MasukHAPON na nang magising si Talia. Pagkamulat niya ng mga mata, nakita niyang kasama ni Bea ang mommy nito, si Mrs. Marissa Santiago, dala ang tupperware na may lamang mainit na lugaw.
“Gising ka na, anak?” malumanay na bati ni Marissa sa babae, sabay lapit sa hospital bed. “Besty!” naiiyak namang bulalas naman ni Bea nang makita ang bestfriend. “Sobra akong nag-alala sa'yo!” Kahit may kirot na nararamdaman sa sinapupunan, pinilit ni Talia na ngumiti sa kaibigan. “O-Okay na ako... Wag ka nang mag-alala...” “Halika, anak. Kumain ka muna para mainitan ang sikmura mo at lumakas ka,” sabat naman ng ni Marissa dala ang tupperware. “Thanks po, Tita Mari,” mahinang turan naman ni Talia saka akma sanang babangon pero mabilis siyang pinigilan ng ginang. “Don't move, anak. Susubuan na lang kita,” nakangiting sabi pa ni Marissa, sabay ihip ng lugaw at isinubo sa kan'ya. Bea stood frozen, her chest tightening as she looked at her friend. The silence around them felt unbearable—heavy with grief and disbelief. She could barely breathe, watching the woman she’d laughed with, shared secrets with, now lying there pale and broken. The baby her best friend had prayed for, waited for, dreamed about… was gone. Just like that. Bea wanted to say something—anything—but no words felt enough. All she could do was stay close, hoping her presence was enough to keep her friend from falling apart completely. Naalala ni Bea kung paano sila nagsimula bilang magkaibigan ni Talia. Noong college, nawalan ng matitirhan si Talia dahil sa sunog sa dorm. At dahil ulila na ito, siya mismo ang nag-aya kay Talia na doon muna tumira sa kanila. Simula noon, naging parang pamilya na Talia sa mga Santiago. Tinuring na rin nila ito bilang sariling kapamilya. Habang kumakain si Talia, tumunog ang cellphone phone ni Bea. Dinukot niya iyon sa bulsa ng suot niyang blazer at awtomatikong sumama ang mukha niya nang makita kung sino ang tinatawag— ang fiancé niyang si Raven Monteverde. “Raven, you better listen to me! If you don’t stop hanging out with Caden Montclair, we’re over! I swear, I’ll cancel the engagement and disappear from your life for good! Don’t you dare test me, Raven! I mean it!” Matapos sabihin iyon ay walang sabi-sabing pinatay ni Bea ang tawag, naninikip ang dibdib dahil sa matinding galit. “Bea…” mahinang sabi ni Talia, “please, wag mo nang gawin—” “No, Talia!” singit agad ni Bea, halos manginig sa tono. “I can’t stay quiet anymore! Caden Montclair hurt you, and yet my fiancé, Raven Monteverde, still chooses to be friends with that bastard? Whose side is he even on?!” Napahigpit ang hawak ni Bea sa cellphone niya. Ang pamilya nila ni Raven ay may family arrangement, matagal na silang engaged simula pa noong eighteen siya. Pero kahit gano’n, hindi nagbago ang attitude ni Bea— strong-willed, outspoken, at laging gusto ng control. Minsan nga, tinatawag siya ni Raven na “princess with claws.” --- Meanwhile, inside a private lounge of an exclusive club in Bonifacio Global City, the soft hum of classical music blended with the scent of expensive liquor and women’s perfume in the air. The atmosphere reeked of luxury and power, every laugh, every clink of glass, a quiet reminder that this was where the city’s elite came to play. Nasa loob ng VIP room sina Raven Monteverde, Caden