LOGIN“Paalam, Kurt.”Hindi lumingon si Ana nang lumabas sa kwarto. Sinundan ni Kurt ng tingin ang pagsara ng pinto, saka napatingin sa mga dokumento sa mesa. Tatlong taon niyang hiniling na matapos ang kanilang kasal. Ngayong si Ana na ang kusang umaalis, bakit hindi niya maramdaman ang inaasahang ginhawa?“Are you okay?” tanong ni Cedric habang inililigpit ang mga papel.“Does it look like I am?”Nang silang dalawa na lamang ang naroon, inilapag ni Kurt ang palad sa folder.“Cedric, delay the process. Huwag mo munang ipasa hangga't hindi ko sinasabi.”“Bro, bakit?”“Hindi ko alam. Nalilito ako.”“Hindi puwedeng ganyan. Siguraduhin mo ang nararamdaman mo tapos makipag-usap ka kay Ana.”Napatingin si Kurt sa pirma ng asawa. Isang simpleng paalam lamang ang iniwan nito.“You're being unfair,” dagdag ni Cedric. “Kung talagang nagbago ka, igalang mo ang desisyon niya.”“Alam ko.”“Then act like it. Mabuti pa bro, shot puno muna tayo. Handa akong makinig sa’yo. Pwede mo rin akong iyakan,” biro
“I hate you, Kurt!”Napatigil si Ana nang marinig ang sariling sigaw. Humarap siya sa bintana ng pasilyo at sinikap na pakalmahin ang paghinga.“Ana, you're right to be angry,” sabi ni Kurt. “But there's something I need to admit.”“Ayaw ko nang makinig sa’yo.”“Please. Just this once.”Hindi niya ibinaba ang tawag.“Tama ka, Ana. Nagsinungaling ako kay Lolo noong gabing sinabi kong mahal kita.”Matagal na niyang alam na nagsinungaling si Kurt, ngunit iba pa rin ang marinig ang pag-amin mula mismo sa asawa.“Bakit mo ginawa?”“I wanted Lolo to believe our marriage was working. Mommy and I were worried about what he might do with his properties if he found out the truth.”“Pati ang pagiging mabait mo sa akin, kasama sa plano ninyo?”“Ana, I'm sorry.”“Huwag mong unahin ang paghingi ng tawad. Sagutin mo ako.”Tumagal ang katahimikan bago ito nagsalita.“I started treating you differently because of that conversation. But not everything afterward was an act.”“Alin doon ang totoo, Kurt?
Bakit ngayon nagpapakita ng interes si Kurt? May alam na ba ito sa alok ni Lolo Alejandro?Napatingin si Ana sa folder sa mesa. Hawak pa rin niya ang cellphone habang naghihintay si Kurt sa kabilang linya.“Ana? Are you still there?”“Oo. May iniisip lang ako.”“About what?”“Wala naman. May kailangan ka pa ba?”“I just wanted to hear your voice.”Tatlong taon niyang hinintay ang mga salitang iyon. Ngayon, hindi na niya alam kung paniniwalaan pa niya.“Kurt, huwag mo nang uulitin ang pagtawag nang maraming beses kapag hindi kita sinasagot.”“I'm sorry. I shouldn't have done that.”“Kung may mahalaga kang sasabihin, magpadala ka ng mensahe. Hindi mo ako puwedeng tawagan anumang oras na gusto mo. May trabaho ako.”“I understand. Can we have dinner sometime?”“Para saan?”“I want to spend time with you.”“Hindi ako interesado.”“Okay. I won't bother you again tonight.”Pagkababa ng tawag, isinara ni Ana ang folder. Hindi pa niya tinatanggap ang alok ng matanda, at wala siyang balak bangg
“Dahil hindi si Kurt ang pinili kong pagtiwalaan sa bahaging ito ng negosyo, Ana. Ikaw.”Hindi makasagot si Ana. Nasa harap pa rin niya ang folder ng mga investment ni Don Alejandro.“Lolo, apo ninyo po si Kurt. Hindi po ba dapat ay sa kanya po ninyo ibigay ang shares ninyo?”“May propesyon at sariling kumpanya si Kurt. Sa kanya ko iniwan ang halos lahat ng ari-arian ko. Pero ang bahagi ko sa hotel at resort businesses, lalo na sa Wonder World Resort, sa iyo ko gustong ipagkatiwala.”Hinaplos ng matanda ang gilid ng folder.“Mahal na mahal ng Esmeralda ko ang resort na ito. Alam kong hindi mo ito pababayaan.”Ipinaliwanag nitong may sarili nang shares ang ibang miyembro ng pamilya. Personal na bahagi lamang ni Don Alejandro ang iniaalok sa kanya.“Pero Lolo, hindi po ninyo kailangang gawin ito dahil naaawa kayo sa akin.”“Hindi awa, hija. Pagtitiwala.”Napatingin si Ana sa mga pahina. Hindi niya kayang isipin ang pananagutan sa ganoon kalaking negosyo.“Puwede po bang pag-isipan ko mu
“Ana, hija, libre ka ba? May gusto sana akong sabihin sa iyo.”Napaupo si Ana sa gilid ng kama. Hindi karaniwang tumatawag si Lolo Alejandro nang ganitong oras.“Opo, Lolo. May problema po ba?”“Wala naman. May mahalaga lang akong gustong pag-usapan natin.”“Tungkol po saan?”“Tungkol sa iyo.”“Hindi po ba puwedeng dito na lang sa telepono?”“Mas mabuti kung personal. Kung hindi ka pagod, dumaan ka rito sa kuwarto ko.”“Opo. Papunta na po ako.”“At Ana, huwag mo munang sabihin kay Kurt ang pag-uusapan natin.”Hindi na siya nakapagtanong dahil nagpaalam na ang matanda. Nagpalit siya ng damit at lumabas ng staff accommodation. Ilang minutong lakad lamang ang gusaling tinutuluyan ni Don Alejandro sa loob ng Wonder World Resort. Tahimik na ang daanan, at iilan na lamang ang mga ilaw na nakasindi sa hardin.Pagkatok niya, narinig niyang pinapasok siya nito. Nakaupo ang matanda sa tabi ng maliit na mesa, kung saan may nakahandang folder at baso ng tubig.“Kumusta po kayo, Lolo?”“Mabuti nam
“Sinong kasama mo?” ulit ni Chloe mula sa speaker ng sasakyan.Napatingin si Ana kay Kurt. Humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela, ngunit nanatiling nakatuon ang mga mata sa daan.“Chloe, I'm driving. And I'm with Ana.”“Hanggang ngayon, kasama mo pa rin siya?”“Her father was hospitalized. I went with her to the province.”“Pero bakit ilang araw ka roon? Hindi mo man lang sinasagot ang tawag ko.”“Hindi ko kailangang ipaliwanag ang bawat desisyon ko, Chloe.”Tumingin si Ana sa bintana. Naalala niya ang mga araw na inuuna ni Kurt ang mga tawag ni Chloe kahit magkasabay silang kumakain. Hindi niya alam kung bakit iba ang pakikitungo nito ngayon. Noong nasa mansyon pa siya, halos kailangan niyang magpaalam bago makausap nang matagal ang sariling asawa. Ngayon, si Chloe naman ang humihingi ng paliwanag dito.“Can we talk when you get back?” tanong ni Chloe. “I miss you.”“Chloe, I told you before. I'm still legally married. And I don't want to give you promises I can't keep.”Sandali







