تسجيل الدخولANG bawat segundo sa labas ng Emergency Room ay parang minutong gumagapang sa balat ni Ashton. Naka-de kwatro siya sa malamig na bench, nakayuko at nakasalikop ang mga daliri habang nakatitig sa makintab na floor tiles. Naka-tsinelas lang siya, naka-jogging pants, at walang pang-itaas maliban sa jacket na mabilis niyang nahablot bago lumabas ng kwarto kanina. Ayaw niyang umupo nang maayos. Ayaw niyang pumikit. Pakiramdam niya, sa sandaling magpaubaya siya sa antok o kapaguran, may mangyayaring masama sa loob. Ilang beses lumabas ang mga residente at si Dr. Santos para magtanong at magbigay ng updates. Braxton Hicks contractions, iyon ang opisyal na diagnosis matapos ang serye ng fetal heart monitoring, ultrasound, at iba't ibang laboratory tests. Baka raw dahil sa biglaang dehydration, stress, o dehydration na hinaluan ng kaunting urinary tract infection na karaniwan sa gestational stage ni Bea. Walang premature labor na nangyayari. Ligtas ang baby. Ligtas si Bea. Subalit kahit nar
NILAMON muli ng katahimikan ang kwarto nang maisara ni Bea ang pinto. Dumiretso siya sa gilid ng kitid na kama at dahan-dahang humiga. Sa kabila ng pagod at sa kabusugan mula sa tahong ginawa ni Ashton, may kakaibang pintig sa kanyang dibdib na ayaw siyang patulugin agad.Nakatitig siya sa mataas na kisame ng master bedroom, nakapatong ang dalawang kamay sa kanyang tiyan. Ang init mula sa palad ni Ashton kanina ay tila nakatatak pa rin doon. Napangiti siya nang mahina. “Plus two.”Naisip niyang masyado yata siyang naging galante sa pagbibigay ng puntos, pero nararapat lang naman.Ngunit bago pa man tuluyang maglandas ang kanyang isip patungo sa panaginip, biglang nanginginig na sumikip ang kanyang ibabang tiyan. Napasinghap si Bea.Binitiwan niya ang kumot at napahawak nang mahigpit sa kutson. Hindi iyon ang karaniwang banayad na galaw ng sanggol o ang karaniwang paninigas na nararamdaman niya paminsan-minsan. Mas mabigat iyon—isang matalim, pumipilipit na hilab na nagmumula sa kanyan
MATAPOS maubos ni Bea ang huling kutsara ng taho, dahan-dahan niyang ibinaba ang mangkok sa ibabaw ng kitchen island. Tahimik ang buong kusina, maliban sa mahinang ugong ng refrigerator at sa banayad na tunog ng hanging humahampas sa salamin ng bintana.Nakatayo pa rin si Ashton sa tabi niya, nakasandal ang isang siko sa counter habang nakatingin sa kanya. Wala na ang dating pagod sa mga mata nito, napalitan na ng isang uri ng kaalwanan nang makitang wiped out ang ginawa niyang meryenda."So..." panimula ni Ashton, bahagyang itin nghi ang ulo. "Busog na ang baby?"Napahawak si Bea sa kanyang tiyan, ramdam ang banayad na warmth mula sa kinain. Inayos niya ang manipis na cardigan na medyo nahulog sa kanyang balikat."Busog na," sagot niya, sabay ngiti nang bahagya. "Sobra. First time kong makakain ng taho na gawa sa silken tofu at soy milk at 2:30 A.M. You setting the bar too high, Ashton."Ilang segundo siyang tinitigan ng lalaki bago ito napatawa nang mahina, ’yung tipong galing sa di
MADALING-ARAW...Tahimik ang buong Santiago residence. Alas-dos y medya pa lamang ng umaga. Nakabukas nang bahagya ang bintana ng master bedroom kaya maririnig ang malamig na ihip ng hangin at ang malalayong ingay ng mga sasakyang paminsan-minsang dumaraan sa kalsada.Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Bea. Napakunot-noo siya. May kakaibang pakiramdam sa sikmura niya. Hindi naman siya nasusuka. Hindi rin masakit ang tiyan. Kundi nagugutom siya.Napahawak siya sa anim na buwang tiyan at napangiti nang marahan."Baby..." mahina siyang natawa. "Huwag mo namang gawing ganitong oras."Parang sinagot naman siya ng isang banayad na sipa ng anak, kaya napailing siya.."I knew it."Tahimik siyang bumangon at nagsuot ng manipis na cardigan bago lumabas ng silid, at diretso siyang nagtungo sa kusina. Binuksan niya ang refrigerator at nakitang may yogurt, prutas, cake, fresh milk, cheese, at may ice cream pa nga. Pero isa lang ang hinahanap ng isip niya kundi mainit na taho.Napangiwi siya. "Ser
