“Sino ba naman kasi ang nagsabi sa’yong magpakalasing ka ng ganoon? Birthday iyon ng kaibigan mong si Sandra, pero ang ending ay namroblema pa siya sa inyo kung paano kayo iuuwi. Pinag-alaga at pinag-alala niyo pa siya sa inyo.”
Marahang paulit-ulit na hinihilot ni Aviannah ang magkabilang sentido ng kanyang ulo habang pinakikinggan ang panenermon ng kanyang yaya Vangie sa kanya.
“Oo na nga po, yaya, mali na po kami roon. Pero kasi masyado lang nagkasiyahan ang lahat kaya po ganoon,” nakapikit na sagot niya sa ginang.
“Ay kahit pa, kapag alam mong hindi mo na kaya, dapat ay tumigil ka na sa pag-inom,” saad ng yaya Vangie niya sa kanya saka nito inilapag sa harapan niya ang isang mainit na sabaw. “Ito oh, maganda ito para sa may mga hangover.”
“Salamat po.” Mabagal na kumilos si Aviannah upang tikman ang sabaw na hinanda ni Vangie sa kanya.
“Mamaya ay pababa na ang daddy at ang tita Cristy mo. Ayusin mo ang sarili mo dahil hindi nila alam na umuwi kang lasing kagabi,” pagkuwan ay sabi pa ni Vangie sa kanya.
“Mabuti naman po at hindi naman po ako sinumbong ni Mang Lito—”
“Hindi rin naman alam ni Lito na lasing kang umuwi kagabi eh,” putol sa kanya ni Vangie na bahagyang ikinatigil niya.
“Po? Eh kung ganoon… ibig sabihin po ba ay hinatid pa ako ni Sandra dito kagabi?”
“Hindi rin.”
“Huh?” Kumunot ang noo niya. Sigurado din naman siya na hindi si Jamie ang pwedeng maghatid sa kanya dahil wala itong dalang sasakyan kagabi. Isa pa ay alam niyang pareho silang nalasing na dalawa dahil wala silang tigil sa pag-shot. Dahil doon ay saka naman niya naisip si Alfred. Humigit siya ng malalim na paghinga saka muling nagsalita. “Kung ganoon ay si Alfred siguro ang naghatid sa akin dito kagabi. Mabuti na lang din at hindi niya tinawagan si daddy—”
“Hindi rin si Alfred,” putol muli ni Vangie sa kanya.
May pagtataka siyang tumitig sa kanyang yaya saka muling nagsalita. “Kung hindi si Mang Lito, hindi si Sandra, at hindi rin po si Alfred… ay sino po ang nag-uwi sa akin dito sa bahay kagabi?” tanong niya.
“Ang kuya mo,” deretsyong sagot naman ni Vangie na siyang agad na ikinasamid ni Aviannah.
“Ay sus maryosep! Ano ka bang bata ka?” tarantang sabi naman ni Vangie saka siya nito mabilis na inabutan ng inuming tubig.
Agad iyong kinuha ni Aviannah at ininom.
“What did you say?!” pagkuwan ay gulat na tanong niya matapos makabawi sa sarili.
“Oh? Bakit ba gulat na gulat ka diyan? Hindi ba nasabi sa iyo ng daddy at tita Cristy mo? Na kahapon ang dating ng kuya mo?”
“K-Kuya ko?” nauutal na tanong niya sa kanyang yaya.
“Oo. Ang kuya Andrei mo. Nandito na siya. Umuwi na ang kuya Andrei mo at siya ang sumundo sa iyo kagabi sa resto-bar.”
Kaagad na naramdaman ni Aviannah na tila ba sandaling huminto sa pagtibok ang puso niya dahil sa balitang nalaman mula sa kanyang yaya. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng maraming taon, ay muling nagbalik ang taong ayaw na sana niyang makitang muli.
“P-Pero… paanong sinundo niya ako kagabi?” nauutal na tanong niya.
“Kagabi kasi tumawag sa akin si Sandra. Sinabi niyang ipasundo ka na kay Lito dahil nga nakainom ka. Eh sakto namang nasa harap ko no’n ang kuya mo. Kaya nalaman niya.”
“Tapos?”
“Tapos sinabi niyang siya na lang daw ang susundo sa iyo. Hiningi niya sa akin ‘yong address ng resto-bar na binigay ni Sandra.”
