Share

CHAPTER 193

Penulis: GennWrites
last update Tanggal publikasi: 2026-04-29 17:18:32

KUMUNOT ang noo ni Talia, bahagyang nalilito.

“Ano’ng ibig mong sabihin…?”

Sandaling natahimik si Lucas, at pinagmasdan niya ang mukha ni Talia na ang malinaw na pagkalito sa mga mata at walang bahid ng pagpapanggap. At doon niya naunawaan na hindi nito alam ang tungkol sa lason sa katawan ni Caden na unti-unting sumisira sa katawan nito.

Isang malamig na kislap ang dumaan sa mga mata niya. Mariin niyang kinuyom ang kamao, ngunit agad din niya itong pinigilan. Sa isang iglap, nagbago ang ekspre
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 193

    KUMUNOT ang noo ni Talia, bahagyang nalilito.“Ano’ng ibig mong sabihin…?”Sandaling natahimik si Lucas, at pinagmasdan niya ang mukha ni Talia na ang malinaw na pagkalito sa mga mata at walang bahid ng pagpapanggap. At doon niya naunawaan na hindi nito alam ang tungkol sa lason sa katawan ni Caden na unti-unting sumisira sa katawan nito.Isang malamig na kislap ang dumaan sa mga mata niya. Mariin niyang kinuyom ang kamao, ngunit agad din niya itong pinigilan. Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon niya, bumalik sa mahinahong anyo, parang walang tensyong naganap.“Wala,” kalmadong sagot niya. “Kumain ka muna.”Kinuha niya ang mangkok ng lugaw at marahang hinalo iyon. Maingat at kontrolado ang bawat galaw, tila walang anumang gumugulo sa isip niya.“Huwag kang magpagutom,” dagdag niya, mas mababa ang boses. “Mamaya, sasamahan kita sa deck. Maganda ang langit ngayon… maraming bituin.”Dahan-dahan siyang lumapit at iniabot ang mangkok. Subalit sa sandaling iyon, biglang tinabig ni Talia

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 192

    AGAD na nag-utos si Caden, malamig ang tono at walang bahid ng pag-aalinlangan.“I-lock down ang buong venue. Bantayan ang lahat ng exit. Isa-isahin niyong halughugin.”Sa isang iglap, kumilos ang mga tauhan niya. Ngunit kahit anong hanap nila sa bawat sulok, walang kahit anong bakas ni Talia.Mas lalong tumigas ang panga ni Caden. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili, kahit kumakabog ang dibdib niya sa galit at kaba.‘Sino ang may lakas ng loob na gawin ’to… sa harap ko mismo?’Isa-isang sumagi sa isip niya ang mga posibleng may gawa.Si Eva.Si Mr. Gold.At sa huli, si Lucas Lee.Bigla siyang napatigil.‘Bumalik siya…?’Agad siyang nagbigay ng panibagong utos sa mga tauhan ng mga oras na iyon.“Hatiin ang grupo. Yung iba, manatili sa mansyon. Yung iba, hanapin si Lucas Lee sa buong Grey Wharf.”Sa gilid, nag-alinlangan si Lyndon bago nagsalita.“Sir, baka pwede po nating hingin ang tulong ni Mr. Crest. Malawak po ang impluwensya niya rito sa Grey Wharf. Mas mapapabilis po ang paghah

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 191

    MARIING tumaas ang boses ni Caden, malamig, diretso, at walang bahid ng pag-aalinlangan.“Pasukin niyo ang loob. Baliin niyo ang mga kamay ni Mr. Gold.”Nanigas si Talia sa narinig. Dahan-dahan siyang napatingala sa lalaki, halatang hindi makapaniwala.‘Kagagamot ko lang sa kan'ya ah?’Sa kabilang banda, biglang nanghina si Eva sa narinig. Namutla ang mukha niya at halos mawalan ng balanse sa kinatatayuan.“Mr. Montclair, please!” halos pakiusap na sigaw niya. “Mahina pa ang kuya ko! Kung may nagawa man siyang mali, pagbigyan niyo na! Huwag niyo siyang saktan!”Ngunit ni hindi man lang kumurap si Caden. Isang malamig na tingin lang ang ibinigay niya, walang awa, walang pag-aalinlangan.“May hinawakan siyang hindi niya dapat hinawakan,” mababa ngunit mariin niyang sabi. “Kaya kailangan niyang pagbayaran ‘yon.”Tumahimik ang paligid, at pagkaraan ng ilang segundo, malamig pa niyang idinagdag na, “Sana tuparin mo ang usapan natin, Miss Gold.”Bahagyang napayuko si Eva. Alam niya kung ano

