Share

CHAPTER 4

Author: June
Sumakit ang ulo ni Mariana sa kawalang pakialam ni Ram.

Umiling siya at ibinaling ang atensyon kina Benjamin at Karina. “Tatlong taon na kayong kasal. Kailan niyo balak magkaanak? Sabik na akong makita ang mga apo ko sa tuhod.”

Sa sandaling mabanggit ang usaping iyon, naging mabigat ang atmospera sa sala. Mariing hinawakan ni Karina ang tasa ng tsaa hanggang pumuti ang kanyang mga kasukasuan sa higpit.

Ito ang pinakamaselang paksa para sa kanya—ang paulit-ulit na bumibiyak sa kanyang dibdib tuwing nababanggit.

Agad namang sinunggaban ng tiyahin ni Benjamin na si Anna ang pagkakataon.

“Karina, tatlong taon na kayong kasal ni Benjamin. Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa pamilya Del Valle kung wala pa kayong anak?”

Huminto si Anna sandali at kumislap ang masamang hangarin sa kanyang mga mata. “And if Benjamin hadn't insisted on marrying you, do you think you could have married into our family with your background? Huwag kang ingrata. Ayaw mong magkaanak kay Benjamin? Baka magulat ka, maraming babae ang handang gawin iyon.”

Nagkunwaring nag-aalala ang tono ni Anna, ngunit puno ng paghamak ang kanyang tingin. Matagal na niyang minamaliit si Karina dahil sa pagpapakasal ni Benjamin sa kanya.

Sa bawat usapin tungkol sa anak, lalong sumisikip ang dibdib ni Karina sa sakit. Gusto rin niyang magkaanak. Isinantabi niya ang maayos na sana niyang karera sa scientific research para maging mabuting asawa. Ngunit hindi siya magkaanak.

Palihim siyang nagpakonsulta sa doktor, at ayon sa mga ito ay walang problema sa kanyang katawan. Marahil ay stress lamang ang dahilan. Ngunit sa loob ng pamilyang Del Valle, madalas siyang kutyain. Harap-harapan siyang tinatawag na walang silbi at baog.

Habang unti-unting nilulunod si Karina ng kahihiyan, biglang hinawakan ni Benjamin ang kanyang kamay. Ngumiti siya sa kanyang lola. “Lola, we are trying. Hindi po minamadali ang ganito. Hayaan po nating mangyari ito sa tamang panahon.”

Pagkatapos ay hinarap niya si Anna. “Tita Anna, mag-ingat ka sa pananalita mo. Karina is my wife, at hindi ko hahayaan na pagsalitaan mo siya ng ganyan.

Namula si Anna sa kahihiyan. “Para lang ito sa ikabubuti ninyo. Matagal na kayong kasal pero wala pa ring nangyayari…”

“Enough,” mariing putol ni Benjamin. “Wala kang makialam sa amin ni Karina. At gusto kong linawin, ipinagmamalaki kong asawa ko si Karina. Hindi niya ako pinakasalan para umangat ang estado niya sa buhay.”

Magulong emosyon ang naramdaman ni Karina habang pinakikinggan ang pagtatanggol ni Benjamin. Totoo ang pagmamahalan nila sa mga nakaraang taon. Totoo rin ang proteksyon nito sa kanya. Palagi siyang humaharang sa bawat kritisismo na tinatanggap ni Karina mula sa mga Del Valle.

Ngunit kasabay nito, totoo rin ang pagtataksil ni Benjamin. Ang mga litrato, ang kuwintas na nasa basurahan, ang mga mapanuksong mensahe ng ibang babae—lahat iyon ay paalala na niloko siya nito nang buo.

Ayaw pa ring tumigil ni Anna. “Sinasabi ko lang ang totoo. Tatlong taon na walang pagbubuntis? Baka may problema talaga sa katawan niya. Sa panahon ngayon, may mga gamot na para diyan.”

“Tita Anna!” Lumamig nang mapanganib ang boses ni Benjamin. “I’m warning you. Kung kailan kami magkakaanak ay kami ni Karina ang magpapasya. You have no right to interfere.”

Noon, mapapasalamat sana si Karina sa pagtatanggol na iyon. Noon, iisipin niyang patunay iyon ng pagmamahal ni Benjamin sa kanya. Pero ngayon, pakiramdam niya’y walang kwenta ang bawat salitang binibigkas nito.

Alam niya na mula nang magloko si Benjamin, nagbago na ang lahat. Walang kahit anong pagtatanggol sa harap ng iba ang makakapagtakip sa ginawa nito sa likod niya.

Sa kalagitnaan ng handaan, biglang tumunog ang cellphone ni Benjamin.

“Pasensya na po,” ani Benjamin na may ngiting humihingi ng paumanhin. “May emergency lang sa trabaho. I need to take care of this immediately”

Lumingon siya kay Karina. “Honey, pwede ka bang makisuyo sa driver ni lola pauwi? Hindi ko kasi alam kung makababalik ako agad.”