Hirap siyang napalunok matapos matuklasan ang lahat ng iyon mula kay Vangie. Lalo ring tumindi ang sakit ng ulo niya dahil pilit niyang inaalala ang lahat ng nangyari kagabi. Pero kahit na isa at kahit na ano ay wala siyang maalala. Kaya naman hindi niya maiwasang hindi mainis ng lubusan sa kanyang sarili.
“Ano? Wala ka pa rin ba talagang maalalang kahit na ano?” tanong pa ni Vangie sa kanya.
“Wala po talaga akong maalala, yaya—” Sandali siyang natigilan. “Pero sandali, siya rin po ba ang nagdala sa akin sa kwarto?”
“Oo siya rin. Eh hindi naman kasi kita kayang buhatin. Masakit na ang mga tuhod ko.”
Muling umawang ang mga labi niya sa mga karagdagang impormasyon na kanyang nalaman. Parang sa isang iglap ay gusto niyang bumuka ang lupa para kainin siya nito dahil sa labis na kahihiyan. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil bakit sa dinami-dami ng pagkakataon na pwede siyang malasing ng ganoon kalala, ay ‘yong kagabi pa!
“Pero huwag ka nang mag-alala pa. Dahil tulad nga ng sinabi ko ay hindi naman alam ng daddy mo at ng tita Cristy mo na lasing ka kagabi. Hindi sinabi ng kuya Andrei mo sa kanila—”
“Please, yaya, stop calling him na kuya ko,” pagkuwan ay mabilis na putol niya kay Vangie. Bakas ang pagkainis at pagkairita sa kanyang mukha. “Hindi ko siya kuya.”
“Anong hindi? Anak siya ng tita Cristy mo. Asawa ng daddy mo. Kaya kapatid mo siya. Kuya mo siya—”
“Urgh!” Agad siyang tumayo at mabilis na tinalikuran si Vangie.
“Kita mo itong batang ito. Napakapilya at spoiled talaga. Saan ka pupunta? Ubusin mo itong sabaw at pagkatapos ay mag-almusal ka rito!”
Narinig niyang sabi ni Vangie na siyang binalewala niya at sa halip ay mabilis siyang nagtungo sa kanyang silid upang doon makapagtago. Anytime kasi ay baka lumabas si Andrei at magkita silang dalawa. Bagay na ayaw niyang mangyari.
“Okay. Kailangan kong umisip ng paraan,” pagkausap niya pa sa kanyang sarili pagkadating niya sa loob ng kanyang silid. “Wala akong kahit na anong maalala kagabi, it means, baka tulog ako the whole time kagabi no’ng dumating siya at inuwi ako. Tama. If that’s the case, for sure ay wala akong kahit na anong nasabi sa kanya. Well, dapat lang. Dapat lang talaga na wala akong nasabing kahit na ano sa kanya!” mahabang pagkausap niya sa kanyang sarili.
Maya-maya pa ay agad niyang naisipang tawagan ang kaibigang si Sandra.
“Hello, Avie? How are you? Kumusta ang pakiramdam mo? Hangover for sure—”
“Sandra! Tell me, anong nangyari kagabi?” mabilis na putol niya sa kaibigan pagkasagot nito ng tawag niya.
“Huh? Oh… well…”
“You know who picked me up last night, right?”
“Y-Yeah... it’s him, Avie.”
Humigit siya ng malalim na paghinga. “So, it’s true. Yaya Vangie is telling the truth.”
“Well, shock din talaga ako kagabi. Kung alam ko lang na dumating siya kahapon, hindi na sana ako tumawag kay Yaya Vangie para ipasundo ka. Sana ay pinahatid na agad kita kay Alfred. I’m sorry, Avie—”
“No, no, no, it’s okay. I mean… wala ka namang kasalanan kung siya ang sumundo at nag-uwi sa akin kagabi.”
Narinig niya ang malalim na paghinga ni Sandra mula sa kabilang linya saka ito muling nagsalita. “So, how are you now?”
“Masakit ang ulo ko and worst is… wala akong kahit na anong maalala mula nang magpass-out ako kagabi sa resto-bar.”
“Really? Kahit ‘yong… sinabi mo sa kanya… hindi mo rin maalala?” marahang tanong ni Sandra sa kanya na agad niyang ikinataranta.
