Share

CHAPTER 167

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-04-09 14:53:12

SAMANTALA, sa kabilang dako ng Grey Wharf, unti-unting nilamon ng dilim ang lumang pantalan.

Ang dating mataong lugar ay ngayon ay tahimik, basang-basa ng halumigmig, at napapaligiran ng mga abandonadong bodega na tila matagal nang kinalimutan ng mundo. Ang ilaw mula sa iilang poste ay mahina at kumukurap, nagbibigay ng aninong lalong nagpapabigat sa atmospera.

Sa loob ng isang kalawangin at malamig na kulungan, nakasiksik si Bea sa sulok. Ang kanyang katawan ay nanghihina na sa gutom at pagod.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
dawen
more update ......
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
my updates n
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
hala thank you author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 167

    SAMANTALA, sa kabilang dako ng Grey Wharf, unti-unting nilamon ng dilim ang lumang pantalan.Ang dating mataong lugar ay ngayon ay tahimik, basang-basa ng halumigmig, at napapaligiran ng mga abandonadong bodega na tila matagal nang kinalimutan ng mundo. Ang ilaw mula sa iilang poste ay mahina at kumukurap, nagbibigay ng aninong lalong nagpapabigat sa atmospera.Sa loob ng isang kalawangin at malamig na kulungan, nakasiksik si Bea sa sulok. Ang kanyang katawan ay nanghihina na sa gutom at pagod. Ilang araw na siyang walang maayos na kain, at ang lagnat ay patuloy na nagpapalabo sa kanyang paningin. Ang bawat paghinga niya ay mabigat, at ang kanyang balat ay malamig ngunit pinagpapawisan.Pakiramdam niya ay hindi na siya tatagal. Ngunit bago pa man tuluyang bumigay ang kanyang katawan, bigla siyang hinila palabas ng kulungan. Napahiyaw siya sa sakit nang marahas siyang igapos sa isang kahoy na poste sa gitna ng bakanteng lote. Ang makapal na lubid ay bumaon sa kanyang balat, nagdulot ng

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 166

    NANATILI ang mabigat na katahimikan sa pagitan nila.Hindi gumalaw si Talia. Hindi rin siya nagsalita. Nakatitig lamang siya kay Mr. Gold, pilit inuunawa ang biglaang paglayo nito at ang malamig na distansyang tila itinayo ng lalaki sa pagitan nila.Samantala, si Caden ay nakatingin sa kabilang direksyon. Unti-unti niyang ikinuyom ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng kumot, malinaw ang pagpipigil sa bawat galaw. Ang tensyon sa kanyang katawan ay hindi maikakaila.Pagkaraan ng ilang sandali, nagsalita siya. “May asawa ka, hindi ba?” Kalmado ang kanyang boses, ngunit malinaw at matalim ang bawat salita, tila dahan-dahang tumatagos.Bahagyang natigilan si Talia. Napakurap siya, tila hindi inaasahan ang tanong. Gayunpaman, sa halip na umatras, bahagya siyang ngumiti. Isang ngiting mahirap basahin kung may halong panunukso o pagtatago.“I did,” mahinahon niyang tugon. “But not anymore.”Dahan-dahang humarap si Caden sa kanya. Ang kanyang mga mata ay malamig, ngunit sa kaibuturan ay may nagb

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 165

    ISANG MAINIT na luha ang kusang tumulo mula sa mga mata ni Talia. Hindi niya iyon pinigilan at hinayaan lang niyang dahan-dahang umagos sa kanyang pisngi. Dahan-dahan siyang lumapit muli sa gilid ng kama at marahang naupo. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang maingat niyang pinunasan ang pawis sa noo ni Caden. Sa bawat pagdampi ng kanyang balat sa lalaki, mas lalo niyang nararamdaman ang init ng katawan nito. “Ang tigas pa rin ng ulo mo…” mahina niyang bulong, halos hindi marinig. Matapos niyon ay agad siyang kumilos. Kinuha niya ang medical kit sa gilid ng mesa at mabilis na naghanda ng gamot. Maingat niyang pinainom si Caden ng anti inflammatory medicine, saka naghanda ng maligamgam na tubig. Gumamit siya ng malinis na tela na binasa sa alcohol at dahan dahan niyang pinunasan ang katawan nito upang mapababa ang temperatura. --- LUMIPAS ang hindi matiyak na oras. Unti unti, ang mataas na lagnat ni Caden ay bahagyang bumaba at dahan dahan nitong iminulat ang mga mata. Ma