Sumenyas si Mariana nang walang gana. “Sige na, Benjamin. Ako na ang bahala.”

Mabilis na hinalikan ni Benjamin ang noo ni Karina. “I will make up for this, I promise.”

Sa sandaling mawala ang pigura ni Benjamin, tuluyang nagbago ang mukha ni Mariana. Tapos na ang pagpapanggap. Tinitigan niya si Karina nang may pagkutya.

“Ngayong na wala na si Benjamin,” malamig niyang sabi, “siguro naman ay uuwi ka na rin.”

Parang bumagsak ang temperatura ng silid.

“Kaya na niyang umuwing mag-isa, Mama,” dagdag ni Anna. “Hindi naman ’yan baldado kaya huwag n’yo nang ipahatid sa driver.”

Naramdaman ni Karina ang pag-init ng kanyang pisngi sa hiya. Para siyang busabos na basta na lamang itinataboy. Sa pagkawala ng proteksyon ni Benjamin, nawala na rin ang halaga niya sa mga ito.

“I think it’s time to go,” mahinahong sabi ni Karina. “Maraming salamat po sa pag-imbita.”

Tahimik siyang inihatid ng butler hanggang sa gate, na agad ding bumalik sa loob ng mansyon. Naiwan siyang mag-isa sa gilid ng kalsada.

At doon nagsimulang bumuhos ang ulan.

Malalaking patak ang bumagsak mula sa madilim na langit na agad na bumasa sa kanyang damit.

Sinubukan niyang tumawag ng taxi, pero walang available na sasakyan sa lugar na iyon. Malayo ang estate ng Del Valle family sa lungsod.

Lalong lumakas ang ulan. Ilang minuto ang lumipas at basang-basa na siya. Bumakat sa kanyang balat ang suot na damit at tumabing sa kanyang mukha ang basang buhok.

At sa sandaling akala niya ay katapusan na ng kanyang kamalasan, may ilaw na biglang sumulpot sa dilim. Isang itim na Rolls-Royce ang huminto sa kanyang tabi.

Unti-unting bumaba ang bintana ng sasakyan at tumambad ang matalim na mukha ni Ram.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 50

    Agad na lumitaw ang malinaw na pulang marka ng sampal sa mukha ni Benjamin. Kitang-kita ang bakas ng limang daliri ni Karina sa maputla niyang pisngi.Hinawakan niya ang nasaktang bahagi at tumingin kay Karina nang hindi makapaniwala. Unti-unting sumiklab ang galit sa kanyang mga mata.“Sinampal mo ako?!” umalingawngaw ang boses ni Benjamin sa bakanteng corridor ng ospital, puno ng gulat at galit.Diretsong tiningnan siya ni Karina, nanginginig sa matinding galit ang dibdib niya.“Bakit hindi kita sasampalin? Ikaw na lalaking makapal ang mukha!!”“Ikaw na nga ang nang-cheat, ikaw pa ang may gana na siraan ako sa ama ko?” Nanginginig ang boses niya, pero bawat salita ay puno ng poot. “Benjamin Del Valle, nakakadiri ang pagkatao mo! Kinamumuhian kita!!”Lalong nagliyab ang galit ni Benjamin. Bigla siyang lumapit at mahigpit na hinawakan ang balikat ni Karina, saka siya marahas na isinandal sa malamig na pader.“Walang hiya?” halos magdikit ang mukha nila. Ramdam ni Karina ang hininga niy

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 49

    Tumango lang si Ram sa narinig at nagwika, “Naiintindihan ko.”Napaka-walang emosyon ng tono niya, na para bang ordinaryong report lang ang pinakikinggan. Pakiramdam tuloy ni Stanley ay parang nasayang lahat ng effort niya para roon.“May meeting ka rin ppo ng alas-diyes, video conference sa Germany,” paalala ni Stanley.“Mm.” maikling sagot ni Ram. Pagkatapos ay ibinalik niya ang atensyon sa mga dokumento sa mesa.Kaya tahimik na lumabas si Stanley sa opisina.Bandang tanghali, pumasok si Karina sa employee cafeteria ng Polaris Technology na may halong kuryosidad. Pagbukas pa lang niya ng glass door, natigilan siya sa kanyang nakita.Hindi ito ordinaryong cafeteria ng kumpanya. Para itong high-end restaurant. Malawak ang espasyo, maliliwanag ang floor-to-ceiling windows, at elegante ang disenyo. Ang mas nakakagulat pa ay ang menu…mula Chinese na kung pao chicken, Italian mushroom cream soup, Japanese sushi, hanggang Thai curry, halos kumpleto ang pagkain mula sa iba’t ibang bansa.“Ba

