Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt

Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt

By:  JuneOngoing
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
10
1 rating. 1 review
50Chapters
1.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa ikatlong anibersaryo ng kanilang kasal, niregaluhan ni Benjamin Del Valle ang kanyang asawa ng isang diamond necklace na pinangalanang “Mi Amore, Karina,” tanda ng tila ba walang kapantay niyang pagmamahal para rito. Ngunit habang kinikilig ang publiko, mag-isang nakaupo si Karina sa kanilang bakanteng bahay habang nakatitig sa larawang ipinadala ng isang estranghero. Nanginginig ang kanyang laman habang tinitingnan ang larawan ng bagong sekretarya ng kanyang asawa na si Roxanne, suot ang parehong kuwintas habang kayakap ang kanyang pinakamamahal. Sa loob ng tatlong taon, naging perpektong asawa si Karina. Subalit ang kanyang dedikasyon at pagmamahal ay ginantihan ng pagtataksil, panghahamak mula sa kanyang biyenan, at ng nakakasukang paliwanag ni Benjamin na ang kanyang pakikiapid ay isa lamang “pisikal na pangangailangan” at walang halong pagmamahal. Akala ni Benjamin ay titiisin lamang ni Karina ang lahat dahil siya ang sumasagot sa pagpapagamot ng ama nito. Akala niya’y lulunukin lang ni Karina ang lahat ng insulto at palalakihin pa ang anak ng kanyang kabit. Nagkamali siya. Matapos ibenta ang kanilang mansyon, tipunin ang mga ebidensya, at ilantad ang hindi matatawarang patunay ng pagtataksil ni Benjamin… tinalikuran ni Karina ang lahat. Isinantabi niya ang apron at nagsuot ng puting laboratory coat, bagay na ikinagulat ng buong pharmaceutical industry. Hindi na siya ang simpleng maybahay na si Karina; siya na ngayon ang nangungunang pharmaceutical researcher sa buong Pilipinas. Nang malaman ito ni Benjamin, agad siyang nagsisi. Nagmakaawa siya kay Karina para sa isa pang pagkakaton. Subalit sa halip na patawarin, nakita niya ang dating asawang marahang niyayakap ng kanyang tiyuhing si Ramon. Walang emosyon siyang tinitigan ng tiyuhin bago malamig na nagsalita, “What wife? Call her Tita Karina because she is mine now.”

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

“Karina, sigurado ka bang gusto mong ipa-annul ang kasal ninyo ni Benjamin?” Puno ng pag-aalala ang boses ni Vanessa sa kabilang linya. “Pag-isipan mo muna. Kapag itinuloy mo ito, iyon na ang magiging katapusan ng love story ninyo ni Benj. Wala ka nang magiging ugnayan sa kanya.”

Tahimik na tinitigan ni Karina ang alak sa hawak niyang baso. Walang alinlangan na nilagok niya ito. Nakakapaso ang pakiramdam ng whiskey sa kanyang lalamunan, na nagpamanhid panandalian sa kanyang kalamnan. Subalit walang alak ang kayang magbura sa mga eksenang natunghayan niya kagabi.

“Oo,” sa wakas ay sagot niya. “Desidido na akong hiwalayan siya.”

“Pero bakit?” nalilitong tanong ni Vanessa. “Napakabuti ni Benj sa’yo. Mahal na mahal ka niya…”

Mahal?

Halos matawa si Karina. Napakabigat ng kahulugan ng salitang iyon para yurakan lamang ni Benjamin nang ganito.

Mariin niyang kinagat ang labi para pigilan ang pait na umaakyat sa kanyang lalamunan. Hindi na niya nakuha pang sumagot at kaagad niyang ibinaba ang linya.

Napatitig siya sa labas ng bintana. Sa napakalaking LED screen sa kabilang gusali, paulit-ulit pa ring ipinapalabas ang mga pangyayari sa nakakasukang press conference na iyon. Nakatayo roon si Benjamin sa perpektong kasuotan nito habang hawak ang isang mamahaling alahas.

