XANTINA
Mabilis kong inapakan ang brake ng kotse ko nang makarating ako sa bahay. Maaga pa pero mataas na ang sikat ng araw. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko habang pumapasok ako sa maindoor. Inaantok pa ako. Umaga na pero ngayon pa lang ako uuwi ng bahay. Madalas naman ganito ang routine ko. Kagabi ko lang sana balak umuwi ng maaga pero naudlot pa dahil sa nakita kong hindi dapat kaya sa bumalik ako sa Freedom, ang club na pagmamay-ari ko. Meron din akong coffee shop sa tapat noon. At ang next target ko ay makapagpatayo ng private resort. My dad hates my business, but since I found out his numerous infidelity, I stopped listening to him. Actually, he was one of the reasons kaya mas gusto ko ng buhay na meron ako. Sinadya kong magrebelde sa kaniya at piliin ang negosyong ayaw niya. “Hi,” nakangiting bati ko sa kapatid ko at agad akong lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. Nandito pala siya sa bahay, sa condo naman niya ko siya hinanap kagabi. Kung alam ko lang na nandito siya dumiretso na sana ako ng uwi, hindi ko sana nakita ang hindi ko dapat makita kagabi. “Ate, you smell bad. Amoy alak ka pa.” Lukot ang ilong nito habang nakatingin sa akin. Inalis niya ang braso kong naka-akbay sa kaniya. Madami kasi ang nainom ko noong bumalik ako sa Freedom kaya amoy alak pa ako. Ngumuso ako sa kaniya. Naka-ready na siyang pumasok. Pormang-porma pa siya. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang umuwi kagabi. Mula kasi nang magkatrabaho siya ay bumili na siya ng sarili niyang condo, ang sabi niya sa akin. Naririndi siya sa away palagi ng mga magulang namin kaya kusa na siyang lumayo. Habang ako naman ay nanatili sa bahay dahil hindi ko naman pwedeng iwan si Mama. Kapag umalis ako, wala na siyang kasama. Baka mas lalo lang siyang saktan ni Papa. "You look good today, may pinupormahan ka na ba?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya. “And why you did not tell me na uuwi ka pala?” Ngumiti siya sa akin. “Mom called me last night.” “Who is she?” muling tanong ko tungkol sa babaeng pinopormahan niya. “I will not tell you who she is. Kilala kita, baka itaboy mo pa iyon palayo." Humawak ako sa tapat ng puso ko at umakto na parang nasasaktan. “You... you hurt my feelings," madramang saad ko at pinilit pang umaktong umiiyak pero walang lumalabas na luha mula sa mga mata ko. "I am the best Ate in the world, you said that. Then now, you don't want me to met the girl you like?” “Hindi pa kasi niya alam ang nararamdaman ko. Saka you still the best, but it does not mean you are not a biatch,” walang gatol na sagot niya at mabilis na humalik sa pisngi. “I'll be late. You better take a bath. Bye.” Paalam niya at nagmamadali nang lumabas ng maindoor. Napangiti na lang ako habang nakasunod ng tingin sa kaniya. Kahit ayaw ko nang umuwi sa pamamahay na ito, may mga rason pa rin para umuwi ako. Ang ina ko. Speaking my mother, nagmamadali kong hinanap kung nasaan siya. Alam kong wala na ang aking ama dahil wala na ang sasakyan niya sa garahe. Nagtungo ako sa kusina pero wala siya doon. Wala rin siya sa garden at sala kaya nagtungo ako sa studio niya dito sa bahay. Pumasok ako sa isang kwarto nang walang abog at napatingin sa akin si Mama. “Hi, darling,” bati niya sa akin. “Good morning,” ganting bati ko sa kaniya kahit na alam kong wala siya sa mood. Kapag nagdu-drawing siya, ibig sabihin ay marami siyang iniisip at gusto niyang ipahinga ang isipan niya. Ito ang paraan niya para iwasan ang stress. Humakbang ako papalapit sa kaniya at napangiti ako nang makita ko kung ano ang ginuguhit niya. Ang baby picture ko. “What happened?” tanong ko sa kaniya. “Alam mo ba noong ipinanganak kita. Sobrang saya ko noon, kasi sa wakas nakita