XANTINA
Hindi ko na alam kung gaano na karaming alak ang nainom ko. Sa tuwing maiisip ko kung sino ang babae ng ama ko parang gusto kong magwala. Hindi ako nakagalaw kanina, parang hindi kayang tanggapin ng utak ko ang nakita ko. Si Tita Yonna. Ang mommy ni Yohan.She's sweet and kind to me, pero hindi ko alam na sa kabila ng kabaitang pinapakita niya sa akin, sa amin ay inaahas na pala niya ang ama ko. Na siya pala ang dahilan kong bakit nasasaktan ang ina ko. Mapakla akong natawa bago muling tumungga ng alak. Nakita kong napapailing na sa akin ang isa sa mga tauhan ko pero hindi naman nila ako pinapakialaman. Tahimik lang nilang inaabot lang nila sa akin ang alak na hinihingi ko. Kinusot ko ang ilong ko. Nangigigil ako sa galit. Ang sakit lang. Iyong makita kong may ibang babae ang ama ko, ang sakit na noon pero nang malaman ko ngayon kung sino iyon, parang double kill naman yata. Ang daming babae sa mundo, bakit siya pa? Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kaniya. Kaibigan siya ng mama ko, paano niya nagawang traydorin ang ina ko? Ang sama niya. Ang sama-sama niya. Naikuyom ko ang kamao ko. Gusto ko silang sugurin kanina. Saktan pareho pero alam kong kapag ginawa ko iyon, baka ako pa ang pagalitan ng ama ko dahil gagawa ako ng eskandalo. Pero kapag ginawa ko naman iyon, wala namang magbabago. Sigurado naman akong hindi niya hihiwalayan ang babaeng iyon. Ilang beses na siyang nahuli ni mama, pero hindi naman siya nadala kaya alam kong kapag kinompronta ko si Papa, ako pa ang lalabas na masama. Tinitigan ko ang alak na nasa harapan ko. Kahit anong pait noon, wala nang mas papait pa sa nararamdaman ko. Dalawang taong mahalaga sa akin ang lumoko sa amin. Hindi ko kailan man matatanggap ang ginawa nila. Sisiguraduhin kong pagsisihan nila ang ginawa nila. Sisirain ko sila. Hindi sila pwedeng maging masaya habang miserable kami, si mama. Si mama ang iniisip ko, dahil alam kong kumakapit pa rin siya sa pag-asang maayos pa ang relasyon nila ni Papa. Na maari pang magbago ang ama ko at maging okay silang muli. Pero paano kapag nalaman niyang ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan ang umagaw sa asawa niya. Ikinuyom ko ang mga kamao ko. Hindi ako papayag na masaktan pa lalo si Mama. Tama na nagbubulagbulagan siya sa panloloko ng ama ko, ayaw kong malaman pa niya kung sino ang babae ngayon ng ama ko. Tumingin ako sa paligid ko, nagsasaya ang lahat. Kita ko ang mga ngiti sa mga labi nila kahit pawisan na sila sa pagsasayaw mula sa musikang pinapatugtog ni Noie. Muli akong tumungga ng alak. Sa mga oras na ito, dapat nagsasaya ako. Dapat nakikihalubilo ako sa mga nagsasaya kasabay ng malakas na music sa dancefloor, pero sa pagkakataong ito. Gusto kong mapag-isa dahil hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina. “Give me one bottle of wine,” utos ko sa isa sa mga bartender na mabilis naman akong binigyan ng isang bote. Pagmamay-ari ko ang bar kaya kahit ilang alak pa ang hingin ko, pwede. Ilang beses na tumutol ang ama ko nang ipatayo ko ito dahil para sa kaniya, napakawalang kwenta ng negosyong itinayo ko. Kagaya niya, napakawalang kwentang asawa. Lumabas na ako ng bar. Wala ako sa mood maki-party ngayon kaya uuwi na ako. Pero ayaw kong makita ang ama ko kaya mas pinili kong magtungo sa pinakamalapit na hotel. Doon ako magpapalipas ng gabi. Kasi kapag nagkita kami ni Papa, baka mag-away kami. Malalaman ni Mama ang totoo, mas masasaktan siya at iyon ang ayaw kong mangyari. Pero habang papasok ako ng