Share

CHAPTER 181

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-04-24 16:15:50

PARANG biglang bumigat ang hangin ng mga sandaling iyon. Sa may entrada ng restaurant, isang matangkad at matikas na pigura ang dahan-dahang lumitaw.

Si Caden.

At sa mga oras na iyon ay wala na itong suot na maskara.

Sa ilalim ng ilaw ng chandelier, malinaw ang matalim na features ng kanyang mukha, malamig, marangal, at may presensyang kayang magpatahimik ng buong silid.

Napatigil si Talia.

‘Caden...’ usap niya sa isipan.

Sa isang iglap, mabilis itong lumapit kay Talia. Parang bakal ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
(^_^) Pie C. Gang
ang tagal nman ni prof.... so bali c Talia cguro ang may too late to regrets nito?
goodnovel comment avatar
dawen
anu b yn bt antagal nun antidote nla more update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 187

    NAKAHANDA na pala ang lahat. May dala si Bea na waiter uniform para kay Talia na fitted, at may kasamang mask na sapat para maitago ang kalahati ng mukha niya. Sa tabi nila, nakapatong ang tray na may mga inumin na eksaktong order mula sa VIP Room 808.Masyadong mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Hindi pa tuluyang nakakabawi si Talia sa gulat, ngunit nahawakan na siya ni Bea at marahang pero may diin na naitulak palapit sa pinto.“Go na. Nandito lang ako,” bulong ni Bea, bago siya tuluyang umatras at nawala sa likod ng kanto.Naiwan si Talia nang mag-isa sa harap ng pinto. Malakas ang kabog ng dibdib niya, parang bawat segundo ay naririnig niya ang sariling pulso.‘Papasok ba ako? O dapat umatras na lang…?’Isang hakbang lang papasok pero parang wala nang balikan. At habang nag-aalinlangan siya, biglang bumukas ang pinto mula sa loob. Isang malamlam ngunit mapang-akit na boses ang sumalubong sa kanya.“Dumating na ba ang wine?”Nanlamig ang batok ni Talia. Huli na para umatras kay

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 185

    NANG bigla-bigla, may kung anong sumabog sa loob ni Caden. Walang babala, tumalikod siya at mabilis na lumabas ng tent na parang isang hayop na nawalan ng kontrol.Sa ilalim ng madilim na gabi, dumiretso siya sa isang matarik na bahagi ng bangin malapit sa dalampasigan. At mariin niyang sinuntok ang kamao sa matigas na bato.Isang beses.Dalawang beses.Tatlong beses.Hanggang sa mapunit ang balat ng kanyang kamay at magsimulang umagos ang dugo. Ngunit wala siyang naramdamang sakit, kahit katiting.“Sir Caden!”“Mr. Gold!”Mula sa dilim, biglang lumitaw ang ilang bodyguards na kanina pa nakabantay sa paligid. Agad silang tumakbo palapit at hinawakan ang kanyang mga braso, pilit siyang pinipigilan.“Bitawan niyo ako!” paos niyang sigaw.Namumula ang kanyang mga mata, ay halos hindi na makilala ang boses. Muli na namang nawawala ang kontrol niya, at lahat ng iyon ay dahil sa epekto ng lason sa katawan niya...---KINABUKASAN...Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Talia. Isang mainit at

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 184

    KINAGABIHAN, inusisa na ni Talia ang naputol na usapan nila ni Lyndon kanina. At sa bandang huli, nalaman ni Talia ang totoo mula kay Lyndon kung bakit pinrotektahan ni Caden si Althea noon.Dahan-dahan nitong ikinuwento ang buong nangyari, at sa bawat detalye, para bang may mabigat na pumapalo sa dibdib ni Talia. Isa-isa, tumitimo sa isip niya ang mga salitang akala niya noon ay wala lang. Hindi niya inakala na sa likod ng mga misteryosong kilos at pananahimik ni Caden, may ganito palang dahilan.Para protektahan siya, tiniis nito ang pagkamuhi niya, ang galit, ang panunumbat, ang sisi.‘Kung hindi dahil sa pagmamahal, sino ba ang pipiling kalabanin ang buong mundo?’Napuno ng panibagong bigat ang dibdib niya nang marinig niyang si Caden mismo ang nagpakulong kay Althea. Naging malinaw ang lahat, nasa custody na ito ng pulisya at ayon sa abogado, aabutin ito ng hindi bababa sa sampung taon sa kulungan dahil sa pakikipagsabwatan noon sa mga taong dumukot sa kanya at sa pagpatay sa san

