Mag-log in“Susunduin mo ako?” Hindi maitago ni Avery ang pagkagulat. “Kurt, hindi pa nga ligtas ang mga daan.”“Puwede naman akong maghintay sa pinakamalapit na lugar na puwedeng daanan. I-share mo lang ang location mo para mapuntahan kita.”“Hindi na kailangan. Hinihintay pa naming makumpirmang ligtas ang biyahe.”“Kung hindi talaga madaanan, puwede nating gamitin ang private jet ni Don Aurelio.”Napahawak si Avery sa noo.“Kurt, may bagyo. Hindi rin basta makalilipad ang eroplano sa ganitong panahon. At saka maayos naman ako rito.”Sa harap niya, tahimik na isinara ni Nick ang bag. Naririnig nito ang pag-uusap dahil hindi naman siya lumayo habang kausap si Kurt.“Sandali,” sabi ng kausap. “Mag-isa ka ba riyan?”“Hindi. Kasama ko si Nick.”Ilang segundo itong hindi nagsalita.“Si Nicholas Araneta?”“Oo.”“Safe ka ba riyan, Avery? Maayos naman ba ang lahat?”Napatingin siya sa asawa. Kinuha nito ang basang damit na nakahiwalay sa kama at inilagay sa plastic bag.Hindi niya nagustuhan ang direks
Nauna si Avery na magbaba ng tingin.Nasa gilid ng kama si Nick, inaayos ang kumot upang matakpan ang kanyang mga paa. Sa likuran nito, naglalagay ng maliliit na anino sa dingding ang emergency lamp.“Hindi mo ako kailangang alagaan.”Huminto ito, saka tumingin sa kanya.“Magpahinga ka lang. Isipin mo na lang, nurse ako.”“Naku, wala akong ipapasweldo sa’yo.”Napangiti rin siya bago ibinalik ang tingin sa kumot.Kaytagal niyang hinintay ang ganitong pag-aasikaso mula sa asawa. Sayang, huli na.Inilapit ni Nick ang maliit na mesa sa kama. Inihanay nito ang tubig, tissue, telepono, at thermometer.“Dito lahat. Sabihin mo kung may kailangan ka.”Hinila nito ang silya.“Dito muna ako, okay lang? Para makatulog ka.”“Hindi ka aalis?”“Sa kuwarto lang.”Tumango siya.Nang humiga siya, inayos nito ang lamp upang hindi tumapat sa kanyang mukha. Pagkatapos, naupo sa silya at inilabas ang sariling telepono.Walang tanong kung bakit hindi pa niya ito mapatawad.Walang pagtatangkang hawakan siya.
“Ipapahanap ko kay Atty. Tuazon ang lahat ng transaksiyong dumaan sa Apex Solutions.”Inilapag ni Nick ang dokumento. Humigpit ang panga nito, ngunit hindi tumaas ang boses.“Maaari akong humingi ng kopya?”Tumango si Engr. Santos.Habang kinukunan ni Nick ang mga pahina, pinagmasdan ni Avery ang lagda ni Benitez. Hindi na lamang koneksiyon sa supplier ang nasa harap nila. May utos, may pirmadong papel, at may taong personal na tumanggap niyon.Tinawagan ni Nick ang abogado at ipinaliwanag ang nakita.“Kailangan nating siyasatin. Ipapadala ko ang kopya.”Binalingan ni Avery ang engineer.“Ingatan po ninyo ang orihinal na kopya ninyo at ang mensahe tungkol sa pagbabanta. Huwag kayong mag-alala at magpapadala ako ng security dito sa lugar ninyo o mas mainam maihanap kayo ng safehouse. Tatawagan kita agad kapag naipaayos ko na.”“Opo, Attorney.”Nang magpaalam sila, lumapit ito sa pintuan.“Mag-ingat po kayo. Tumataas na raw ang tubig sa daang pabalik sa bayan.”Nagpasalamat sila at nagp
“Oo. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi na ako galit. Pero mas malaki ang sakit kaysa sa galit. Gusto kong kalimutan na lang ang lahat, pero hindi ko magawa,” ani Avery. Naramdaman niyang namuo ang luha sa kanyang mga mata.Nanatili siyang nakatingin sa kisame. Mas madaling magsalita kapag hindi niya nakikita ang mukha ni Nick.Sa pagitan nila, may unan pa ring nakaharang.“May mga araw na gusto kong maniwala sa iyo,” patuloy niya. “Tapos maaalala kong naniwala rin naman ako noon. Pero niloko mo lang ako.”Narinig niya ang paghinga nito.“Hindi ko alam kung paano magiging panatag kung kailangan ko pang isipin kung totoo ang sinasabi mo.” Napalunok siya. “Sa totoo lang, wala akong tiwala sa iyo. At hindi ko alam kung paano maibabalik ang nasirang tiwala.”Hindi siya sinalungat ni Nick.Sa labas, tumama ang ulan sa salamin. Hinintay niyang may paliwanag itong ibigay sa lahat ng pagkakamaling nagawa nito. Ngunit hindi nito ipinagtanggol ang sarili.“Gusto ko lang malaman mong naii
“Nasa probinsya po ako, Attorney.”Napatingin si Avery kay Nick. Nakaparada pa rin sila sa tapat ng walang taong bahay ni Engineer Santos.“Kasama ninyo ang pamilya ninyo?”“Opo. Dito muna ako nagtago.”“Ingatan ninyo ang mga mensaheng natanggap ninyo. Kailangan ko kayong makausap nang personal.”Pumayag itong makipagkita kinabukasan at ibinigay ang address. Inulit ni Avery ang mga detalye bago ibinaba ang tawag.“Nasa pamilya niya,” sabi niya kay Nick. “Sa umaga pa niya tayo makakausap.”“Aalis tayo ngayon?”Tiningnan niya ang oras. Kung uuwi pa sila, kailangan nilang bumiyahe nang napakaaga.“Kung kaya mo pang magmaneho.”“Kaya ko.”Lumayo siya ng bahagya. “May tatawagan lang ako.”Tinawagan niya si Yaya Mila. Ligtas ang mga bata sa mansyon. Ipinaliwanag niyang may pupuntahan siya para sa trabaho at hindi muna makakauwi. Kinausap niya ang mga anak bago nagpaalam.***Huminto sila sa isang maliit na mall bago lumabas ng lungsod. Bumili sila ng damit, underwear, at toiletries.Sa mga
“Mukhang hindi na siya darating.”Ibinaba ni Avery ang telepono. Ilang ulit na siyang tumawag, ngunit walang sumasagot. Sa harap nila, nakakandado pa rin ang site office. Patuloy ang pagtulo ng tubig mula sa alulod.“Puntahan natin sa bahay,” sabi ni Nick.Tumango siya. Mahalaga ang engineer upang maipaliwanag kung paano napalitan ang tunay na report. Hindi sapat na hawak niya ang magkaibang kopya kung may mga tanong na tanging ang gumawa ng orihinal ang makasasagot.Binuksan niya ang contact details na ibinigay nito nang una silang mag-usap.“May address ako.”Ipinakita niya iyon kay Nick, saka nagpadala ng mensahe kay Kurt.“Hindi namin siya nakita sa site. Pupuntahan namin sa bahay. Magbibigay ako ng update.”Habang inilalagay ni Nick ang address sa navigation, pinagmasdan niya ang walang ilaw na opisina.Sana nasa bahay lamang ang engineer. Hindi niya maiwasang mag-isip ng hindi maganda.***May naipong tubig sa gilid ng daan papunta sa kotse. Sinubukan ni Avery na tantiyahin kung