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 164

    NANIGAS si Caden sa kinatatayuan.“Are you out of your mind?” mariin niyang saad, ang boses ay mababa ngunit may bahid ng galit at pag-aalala. Mabilis niyang hinawakan ang pulso ni Talia, tila nais itong pigilan sa anumang susunod nitong gagawin. “You just ate something poisonous.”Sa isang iglap, hinila niya ito palapit. “Spit it out.”Ngunit sa halip na mataranta, bahagyang ngumiti si Talia. May kakaibang kislap sa kanyang mga mata.“Relax,” mahinahon niyang sabi, halos parang inaalo ang isang batang nag-aalala. “It’s just fighting poison with poison.”Napakunot ang noo ni Caden. Hindi siya kumbinsido, pero hindi siya nakapagsalita agad.“May natural resistance na ang katawan ko sa ganitong klase ng toxins,” dagdag ni Talia, tila ba simpleng bagay lamang ang kanyang ginawa. “It won’t kill me.”Sandaling natahimik ang paligid. Tanging ang ihip ng hangin ang maririnig.“At saka…” bahagya siyang natawa, tila may naalala. “No’ng nagre-research pa ako before, halos araw-araw akong nalala

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 163

    KINABUKASAN…Unti-unting nagmulat ng mga mata si Talia. Mabigat ang talukap ng kanyang mga mata, at tila ba may kung anong bumabalot sa kanyang isipan— magkahalong pagod, kalituhan, at mga alaala ng nagdaang gabi.Sa sandaling tuluyan siyang magising at bumuhos ang lahat ng alaala. Ang helicopter, ang yakap, ang halik...Bigla siyang napabangon mula sa kama, parang may spring na tumulak sa kanya paitaas.“What the—” napahinto siya, agad napatingin sa sarili.Mabilis niyang sinuri ang kanyang katawan mula balikat, pababa, hanggang sa mga kamay niya. Maingat. Paulit-ulit. Parang may hinahanap. Ilang segundo siyang ganoon hanggang sa tuluyan siyang napahinga nang malalim.“Okay.”Walang kakaiba. Walang nangyari.Dahan-dahan siyang napaupo muli sa kama, isang kamay ang napunta sa dibdib niya habang ramdam ang malakas na tibok ng puso. Pero hindi doon natapos ang kalituhan niya dahil may naalala siya.“‘Your husband is here…’”Bahagya siyang napakunot-noo.“Husband?” bulong niya sa sarili.

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 162

    SAMANTALA…Sa gitna ng Grey Wharf East District, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong paligid. Ang dating kilalang gusali ng Ruby House Café ay tuluyang nilamon ng apoy, habang ang makapal na usok ay umakyat sa kalangitan.Sa loob lamang ng ilang minuto, abo na lamang ang natira. Mula sa gitna ng nagbabagang guho, isang lalaki ang dahan-dahang lumabas— si Mr. Crest.Matangkad, matalim ang mga mata, at ang presensya ay sapat upang patahimikin ang kahit sinong nasa paligid.Sa isang kamay, hinihila niya ang isang matandang lalaki na halos wala nang malay, at walang pag-aalinlangang ibinagsak ito sa lupa.“Hanapin niyo siya,” malamig niyang utos, ang boses ay puno ng awtoridad. “Baliktarin niyo ang buong Grey Wharf kung kinakailangan.”“Yes, boss!”Agad nagkawatak-watak ang mga tauhan niya, parang alon na kumalat sa bawat direksyon. Sa sandaling iyon, isang lalaki ang marahang lumapit. Payat, maputla, at halatang takot.“Boss…” nanginginig nitong sabi. “Pakawalan mo siya… dadal

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 140

    SA KABILANG bahagi ng bayan, sa isang private seaside lodge na ginawang temporary command base, tahimik na nakatayo si Caden sa harap ng malapad na bintana. Tanaw niya ang payapa at madilim na karagatan ng mga sandaling iyon. May hawak siyang baso ng red wine. Dahan-dahan niyang iniiikot ang laman

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 139

    “SIR CADEN,” maingat na sabi ni Lyndon, bahagyang yumuko habang hawak ang tablet, “naalala n’yo po ba ‘yung coastal heritage town mayor na nakausap n’yo dati? Si Mayor Enrique Valdez, sa Aurora side. Siya ang local head na may override clearance sa San Aurelio sector.”Hindi lumingon si Caden. Naka

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 142

    SA GITNA ng festival street, magkakatabi ang mga dessert stalls na puro makukulay na kahon at glass cases na puno ng iba’t ibang klase ng donuts. May original glaze, white chocolate drizzle, pink berry bloom, at green tea crunch. May maliit pang sign sa harap ng booth na, “Dairy-free line available

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 137

    DAHAN-DAHANG binuksan ni Caden ang maliit na kahong kahoy. At nagtaka siya nang makitang hindi alahas ang laman kundi osang dilaw na papel na eroplano ang nakahiga sa loob, luma na, may kupas na gilid, at halatang matagal nang tinago. May bahagyang lukot ang mga tupi, parang ilang ulit nang hinawak

    last updateLast Updated : 2026-04-03
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status