Montclair, at Dark Laurent. Nakaupo si Raven, hawak ang phone, halatang stressed matapos ibaba ng fiancé niyang si Bea ang tawag “Bro, what the hell did you do this time? Bea’s furious—she said she’s breaking up with me if I don’t stay away from you! Seriously, what kind of mess did you get us into now?” Tumaas ang kilay ni Caden habang hawak ang baso ng whiskey, iniikot-ikot sa daliri habang malamig na nakatitig sa harap. Sa ilalim ng dim na ilaw ng VIP lounge, kumikislap ang amber na likido sa baso. Wala siyang imik, walang reaksyon, parang laging kalmado kahit halatang maraming laman ang isip. Sa tabi ni Caden, ay nakaupo ang isa pa niyang kaibigan na si Dark Laurent. Nakangisi habang hawak ang baso ng alak, at nakasampay ang magkabilang braso sa upuan. “Oh wow, bad mood na naman? Seriously, what’s her problem with Caden this time? Your fiancée acts like she’s in a constant competition with him! Come on, bro, be honest. Who’s it gonna be? Your precious Caden or your drama queen fiancée?” Napakamot naman ng ulo si Raven, halatang iritado. “I don’t even know anymore, bro. She gets mad over everything! One minute she’s fine, next she’s losing it. I’m done, let her be. Let’s just drink.” Pero ilang sandali pa'y biglang bumukas ang pinto ng VIP room. Pumasok ang isang babaeng matangkad, confident na naka-pulang halter dress na litaw ang hubog ng katawan, bawat hakbang parang pagmamay-ari niya ang buong lugar. Si Jessa Velasquez. Anak siya ng pamilyang Velasquez, may-ari ng isang film production empire, at isa sa mga sikat na top-tier actresses sa bansa. Kahapon lang, nag-trending ang ₱10M birthday celebration niya kasama si Caden Montclair, at mula noon, parang mas lalo pa siyang sumikat. Kung mapapakasal siya kay Caden, siguradong magiging “The Future Mrs. Montclair” siya— ang pinakamagandang title na puwedeng makuha ng kahit sinong babae sa high society. Nginitian niya si Caden, confident, parang sanay na sanay sa spotlight. Diretso siyang lumapit, hindi man lang pinansin ang mga titig ng ibang tao, at marahang ipinasok ang kamay sa braso ni Caden. Tapos, isinandal ang ulo sa balikat nito, na para bang pag-aari niya talaga ang lalaki. “Caden,” malambing niyang sabi, “can I be your date sa Montclair Gala this weekend?” Tahimik si Caden saglit, saka dahan-dahang ngumiti nang marahan. “I’ll have someone send you a gown tomorrow,” Nakangiting tumili si Jessa, obvious ang excitement. “I knew you’d say yes. You never disappoint.” Tumawa naman si Dark, sabay taas ng baso. “Uy, mukhang official na ‘to ah. Congratulations, Mrs. Soon-to-be Montclair!” Sumabay sin si Raven sa biruan, pero may halong sarkasmo. “Three years na rin naman since ‘yung agreement niyo, Caden. Time to finally move on, bro. Mukhang tapos na rin ‘yung paghihintay ni Jessa.” Napangisi si Jessa, sabay taas ng baso para makipag-toast. “Thanks, Dark, Raven. Alam mo naman, I waited long enough. This time, I’m not hiding behind anyone anymore.” Malinaw sa lahat na kampi sina Raven at Dark kay Jessa, lalo na’t matagal na ring lihim ang relasyon ni Caden at ni Talia. Wala halos nakakaalam noon, at sa mata ng publiko, si Caden ay isang eligible bachelor na walang sabit. Habang nagtatawanan pa sila, biglang tumunog ang phone ni Dark. Napaangat siya agad mula sa sofa, halatang excited nang