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 183

    BANDANG tanghali, bumalik si Talia sa Bundok Resort. Sa lobby pa lang, agad niyang napansin si Bea na masayang nakayakap sa braso ng amang si Mr. Santiago, tila excited na excited habang nagkukuwento.“Pupunta tayo sa confession event! Sabi nila ang saya raw doon!” masiglang pagkukwento ni Bea.Pagkakita ni Mr. Santiago kay Talia, agad kumunot ang noo nito. Lumapit siya, sinuri ang mukha ng dalaga.“Talia? Bakit ang pula ng mata mo?” tanong niya, puno ng pag-aalala. “May nangyari ba? May nang-api ba sa’yo?”Bahagyang natigilan si Talia. Pero mabilis niyang inayos ang ekspresyon.“Wala po, dad,” kalmado niyang sagot. “Napuyat lang po ako. May pumasok lang na alikabok sa mata ko.”Tahimik siyang pinagmasdan ni Mr. Santiago, pero wala na itong sinabi. Sa halip, marahan nitong tinapik ang kamay ni Talia.“Okay. Bukas, uwi na tayo sa atin,” mahinahon nitong saad.Sa gilid, sumingit si Bea, bahagyang nakasimangot.“Hindi pa nga ako ready umalis,” reklamo niya. “Wala pa akong passport. Ikaw

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 182

    KINABUKASAN, pagbaba si Talia ng hagdan nang bigla siyang napahinto. Mula sa kusina, dahan-dahang lumabas ang isang matangkad na pigura. Si Caden.May hawak itong puting plato na may dalawang itlog na hindi perpektong luto, medyo hindi pantay ang hugis, pero halatang sinubukan. Bahagyang nakataas ang manggas ng suot nitong longsleeve polo at lantad ang magandang hubog ng mga braso.Napakurap si Talia. ‘Gising na ba talaga ako? SiCaden… nagluluto?’ tanong ni Talia sa sarili.Parang nananaginip siya ng gising ng mga sandaling iyon.Nang mapansin naman siya ni Caden, bahagyang lumambot ang ekspresyon nito.“Halika,” mahinahon nitong anyaya, bahagyang paos ang boses. “Kain tayo.”Napatingin si Talia sa mesa. May isang mangkok ng lugaw na mukhang matagal na pinakuluan at may ilang piraso ng berdeng dahon sa ibabaw, at ang dalawang itlog na kakaiba ang hugis.Lumapit naman si Talia at naupo.“Ikaw ang nagluto nito?” tanong niya, hindi maitago ang pagtataka.Inilapag ni Caden ang plato sa ha

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 181

    PARANG biglang bumigat ang hangin ng mga sandaling iyon. Sa may entrada ng restaurant, isang matangkad at matikas na pigura ang dahan-dahang lumitaw. Si Caden. At sa mga oras na iyon ay wala na itong suot na maskara. Sa ilalim ng ilaw ng chandelier, malinaw ang matalim na features ng kanyang mukha, malamig, marangal, at may presensyang kayang magpatahimik ng buong silid. Napatigil si Talia. ‘Caden...’ usap niya sa isipan. Sa isang iglap, mabilis itong lumapit kay Talia. Parang bakal ang pagkakahawa ng kamay nito nang sunggaban niya ang pulso ni Mr. Gold, ang kamay na nakahawak kay Talia. “Ah—!” napangiwi ang lalaki sa sakit, napasigaw. “M-Mr. Monclair! Misunderstanding lang ‘to! I was just joking—” Ngunit pinutol ni Caden ang ano pa mang sasabihin nito. “Hindi ako mahilig makipag-biruan,” saad naman ni Caden. “Lalo na sa mga taong tulad mo.” Kasunod niyon ay mabilis na sumugod si Caden at malakas na binalya si Mr. Gold. Sa lakas ng puwersa, tumilapon ang lalaki at bumagsak

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 105

    “DON'T worry,” mahina ngunit matatag na sabi ni Talia habang niyayakap sina Bea at Mia sa magkabilang gilid, parang isang ate na pilit pinatatatag ang sarili. “May darating. May tutulong sa atin.”Unti-unting humupa ang ulan. Pero kasabay noon, mabilis ding dumilim ang langit. Ang liwanag ng hapon

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 107

    MARIING bumuntong-hininga si Caden.Bigla niyang inilingon ang ulo at tumitig kay Jessica. Hindi iyon ang dating kalmadong tingin, mabigat iyon, malamig, at may bahid ng galit na hindi niya sinubukang itago.Nanlambot ang ngiti sa labi ni Jessica ng mga sandaling iyon. Hindi niya inaasahan ang gano

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 95

    TAHIMIK na umalis si Talia, leaving behind a room filled with gasps and stunned silence.Caden slowly touched the side of his handsome face, yung parte kung saan dumapo ang sampal before turning to leave. Hindi siya nagsalita, hindi rin nagpakita ng galit. He simply walked out.Everyone froze.“Gra

    last updateLast Updated : 2026-03-28
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 100

    “SIX TIMES a night?”Caden let out a cold laugh, pero hindi umabot sa mga mata niya ang tawa. His stare landed heavily on Talia, sharp and aggressive, parang kaya niyang hatiin sa dalawa ang katahimikan ng buong kwarto.“Talia,” he said, voice low but slicing clean through the air, “tatlong beses k

    last updateLast Updated : 2026-03-28
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status