“What?! Wait! What did I say to him?!”
“Uhm…”
“Come on, Sandra! Tell me! Anong sinabi ko sa kanya?! Anong nangyari kagabi noong sinundo niya ako?”
At nang mga sandaling iyon ay ikinuwento nga ni Sandra sa kanya ang mga nangyari kagabi nang sunduin siya ni Andrei.
“You? What are you doing here?” malalim na tanong ni Alfred kay Andrei nang huminto ito sa tapat nito.
Bumaba ang tingin ni Andrei sa natutulog na si Aviannah na naroon pa rin sa table.
“I’m here to pick up my sister,” seryosong sagot pa nito.
“A-Andrei! Kailan ka pa dumating?” singit na tanong ni Sandra.
“Kanina lang,” simpleng sagot naman ni Andrei kay Sandra saka ito nagsimulang humakbang patungo kay Aviannah. Pero agad itong natigilan nang harangin ito ni Alfred.
“Wait. Ako na ang maghahatid sa kanya.”
“What? Bakit kailangan mo pa siyang ihatid? Eh sinusundo ko na nga siya—”
“Alam mo kung bakit,” mabilis na putol ni Alfred kay Andrei.
“What?”
“Alam mong ayaw ka niyang makita.”
Sandaling katahimikan ang bumalot sa kapaligiran nang mga oras na iyon. At napukaw lamang iyon nang marahang bumangon si Aviannah mula sa pagkakayupayop sa table.
“Avie! Are you alright?” lapit ni Sandra kay Aviannah.
“I need to go home now,” nakapikit na sabi ni Aviannah.
“Yes, we will go home now. Let’s go,” ani Sandra saka nito marahang inalalayan sa pagtayo si Aviannah.
Agad namang lumapit si Alfred upang tulungan si Sandra, habang nananatiling tahimik na nakatitig lamang si Andrei kay Aviannah.
Pero bago pa man makahakbang ang mga ito ay humarang na si Andrei sa daraanan ng mga ito.
“You’re coming with me,” seryosong sabi ni Andrei kay Aviannah kahit pa nakapikit lamang ito at wala sa sariling katinuan dahil sa labis na kalasingan.
“I said that I will be the one to take her home—”
“I already said that my sister is coming with me,” Andrei cut off what Alfred was saying.
Pumalatak si Alfred sa sinabi ni Andrei. “You’re sister, huh.”
“Yes. She’s my sister anyway. Do you have a problem with that?” maangas na sabi naman ni Andrei kay Alfred.
Sa huli ay hindi na nga nakapalag pa si Alfred at hinayaan na nitong kuhanin ni Andrei si Aviannah.
Marahang nagmulat ng mga mata si Aviannah nang hawakan siya ni Andrei. Nakagat naman ni Sandra ang ibabang labi niya dahil sa kaba, na baka anong gawing eksena ng lasing niyang kaibigan kapag nalaman nitong nasa harap niyo ngayon ang lalaking ayaw nitong makita.
“Oh, wait!” ani Aviannah saka ito tumitig kay Andrei. “Why do you look familiar?”
“Really?” seryosong balik na tanong ni Andrei kay Aviannah.
“Yes. You look like… someone I know.”
“And what’s his name?”
“I don’t say bad words,” tugon ng lasing na si Aviannah. Wala itong kamalay-malay na kausap na niya ang lalaking sinabi niyang ayaw na niyang makita pang muli.
“Bad words na lang pala para sa iyo ang pangalan ko,” dismayadong saad naman ni Andrei. “Do you hate him? ‘Yong kamukha ko,” pagkuwan ay sabi niya pa kay Aviannah.
“Yeah. I hate him. I really. Really. Really. Hate him. And I don’t want to see his face anymore,” matigas na tugon naman ni Aviannah saka ito muling nawalan ng malay dahil sa labis na pagkahilo at kalasingan.
“And yeah, that’s it. That’s the whole story. Nang mawalan ka na ulit ng malay ay binuhat ka na niya sa sasakyan niya,” saad ni Sandra kay Aviannah matapos maikuwento rito ang nangyari kagabi nang sunduin ito ni Andrei.
Mariing napapikit ng mga mata si Aviannah kasabay ng pagtutop nito sa noo.
“Hello? Avie? Are you still there?” pagkuwan ay tanong ni Sandra mula sa kabilang linya.