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 190

    MAGULO ang isip ni Talia ng mga sandaling iyon at parang sabay-sabay na bumubuhos ang mga emosyon sa dibdib niya. Ang tibok ng puso niya ay sobrang bilis na parang anumang sandali, kakawala ito mula kanyang dibdib.Hanggang sa hindi na niya kinaya pa ang emosyon. Marahan pero may diin niyang itinulak niya si Caden palayo. Hindi na rin siya tumingin pa, at agad siyang tumalikod at mabilis na naglakad papasok ng villa.Nanatili si Caden sa kinatatayuan niya, tahimik na nakatingin sa likod ni Talia habang papalayo ito. Dahan-dahang sumilay ang simpleng ngiti sa manipis niyang labi.“So you really cared that much,” mahina niyang bulong.Ngunit kasunod niyon, biglang nanghina ang tuhod niya at umikot ang kanyang paningin. Napahawak siya sa mesa at sa isang iglap, may dugong lumabas mula sa kanyang bibig at dahan-dahang tumulo sa ibabaw ng berdeng mga bulaklak.“Sir!” gulat na sigaw ni Lyndon at agad siyang sumugod palapit. “Anong nangyayari? Dadalhin na ba kita sa ospital?”Bahagyang umili

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 189

    BAHAGYANG tumalim ang ekspresyon ni Eva, hindi na nito napigilan ang inis.“Anong ibig mong sabihin?” matigas niyang tanong. “Gusto kong sumama ka ngayon.”Naputol ang tensyon nang malamig na sumingit si Caden.“Lyndon, ihatid mo siya palabas.”Agad na pumasok si Lyndon at maayos ngunit may diin na inaya si Eva na lumabas ng silid.Nanatiling kalmado si Talia, ngunit may bahagyang kirot na nakatago sa kanyang mga mata. Dahan-dahan siyang nagsalita.“Gusto mo ba talaga na iligtas ko siya?”“Kahit na siya ’yung nambastos sa akin?” tanong ni Talia na ang tinutukoy ay ang gabing iniligtas siya ni Caden sa kamay ni Mr. Gold.Isang simpleng tanong pero sapat para yumanig ang lahat. Sandaling natahimik si Caden.“Actually, hindi naman talaga—” napahinto siya, tila naghahanap ng tamang salita. “Hindi niya intensyong bastusin ka noong gabing ’yon…” Huminga nang malalim si Talia, saka tuluyang nagsalita.“Alam mo ba kung bakit siya nalason? Kung sino ang may gawa?”Biglang nanikip ang dibdib n

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 18

    BIGLANG nagkagulo ang buong club. Mabilis na lumabas si Lyndon mula sa loob at tumabi kay Caden. Bahagya niyang hininaan ang boses.“Sir, may kailangan ba tayong gawin?”Nanatiling malamig at matigas ang ekspresyon ni Caden. Dahan-dahang umikot ang tingin niya sa paligid, sa ilaw, sa mga anino, sa kaguluhan na parang walang kahit anong nakakaapekto sa kanya.“Wala,” maikli niyang sagot, kasinglamig ng hangin. “Hindi na kailangan. Umalis na tayo.”Hindi na siya lumingon pa at diretsong naglakad palabas. Paglabas, hinubad niya ang coat at walang pakialam na itinapon iyon sa basurahan sa gilid. Kumapit kasi doon ang pabango ng babaeng iyon at nasusuka lang siya sa amot niyon.Samantala, isa-isang binubuksan ng search team ang mga private room. Nang marating nila ang isang VIP room, bumungad sa kanila si Mr. Crest na kampanteng nakahiga sa sofa, may dalawang babae sa magkabilang gilid. Ang isa’y nakasandal, at ang isa nama’y nagpapainom alak dito.Malakas ang amoy ng alak at pabango sa lo

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 80

    HABANG binubuhat ni Caden si Talia pabalik ng manor, napansin niya ang biglang pagdikit nito sa dibdib niya, soft, warm, at medyo mabigat ang paghinga. The wine was clearly taking effect.Her eyes were closed, long lashes trembling lightly. Then she whispered, voice small, broken na parang mula sa

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-26
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 81

    KINABUKASAN, nagising si Talia nang mas magaang ang pakiramdam.She stretched a little, blinking at the soft sunlight filtering through the curtains.Hindi na niya maalala ang lahat. She had forgotten she got drunk last night…And she definitely didn’t know na halos hindi nakatulog si Caden dahil s

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-26
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 77

    PAST 1PM na pero hindi pa rin kumakain si Caden. Nakaharap siya sa mahahabang financial reports, expression cold, blank, at parang sinasabing “Huwag niyo ’kong istorbohin.” The atmosphere in his office was suffocating, sobrang tahimik, sobrang lamig, na parang sapat nang pumasok para manlamig ang

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-25
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 74

    KINABUKASAN, maalinsangan pero tahimik ang simoy ng hangin sa Tagaytay Highlands. Maaga pa, pero malinaw ang liwanag na pumapasok sa malaking bintana ng guest room na tinutuluyan ni Talia.Nagising siya nang maramdaman niyang hindi na masyadong masakit ang pagkabagsak niya kagabi. She gently moved

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-25
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status