MasukMabilis na binawi ni Kiara ang kamay bago maramdaman ni Cassian ang panginginig ng kanyang mga daliri.
“Tinanggal ko lang,” sagot niya.
Kumunot ang noo nito. “Bakit?”
“Sumikip sa daliri ko.”
Nanatili ang tingin ni Cassian sa kanyang kamay. Sa loob ng limang taon, hindi kailanman hinubad ni Kiara ang wedding ring niya. Kahit natutulog o naliligo, suot niya iyon dahil si Cassian mismo ang naglagay noon sa kanyang daliri sa araw ng kanilang kasal.
“Nasaan?” tanong nito.
“Nasa bag ko.”
Hindi niya alam kung naniwala ito. Ilang segundo pa siyang pinagmasdan ni Cassian bago nito hinawakan ang kanyang pulsuhan.
Napasinghap siya.
Malamig ang palad nito, ang parehong kamay na humaplos sa katawan ni Natasha ilang oras lamang ang nakararaan.
“Ang init mo.” Dumampi ang likod ng kamay nito sa kanyang noo. “May lagnat ka.”
Kusang napapikit si Kiara. Noon, sapat na ang simpleng pag-aalala nito upang umasa siyang may puwang na siya sa puso nito. Ngayon, bawat haplos ay parang kasinungalingang inilalapat sa balat niya.
“Saan ka ba galing?” tanong ni Cassian.
“Lumabas lang ako saglit.”
“Sa gitna ng ulan?”
Hindi siya sumagot. Sa halip, inilayo niya ang mukha at isinara ang laptop.
“Kumusta ang business meeting mo?”
Walang pag-aalinlangang tumingin si Cassian sa kanyang mga mata. “Inabot kami ng madaling-araw.”
Napunta ang tingin nito sa sariling damit. “Natapunan ng alak ang polo ko. Buti na lang may dala akong extra sa kotse.”
Putang-ina.
Alin pa sa mga sinasabi at ipinakita nito sa kanya ang totoo?
Ang mga gabing umuuwi itong pagod? Ang mga business trip? Ang mga tawag na kailangan nitong sagutin sa labas ng silid? Ilang beses na ba siyang ngumiti at naniwala habang pinagmumukha siya nitong tanga?
Pinigil ni Kiara ang pagbalong ng luha.
“Okay,” sabi niya kasabay ng pilit na ngiti. “I’m glad naging maayos ang meeting.”
Lalong kumunot ang noo ni Cassian. “May problema ba?”
“Wala. Nilalagnat lang siguro ako.”
Muli nitong hinawakan ang kanyang noo bago tumingin sa mga sketch na nakalatag sa drafting table.
“Magpahinga ka muna. Pero kailangan kong makita mamaya ang final designs para sa bagong collection. May board meeting tayo ngayong hapon.”
Napatitig si Kiara sa asawa.
May sakit siya. Maputla at halatang hindi nakatulog. Ngunit ang mga disenyo pa rin ang inalala nito.
Hindi siya kailangan ni Cassian bilang asawa.
Kailangan siya ng Montecillo Fine Jewelry bilang designer.
“Papasok ako sa kumpanya,” tugon niya.
“Kaya mo ba?”
“Oo. Kailangan ninyo ang designs, hindi ba?”
Sandaling tumigas ang panga nito. “Oo. Kailangan na talaga.”
Pagkaalis ni Cassian sa design room, saka lamang nakahinga nang maayos si Kiara.
Hindi pa siya maaaring umalis nang walang plano. Umaasa sa sweldo niya ang pamilya niya, at malapit na ang bayaran ng matrikula nina Kendra at Klaire. Kailangan muna niyang tiyaking may matitira sa kanya kapag tuluyan siyang lumayo kay Cassian.
Uminom siya ng gamot at nagpahinga hanggang sa bumaba ang kanyang lagnat. Bago magtanghali, naligo siya, nagbihis, at nagmaneho papunta sa kumpanya.
Pagdating sa sariling opisina, ikinandado niya ang p***o at isinaksak sa computer ang kanyang external drive. Kinopya niya ang personal niyang portfolio at ang mga disenyong ginawa niya bago pa siya naging bahagi ng Montecillo Fine Jewelry. Inihiwalay din niya ang mga dokumentong nagpapatunay kung kailan niya nilikha ang bawat isa.
Pagkatapos, binuksan niya ang presentation para sa bagong collection.
Isa-isa niyang inalis ang pinakamagagandang disenyong ilang buwan niyang pinaghirapan ngunit hindi pa naipapakita o naipapasa sa board. Pinalitan niya ang mga iyon ng mas payak na bersiyong pasok pa rin sa konseptong una nang inaprubahan ng mga ito.
Hindi niya sisirain ang presentation. Hindi rin niya hahayaang masira ang pangalan niya bilang designer. Ngunit hindi na niya ibibigay kay Cassian ang mga obrang maaari niyang gawing pundasyon ng sarili niyang tatak balang araw.
Katapos lamang niyang i-save ang bagong file nang makatanggap siya ng mensahe mula sa sekretarya ni Cassian. Tinatawag na siya sa conference room.
