Share

CHAPTER 194

Author: GennWrites
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-30 11:56:20

NANIGAS ang buong katawan ni Talia sa tanong ni Caden.

“No…” mabilis niyang sagot, halos hindi na nag-isip. “He didn’t touch me.”

Ngunit hindi agad naniwala si Caden. Sa mga mata niya, malinaw ang marka sa leeg ni Talia, ang sugat sa labi nito, at ang pamumula ng pulso na tila pinisil o itinali. Lahat iyon ay parang kutsilyong sunod-sunod na tumarak sa dibdib niya.

Unti-unting nagdilim ang kanyang paningin. Kahapon lang ang kasal nila. Kahapon lang… pero ngayon, may ibang lalaki na sangkot sa p
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 195

    NANLAKI ang mga mata ni Caden sa narinig. Parang may biglang pumiga sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Isang sakit na hindi niya maipaliwanag.Hindi na niya pinansin ang doktor. Walang pakialam sa mahina niyang katawan, agad niyang itinapon ang kumot at pilit na bumangon. Kahit bahagyang nanghihina ang mga binti niya ay hindi siya tumigil.“Mr. Montclair—!” tawag ng doktor, pilit siyang pinipigilan.Pero parang wala siyang naririnig. Diretso siyang lumabas ng kwarto at mabilis na tinungo ang silid ni Talia. Pagpasok niya, biglang tumahimik ang buong kwarto. Lahat ng tao ay kusang umurong, parang kusang nagbibigay-daan sa kanya.Sa kama, nakita niya si Talia. Namumula ang pisngi nito. Namimilipit sa hindi mapakaling tulog habang mahina itong nagmu-murmur.“Ang lamig…” mahina nitong bulong.“Huwag… wag mo ’kong hawakan…”Matapos niyon ay bigla itong nanginig.Napapikit si Caden. Parang may munting kirot siyang naramdaman sa puso niya. Sandaling nag-blanko ang isip niya.‘Paano… nangy

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 194

    NANIGAS ang buong katawan ni Talia sa tanong ni Caden.“No…” mabilis niyang sagot, halos hindi na nag-isip. “He didn’t touch me.”Ngunit hindi agad naniwala si Caden. Sa mga mata niya, malinaw ang marka sa leeg ni Talia, ang sugat sa labi nito, at ang pamumula ng pulso na tila pinisil o itinali. Lahat iyon ay parang kutsilyong sunod-sunod na tumarak sa dibdib niya.Unti-unting nagdilim ang kanyang paningin. Kahapon lang ang kasal nila. Kahapon lang… pero ngayon, may ibang lalaki na sangkot sa pagitan nila.“Talia…” mababa ang boses ni Caden, ngunit ramdam ang bigat. Dahan-dahan niyang hinawakan ang pulso ng babae. Hindi marahas, pero sapat para maramdaman ni Talia ang panginginig nito.“Did he kiss you?” diretso niyang tanong.Bahagyang napaatras si Talia. Hindi siya makasagot. At sa katahimikang iyon, may kung anong tuluyang sumabog sa loob ni Caden. Sa paningin niya, ang pananahimik ay katumbas ng pag-amin.“Answer me,” mas mariin niyang sabi.Ngunit nanatiling tahimik si Talia. Hin

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 193

    KUMUNOT ang noo ni Talia, bahagyang nalilito.“Ano’ng ibig mong sabihin…?”Sandaling natahimik si Lucas, at pinagmasdan niya ang mukha ni Talia na ang malinaw na pagkalito sa mga mata at walang bahid ng pagpapanggap. At doon niya naunawaan na hindi nito alam ang tungkol sa lason sa katawan ni Caden na unti-unting sumisira sa katawan nito.Isang malamig na kislap ang dumaan sa mga mata niya. Mariin niyang kinuyom ang kamao, ngunit agad din niya itong pinigilan. Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon niya, bumalik sa mahinahong anyo, parang walang tensyong naganap.“Wala,” kalmadong sagot niya. “Kumain ka muna.”Kinuha niya ang mangkok ng lugaw at marahang hinalo iyon. Maingat at kontrolado ang bawat galaw, tila walang anumang gumugulo sa isip niya.“Huwag kang magpagutom,” dagdag niya, mas mababa ang boses. “Mamaya, sasamahan kita sa deck. Maganda ang langit ngayon… maraming bituin.”Dahan-dahan siyang lumapit at iniabot ang mangkok. Subalit sa sandaling iyon, biglang tinabig ni Talia