“Yeah. I’m still here. I just can’t believe na nasabi ko ang mga iyon kagabi,” marahang tugon ni Aviannah sa kaibigan.
“Grabe rin ang kaba ko kagabi nang magsalita ka sa kanya. Pero hindi na rin kasi kita nagawang pigilan pa.”
“It’s okay, Sandra.” Humigit ng malalim na paghinga si Aviannah saka muling nagsalita, “sa tingin ko mas mabuti na rin na nasabi ko ang mga iyon kagabi.”
“Huh?”
“Eh kasi ‘di ba? Totoo naman ang lahat ng iyon. Totoo namang galit ako sa kanya at… totoo rin na ayaw ko na siyang makita pa kahit na kailan.”
“Eh anong gagawin mo ngayon… kung nandyan na siya ulit sa inyo?”
“Eh ‘di aalis ako,” deretsyong sagot ni Aviannah sa tanong ni Sandra.
“What? Aalis ka?”
“Oo. Aalis ako. Kung dito siya titira… ako naman ang aalis. Dahil seryoso akong… ayaw ko na siyang makita pa kahit na kailan,” desididong sagot niya.
“P-Pero… ngayon ko lang yata nalaman na takot ka pala sa linta,” nauutal na sabi ni Rowena kay Andrei habang si Aviannah ay nananatiling napako ang tingin sa lalaki.“Marami ka pa namang hindi alam sa akin,” pagkuwan ay sagot ni Andrei kay Rowena saka ito nagpatuloy sa ginagawang pagsasabon ng mga damit.“Ouch huh,” komento ni Rowena sa sinabi ni Andrei rito. “Pero totoo naman talaga. Marami pa akong hindi alam sa iyo. Pero hindi pa naman huli ang lahat at pwede pa kitang mas kilalanin, hindi ba?” Lumapit si Rowena kay Andrei at naupo rin ito sa tabi ng lalaki saka mabilis na yumakap sa braso nito. “Ikaw naman kasi eh, kailan ba kasi magiging tayo?” dagdag pa nito habang marahang hinimas ang braso ng lalaki na yakap nito. “Oo mo na lang naman ang hinihintay ko—ay!”Natigilan sa pagsasalita si Rowena at sa halip ay napatayo at napasigaw sa gulat, nang biglang tumayo at maghagis ng maliit na bato si Aviannah sa tubig.“Ay sorry, may nakita kasi akong linta banda roon,” wika ni Aviannah
Maagang nagising ang diwa ni Aviannah dahil sa maingay na pagtilaok ng mga manok. Saka niya nakangiting marahang iminulat ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit kahit na napuyat siya ay napakagaan pa rin at napakaganda pa rin ng gising niya.“Good morning, Ate Belle!” nakangiting bungad sa kanya ni Tonya.“Good morning, Tonya!” nakangiting ganting bati naman niya sa bata.“Mukhang maganda po yata ang gising niyo ngayong umaga, ate.”Bumangon siya at matamis na ngumiti sa bata. “Sa tingin mo ba?”“Opo, ate. Hmm… mukha pong may maganda kayong napanaginipan o ‘di kaya ay mukha pong may magandang nangyari sa inyo kagabi bago kayo natulog.”Sandaling natigilan si Aviannah nang mabilis na nagbalik sa isipan niya ang nangyaring tagpo sa pagitan nila ni Andrei kagabi. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang paraan ng pagngiti ng lalaki sa kanya at ang marahang paghaplos nito sa ulo niya. Napanguso siya nang tila hindi niya kayang maitago ang kilig na nararamdaman sa bata. Paano ba naman kasi a
Mariing nakagat ni Aviannah ang ibabang labi niya habang mainam na pinagmamasdan si Andrei na nakaupo sa isang tabi. Kasulukuyang nasa peryahan pa rin sila.“Kuya, kumusta? Nahihilo ka pa rin po ba?” tanong ni Tonya kay Andrei matapos nitong mapainom ito ng gamot.Mabuti na lang at nandito at kasama nila si Tonya. Dahil kung hindi ay hindi niya alam ang gagawin kay Andrei sa ganitong sitwasyon.“Okay na ako, Tonya. Salamat,” sagot ni Andrei sa batang babae.“Ikaw naman kasi, kuya eh. Bakit ka pa kasi sumakay roon? Eh hindi ka naman pinilit ni ate,” panenermon pa ni Tonya sa lalaki.Hindi umimik si Andrei sa bata at sa halip ay sinulyapan lamang siya nito. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng guilt dahil sa mga titig na iyon ng lalaki sa kanya.Kahit na kung tutuusin ay wala naman siyang kasalanan, ay para pa ring siya ang may kasalanan dahil sa inamin ng lalaki sa kanya kung bakit ito napilitang sumakay roon.Sa huli, nang bumuti na ang lagay ni Andrei at nang mawala na ang pagkahilo n