makita ang message. “Fuck—! Bro, guess what? Dr. Nova is coming back!” Napalingon silang lahat. Tinaas ni Dark ang phone, ipinakita ang headline sa news app. “Renowned Filipino scientist Dr. Nova confirmed to attend next month’s Global Medical Summit.” Napanganga si Raven. “Seriously? ‘Yung Dr. Nova? The one who came up with the lung cancer treatment formula?” Tumango si Dark, halos nanginginig sa excitement. “Yes, bro! After three years of silence, she’s finally returning. Do you even know what this means?!” Nang marinig ang pangalan na binanggit ng kaibigan, ang kaninang malamig na mga mata ni Caden ay biglang nangislap. Bakit kaya?ILANG oras matapos umalis si Talia sa opisina ni Lucas, sakto nang magsasara na ang huling report sa laptop niya nang biglang tumunog ang cellphone. Nakita niyang si Bea ang nasa caller ID. Napapikit si Talia sandali bago sinagot ang tawag.“Baba ka na, now na,” bungad ni Bea sa kabilang linya, walang pasakalye. “Nasa baba na ’ko. Kain tayo, ‘yung mabigat. Tapos manonood tayo ng boxing. Kailangan mo ng eye candy.”“Bea—” Hindi pa man siya tapos magsalita ay sumabat na ito. “Walang excuse,” putol ng kaibigan. “Naka-park na ’ko. Five minutes.”Napabuntong-hininga si Talia. Isinara niya ang laptop, kinuha ang bag, at tuluyang bumaba.Sa lobby, halos mapanganga siya nang makita si Bea.Nakasakay ito sa pulang sports car, naka-sunglasses kahit gabi na, at suot ang puting backless halter dress na halatang hindi pang-ordinaryong lakad. Head to toe, confident at flamboyant.Pagkakita pa lang sa ayos ng kaibigan, alam na agad ni Talia kung saan sila pupunta.“Let me guess,” aniya habang sumas
SANDALING tumalim ang mga mata ni Caden. “Demon King?” marahan niyang inulit, halos hindi marinig. Isang pangalan na matagal na niyang narinig noon, isang multong dapat ay matagal nang nawala. Tumango si Liam. “Matagal na po siyang nagtatago. Ayon sa records, bigla siyang umatras sa illegal operations years ago at pumasok sa mga lehitimong negosyo tulad ng real estate, pharma, hospitality. Slowly, nilinis niya ang pangalan niya. Kung hindi dahil sa contact ko sa NBI Intelligence Division, hindi namin ’to mahuhukay.” Kinuha ni Caden ang folder. Mabilis niyang inisa-isa ang laman, mga litrato, financial trails, foreign bank movements, lumang kaso na biglang na-dismiss. Sa halip na magalit, bahagya siyang napangiti. Isang ngiting tuso. “I see...” marahan niyang sambit. “Kaya pala.” Ibinaba niya ang folder at marahang tinapik ang mesa. “Kahapon,” dugtong niya, mababa ang boses, “sobrang ingay ng pangalan ko sa internet...” Tumigil siya sandali, saka tumingin kay Liam. “Panahon
KINABUKASAN, pasado alas-nueve ay naroon na si Caden sa Lee Pharmaceutical. Basta na lang siyang pumasok sa CEO office na madilim ang anyo at nakakuyom ang mga kamao.“Lucas Lee!” sigaw ni Caden na nagtatagis ang mga ngipin sa galit.Samantalang si Lucas naman ay kalmado lang na nakaupo sa kanyang swivel chair habang nakatalikod at nakaharap sa floor-to-ceilling window. Kaagad sinugod ni Caden ang lalaki at hinawakan sa kwelyo saka inundayan ng malakas na suntok sa panga. Pero nakakapagtaka na ni hindi man lang lumaban si Lucas ng mga sandaling iyon. Hinayaan lang niyang tanggapin ang mga suntok ni Caden, at nanatili lang siyang nakatingin sa lalaki habang nakangisi.“Layuan mo si Talia! Gago ka! Wala kang karapatan na lapitan siya!” galit na galit na saad pa ni Caden sabay unday muli ng suntok, na sa pagkakataong iyon ay tumama sa ilong nito dahilan para pumutok iyon at magdugo.Pero nanatiling hindi lumalaban si Lucas, at nakatingin lang sa kanya ng makahulugan habang nakangisi. Da