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 48

    Sa isang pasilyo ng ospital, hawak ni Kian ang isang mamahaling hospital bill habang mahigpit ang pagkakunot ng kanyang noo. Sobrang laki ng gastos sa operasyon at lampas na ito sa inaasahan niya. Kahit naibenta na nila ang bahay ng pamilya, kulang pa rin sila ng malaking halaga.Biglang tumunog ang cellphone niya, at narinig niya ang boses ni Lily sa kabilang linya, halatang nagmamadali.“Kailan mo ba balak kumilos?!”Tumingin si Kian sa napakalaking hospital bill sa kanyang kamay bago sumagot sa mabigat na boses. “Sa mga susunod na araw.”Sa kabilang linya, ngumiti si Lily, halatang nasisiyahan. “Mabuti. Tandaan mo, bilisan mo at huwag kang mag-iiwan ng kahit anong bakas.”“Alam ko ang gagawin ko,” sagot ni Kian.Pagkababa ng tawag ni Lily, isang malamig at madilim na kislap ang lumitaw sa kanyang mga mata. Planado na niya ang lahat. Kapag nagtagumpay si Kian sa pagpatay kay Karina, tatawag siya nang anonymous sa pulis para pareho silang mamatay sa pinangyarihan. Sa ganitong paraan,

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 47

    “Hindi mo trabahong diktahan kuna ano ang dapat o hindi ko dapat gawin,” Malaman ang bawat salitai ni Ram. Wala itong puwang sa anumang pag-aalinlangan.Ramdam ni Stanley ang mapanganib na presensyang bumabalot sa hangin kaya tahimik siyang umatras ng dalawang hakbang para bawasan ang kanyang presensya.Namula sa galit si Benjamin. Umumbok ang ugat sa kanyang noo. Mula pagkabata, palagi na siyang natatalo ng tiyuhing ito sa pamilya man o sa negosyo. At ngayon, kailangan niyang panoorin na parang wala siyang magawa habang tila may interes ang tiyuhin niya sa kanyang asawa. Isang matinding dagok ito sa kanyang pride.Subalit hindi natinag si Ram. Sa halip, lalo pa siyang nanindigan. “Isa pang pagkakamali at mawawala ka sa posisyon mo bilang general manager ng Del Valle Group.”Parang mabigat na palakol ang tumama sa dibdib ni Benjamin sa mga salitang iyon. Alam niyang hindi nagbibiro ang kanyang tiyuhin. Sa impluwensiya at kakayahan ni Ram, hindi magiging mahirap para rito na alisin siya

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 46

    Nang makita ang ngiti ni Karina, lumapit sina Ram at Stanley sa babae. Si Stanley ang unang bumati kay Karina. “Tingnan mo nga naman, Miss Karina. Dito ka rin pala kakain ngayong gabi.”“Oo nga eh, may plano ako kasama ang kaibigan ko,” magalang na sagot ni Karina. Sandali siyang sumulyap kay Ram.Naramdaman ni Stanley ang bahagyang pagbabago sa atmosphere kaya agad siyang nagsalita, “Tamang-tama talaga. Miss Karina, kukunin ko lang ang sasakyan. Pwede bang ikaw na muna ang bahala sa boss namin? Medyo marami siyang nainom ngayong gabi.”Tiningnan ni Karina si Ram. Kahit namumula ang pisngi nito, malinaw ang mga mata at matatag ang tindig nito. Sa unang tingin, hindi ito mukhang lasing. “Parang hindi naman…” sabi niya nang may pagdududa.“Ganyan talaga ang boss namin. Kahit lasing siya, ganyan pa rin siya.” mabilis na paliwanag ni Stanley. “Pero marami talaga siyang nainom. Baka delikado kung maiwan siyang mag-isa.”Naalala ni Karina kung paano siya iniligtas ni Ram sa Montana City, k

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 45

    Nang marinig ni Benjamin ang mga salita ni Karina, agad siyang naginhawahan. Basta hindi nito nalaman ang naging pagtatalik nila ni Roxanne sa kanyang opisina, lahat ay maayos na.Agad siyang umarteng nakakaawa. Ang kanyang salita ay puno ng kasinungalingan. “Karina, nagkakamali ka. Matagal ko nang binlock si Roxanne. Siguradong ibang number ang gamit niya para tawagan ako.”Nagpatuloy si Benjamin sa pagsisinungaling nang walang pag-aalinlangan. Ang ekspresyon niya’y parang batang inaapi. “Hindi ko nga siya pinayagang makipag-dinner sa akin. Wala rin akong nireplyan sa messages niya. Maniwala ka sa akin.”Nakaramdam si Karina ng matinding pagkasuklam sa sobrang husay nitong magsinungaling. Ang lalaking ito ay kayang magsinungaling nang walang kaba o hiya. Lahat ng mga salita niya ay nagtutunog totoo. Gustong-gusto na niya itong barahin subalit pinigilan niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang malaman ni Benjamin ang tungkol sa mga ebidensyang kinakalap niya.“Whatever,” malamig ngunit pil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status