Gamit ang pinakamagagandang diyamante at mamahaling gemstones sa buong mundo, gumawa si Benjamin ng natatanging kwintas para sa kanya.

Pinangalanan niya iyon na “Mi Amore, Karina.”

Ito raw ay katunayan ni Benjamin sa kanyang walang hanggan na pagmamahal para sa kanya. Nang ilabas ang “Mi Amore, Karina,” agad itong naging viral at pinag-usapan sa social media. Nakadagdag sa interes ng tao ang makahulugang kuwento tungkol sa pagkakagawa nito, dahilan upang mainggit ang buong mundo sa kanilang pagmamahalan.

Patuloy na umuulit ang video sa labas. Mapait namang natawa si Karina.

“Mi Amore, Karina?” mapanuyang bulong niya sa sarili. “Mahal mo ako pero kaya mong sumiping sa ibang babae sa mismong anniversary natin?”

Kagabi ang ikatlong wedding anniversary nila. Ang dapat na napakaespesyal na okasyon ay nabalot ng kataksilan at kasinungalingan ng kanyang asawa.

Sinabi ni Benjamin na may sorpresa ito para sa kaniya at hiniling na hintayin niya ito sa bahay. Isinuot ni Karina ang favorite white dress ni Benjamin, naghanda ng isang candlelight dinner, at niluto ang mga paborito nitong pagkain habang sabik na naghihintay hanggang gabi.

Naghintay siya.

Naghintay siya nang puno ng pag-asa.

Subalit walang Benjamin na dumating. Inisip niyang baka na-traffic lamang ito o kaya naman ay nag-overtime sa trabaho.

Hatinggabi na, subalit wala pa ring Benjamin na nagpapakita.

Alas-una na ng madaling-araw nang biglang mag-vibrate ang cellphone niya. Isang Facebook friend request mula sa isang hindi kilalang account ang lumitaw sa screen ng cellphone niya. May kaakibat itong isang mensahe.

[May sorpresa ako para sa’yo.]

Hindi niya sana ito papansinin kung hindi dahil sa sumunod na mensahe.

[Gising ka pa ba? Dahil ba hindi umuwi si Benjamin ngayon sa bahay n’yo?]

Biglang kinabahan si Karina.

Paano nalaman ng estrangherong ito na hindi pa umuuwi sa bahay si Benjamin?

Hindi pa rin niya kino-confirm ang friend request, subalit tuloy-tuloy pa rin ang mga mensahe sa pagdating.

[Huwag ka nang magpanggap. Alam kong binabasa mo ’to.]

[Kasama ko ang asawa mo ngayon.]

[Natakot ako sa kulog kaya nag-aalala siya sa akin at pinuntahan niya ako.]

[Ang bait niyang lalaki. Sayang nga lang at hindi lang ikaw ang gusto niyang alagaan.]

Bawat mensahe ay parang matalim na kutsilyong paulit-ulit na sumasaksak sa puso ni Karina. Nanginginig ang mga kamay niya. Pilit sinasabi ng isip niyang baka prank lang iyon, pero may boses sa kaibuturan niya na desperadong nagtatanong na paano kung totoo ang mga iyon.

Tuluyang winasak ng huling mensahe ang lahat ng pag-aalinlangan niya.

[Kung hindi ka naniniwala, ibibigay ko ang address. Ang password ng pinto ay ang wedding anniversary ninyo.]

Hindi na nakapagpigil si Karina.

Nanginginig ang mga daliring tinanggap niya ang friend request. Agad namang nagsend ang kabilang panig ng address at password kagaya nang sinabi nito.

0823

Totoo nga, araw mismo ito ng wedding anniversary nila.

Wala sa sariling lumabas ng bahay si Karina. Mabilis siyang nagmaneho papunta sa address na ibinigay ng estranghero.