Pagpasok niya roon, nasa dulo ng mahabang mesa si Cassian. Ngunit hindi ang mga miyembro ng board ang unang nakaagaw sa pansin niya.
Si Natasha.
“Kiara!” masiglang bati nito.
Tumayo si Natasha at sinalubong siya na para bang hindi ito ang babaeng nakita niyang kahalikan ng asawa kagabi. Nakipagbeso pa ito sa kanya. Nang magdikit ang kanilang mga pisngi, umahon ang galit sa dibdib ni Kiara.
“Ang tagal nating hindi nagkita,” sabi ni Natasha. “Sana makalimutan na natin ang nangyari noon. Magkakaibigan naman tayong tatlo.”
Kaibigan.
Halos matawa si Kiara sa kapal ng mukha nito.
Pinanatili niya ang ngiti. “Of course.”
“Si Natasha ang magiging mukha ng international campaign natin,” paliwanag ni Cassian. “Malakas ang pangalan niya sa European market.”
Tumango si Kiara, ngunit napako ang tingin niya sa kuwintas na suot ng babae.
Isang jade pendant na napalilibutan ng maliliit na diyamante.
Kilala niya iyon.
Noong nakaraang taon, siya mismo ang hiningan ni Cassian ng opinyon tungkol sa kalidad ng batong gagamitin para roon. Sinabi nitong regalo iyon para sa isang mahalagang kliyente sa Europe. Hindi na niya tinanong kung sino dahil bahagi ng trabaho nito ang pagbibigay ng mamahaling regalo sa mga negosyanteng konektado sa kumpanya.
Ngayon, nakasabit iyon sa leeg ni Natasha.
Hindi nagsimula kagabi ang pagtataksil.
Matagal na silang nagkikita.
Mga hayop.
Sa buong presentation, nanatiling kalmado si Kiara. Ipinaliwanag niya ang konsepto ng collection at sinagot ang mga tanong ng board na para bang hindi nakaupo sa silid ang dalawang taong sabay na nanloko sa kanya.
Pagsapit ng uwian, nakatanggap siya ng chat mula kay Cassian.
“May pupuntahan akong birthday ng kaibigan. Huwag mo na akong hintayin.”
Pinagmasdan ni Kiara ang mensahe bago isinilid sa bag ang kanyang telepono.
Iyon na ang pagkakataong hinihintay niya.
Nauna siyang bumaba sa basement at sumakay sa sariling kotse. Pumuwesto siya malapit sa exit, sa pagitan ng dalawang nakaparadang sasakyan. Nang lumabas ang itim na kotse ni Cassian, hinayaan muna niyang makalayo iyon bago siya sumunod.
Nanginginig ang kamay ni Kiara habang itinataas ang cellphone.Sa screen, malinaw na nakikita sina Cassian at Natasha sa loob ng VIP lounge. Nakahawak ang babae sa kuwelyo ng asawa niya habang magkadikit ang kanilang mga labi.Pinindot ni Kiara ang record button.Kailangan niyang kumuha ng ebidensya. Halos hindi na siya makahinga sa paninikip ng dibdib.Hindi umiwas si Cassian sa halik.Sa halip, pumulupot ang isang kamay nito sa baywang ni Natasha at inilapit pa ang katawan ng babae.May kung anong tuluyang naputol sa loob ni Kiara.Nawala ang takot na mahuli. Nawala rin ang boses ni Avery na paulit-ulit na nagpapaalalang kailangan niyang mag-ingat.Ibinaba niya ang cellphone at lumabas mula sa likod ng malaking halamang ornamental. Ilang mabilis na hakbang lamang ang pagitan niya at ng nakabukas na pinto ng VIP lounge.Itinulak niya iyon.Napalingon sina Cassian at Natasha. Mabilis na naghiwalay ang dalawa, ngunit huli na ang lahat.Napako ang tingin ni Cassian sa kanya. “Kiara?”Ti
Ilang minuto nang nakasalampak si Kiara sa malamig na tiles ng banyo. Nakatakip ang isang kamay sa bibig niya upang pigilan ang paglabas ng kanyang hikbi.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang litrato nina Cassian at Natasha, magkahawak-kamay habang pumapasok sa hotel noong gabing sinabi nitong may emergency meeting.May kumatok sa p***o.“Kiara? Kanina ka pa riyan. Okay ka lang?”Pinunasan niya ang mga luha at pinilit na tumayo. Binuksan niya ang gripo at naghilamos hanggang mawala ng bahagya ang pamumula sa kanyang mga mata.“Sumakit lang ang tiyan ko,” sagot niya.“Buksan mo ang p***o.”Huminga siya nang malalim bago lumabas. Sinalubong siya ni Cassian at hinawakan sa magkabilang braso.“Bakit mamumula ang mata mo? Umiyak ka ba?”“Hindi, naghilamos ako, nahilam ang mata ko ng sabon. Tsaka ang sakit ng tiyan ko.”“Kailangan ba nating pumunta sa ospital?”“Hindi. Baka sa kinain ko lang.”Nasa kamay pa nito ang cellphone. Nakabukas ang video call nila ni Lola Isabel.“Kiara, magpah
