Partager

CHAPTER 6

Auteur: June
Maingat na inalalayan ni Benjamin pababa ang babaeng kasama niya mula sa obstetrics clinic. Magaan ang mga ngiti nila, parehong halatang masaya.

Agad nakilala ni Karina ang babae.

Siya iyon—ang babae sa mga litrato at ang utak sa likod ng mga anonymous na mensahe.

Sa sandaling iyon, napatingin ang babae kay Karina na nakatayo sa gitna ng hallway. Bahagyang kumislap ang mga mata nito—hindi lamang dahil sa gulat, kundi dahil sa halatang kasiyahang may halong matalim na panunuya.

“Wow, si Mrs. Del Valle pala!” malakas nitong sabi. “Tingnan mo nga naman, nagkita pa tayo dito sa ospital!”

Nagulantang si Benjamin at bahagyang natigilan. Nagtagpo ang paningin nila ni Karina. Kasabay nito ang biglang paninigas ng kanyang katawan.

Mabilis niyang binawi ang kamay mula sa braso ng babae. Halata ang pagkataranta nito.

“K-Karina!” mabilis siyang lumapit. “Bakit ka nandito? Dapat nagpapahinga ka pa sa kwarto mo!”

Hingal ang boses niya habang nagpapaliwanag. “Kumuha lang ako ng gamot mo sa ibaba tapos bigla ko siyang nakasalubong. Si Roxanne nga pala, bago kong secretary. Buntis siya kaya inalalayan ko lang, baka matumba.”

Sunod-sunod ang naging paliwanag ni Benjamin, halatang kinakabahan.

Napatingin si Karina sa bahagyang umbok ng tiyan ng babae. Ramdam niya ang bigat sa paghinga niya, ngunit pilit niyang pinanatiling mahinahon ang sarili.

“Miss Roxanne,” malamig na sabi niya, “kailan ka nabuntis? Nasaan ang ama? Hindi ba dapat nandito siya sa ganitong appointment?”

Hinaplos ni Roxanne ang kanyang tiyan nang buong pagmamalaki. “Dalawang buwan pa lang,” sagot niya na may matamis na ngiti. “Busy lang siya sa trabaho kaya hindi siya nakasama, pero sobrang saya niya nang malaman niya ang tungkol sa dinadala ko.”

Proud na ngumiti si Roxanne. “Gusto niya raw ibigay sa amin ni baby ang magandang buhay. Binigyan niya na ako ng apartment sa downtown at sinabi niyang aayusin niya lahat pagkatapos kong manganak.”

Bawat salita ay tumatarak sa dibdib ni Karina na parang kutsilyo.

Nagpatuloy ang sekretarya sa pagsasalita.

“Mrs. Del Valle, ang swerte niyo sa asawa niyo. At iyong boyfriend ko? Ganun din siya kabait. Sabi niya mas gumanda pa raw ako ngayon na buntis ako. Ayaw na niya akong iwan. Patay na patay talaga siya sa akin.”

Bahagya siyang tumigil saka muling nagwika.

“May oras ka ba? Libre ako ngayon. Dinner tayo? Pwede ko pang isama ang ama ng baby.”

Hindi maikakaila ang hamon sa mga mata niya.

Lalong sumimangot si Benjamin.

“I’m sorry, but she can’t join you,” malamig niyang putol. “Miss Roxanne, siguradong naghihintay na sa’yo ang boyfriend mo.”

Pagkatapos ay hinila ni Benjamin si Karina at inakbayan.

“Honey, dapat nagpapahinga ka. Hindi ka dapat gumagala dito sa ospital.”

Insosente ang pagkakabigkas nito ng mga salitang iyon na para bang walang nangyari. Saka ito tumingin kay Roxanne.

“She’s just my secretary. You don't have to accept her invitation.”

Namumula ang mga mata ni Roxanne habang pinipilit na ngumiti.

“I’m sorry, Mrs. Del Valle. I should have minded my boundaries.”

Tumalikod si Roxanne at umalis. Nanginginig ang mga balikat ng babae. Sandaling sumulyap si Benjamin sa direksyon nito na para bang gusto niya itong habulin.

Pero nang mapatingin siya kay Karina, pinigilan niya ang sarili.

Bumalik siya kay Karina at hinaplos ang ulo nito.

“You should take your rest,” malambing niyang sabi. “May aasikasuhin lang ako sa kumpanya. Si James na ang bahala sa iyo. Magpagaling ka.”

Balik na naman sila sa dati. Na para bang wala lang ang lahat.

Pagkapasok ni Karina sa hospital room, tumunog ang phone niya.

Isang message mula kay Roxanne.

Una, larawan ng pregnancy test. Dalawang malinaw na linya ang nakaguhit dito.

