MasukIlang minuto lang ang nakalipas mula nang umalis si Ria sa Elizalde Tower, pero parang isang habambuhay na ang nagdaan.
Nasa Emergency Room siya ngayon ng St. Luke’s. Basang-basa pa rin ang damit niya mula sa ulan, nanginginig sa ginaw ng aircon ng ospital, at sa takot. Ang amoy ng antiseptic at dugo ay nagpapahilo sa kanya. "Mrs. Elizalde?" tawag ng isang doktor na puro dugo ang scrub suit. Napatayo agad si Ria. "Doc, kamusta po ang asawa ko? Si Javi... si Javier?" Bumuntong-hininga ang doktor. "He is alive. Himala na nabuhay siya sa lagay ng sasakyan." Nakahinga nang maluwag si Ria. "Salamat sa Diyos. Pwede ko na po ba siyang makita?" "Wait, Misis. He survived, but... there are complications." Tinignan ng doktor ang chart. "Dahil sa lakas ng impact, nagkaroon ng severe trauma sa ulo niya. May mga bubog ng windshield na tumama sa mata niya." Huminto ang paghinga ni Ria. "Anong ibig niyong sabihin?" "We managed to save his life, but his vision... it’s compromised. As of now, he is clinically blind. Hindi namin masabi kung temporary o permanent hangga't hindi nawawala ang pamamaga ng nerves." Bulag. Ang mapagmataas na si Javier Elizalde, na laging tumitingin sa kanya nang may panghuhusga, ay hindi na makakakita ngayon. "Nasaan po siya?" tanong ni Ria, halos pabulong. "Nasa recovery room. Pwede niyo na siyang puntahan. Pero Misis, maghanda kayo. Emotional siya ngayon. Nagwawala siya kanina nung nalaman niyang wala siyang makita." Naglakad si Ria papunta sa kwarto ni Javi. Bawat hakbang ay mabigat. Galit pa rin siya. Gusto pa rin niyang umalis. Pero paano niya iiwan ang asawa niya sa ganitong kalagayan? Pagbukas niya ng pinto, nadatnan niya ang magulo na kwarto. Nasa sahig ang tray ng pagkain. Ang dextrose stand ay nakatumba. Si Javi ay nakaupo sa kama, may benda ang buong mata at ulo. Hinihingal. "Sino yan?!" sigaw ni Javi nang marinig ang pagbukas ng pinto. "Nurse?! Get me out of here! I can't see! Bakit ang dilim?!" Ang boses nito ay puno ng takot. Para itong batang nawawala sa dilim. Lumapit si Ria. Gusto niyang magsalita. Gusto niyang sabihin, "Javi, andito ako." Pero bago siya makapagbukas ng bibig, narinig niya ang boses ni Javi na humina, naging pakiusap. "Clarisse? Babe? Ikaw ba yan? Please... tell me you're here. Don't leave me." Napatigil si Ria. Kahit sa dilim, kahit sa bingit ng kamatayan, si Clarisse pa rin ang hinahanap nito. Napatingin si Ria sa pinto. Wala si Clarisse. Nalaman niya mula sa driver na si Clarisse ang kasama ni Javi sa kotse pero "gasgas lang" ang natamo nito at umalis agad ng ospital dahil ayaw madawit sa media. Iniwan nito si Javi. Pero si Javi, si Clarisse pa rin ang bukambibig. Lumapit si Ria sa kama. Hinawakan niya ang kamay ni Javi na nanginginig. Nang maramdaman ni Javi ang hawak, kumalma ito. Hinawakan nito nang mahigpit ang kamay ni Ria. "Clarisse... thank God," bulong ni Javi, umiiyak. "Nandito ka. Akala ko iniwan mo na ako. Huwag mo akong iiwan, please. Ikaw lang ang kailangan ko." Tinawag siyang Clarisse. Ang sakit. Doble, triple ang sakit kaysa kanina sa lobby. Hawak siya ng asawa niya, pero ibang pangalan ang binabanggit nito. Sasabihin sana ni Ria na "Hindi ako si Clarisse, ako si Ria, ang asawa mong tinapon mo," pero nakita niya kung paano kumapit si Javi sa kanya. Kung paano ito kumalma dahil akala nito ay kasama nito ang babaeng mahal nito. Kung sasabihin niya ang totoo, na si Ria ang nandito, baka magwala ulit ito. Baka palayasin siya nito. At sa lagay ni Javi ngayon, kailangan nito ng mag-aalaga. Walang ibang gagawa nun. Umalis na si Clarisse. Nasa abroad ang Mommy ni Javi. Siya lang ang meron si Javi. Pinisil ni Ria ang kamay ni Javi. Tumulo ang luha niya, pero hindi siya nagsalita. "Babe? Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong ni Javi. Sumenyas si Ria sa nurse na pumasok, nilagay ang daliri sa labi. Shhh. Kumuha siya ng notebook at ballpen sa bedside table. Nagsulat siya at pinakita sa nurse. “Tell him I lost my voice due to the accident shock. Tell him I’m here. Tell him I’m his Angel.” Binasa ng nurse ang note, nalilito pero tumango. "Sir Javi," sabi ng nurse. "Nandito po ang... partner niyo. Pero hindi po siya makapagsalita. Na-trauma po siya sa aksidente. Nawalan po siya ng boses pansamantala." Humigpit ang hawak ni Javi sa kamay ni Ria. Hinalikan niya ang palad nito—ang palad na magaspang dahil sa pagluluto at paglilinis, hindi malambot gaya ng kay Clarisse. Pero hindi niya napansin. "It's okay," sabi ni Javi, habang umiiyak sa kamay ni Ria. "Basta nandito ka. You act as my eyes, okay? Don't leave me inside this dark room alone." Tinignan ni Ria ang asawa niya. Sige, Javi. Papaniwalain kita. Magpapanggap siya. Hindi bilang si Clarisse, kundi bilang isang Angel na walang boses. Aalagaan niya ito hanggang sa gumaling ito. At kapag nakakita na ulit ito... kapag kaya na nitong tumayo... Doon na siya aalis. Habang yakap ni Javi ang kamay ni Ria, bumukas ang pinto. Pumasok ang Mommy ni Javi, si Donya Esmeralda, na kakarating lang galing airport. Nakita niya si Ria. Nanlaki ang mata ng matanda. Alam nito ang nangyayari. Alam nitong hindi si Clarisse ang nandoon. "Javi, anak!" sigaw ng Donya. Tumingin ito nang masama kay Ria. "Anong ginagawa ng babaeng 'yan—" Mabilis na tumayo si Ria at hinarang ang Donya. Nagmakaawa ang mga mata niya. Please. Huwag ngayon. "Mom? Is that you?" tanong ni Javi. "Kasama ko si Clarisse. She lost her voice, Mom. Don't be mean to her." Natigilan si Donya Esmeralda. Tumingin siya kay Javi na bulag, tapos kay Ria na nagmamakaawa. Isang ngisi ang gumuhit sa labi ng matanda. Nakakita siya ng oportunidad. Libreng katulong. Libreng nurse. "Oh..." sabi ng Donya, nakatitig kay Ria nang may halong pagbabanta. "Yes, anak. Nandiyan ang... Angel mo. Good. Siguraduhin lang niyang aalagaan ka niya nang maayos. Or else." At doon nagsimula ang kasunduan sa impyerno.Dinala si Ria sa isang private conference room sa basement ng ospital. Walang tao, malamig, at walang bintana.Sa gitna ng mesa, nakaupo si Donya Esmeralda. Sa tabi niya, nakapatong ang isang makapal na envelope."Maupo ka," utos ng Donya.Umupo si Ria. Wala na siyang luhang mailalabas. Manhid na siya."Successful ang operasyon," panimula ng Donya. "Nakakita na ang anak ko. At masaya siya kasama si Clarisse. Magpapakasal na sila sa lalong madaling panahon.""Alam ko po," mahinang sagot ni Ria. "Narinig ko.""Good. Then this will be easy." Tinulak ng Donya ang envelope papunta kay Ria. "Sign the papers. Now."Binuksan ni Ria ang envelope. Annulment Papers. Nakapirma na si Javi. Ang petsa ng pirma ay noong bulag pa ito—noong si Ria mismo ang gumabay sa kamay nito.Ang irony ay nakakamatay."May kapalit 'yan," sabi ng Donya. "Isang check. 10 Million Pesos. Sapat na 'yan para makapagsimula ka sa probinsya at para sa gamot ng tatay mo habambuhay. Take it and disappear."Tinignan ni Ria ang
False alarm.Isang allergic reaction lang sa gamot ang nangyari, at naagapan agad ni Marco at ng team niya. Pero sapat na iyon para mapatigil ang puso ni Ria ng ilang minuto.Nasa chapel ng ospital ngayon si Ria. Nakaluhod. Nagdarasal."Lord, ibigay niyo na po sa kanya ang paningin niya. Kahit huwag na ako. Kahit mawala na ako sa buhay niya. Basta mabuhay siya nang maayos."Ito ang ultimate sacrifice. Ang bitawan ang taong mahal mo para sa ikabubuti nito.Bumalik siya sa Recovery Room hallway. Tahimik na. Sabi ng nurse sa station, stable na daw si Mr. Elizalde at gising na. Tinatanggal na ang benda.Nagtago si Ria sa likod ng malaking halaman malapit sa pinto. Nakabukas nang kaunti ang pinto kaya naririnig niya ang usapan.Nasa loob si Marco, si Clarisse, at ang Donya."Javi?" boses ni Marco. "Can you open your eyes slowly? Masakit sa simula dahil sa liwanag, pero normal lang 'yan."Katahimikan.Tapos, isang mahinang pagsinghap."Ang... ang liwanag," boses ni Javi. Basag, pero puno ng
