Compartilhar

123:

Autor: Hiraya_23
last update Data de publicação: 2026-11-04 01:18:06

“Gusto kong makasama ka.”

Hindi siya agad sumagot. Hinaplos niya ang pisngi ko, sinusuri ang mga mata ko na para bang gusto niyang tiyaking hindi ako napipilitan dahil lamang natatakot akong mawala siya.

“Are you doing this because you want me, or because you're afraid I might choose someone else?”

Napatigil ako.

Masakit ang tanong, pero hindi ko iyon ikinagalit. Alam kong kailangan niyang malaman.

“Both,” tapat kong sagot. “Gusto kita. At oo, natatakot ako. Hindi ko kayang magpanggap na hindi
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Too Late, She's My Wife Now   132:

    Alas-dos y medya ng madaling-araw nang magising ako.Walang alarm. Walang malakas na tunog. Isang mahinang kalansing lang mula sa ibaba, na sinundan ng tunog ng gripo. Naramdaman kong wala na sa tabi ko si Reiner. Paglingon ko, nakita kong bukas nang bahagya ang pinto ng bathroom at may ilaw sa loob. Naroon siya, naghahanda para sa maagang flight niya papuntang Cebu para sa meeting na hindi na niya maaaring ipagpaliban.Bumangon ako at nagsuot ng robe. Ayokong gisingin ang nurse o ang mga tauhan dahil baka may kailangan lang si Lydia. Ngunit nang bumaba ako sa kusina, wala akong nadatnang nurse o housekeeper.Si Lydia lang.Nakatayo siya sa harap ng kitchen island, nakasuot ng manipis na silk robe na kulay itim. Nakalugay ang buhok niya at hawak ang isang basong tubig. Walang panginginig sa kamay. Walang pagkalito sa mga mata. Wala ang mahina at kinakabahang ekspresyong nakikita ko sa tuwing may tao sa paligid.Napahinto ako sa may pintuan.“Lydia?”Dahan-dahan siyang lumingon.At ngu

  • Too Late, She's My Wife Now   131:

    “I don't want to be the reason you lose what you have now.”Hindi siya nakatingin sa akin habang sinasabi iyon. Nasa tasa ang tingin niya, at maingat na nakapatong ang magkabilang kamay sa mesa.“Lydia,” sagot ni Reiner, “you don't have to worry about that.”“Good.” Bahagya siyang ngumiti. “I only want to get better.”Napailing ako nang bahagya. Napakadaling paniwalaan ang isang taong hindi humihingi ng kahit ano. Minsan, mas mahirap makita ang hinihingi niya kapag buong-buo niyang sinasabing ayaw niya ng anuman.Pagkatapos ng almusal, umakyat ako sa dressing room upang kunin ang file na kailangan ko para sa trabaho. Nang bumalik ako, nakita kong nakatayo si Lydia sa tapat ng study room. Hawak niya ang isang maliit na frame na nakalagay sa console table.“Beautiful picture,” sabi ko.Tumingin siya sa litrato. Nandoon si Reiner at ako sa isang formal dinner. Nasa likod niya ang kamay niya at nakangiti siya sa camera.“It's a good picture,” sabi niya. “He looks different.”“Masaya siya

  • Too Late, She's My Wife Now   130:

    Nagising ako sa tunog ng isang bagay na bumagsak sa hallway.Hindi malakas, pero sapat para mapadilat ako. Nasa tabi ko si Reiner, nakahiga nang patagilid at nakapatong ang isang braso sa baywang ko. Nang maramdaman niya ang paggalaw ko, agad siyang nagmulat.“What is it?”“May narinig ako.”Bumangon siya at dumampot ng robe. Bago pa niya mabuksan ang pinto, may narinig kaming mahinang tawag mula sa east wing.“Reiner?”Napatingin ako sa kaniya. Sandali siyang naghintay, tila tinitiyak kung may kailangan ba agad na gawin.“I'll check.”Tumango ako.Nang makalabas siya, sumunod ako sa likuran niya. Hindi ko gustong makialam, pero hindi rin ako mapakali na manatili sa kama habang may nangyayari sa kabilang bahagi ng bahay.Pagdating namin sa east wing, nakabukas ang pinto ng guest suite. Nakatayo sa hallway ang nurse, hawak ang maliit na tray. Sa sahig, may basag na baso at kumalat na tubig.Nasa pintuan si Lydia.Suot niya ang isang lumang silk nightgown na kulay champagne. Manipis ang

