Ang katahimikan sa lobby ng Elizalde Tower ay nakabibingi. Lahat ng mata—mula sa guard, receptionist, hanggang sa mga empleyadong nagpapanggap na nagtatrabaho—ay nakatuon sa tatlong tao sa gitna.Si Javi, na mukhang nahuli sa akto.Si Clarisse, na nakangisi ng tagumpay.At si Ria, na parang binuhusan ng malamig na tubig."Maria, let's talk outside," mabilis na sabi ni Javi, akmang hahawakan ang braso ni Ria para hilahin ito palabas. Ayaw niya ng iskandalo.Pero sa unang pagkakataon, umiwas si Ria."Huwag mo akong hawakan," mahina pero mariing sabi niya.Nagulat si Javi. Sanay siya sa Ria na sunud-sunuran. Sa Ria na laging humihingi ng tawad kahit hindi naman ito ang may kasalanan. Ang Ria na nasa harap niya ngayon ay may mata na punong-puno ng sakit, pero wala nang takot."Oh, come on," singit ni Clarisse, pinapagpag ang imaginary dust sa dress niya. "Wag ka na ngang mag-inarte diyan. Narinig mo naman, di ba? It's over. Pirma na lang ang kulang. Why don't you just leave and take your.
Terakhir Diperbarui : 2025-12-11 Baca selengkapnya