HINDI nagtagal, kumalat ang mga larawan. Sa loob lamang ng ilang minuto, nagsimula nang gumalaw ang social media, mabagal sa una, halos hindi napapansin, pero eksaktong nasa ilalim ng isang mas malaking balita.Isang bagong trending topic. Hindi ito basta lantad. Parang sinadyang ilagay sa pagitan ng mga usaping showbiz at business news.#LucasLeeAndTaliaMarquezSpottedInFerrisWheelAtMidnightAng larawang kalakip ay isang silweta, isang lalaking yakap ang isang babae sa loob ng Ferris wheel cabin. Sa likuran, tanaw ang gabi ng Metro Manila, mga ilaw ng EDSA at Makati skyline na parang bituin sa lupa. Tahimik, pero punô ng emosyon.Ilan sa mga netizen na nakakita ay nag-comment kaagad. "Grabe. Hindi kailangang ipagsigawan. Ramdam mo 'yung sweetness." "Kung ganito naman ka-sweet, talo na talaga ang kahit sinong nag-propose sa stage."---Samantala, sa loob ng isang pribadong opisina, mahigpit na nakahawak si Caden sa cellphone niya. Kita sa screen niyon ang ang trending list. Nandoon pa
SA TERRACE ng ikatlong palapag, patuloy pa ring sumasayaw sa hangin ang mga pink rose petals. Ang mga drone sa itaas ay bumubuo pa rin ng kumikislap na “starlight,” parang walang pakialam sa kaguluhang kakapasok lang sa eksena.Napakaganda, pero at the same time ay mayroon ding dalang sakit.Sa gilid ng crowd, huminto si Talia. Ang ingay ng venue ay parang unti-unting lumalabo sa pandinig niya, habang ang mga ilaw ay tila nagiging malayo, parang panaginip na hindi niya sigurado kung gusto pa niyang tapusin.Ilang sandali pa'y biglang tumunog ang cellphone niya at isang pangalan ang lumitaw sa screen. Kay Caden.Natigilan siya. Ilang segundo siyang nakatitig lang sa screen, at parang may pumipiga sa dibdib niya habang pinipigilan siyang huminga. Pero sa huli, pinindot pa rin niya ang answer button upang sagutin ang tawag nito.“Talia, nasaan ka?” kaagad nitong tanong na may halong panic at pag-aalala ang boses.Huminga siya nang malalim bago sumagot. Pinili niyang gawing kalmado ang to
SA GITNA ikatlong palapag ay nakatayo ang babae sa entablado, nakatalikod sa karamihan. Bahagya niyang inangat ang ulo, sinusundan ng tingin ang drone performance sa itaas. Ang mga ilaw ay gumuguhit ng mga hugis sa langit, parang may sinisimulang kuwento na unti-unting binubuo sa harap ng lahat.Hindi niya napigilang mapahanga. Sa likod ng mga ilaw at engrandeng disenyo, ramdam niya ang bigat ng eksenang iyon na masyadong perpekto, masyadong planado. Isang setup na hindi basta-basta kayang ihanda ng kahit sino.Si Jessica.Bahagyang hinihingal, pinilit nitong makalusot sa pagitan ng mga bisita. Napahinto ito sandali, napatingin sa paligid at hindi nito napigilang mamangha sa eksenang bumungad sa kan'ya. Ang kisame na tila buhay, ang stage na puno ng bulaklak, ang moon-shaped archway na kumikislap sa ilalim ng mga ilaw.Hindi niya alam kung bakit, pero biglang bumigat ang dibdib niya. Parang may masamang pakiramdam na unti-unting umaakyat.Sa isip niya, bumalik ang mga pangyayari kanin