  • Too Late, She's My Wife Now   129:

    Walang sumagot agad sa sinabi ni Lydia. Hindi agad siya pinasok ni Reiner. Sandali lamang siyang tinitigan, saka bumaling sa doktor.“Let's get her settled first. She needs to rest.”Tumango ang doktor at kinausap ang nurse na sumama sa paglipat. Si Lydia naman ay nanatiling nakatayo sa may entrance, nakatingin pa rin sa loob ng mansion. Hindi ko alam kung ano ang nakikita niya sa bawat sulok, pero may kakaiba sa paraan ng pagtingin niya—hindi tulad ng isang taong unang beses makapasok sa isang bahay, kundi parang may mga alaala siyang isa-isang sinusundo.Sumunod ako kay Reiner papasok. Hindi ko namalayang bahagya akong nahuli sa paglakad. Nang mapansin niya iyon, huminto siya at hinintay akong makalapit.Hindi siya nagsalita. Inabot lamang niya ang kamay ko.Tinanggap ko iyon.Sa likuran namin, dahan-dahang pumasok si Lydia kasama ang nurse. Nang makarating siya sa gitna ng foyer, muli siyang napatingala sa hagdan.“Still the same,” bulong niya.“Some parts have been renovated,” sa

  • Too Late, She's My Wife Now   128:

    “Doon siya titira?”Tumango siya. “It's one of the options the doctor suggested.”Napababa ako ng tingin sa kamay naming magkahawak.Gusto kong sabihin na hindi ako komportable. Na hindi ko alam kung paano kikilos kapag nandoon na siya, lalo na kung madalas siyang tatawag kay Reiner at hahanapin ito sa tuwing may kailangan siya.Pero hindi ko masabi.Hindi naman ako walang karapatang tumutol. Alam kong maaari akong magsabi ng hindi. Asawa niya ako. Bahay namin iyon.Pero hindi ko alam kung boboses ba ako o hindi…Lalo na ngayon, nang nakikita kong talagang nag-aalala siya sa kalagayan ng dating asawa niya.“Do you think she'll be okay there?” iyon na lamang ang naitanong ko.“I hope so. The doctor believes familiar surroundings may help her settle down.”Tumango ako, bagaman hindi naman tuluyang nawala ang bigat sa dibdib ko.“Then... I guess we can try.”Bahagyang pinagmasdan ako ni Reiner. “Are you sure?”Hindi ko siya matingnan nang diretso. “Kung makatutulong iyon sa kaniya.”Hind

  • Too Late, She's My Wife Now   127:

    Armea’s POVTumango ako.Nang tuluyang makapasok si Reiner sa living area, naiwan akong nakatayo sa hallway kasama si Gerard. Nasa loob pa rin ang doktor at nurse, habang si Lydia ay nakaupo na sa sofa. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang likod ni Reiner habang lumalapit siya rito.Hindi ko na kailangang marinig ang mga salitang sasabihin niya. Alam kong muli niyang titiyaking maayos ang kalagayan nito. At alam ko ring hindi niya basta maiiwan ang isang babaeng kagagaling lang sa ganoong sitwasyon.Pero hindi rin ibig sabihin na hindi ako nasasaktan.“Ma’am,” mahinang tawag ni Gerard.Napalingon ako sa kaniya. “Hmm?”“May ipapakuha po ba kayo sa sasakyan? Maaari ko pong ipasunod.”Umiling ako. “Wala. Dito lang muna ako.”Hindi na siya nagtanong. Bumalik ang tingin ko sa loob ng living area, kung saan nakita kong may sinasabi ang doktor kay Reiner. Tila may ipinapaliwanag ito habang paminsan-minsang sinusuri ang pulso ni Lydia.Akala ko iyon na ang magiging katapusan ng araw na iyon.

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status