Nanginginig ang kamay ni Kiara habang hawak ang cellphone.“Friend, ipadala mo sa akin ang screenshots at links,” sabi niya kay Troy. “Ayokong umasa lang sa sinabi mo.”“Of course. Sandali.”Makalipas ang ilang segundo, sunod-sunod na dumating ang mga mensahe. Una ang screenshot ng dating business listing ni Natasha, kung saan nakalagay ang numerong itinago ni Cassian sa pangalang Bruno. Sumunod ang link sa account na ginamit nito para sa online shopping. Pareho ang numero.Binuksan ni Kiara ang bawat link at sinuri ang mga detalye.Natasha Madrigal.Hindi na iyon kutob lamang. May konkretong patunay na nagsinungaling sa kanya ang asawa.Nanginig ang buong katawan niya. Parang may mahigpit na kamay na pumipisil sa dibdib niya hanggang mawalan siya ng hangin. Gusto niyang puntahan si Cassian at isampal dito ang mga screenshot. Gusto rin niyang kaladkarin si Natasha palabas ng kumpanya.Ngunit pinigilan niya ang sarili.Kapag nalaman ng dalawa ang natuklasan niya, maaari nilang burahin
Mabilis na naglakad si Kiara sa direksiyong tinahak ni Cassian. Ilang tao ang nakapila sa bilihan ng snacks, habang may mga bagong dating na nagmamadaling pumasok sa katabing sinehan. Nilampasan niya ang mga ito at nagtungo sa hallway kung saan naroon ang mga restroom.Wala roon si Cassian.Hindi rin niya nakita si Natasha sa hanay ng mga babaeng naghihintay sa labas ng restroom.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang asawa. Nagri-ring ang tawag, ngunit hindi nito sinasagot.Ilang sandali pa siyang naghintay. Nang wala pa ring lumitaw sa dalawa, bumalik siya sa sinehan. Baka nasa ibang bahagi lamang ng mall si Cassian dahil maingay sa labas. Posible ring nasa loob na ng restroom si Natasha.Iyon ang mga paliwanag na pinilit niyang paniwalaan.Sa isang tagong sulok malapit sa service exit, tinanggihan ni Cassian ang tawag ni Kiara.Nakaharap sa kanya si Natasha, hawak pa ang cellphone na ginamit nitong tumawag.“Ano ba ang problema mo?” galit na tanong ni Cassian. “Bakit ka tumawag?
Hindi maialis ni Kiara ang tingin sa cellphone ni Cassian.Hindi niya hinawakan ang device, ngunit paulit-ulit niyang binasa ang message preview. Parang bawat salita ay may dalang kahulugang hindi niya matukoy.Sino si Bruno? At ano ang nangyari sa pagitan nila ni Cassian kagabi na hindi nito makalimutan?Tumigil ang tunog ng shower. Makalipas ang ilang segundo, bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas si Cassian na basa ang buhok at may tuwalyang nakapulupot sa baywang.Napako ang tingin nito sa mukha niya bago lumipat sa cellphone na nasa bedside table.“May problema ba?”“Sino si Bruno?”Sandaling hindi nakasagot si Cassian. Kinuha nito ang cellphone at binasa ang mensahe.“Supplier namin.”“Kasama mo siya kagabi?”“Oo. Siya ang kausap namin tungkol sa delayed delivery.”“Ano ang ibig niyang sabihin sa hindi niya makalimutan ang nangyari kagabi?”“Ang napagkasunduan naming deal. Malaki ang ibinaba niya sa presyo, kaya gusto niyang makipagkita ulit para ayusin ang kontrata.”Hindi natura
Hindi niya susundan si Cassian.Ilang minuto na siyang nakaupo sa dining room, nakatitig sa mensahe nito. Isang bahagi ng isip niya ang nag-uudyok na kunin ang susi ng kotse at alamin kung saan talaga ito naroon. Ngunit iyon mismo ang buhay na ayaw na niyang balikan, ang maghabol, magbantay, at maghanap ng kasinungalingan sa bawat kilos nito.Pinindot niya ang pangalan ni Cassian sa contacts.Hindi nito sinagot ang unang tawag.Makalipas ang ilang minuto, tumawag siya ulit. Umabot iyon sa voicemail.Lalong sumikip ang dibdib niya. Sa ikatlong pagkakataon, saka lamang sumagot si Cassian.“Kiara?” Mahina ang boses nito, ngunit maingay ang paligid. “Bakit?”“Nasa meeting ka pa ba?”“Yes. Nasa gitna pa kami ng discussion.”May narinig siyang mga boses sa background. Isa roon ang tila boses ng babae, ngunit hindi niya matiyak dahil may kalansing ng mga baso at sabay-sabay na nagsasalita ang mga tao.“Nasaan kayo?”“Sa labas kami nag-meeting. Maingay ba?”“Medyo.”“Sorry. Kailangan ko nang b
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