Sunod, mga mensahe na parang humihiwa sa loob niya:

[Karina, alam kong naiintindihan mo na ngayon. Anak ni Benjamin ang baby ko. Kung mahal ka talaga niya, bakit nandito ako sa buhay niya?]

[Alam mo ba kung gaano siya ka-obsessed sa akin? Kada birthday mo at anniversary niyo, pagkatapos niyang patulugin ka, pumupunta siya sa akin. Hindi siya mapakali.]

[Kapag wala ka, gumagawa kami ng milagro sa kotse niya, sa opisina o kahit sa kwarto ninyong mag-asawa. Napaka-wild ni Benjamin sa kama. Gigil na gigil siya sa akin, Naranasan mo na ba kung gaano siya kainit sa kama o sa akin lang siya ganun?]

Habang binabasa iyon, parang may namatay sa loob ng dibdib ni Karina.

Tahimik niyang ibinaba ang phone.

Huminga siya nang mabagal, pilit kinokontrol ang sarili na unti-unting gumuho.

Kinagabihan, bumalik si Benjamin na may dalang eleganteng puting kahon.

Strawberry mousse cake mula sa pinakamahal na French pastry shop sa lungsod.

“Honey, dinalhan kita ng paborito mo,” sabi niya habang pinagmamasdan ang mukha ni Karina. “Sabi ng doctor kailangan mo ng sweets para bumalik ang lakas mo.”

Binuksan niya ang kahon. Ang cake ay maganda at nakakatakam kainin.

Noon, matutuwa si Karina sa mga ganitong bagay.

Pero ngayon, sumikip lang ang dibdib niya.

Tahimik siyang sumubo.

Pero hindi niya nalunok.

Tumayo siya.

At walang imik, itinapon niya ang buong cake sa basurahan.

Bumagsak ang kahon na may mabigat na tunog.

Natigilan si Benjamin.

“Karina… anong nangyayari sa’yo?”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 50

    Agad na lumitaw ang malinaw na pulang marka ng sampal sa mukha ni Benjamin. Kitang-kita ang bakas ng limang daliri ni Karina sa maputla niyang pisngi.Hinawakan niya ang nasaktang bahagi at tumingin kay Karina nang hindi makapaniwala. Unti-unting sumiklab ang galit sa kanyang mga mata.“Sinampal mo ako?!” umalingawngaw ang boses ni Benjamin sa bakanteng corridor ng ospital, puno ng gulat at galit.Diretsong tiningnan siya ni Karina, nanginginig sa matinding galit ang dibdib niya.“Bakit hindi kita sasampalin? Ikaw na lalaking makapal ang mukha!!”“Ikaw na nga ang nang-cheat, ikaw pa ang may gana na siraan ako sa ama ko?” Nanginginig ang boses niya, pero bawat salita ay puno ng poot. “Benjamin Del Valle, nakakadiri ang pagkatao mo! Kinamumuhian kita!!”Lalong nagliyab ang galit ni Benjamin. Bigla siyang lumapit at mahigpit na hinawakan ang balikat ni Karina, saka siya marahas na isinandal sa malamig na pader.“Walang hiya?” halos magdikit ang mukha nila. Ramdam ni Karina ang hininga niy

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 49

    Tumango lang si Ram sa narinig at nagwika, “Naiintindihan ko.”Napaka-walang emosyon ng tono niya, na para bang ordinaryong report lang ang pinakikinggan. Pakiramdam tuloy ni Stanley ay parang nasayang lahat ng effort niya para roon.“May meeting ka rin ppo ng alas-diyes, video conference sa Germany,” paalala ni Stanley.“Mm.” maikling sagot ni Ram. Pagkatapos ay ibinalik niya ang atensyon sa mga dokumento sa mesa.Kaya tahimik na lumabas si Stanley sa opisina.Bandang tanghali, pumasok si Karina sa employee cafeteria ng Polaris Technology na may halong kuryosidad. Pagbukas pa lang niya ng glass door, natigilan siya sa kanyang nakita.Hindi ito ordinaryong cafeteria ng kumpanya. Para itong high-end restaurant. Malawak ang espasyo, maliliwanag ang floor-to-ceiling windows, at elegante ang disenyo. Ang mas nakakagulat pa ay ang menu…mula Chinese na kung pao chicken, Italian mushroom cream soup, Japanese sushi, hanggang Thai curry, halos kumpleto ang pagkain mula sa iba’t ibang bansa.“Ba