MAKALIPAS ang tatlong araw...Hindi pa rin ibinabalik ni Bea ang asul na folder. Nakatabi lang iyon sa bedside table niya. Ilang ulit na niyang binasa ang bawat pahina. Maging ang pinakahuling clause ay halos kabisado na niya.Paulit-ulit din niyang tinanong ang sarili. Handa na ba siya? Hindi para sa kasal. Kundi para sa lalaking nasa likod nito.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama habang marahang hinihimas ang anim na buwang tiyan."Baby..." mahina niyang bulong. "Ano kaya ang tamang gawin?"Parang sinagot naman siya ng isang banayad na sipa. Napangiti siya."Ganito ka ba lagi? Kapag hindi makapag-decide si Mommy, ikaw ang sasagot?"Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung pagkakataon lang ba iyon. Pero sa unang pagkakataon, hindi na takot ang naramdaman niya kundi kapayapaan.---KINAHAPUNAN...Tahimik na dumating si Ashton sa Santiago residence. Hindi siya nagdala ng pagkain. Hindi rin siya nagdala ng bulaklak. Sa halip, isang simpleng paper bag lang ang hawak niya.Pagp
KINABUKASAN... Mas maaga kaysa sa karaniwan ang pagdating ni Ashton sa Salvatore Shipping Tower. Tahimik niyang tinapos ang mga dokumentong naiwan mula sa board meeting na bigla niyang iniwan kahapon. Isa-isang pumirma siya sa mga kontrata habang tahimik na nagre-report si Marco tungkol sa mga naging desisyon ng board. "...At approved na rin po ang Visayas expansion." Tumango si Ashton. "Good." "May isa pa po." Napatingin siya sa assistant. "Nag-message po ang legal department." "Bakit?" "Tungkol po sa proposal na ipinagawa ninyo." Tahimik siyang napabuntong-hininga. "Ipadala mo rito." "Yes, sir." --- MAKALIPAS ang ilang minuto... May inilapag na manipis na blue folder si Marco sa ibabaw ng mesa. Nakasulat sa cover nito ang “CONFIDENTIAL, Private Domestic Agreement.” Tahimik iyong binuksan ni Ashton. Isa-isa niyang binasa ang bawat pahina. Hindi iyon business contract. Hindi rin corporate acquisition. Isa iyong personal agreement. Isang kasunduang siya mismo ang nagpahan
SA TERRACE ng ikatlong palapag, patuloy pa ring sumasayaw sa hangin ang mga pink rose petals. Ang mga drone sa itaas ay bumubuo pa rin ng kumikislap na “starlight,” parang walang pakialam sa kaguluhang kakapasok lang sa eksena.Napakaganda, pero at the same time ay mayroon ding dalang sakit.Sa gil
NABURA ang lahat ng galit sa mukha ni Caden sa mismong sandaling makita niyang bumagsak si Talia sa bisig niya.“Talia!” sigaw niya, nanlaki ang mga mata, mabilis na niyakap ang babae.Wala nang pagdadalawang-isip, tinanggal niya ang suot na coat at maingat na ibinalot sa katawan ng babae. Sa ilali
BAHAGYANG yumuko si Talia, ang bawat kurba ng katawan niya ay puno ng malamyos na kilos at focus. Matatag ang kamay na may hawak ng cue stick, habang ang kabilang kamay ay maingat na nag-set ng standard bridge sa ibabaw ng berdeng tela ng mesa.Unti-unti niyang pinikit ang isang mata, sinipat ang t
HINDI agad sumagot si Talia. Saglit lang siyang tumitig kay Lucas, saka marahang ngumiti ng pilit.“Pagod lang ako,” sabi niya. “Ayokong dumagdag pa sa gulo.”Mariing huminga si Lucas. Kita sa panga niya ang pagpigil ng galit. “Magpahinga ka,” mahinahon niyang sabi. “Babalikan kita mamaya.”Matapos







