MasukNANG bigla-bigla, may kung anong sumabog sa loob ni Caden. Walang babala, tumalikod siya at mabilis na lumabas ng tent na parang isang hayop na nawalan ng kontrol.Sa ilalim ng madilim na gabi, dumiretso siya sa isang matarik na bahagi ng bangin malapit sa dalampasigan. At mariin niyang sinuntok ang kamao sa matigas na bato.Isang beses.Dalawang beses.Tatlong beses.Hanggang sa mapunit ang balat ng kanyang kamay at magsimulang umagos ang dugo. Ngunit wala siyang naramdamang sakit, kahit katiting.“Sir Caden!”“Mr. Gold!”Mula sa dilim, biglang lumitaw ang ilang bodyguards na kanina pa nakabantay sa paligid. Agad silang tumakbo palapit at hinawakan ang kanyang mga braso, pilit siyang pinipigilan.“Bitawan niyo ako!” paos niyang sigaw.Namumula ang kanyang mga mata, ay halos hindi na makilala ang boses. Muli na namang nawawala ang kontrol niya, at lahat ng iyon ay dahil sa epekto ng lason sa katawan niya...---KINABUKASAN...Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Talia. Isang mainit at
KINAGABIHAN, inusisa na ni Talia ang naputol na usapan nila ni Lyndon kanina. At sa bandang huli, nalaman ni Talia ang totoo mula kay Lyndon kung bakit pinrotektahan ni Caden si Althea noon.Dahan-dahan nitong ikinuwento ang buong nangyari, at sa bawat detalye, para bang may mabigat na pumapalo sa dibdib ni Talia. Isa-isa, tumitimo sa isip niya ang mga salitang akala niya noon ay wala lang. Hindi niya inakala na sa likod ng mga misteryosong kilos at pananahimik ni Caden, may ganito palang dahilan.Para protektahan siya, tiniis nito ang pagkamuhi niya, ang galit, ang panunumbat, ang sisi.‘Kung hindi dahil sa pagmamahal, sino ba ang pipiling kalabanin ang buong mundo?’Napuno ng panibagong bigat ang dibdib niya nang marinig niyang si Caden mismo ang nagpakulong kay Althea. Naging malinaw ang lahat, nasa custody na ito ng pulisya at ayon sa abogado, aabutin ito ng hindi bababa sa sampung taon sa kulungan dahil sa pakikipagsabwatan noon sa mga taong dumukot sa kanya at sa pagpatay sa san
BANDANG tanghali, bumalik si Talia sa Bundok Resort. Sa lobby pa lang, agad niyang napansin si Bea na masayang nakayakap sa braso ng amang si Mr. Santiago, tila excited na excited habang nagkukuwento.“Pupunta tayo sa confession event! Sabi nila ang saya raw doon!” masiglang pagkukwento ni Bea.Pagkakita ni Mr. Santiago kay Talia, agad kumunot ang noo nito. Lumapit siya, sinuri ang mukha ng dalaga.“Talia? Bakit ang pula ng mata mo?” tanong niya, puno ng pag-aalala. “May nangyari ba? May nang-api ba sa’yo?”Bahagyang natigilan si Talia. Pero mabilis niyang inayos ang ekspresyon.“Wala po, dad,” kalmado niyang sagot. “Napuyat lang po ako. May pumasok lang na alikabok sa mata ko.”Tahimik siyang pinagmasdan ni Mr. Santiago, pero wala na itong sinabi. Sa halip, marahan nitong tinapik ang kamay ni Talia.“Okay. Bukas, uwi na tayo sa atin,” mahinahon nitong saad.Sa gilid, sumingit si Bea, bahagyang nakasimangot.“Hindi pa nga ako ready umalis,” reklamo niya. “Wala pa akong passport. Ikaw
KINABUKASAN, pagbaba si Talia ng hagdan nang bigla siyang napahinto. Mula sa kusina, dahan-dahang lumabas ang isang matangkad na pigura. Si Caden.May hawak itong puting plato na may dalawang itlog na hindi perpektong luto, medyo hindi pantay ang hugis, pero halatang sinubukan. Bahagyang nakataas ang manggas ng suot nitong longsleeve polo at lantad ang magandang hubog ng mga braso.Napakurap si Talia. ‘Gising na ba talaga ako? SiCaden… nagluluto?’ tanong ni Talia sa sarili.Parang nananaginip siya ng gising ng mga sandaling iyon.Nang mapansin naman siya ni Caden, bahagyang lumambot ang ekspresyon nito.“Halika,” mahinahon nitong anyaya, bahagyang paos ang boses. “Kain tayo.”Napatingin si Talia sa mesa. May isang mangkok ng lugaw na mukhang matagal na pinakuluan at may ilang piraso ng berdeng dahon sa ibabaw, at ang dalawang itlog na kakaiba ang hugis.Lumapit naman si Talia at naupo.“Ikaw ang nagluto nito?” tanong niya, hindi maitago ang pagtataka.Inilapag ni Caden ang plato sa ha