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 48

    Sa isang pasilyo ng ospital, hawak ni Kian ang isang mamahaling hospital bill habang mahigpit ang pagkakunot ng kanyang noo. Sobrang laki ng gastos sa operasyon at lampas na ito sa inaasahan niya. Kahit naibenta na nila ang bahay ng pamilya, kulang pa rin sila ng malaking halaga.Biglang tumunog ang cellphone niya, at narinig niya ang boses ni Lily sa kabilang linya, halatang nagmamadali.“Kailan mo ba balak kumilos?!”Tumingin si Kian sa napakalaking hospital bill sa kanyang kamay bago sumagot sa mabigat na boses. “Sa mga susunod na araw.”Sa kabilang linya, ngumiti si Lily, halatang nasisiyahan. “Mabuti. Tandaan mo, bilisan mo at huwag kang mag-iiwan ng kahit anong bakas.”“Alam ko ang gagawin ko,” sagot ni Kian.Pagkababa ng tawag ni Lily, isang malamig at madilim na kislap ang lumitaw sa kanyang mga mata. Planado na niya ang lahat. Kapag nagtagumpay si Kian sa pagpatay kay Karina, tatawag siya nang anonymous sa pulis para pareho silang mamatay sa pinangyarihan. Sa ganitong paraan,

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 47

    “Hindi mo trabahong diktahan kuna ano ang dapat o hindi ko dapat gawin,” Malaman ang bawat salitai ni Ram. Wala itong puwang sa anumang pag-aalinlangan.Ramdam ni Stanley ang mapanganib na presensyang bumabalot sa hangin kaya tahimik siyang umatras ng dalawang hakbang para bawasan ang kanyang presensya.Namula sa galit si Benjamin. Umumbok ang ugat sa kanyang noo. Mula pagkabata, palagi na siyang natatalo ng tiyuhing ito sa pamilya man o sa negosyo. At ngayon, kailangan niyang panoorin na parang wala siyang magawa habang tila may interes ang tiyuhin niya sa kanyang asawa. Isang matinding dagok ito sa kanyang pride.Subalit hindi natinag si Ram. Sa halip, lalo pa siyang nanindigan. “Isa pang pagkakamali at mawawala ka sa posisyon mo bilang general manager ng Del Valle Group.”Parang mabigat na palakol ang tumama sa dibdib ni Benjamin sa mga salitang iyon. Alam niyang hindi nagbibiro ang kanyang tiyuhin. Sa impluwensiya at kakayahan ni Ram, hindi magiging mahirap para rito na alisin siya

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 46

    Nang makita ang ngiti ni Karina, lumapit sina Ram at Stanley sa babae. Si Stanley ang unang bumati kay Karina. “Tingnan mo nga naman, Miss Karina. Dito ka rin pala kakain ngayong gabi.”“Oo nga eh, may plano ako kasama ang kaibigan ko,” magalang na sagot ni Karina. Sandali siyang sumulyap kay Ram.Naramdaman ni Stanley ang bahagyang pagbabago sa atmosphere kaya agad siyang nagsalita, “Tamang-tama talaga. Miss Karina, kukunin ko lang ang sasakyan. Pwede bang ikaw na muna ang bahala sa boss namin? Medyo marami siyang nainom ngayong gabi.”Tiningnan ni Karina si Ram. Kahit namumula ang pisngi nito, malinaw ang mga mata at matatag ang tindig nito. Sa unang tingin, hindi ito mukhang lasing. “Parang hindi naman…” sabi niya nang may pagdududa.“Ganyan talaga ang boss namin. Kahit lasing siya, ganyan pa rin siya.” mabilis na paliwanag ni Stanley. “Pero marami talaga siyang nainom. Baka delikado kung maiwan siyang mag-isa.”Naalala ni Karina kung paano siya iniligtas ni Ram sa Montana City, k

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 45

    Nang marinig ni Benjamin ang mga salita ni Karina, agad siyang naginhawahan. Basta hindi nito nalaman ang naging pagtatalik nila ni Roxanne sa kanyang opisina, lahat ay maayos na.Agad siyang umarteng nakakaawa. Ang kanyang salita ay puno ng kasinungalingan. “Karina, nagkakamali ka. Matagal ko nang binlock si Roxanne. Siguradong ibang number ang gamit niya para tawagan ako.”Nagpatuloy si Benjamin sa pagsisinungaling nang walang pag-aalinlangan. Ang ekspresyon niya’y parang batang inaapi. “Hindi ko nga siya pinayagang makipag-dinner sa akin. Wala rin akong nireplyan sa messages niya. Maniwala ka sa akin.”Nakaramdam si Karina ng matinding pagkasuklam sa sobrang husay nitong magsinungaling. Ang lalaking ito ay kayang magsinungaling nang walang kaba o hiya. Lahat ng mga salita niya ay nagtutunog totoo. Gustong-gusto na niya itong barahin subalit pinigilan niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang malaman ni Benjamin ang tungkol sa mga ebidensyang kinakalap niya.“Whatever,” malamig ngunit pil

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status