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 192

    AGAD na nag-utos si Caden, malamig ang tono at walang bahid ng pag-aalinlangan.“I-lock down ang buong venue. Bantayan ang lahat ng exit. Isa-isahin niyong halughugin.”Sa isang iglap, kumilos ang mga tauhan niya. Ngunit kahit anong hanap nila sa bawat sulok, walang kahit anong bakas ni Talia.Mas lalong tumigas ang panga ni Caden. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili, kahit kumakabog ang dibdib niya sa galit at kaba.‘Sino ang may lakas ng loob na gawin ’to… sa harap ko mismo?’Isa-isang sumagi sa isip niya ang mga posibleng may gawa.Si Eva.Si Mr. Gold.At sa huli, si Lucas Lee.Bigla siyang napatigil.‘Bumalik siya…?’Agad siyang nagbigay ng panibagong utos sa mga tauhan ng mga oras na iyon.“Hatiin ang grupo. Yung iba, manatili sa mansyon. Yung iba, hanapin si Lucas Lee sa buong Grey Wharf.”Sa gilid, nag-alinlangan si Lyndon bago nagsalita.“Sir, baka pwede po nating hingin ang tulong ni Mr. Crest. Malawak po ang impluwensya niya rito sa Grey Wharf. Mas mapapabilis po ang paghah

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 191

    MARIING tumaas ang boses ni Caden, malamig, diretso, at walang bahid ng pag-aalinlangan.“Pasukin niyo ang loob. Baliin niyo ang mga kamay ni Mr. Gold.”Nanigas si Talia sa narinig. Dahan-dahan siyang napatingala sa lalaki, halatang hindi makapaniwala.‘Kagagamot ko lang sa kan'ya ah?’Sa kabilang banda, biglang nanghina si Eva sa narinig. Namutla ang mukha niya at halos mawalan ng balanse sa kinatatayuan.“Mr. Montclair, please!” halos pakiusap na sigaw niya. “Mahina pa ang kuya ko! Kung may nagawa man siyang mali, pagbigyan niyo na! Huwag niyo siyang saktan!”Ngunit ni hindi man lang kumurap si Caden. Isang malamig na tingin lang ang ibinigay niya, walang awa, walang pag-aalinlangan.“May hinawakan siyang hindi niya dapat hinawakan,” mababa ngunit mariin niyang sabi. “Kaya kailangan niyang pagbayaran ‘yon.”Tumahimik ang paligid, at pagkaraan ng ilang segundo, malamig pa niyang idinagdag na, “Sana tuparin mo ang usapan natin, Miss Gold.”Bahagyang napayuko si Eva. Alam niya kung ano

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 190

    MAGULO ang isip ni Talia ng mga sandaling iyon at parang sabay-sabay na bumubuhos ang mga emosyon sa dibdib niya. Ang tibok ng puso niya ay sobrang bilis na parang anumang sandali, kakawala ito mula kanyang dibdib.Hanggang sa hindi na niya kinaya pa ang emosyon. Marahan pero may diin niyang itinulak niya si Caden palayo. Hindi na rin siya tumingin pa, at agad siyang tumalikod at mabilis na naglakad papasok ng villa.Nanatili si Caden sa kinatatayuan niya, tahimik na nakatingin sa likod ni Talia habang papalayo ito. Dahan-dahang sumilay ang simpleng ngiti sa manipis niyang labi.“So you really cared that much,” mahina niyang bulong.Ngunit kasunod niyon, biglang nanghina ang tuhod niya at umikot ang kanyang paningin. Napahawak siya sa mesa at sa isang iglap, may dugong lumabas mula sa kanyang bibig at dahan-dahang tumulo sa ibabaw ng berdeng mga bulaklak.“Sir!” gulat na sigaw ni Lyndon at agad siyang sumugod palapit. “Anong nangyayari? Dadalhin na ba kita sa ospital?”Bahagyang umili

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 112

    SA TERRACE ng ikatlong palapag, patuloy pa ring sumasayaw sa hangin ang mga pink rose petals. Ang mga drone sa itaas ay bumubuo pa rin ng kumikislap na “starlight,” parang walang pakialam sa kaguluhang kakapasok lang sa eksena.Napakaganda, pero at the same time ay mayroon ding dalang sakit.Sa gil

    last updateHuling Na-update : 2026-03-30
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 113

    HINDI nagtagal, kumalat ang mga larawan. Sa loob lamang ng ilang minuto, nagsimula nang gumalaw ang social media, mabagal sa una, halos hindi napapansin, pero eksaktong nasa ilalim ng isang mas malaking balita.Isang bagong trending topic. Hindi ito basta lantad. Parang sinadyang ilagay sa pagitan

    last updateHuling Na-update : 2026-03-30
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 106

    HINDI MAN lang sinulyapan ni Talia ang bahagyang ngiti sa labi ni Caden. Umupo siya agad sa inilaang upuan, walang pag-aalinlangan. Kahit ano pa ang plano ng lalaking ito, isa lang ang totoo ay iyon ay nagugutom na siya.Napansin ni Caden kung gaano siya kabilis pumayag. Kumurba ang labi nito sa is

    last updateHuling Na-update : 2026-03-29
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 108

    SA PAGBUKAS ng pinto, dalawang lalaki ang pumasok, parehong may malamig na ekspresyon. Ang isa ay may matalim na mga mata at mapanganib na ngiti, habang ang isa ay matangkad at tahimik lang na nakamasid sa paligid.Si Jessica ay napasiksik sa sulok ng silid, nanginginig sa takot. Napatigil ang lala

    last updateHuling Na-update : 2026-03-29
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status