Napanganga si Aviannah nang makita niya ang peryahan na sinasabi ni Tonya. Hindi niya alam na peryahan pala ang tawag sa ganitong lugar. It was like an amusement park na paboritong puntahan nila ng mga kaibigan niya. Na-miss niya tuloy bigla ang dalawa niyang kaibigan, sina Sandra at Jamie. Napaisip tuloy siya kung kumusta na kaya ang dalawa ngayon. Tiyak siyang labis na itong nag-aalala sa kanya dahil hindi na niya kinontak pa ang mga ito pagkaalis niya ng siyudad.“Ate, tara mag-rides po tayo. Ano pong gusto ninyong unahin?” masayang lapit sa kanya ni Tonya.“Huh? Uhm…”“Sanay ka ba sa rides?” tanong naman ni Andrei sa kanya at pagkuwan ay bumalin ito ng tingin kay Tonya. “Tonya, huwag mo siyang dalhin sa matataas na rides. Doon lang sa kaya niya,” bilin nito sa bata.“Opo, kuya!” magiliw na sagot ni Tonya saka ito tumingin sa kanya. “Tara na po, Ate Belle!” Hinila siya ni Tonya patungo sa caterpillar ride. Bumili roon ng ticket si Tonya para sa kanilang dalawa.“Dalawa lang?” nagta
Mainam na pinagmasdan ni Aviannah ang single na motor na sasakyan ni Andrei. Nawala sa isipan niya na kahit kailan ay hindi pa pala siya nakakasakay sa ganitong klase ng sasakyan. Ito ang unang beses kung sakali. Kaya namang pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman niya ngayon.“Ate! Tara na po,” masayang sabi sa kanya ni Tonya saka ito lumapit sa motor.Kasunod nito ay ang paglabas naman ni Andrei mula sa loob ng bahay. Dumeretsyo ito ng lapit sa motor nito saka ito bumalin ng tingin sa kanya. “Marunong kang umangkas?” tanong nito sa kanya na hindi niya alam kung paano sasagutin. “Okay. Pwedeng first time mo or… hindi mo maalala,” sagot ng lalaki sa sarili nitong tanong sa kanya.“Huwag ka mag-alala, Ate Belle! Ako po ang bahala sa iyo,” mayabang na sabi sa kanya ni Tonya kasabay ng paglapit nito sa kanya. Hinawakan siya nito sa kamay saka marahang hinila palapit sa motor. Nagpatianod naman siya sa bata.Pinagmasdan niya si Andrei na binuksan ang maliit na box sa motor nito sa
Sa huli ay wala na ngang nagawa pa ang matanda at pinagbigyan na lamang siya sa kagustuhan niya.“Hahaluin ko po ito gamit ang kamay ko? Sigurado po ba kayo?” takang tanong ni Aviannah sa matanda habang nasa harapan niya ang isang kalderong may bahaw na kanin.“Oo, ija. Durugin mo ang kanin at haluin gamit ang kamay mo para hindi ka mahirapan. Isasangag natin ‘yan para hindi sayang,” tugon sa kanya ng matanda na hindi pa rin niya mapaniwalaan. O sadyang hindi lang niya alam na ganoon talaga ang proseso nito?Bago niya haluin gamit ang kamay niya ang bahaw na kanin ay naghugas muna siya ng mabuti. Siniguro niyang malinis ang kanyang mga kamay bago siya humawak sa pagkain. Nang matapos siya ay ginisa na iyon ni Mang Gener sa mainit na kawaling may mantika at sibuyas. Nauna na kasing nakapagprito ng isda ang matanda. Hindi niya na ring sinubukang magpaturo no’n dahil takot siya sa pagpilansik ng mainit na mantika mula sa kawali.Pinagmasdan niya ang matanda sa masipag nitong paghahalo ng