Nakarating siya sa isang mamahaling apartment. Umakyat siya papunta sa second floor at tinungo ang naturang silid.

Huminto siya sa harap ng pinto. Nanginginig ang kanyang daliri habang pinipindot ang combination lock na 0823. Halos mabingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya.

Tumunog ang lock at bumukas ang pinto.

Tumambad sa kanya ang isang pamilyar na suit na nakakalat sa sahig ng kuwarto. Agad niya itong nakilala. Iyon ang second-year anniversary gift niya kay Benjamin, at suot iyon ni lalaki nang umalis ito noong umaga.

Napadako ang tingin niya sa sofa. May nakahambalang na itim na lace panty roon. Sa ibabaw naman ng mesa, malinaw ang bakas ng pulang lipstick sa gilid ng wine glass.

Mula hallway hanggang kuwarto, nagkalat ang damit ng lalaki at babae. Pinakakapansin-pansin ang pulang lace nightgown na punit-punit at nakabagsak sa tabi ng pinto ng bedroom.

Nanghina ang mga tuhod ni Karina, pero nanginginig pa rin niyang itinulak ang kalahating bukas na pinto.

Sa kama, hubo’t hubad na yakap ni Benjamin ang ibang babae.

Nakapikit si Benjamin habang bakas sa mukha nito ang kasiyahan. Mahina itong napaungol.

“That was amazing,” bulong niya. Halata namang naligayahan ang babae.

“Then, who’s more amazing in bed? Ako o ang asawa mong si Karina?”

Pagak na tumawa si Benjamin.

“You dare compare yourself to my boring wife? Oh, come on.”

Pagkatapos ay muli niyang hinila ang babae palapit sa kanya habang naghahalo ang mabibigat nilang paghinga sa loob ng silid.

Tuluyang gumuho ang mundo ni Karina.

Walong taon.

Mula sa inosente nilang pag-iibigan noong college hanggang sa kasalukuyan nilang pagsasama bilang mag-asawa. Hinahangaan sila ng lahat. Sinasabi ng mga tao na soulmates sila. Na sila ay itinakda ng tadhana para sa isa’t isa.

Isang malaking kahibangan lang pala ng lahat.

Mabilis niyang tinakpan ang bibig para pigilan ang pagsusuka bago nagmamadaling lumabas sa nakakasulasok na lugar na iyon.

Nagmaneho siya papunta sa isang bar sa downtown at tahimik na umupo sa isang sulok habang sunod-sunod na umiinom. Masakit sa lalamunan ang matapang na whiskey, pero kahit isang patak ng alak ay hindi kayang pamanhidin ang sakit na unti-unting dumudurog sa puso niya.

Nang matanggap ni Vanessa ang tawag niya at buong pagmamadalit itong madaling pumunta sa bar. Naabutan niyang lasing na lasing si Karina.

“Karina!” nag-aalalang tawag ni Vanessa habang mabilis na umupo sa tapat niya. “Bakit ka naglalasing? Anong nangyari? May ginawa ba si Benjamin?”

Namumula ang mga matang tumingin si Karina sa kaibigan.

“Van…ayokong marinig ang pangalan ng hayop na ‘yan.”

Muli siyang uminom ng whiskey bago mapait na ngumiti.

“Nakita ko silang magkasama ng babaeng ’yon. Harap-harapan kong nakita. Hindi ’to basta misunderstanding lang.”

Nakita ni Vanessa ang sakit sa mukha ng kaibigan at agad nitong hinawakan ang kamay niya.

“Karina… baka pwede pa kayong mag-usap—”

“Wala nang dapat pag-usapan,” mariing putol ni Karina. “Anullment…Gusto ko ng annnulment. Sa tuwing naiisip kong may ibang babae siyang hinahawakan…nasusuka ako.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

Alonica Gamba
Alonica Gamba
when is the next chapter
2026-08-22 17:17:40
0
0
50 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status