PARANG biglang bumigat ang hangin ng mga sandaling iyon. Sa may entrada ng restaurant, isang matangkad at matikas na pigura ang dahan-dahang lumitaw. Si Caden. At sa mga oras na iyon ay wala na itong suot na maskara. Sa ilalim ng ilaw ng chandelier, malinaw ang matalim na features ng kanyang mukha, malamig, marangal, at may presensyang kayang magpatahimik ng buong silid. Napatigil si Talia. ‘Caden...’ usap niya sa isipan. Sa isang iglap, mabilis itong lumapit kay Talia. Parang bakal ang pagkakahawa ng kamay nito nang sunggaban niya ang pulso ni Mr. Gold, ang kamay na nakahawak kay Talia. “Ah—!” napangiwi ang lalaki sa sakit, napasigaw. “M-Mr. Monclair! Misunderstanding lang ‘to! I was just joking—” Ngunit pinutol ni Caden ang ano pa mang sasabihin nito. “Hindi ako mahilig makipag-biruan,” saad naman ni Caden. “Lalo na sa mga taong tulad mo.” Kasunod niyon ay mabilis na sumugod si Caden at malakas na binalya si Mr. Gold. Sa lakas ng puwersa, tumilapon ang lalaki at bumagsak
MATAPOS maalis ang bala, agad na nilinis ng doktor ang sugat ni Caden. Maingat itong nilagyan ng gamot at binalutan ng benda. Walang anumang reaksyon mula sa kanya.Tumayo si Caden at nagpalit ng damit. Nang matapos, dumiretso siya sa malalaking bintana ng silid at nagsindi ng sigarilyo. Sa mahinang ilaw, kumislap ang pulang dulo nito.Humithit siya nang malalim, ngunit halos wala siyang malasahan. Sa isip niya, paulit-ulit na umuukit ang isang numero.“23 days…”Kasabay nito, paulit-ulit ding sumulpot ang mukha ni Talia. Minsan cold, minsan may bahagyang ngiti. At hindi na ito nawala sa isip niya.---Kinabukasan, pumunta si Talia sa mansyon, ngunit pinigilan siya ng mga kasambahay.“May utos po si Sir, bawal po ang bisita.”Sandaling tumigil si Talia sa may pintuan. Hindi siya nagsalita. Pagkatapos, inilabas niya ang isang maliit na puting bote at iniabot sa kasambahay.“Para sa sugat niya,” mahinahon niyang sabi, at saka siya umalis.---SAMANTALA, sa loob ng silid, hawak ni Caden
“I JUST wanted to talk to you properly… but you never gave me the chance...”He was tall and upright, and even beneath the dim glow of the bay lights, Caden Montclair carried a presence that could bend the air around him. Commanding. Heavy. Impossible to ignore.Talia’s breath softened into the win
CADEN listened quietly, both hands resting at his sides but unconsciously tightening as Mang Rick continued his narration. The forgotten pieces of his past na matagal nang nakabaon, matagal nang hindi binabalikan, were now being pieced together by someone else’s memories. And each fragment felt hea
A FAINT mix of coffee grounds and crisp cedarwood enveloped her, isang amoy na pamilyar kay Talia.At nang makita ng mga tao sa paligid kung sino ang lumapit, halos sabay-sabay silang umatras, clearing a path with instinctive caution.Talia stiffened. “C-Caden, what are you—”She lifted her hands t
THE MOMENT Caden saw her, para bang may automatic switch sa katawan niya. His feet moved before his mind could catch up.“Talia.”His voice wasn’t loud, pero ramdam ang bahagyang pigil na panic, isang magkahalong pag-asa at takot na matagal niyang kinuyom.Lucas paused mid-step. Saglit siyang tumin