Nasa lobby ng St. Luke’s si Ria. Hindi siya umuwi. Kahit tinapon siya palabas ng mansyon kaninang umaga, dumiretso siya dito. Naka-suot siya ng hoodie at shades para hindi makilala.Kailangan niyang malaman kung safe si Javi.Alas-dyis ng umaga ang schedule ng operasyon. Nakita niya sa malayo si Javi na naka-wheelchair, tinutulak ng orderly. Nasa tabi nito si Clarisse (na busy sa pagse-selfie) at si Donya Esmeralda.Mukhang balisa si Javi. Lingon nang lingon."Nasaan si Rona?" rinig ni Ria na tanong ni Javi. "I want to apologize to her. Mom, nasaan siya?""Umuwi na sa probinsya, anak," pagsisinungaling ng Donya. "Nahiya sa ginawa niya. Don't worry about her. Focus on your surgery.""Pero...""Shhh, Babe," sabi ni Clarisse, hinaplos ang balikat ni Javi. "I'm here. Ako ang Angel mo, remember? Ako ang maghihintay sa'yo paglabas mo."Nakita ni Ria kung paano bumagsak ang balikat ni Javi. Sumuko na ito.Pumasok na sila sa elevator papuntang Operating Room.Naiwan si Ria sa lobby, nakuyom a
Kinagabihan, bago ang araw ng operasyon, hindi mapakali si Javi. Paikot-ikot siya sa kama.Si Clarisse ay umuwi na sa condo nito ("Beauty rest daw para fresh bukas," ang sabi niya). Naiwan na naman si Ria—si Nurse Rona—na bantay-sarado."Nurse?" tawag ni Javi sa dilim.Lumapit si Ria at inayos ang kumot nito."Hindi ako makatulog," sabi ni Javi. "Kinakabahan ako. What if... what if it fails? What if I stay blind forever?"Hinawakan ni Ria ang kamay ni Javi at dinala ito sa kanyang dibdib (sa ibabaw ng nurse uniform). Gusto niyang iparamdam ang tibok ng puso niya. Calm down. I'm here.Naramdaman ni Javi ang bilis ng tibok ng puso ni Ria."Your heart is beating fast too," bulong ni Javi. "Are you scared for me, Rona?"Tinapik ni Ria ang kamay nito. Yes."You know..." humigpit ang hawak ni Javi. "I never told anyone this. Not even my mom. But I regret how I treated my wife."Natigilan si Ria. Parang huminto ang mundo."Maria..." banggit ni Javi sa pangalan niya na parang isang dasal. "I
Dalawang araw bago ang operasyon. Ang hangin sa loob ng kwarto ni Javi ay mabigat, puno ng kaba at hindi kimkim na mga salita.Nakaupo si Ria sa gilid ng kama, hawak ang isang libro. Binabasahan niya si Javi. Ito ang bagong routine nila. Dahil "pipi" si Nurse Rona, hindi siya pwedeng magsalita, kaya nagpe-play siya ng audiobook sa cellphone niya, o di kaya ay kumakatok sa mesa para mag-communicate. Pero ngayong gabi, gusto ni Javi na hawakan lang ni Ria ang libro habang nakikinig ito sa huni ng hangin sa labas."Nurse Rona," basag ni Javi sa katahimikan.Tinapik ni Ria ang braso nito. Andito ako."Alam mo ba kung bakit takot akong magpa-opera?" tanong ni Javi, nakatitig sa kisame na hindi niya makita. "Hindi dahil sa sakit. Takot ako sa... makikita ko."Kumunot ang noo ni Ria. Kumuha siya ng notebook at nagsulat, tapos kinalabit si Javi para "isulat" sa palad nito ang tanong: B-A-K-I-T?Hinuli ni Javi ang kamay niya at hindi na binitawan."Kasi masaya ako sa dilim na 'to," pag-amin ni
Isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang "halik". Mas naging impyerno ang buhay ni Ria sa mansyon.Si Clarisse na ang boss. Si Javi, dahil sa guilt sa almost-cheating incident, ay sunud-sunuran sa lahat ng gusto ni Clarisse. Binigay nito ang access sa supplementary credit cards. Binigyan ng karapatang mag-decide sa bahay.Si Ria? Siya na ang official alalay. Utos dito, utos doon."Nurse Rona, linisin mo yung putik sa sapatos ko," utos ni Clarisse habang kumakain ng breakfast.Lumuhod si Ria at pinunasan ang sapatos. Nakatingin si Javi, walang imik, nakikinig lang."Babe, kailangan ba talagang nandito 'yang nurse na 'yan?" tanong ni Javi. "I feel uncomfortable around her after... you know.""Kailangan, Babe," sagot ni Clarisse, sabay subo ng bacon. "Wala akong time magbuhat sa'yo. Masakit ang likod ko. Hayaan mo siya diyan. Bayad naman siya eh."Biglang tumunog ang doorbell."Sino yan?" tanong ni Javi."Ako na titingin," mabilis na sabi ni Ria (sa isip lang). Tumayo siya pa