ko na ang panganay ko. Sa wakas, isa na akong ganap na ina pero alam mo kung sino ang pinakamasaya noon? Ang papa mo. Noong baby ka pa, pagkagaling niya sa work, ikaw palagi ang una niyang bubuhatin. Lagi siyang excited na makita ka,” pagkukwento nito habang nakatingin sa larawan ko na nakasandal sa may gilid ng canvas niya. Ramdam ko ang lungkot ng boses niya habang nagsasalita siya kaya alam kong may nangyari. “Then what happened? Bakit nagbago siya?” mapait na tanong ko at humakbang patungo sa ibang white board canvas na may mga drawing na niya. Puro mukha iyon. Mukha ni Xander, mukha ko, at ni Papa, pero puro batang hitsura ng ama ko ang drawing niya. Wala doon ang kasalukuyang hitsura ng ama ko, ngayong may edad na siya. Umiwas siya ng tingin sa akin. “Hindi ko rin alam.” Narinig ko siyang suminghot kaya napalingon ako sa kaniya. “Siguro hindi na niya ako mahal. Baka naglaho na iyong nararamdaman niya sa akin dahil sa tagal naming magkasama. Baka nagsawa na siya.” Parang may kumudlit sa puso ko nang makita ko ang malungkot na mga mata ng aking ina. Namamasa na rin ang kaniyang mga mata. Mabait na ama naman talaga si Papa, pero bigla siyang nagbago. Palagi na silang nag-aaway ni mama, hanggang malaman ko na rin ang dahilan. May ibang babae siya. Nalaman kong may mga naging babae ang ama ko, at bilang anak, nasasaktan ako para sa ina ko. Iyong dati ay masayang pamilya namin, biglang nagbago. Matapos maaksidente ang kapatid ko sa motorsiklo noong high school siya, doon nagsimulang magbago ang aking ama. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, nagsawa ba talaga siya? Pero si Mama, kahit nagbago na ang trato sa kaniya ni Papa, nagpapakatanga pa rin siya. Kahit ilang beses na niyang nahuli ang ama ko na may iba, ilang beses pa rin niyang tinatanggap si Papa. “Nakakasawa ba talaga ang magmahal? He promised you forever, but you hurt you until now? Why can't you just leave him? Matanda na kami kung kami ang inaalala mo. Think about yourself now. Be selfish, mom,” payo ko sa kaniya. Sawa na kasi akong makita siyang nasasaktan dahil kay Papa. Ano pa ang silbi ng pananatili niya sa piling ng ama ko kung alam ko naman na mas nasasaktan lang siya. Kung sakaling iwan niya si Papa ngayon, hindi ako magagalit. Susuportahan ko pa siya. “I am being a selfish now, X.” Tumingin siya sa mga mata ko. Miss ko nang makita ang mga mata niyang ngumingiti rin kapag ngumingiti siya. Hindi gaya ngayon na pilit na lang lahat ng ipinapakita niya. Halatang peke na ang mga ngiti sa labi niya. “Kasi kahit alam kong hindi na ako, hindi ko pa rin siya pinapakawalan. Itinatali ko pa rin siya sa akin kahit na alam kong hindi na niya ako mahal at hindi na siya masaya. Kasi alam ko, kapag nagsawa naman siya sa babae niya babae ulit siya sa akin. Kasi wala siyang choice dahil asawa pa rin niya ako.” Napahilot ako sa noo ko. Siguro kung hindi ko lang siya ina, namura ko na siya dahil sa katangahan niya. Pinakatitigan ko siya. Ayaw kong matulad sa kaniya. Ayaw kong mabaliw sa lalaki at magpakatanga kaya gagawin ko ang lahat para gwardiyahan ang puso ko. Hindi ako gagaya kay mama, kapag nagpakasal ako, sisiguraduhin kong mas mahal ako, sisiguraduhin kong baliw sa akin ang lalaking pakakasalan ko para hindi ako magsisi na siya ang pinakasalan ko. Kailangan makahanap ako ng lalaking hindi ako ipagpapalit kahit na kanino pero sa panahon ngayon, parang imposible na yata ang bagay na iyon. Kahit pangit kasi ngayon nagloloko na. “I want to pity you, but you deserve what you tolerate. You chose this, and I find it stupid,” hindi ko na mapigilang sabihin. Napayuko ito. “I know.” Mahina ang boses niya, kulang na lang ay hindi ko iyon marinig. Gusto kong magalit sa kaniya pero mas nangingibabaw pa