Parang mabigat na palakol ang tumama sa dibdib ni Benjamin sa mga salitang iyon. Alam niyang hindi nagbibiro ang kanyang tiyuhin. Sa impluwensiya at kakayahan ni Ram, hindi magiging mahirap para rito na alisin siya

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 46

    Nang makita ang ngiti ni Karina, lumapit sina Ram at Stanley sa babae. Si Stanley ang unang bumati kay Karina. “Tingnan mo nga naman, Miss Karina. Dito ka rin pala kakain ngayong gabi.”“Oo nga eh, may plano ako kasama ang kaibigan ko,” magalang na sagot ni Karina. Sandali siyang sumulyap kay Ram.Naramdaman ni Stanley ang bahagyang pagbabago sa atmosphere kaya agad siyang nagsalita, “Tamang-tama talaga. Miss Karina, kukunin ko lang ang sasakyan. Pwede bang ikaw na muna ang bahala sa boss namin? Medyo marami siyang nainom ngayong gabi.”Tiningnan ni Karina si Ram. Kahit namumula ang pisngi nito, malinaw ang mga mata at matatag ang tindig nito. Sa unang tingin, hindi ito mukhang lasing. “Parang hindi naman…” sabi niya nang may pagdududa.“Ganyan talaga ang boss namin. Kahit lasing siya, ganyan pa rin siya.” mabilis na paliwanag ni Stanley. “Pero marami talaga siyang nainom. Baka delikado kung maiwan siyang mag-isa.”Naalala ni Karina kung paano siya iniligtas ni Ram sa Montana City, k

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 45

    Nang marinig ni Benjamin ang mga salita ni Karina, agad siyang naginhawahan. Basta hindi nito nalaman ang naging pagtatalik nila ni Roxanne sa kanyang opisina, lahat ay maayos na.Agad siyang umarteng nakakaawa. Ang kanyang salita ay puno ng kasinungalingan. “Karina, nagkakamali ka. Matagal ko nang binlock si Roxanne. Siguradong ibang number ang gamit niya para tawagan ako.”Nagpatuloy si Benjamin sa pagsisinungaling nang walang pag-aalinlangan. Ang ekspresyon niya’y parang batang inaapi. “Hindi ko nga siya pinayagang makipag-dinner sa akin. Wala rin akong nireplyan sa messages niya. Maniwala ka sa akin.”Nakaramdam si Karina ng matinding pagkasuklam sa sobrang husay nitong magsinungaling. Ang lalaking ito ay kayang magsinungaling nang walang kaba o hiya. Lahat ng mga salita niya ay nagtutunog totoo. Gustong-gusto na niya itong barahin subalit pinigilan niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang malaman ni Benjamin ang tungkol sa mga ebidensyang kinakalap niya.“Whatever,” malamig ngunit pil

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status