rin talaga ang awa ko. Kasi nagmahal lang naman siya. Kasalanan ni papa ang lahat. Hindi siya nakuntento at habang sinasaktan niya si Mama sana naisip din niyang sinasaktan din niya kami. Sana naisip din niya ang nararamdaman namin. Kaso hindi, wala siyang pakialam. My parents are both selfish in their own ways. Nailing na lang ako at tumalikod na sa kaniya. Ayaw kong makapagsalita pa ng mga salitang maaring makadagdag sa sakit na nararamdaman niya kaya iiwas na lang ako. Masakit ang ulo ko, ayaw kong isipin muna ang problema ng mga magulang ko dahil kolehiyo pa lang ako, problema na nila iyon. Problema na ng pamilya namin. “Kaalis lang ba ni Dad?” tanong ko kay Kris nang makasalubong ko siya. Ang isa sa mga kasambahay namin. Magka-edad lang kaming dalawa, pero may dalawang anak na siya. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho dito sa amin. “Hindi siya umuwi kagabi, X. May tumawag kasi sa kaniya habang nagdi-dinner sila ng mama mo at nagmamadali siyang umalis,” sagot nito. Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Tumawag? Babae niya? Sino naman kaya ang bagong kinalolokohan niya ngayon? Sa daming naging babae ng ama ko, sanay na akong hindi siya umuwi minsan. Wala na ngang kwenta ang pagsasama ng mga magulang ko. Magkasama na lang sila sa iisang bubong pero magkahiwalay na sila ng kwarto. Pero tanging mga kasama lang namin sa bahay ang nakakaalam ng totoo. Dahil kapag nasa labas silang dalawa, umaakto pa rin silang parang tunay na mag-asawa.XANTINAKinabukasan ay tanghali na ako nang magising. Mag-aalas diyes na ng umaga. Dahil hindi naman umuwi ang kapatid ko ay walang gumising sa akin. Hindi rin naman ako ginigising ni Xander kapag natutulog ako dito.Bumangon na ako, nag-inat pa ako bago ako bago nakayapak na nagtungo sa banyo. Pagkatapos ay nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng kape. Hindi naman ako nagmamadaling umuwi. Kalmadong nagkakape lang ako. Tumingin ako sa buong paligid. Sakto lang sa binatang gaya ng kapatid ko ang buong lugar.I think it’s time for me to find my place too. Nang matapos akong magkape ay tumayo na ako. Hinugasan ko ang tasang ginamit ko dahil nakakahiya naman sa kapatid ko kung nakitulugan na ako ay mag-iiwan pa ako ng hugasan. Isa pa, malinis sa lugar si Xander. Okay lang sa kaniya na pumarito ako kahit kailan basta siguraduhin kong huwag akong magkakalat dahil alam niyang minsan ay magulo talaga ako.Nang matapos ako ay sinuot ko na ang heels ko at kinuha ko na ang bag ko na nasa couch
XANTINA’S POV”You said Xander called you. Bakit ka naman tatawagan ng kapatid ko para sabihin na hindi pa ako umuuwi?” nagdududang tanong ko kay Yohan habang nagmamaneho siya. “Sanay naman sila na umaga na ako umuuwi minsan. And why do you care?"Hindi ba siya naabala na sinundo niya ako ng ganitong oras dahil lang tumawag ang kapatid ko sa kaniya?Tumingin siya sa akin pero hindi siya nagsalita. Ito ang nakakapikon kapag may kausap ka tapos daig pa ang pipi at bingi na hindi nagsasalita. Napakawalang kwenta niyang kausap.“Don’t send me home,” saad ko na lang. Napalingon siya sa akin. “Sa pinakamalapit na hotel na lang.”Hindi pa rin siya sumagot kaya inisip ko na pumayag siya sa sinabi ko. Alam kong tahimik siyang tao at hindi kami madalas mag-usap dati pero ganito ba talaga siya? Wala man lang kahit tango? Lihim akong napairap sa kaniya.Wala akong balak na umuwi muna sa bahay dahil bukas paggising ko, sigurado akong bubulabungin na naman ako ni Mama. Siguro nga mas mabuting bumuk
XANTINADumiretso na ako sa bar ko. Doon ko ginugol ang oras ko kaysa sa isipin ko pa ang pamilya ko. Inabala ko ang sarili ko buong magdamag, nakisaya ako sa mga tao sa bar. Kulang na lang ay parang nagpa-party ako at sila ang mga bisita. Nag-bartending at waitress ako. Pagkatapos ay nakisaya ako sa dancefloor.Uminom at sumayaw ako buong magdamag. Nang lumapit ako sa may bar counter ay pawisan na ako at medyo umiikot na ang mga mata ko pero kaya ko pa naman ang sarili ko.Tumingin ako sa buong paligid. Marami pa ring tao kahit ala una na nang madaling araw.“Why you look too hyper tonight?” Napatingin ako kay Noie na mukhang paalis na.Ngumiti ako sa kaniya bago ako umupo sa high stool.“Nothing. I just want to have fun. Uuwi ka na?”“Yes, may site visit ako bukas sa Batangas kaya kailangang maagap ako,” paliwanag niya kaya tumango ako.“Sige, ingat ka.”“No, you take care here. Don’t drink too much, kanina ko pa napapansin na madami ka nang naiinom. Or do you want me to drive you
XANTINA“Why do you look shocked?” mapanuyang tanong ko kay Papa.Umayos siya ng upo.“Dahil mula nang maniwala ka sa ina mo na may mga babae ako, tumigil ka nang pumunta sa opisina ko. Anong nangyari at bigla mong naisipang pumunta doon ngayon?”“Sinasabi mo bang wala kang naging babae?” matapang na tumingin ako sa kaniya. “Paano mo ipapaliwanag ang nakita ko noon? At ang babae mo ngayon?”“You will never believe me so what’s the use of answering your question?” balik tanong niya sa akin.Dahil puro kasinungalingan lang naman ang sinasabi niya. Noong una ay akala ko selosa lang si Mama, na baka hindi totoong niloloko siya ni Papa pero nakita ko mismo kung paano may babaeng humalik sa kaniya kaya mula noon, napatunayan kong hindi lang pala tamang hinala ang ina ko. Talagang nagloloko ang ama ko.“I already talked to Yohan. Ipinaliwanag niya sa akin ang nangyari, walang kasalanan si Xander kaya sana huwag mo na siyang pagalitan pa. Hindi siya ang nagsimula ng gulo, ipinagtanggol lang n
XANTINAPumasok ako sa loob ng opisina ni Dad. Maraming nakatambak na mga papel sa ibabaw ng table niya. Tungkol iyon sa iba’t ibang kasong hinahawakan niya. May two seater black leather couch na magkaharap sa gitna ng opisina niya. Maraming libro tungkol sa batas na nakalagay sa wall cabinet. May mga award din doon.Pumunta ako sa may table niya. Wala na ang family picture na nakikita ko madalas noong bata pa ako na nakalagay doon. Pero napahinto ako nang makita ko ang larawan ko. Tanging larawan ko na lang ang naka-lagay sa picture frame. High school pa lang ako base sa larawan dahil naka-uniform pa ako noon at malaki ang ngiti ko sa camera. May napansin akong isang frame na nakataob sa tabi noon. Kinuha ko iyon at binuklat. Iyon ang family picture naming. Bakit hinayaan niyang nakataob na lang ito? Dahil ba wasak na ang pamilya namin?Naupo ako sa upuan niya. Hindi ko alam kung gaano siya katagal bago bumalik pero maghihintay muna ako sandali sa kaniya.Inilibot ang tingin ko sa b
XANTINATinitigan ko si Tita Yonna.“Kaibigan kayo ni Mama, hindi ba?”“Oo naman, bakit?” nagtatakang tanong niya.“Magagawa n’yo ba siyang saktan?”Gusto kong marinig sa kaniya mismo ang sagot. Kung sino man ang Sabrina na tinutukoy nila, mukhang wala siyang balak na banggitin pa ang tungkol sa kaniya pero ang tungkol sa kanila ni Dad. Wala akong balak na balewalain iyon.“Syempre, hindi. Mahalaga siya sa akin, alam iyan ng mama mo.”Seryoso akong tumingin sa kaniya. Ang alam ni Mama, hindi siya kayang saktan ni Tita Yonna pero iyon nga rin ba talaga ang ginagawa niya? Hindi ko alam kung panghahawakan ko ba ang sinasabi niya. Mula nang makita ko silang dalawa ni Papa ng gabing iyon, nawala na ang tiwala ko sa kaniya.Kung sakali man na mali akong wala silang relasyon ni Papa. Sigurado akong may inililihim sila sa ina ko. At kung ano man iyon, aalamin ko. Pero kung wala talaga silang relasyon ni Papa, bakit sila magkikitang dalawa ng gabi? Nagyakapan pa sila.Tumango-tango ako sa kani