hotel ay may nakita akong isang lalaki na papasok din kaya nagmamadali ko siyang hinabol para lapitan. “Yohan!” malakas na sigaw ko kaya maging ang ibang tao ay napatingin sa akin. Kumunot ang noo niya sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya. Medyo nakainom na ako pero malinaw pa naman ang isip ko. “X.” “Hello, baby boy. What are you doing here?” malambing na tanong ko sa kaniya pero may halong pang-iinis ang boses ko. Napatingin ako sa gwapong mukha niya. Dati nag-e-enjoy akong titigan siya pero ngayon hindi ko mapigilang magalit habang nakatitig sa kaniya pero pilit ko iyong itinago sa matamis na mga ngiti ko. Kung pwede ko lang ipalo sa ulo niya ang boteng hawak ko para lang mabawasan ang bigat na nararamdaman ko ngayon, ginawa ko na pero nagpipigil ako. Anak siya ng kabit ng tatay ko. Nakakatawa. “I am going to drink,” sagot ko at ipinakita sa kaniya ang dala kong alak. “You are already drunk.” Umiling ako sa kaniya. “I am just tipsy.” Ngumiti ako sa kaniya. “Wanna drink with me?” Bago pa siya makasagot ay hinila ko na siya. May dala na siyang keycard ng isang hotel room kaya hindi na ako lumapit sa reception area para mag-check in. Sa kaniya na lang ako sasama. Sa kaniya ko ibabaling ang ngitngit na nararamdaman ko sa nanay niya ngayong gabi. Wala na siyang nagawa nang sumakay kami sa elevator. Kaming dalawa lang ang sakay kaya agad ko nang binuksan ang boteng dala ko at tinungga iyon pero agad namang may umagaw noon sa akin. “Enough.” Pinilit ko iyong agawin muli sa kaniya pero ayaw niyang ibigay sa akin. “Yohan, give me that. I am your Ate, listen to me.” “You are not my sister,” matigas na sagot nito. Lagi ko sa kaniyang sinasabi dati na Ate ang itawag niya sa akin, Ate X pero never niya akong tinawag na Ate. Tama, huwag na huwag na niya akong tatawaging Ate dahil hindi naman kami magkapatid, hinding-hindi magiging mag-asawa ang mga magulang namin, dahil mananatili lamang na kabit ang nanay niya. “Still, I am older than you,” kunwari ay giit ko at pilit inaagaw sa kaniya ang bote ng wine pero inilalayo niya. Hinawakan na rin niya ako sa braso para hindi ko maagaw sa kaniya. “I don't care.” Nang bumukas ang elevator ay muntik na akong mapasubsob nang hilahin niya ako palabas at magtungo kami sa isang kwarto. Malaki ang kwartong inuukopa niya. Hindi ko rin alam kong bakit nandito siya. Naupo ako sa puting kama na naroroon at ngumiti sa kaniya. Itinaas ko ang kamay ko para hingin sa kaniya ang bote ng alak na hawak niya. “What comes to your mind, and you drunk driving? You even brought wine?” Seryoso ang mukha nito. Lagi naman siyang seryoso at nakakunot ang noo. “Stop nagging, Yohan,” reklamo ko sa kaniya. Kung makasermon siya sa akin, parang concern siya. Napatingin ako sa mukha niya. Mapait akong napangiti, hindi kaya may alam siya tungkol sa parents namin? “My dad is a cheater,” mapait na ngiting saad ko. “He always cheats on my mom. Wala naman nang bago doon, pero iyong babae niya ngayon.” Mariing akong napailing. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang bagong babae ng ama ko. Nag-angat akong muli ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Yohan. “Tell me, are you a cheater too? Did you fvck someone else while you are still seeing someone?” tanong ko sa kaniya. Hindi na ako naniniwalang inosente siya lalo na at kagabi ay nakita ko siyang may kasamang babae at nahuli ko silang gumagawa ng milagro. “Yes. I bedded someone, even if I am thinking of someone else.” Mapait akong napangiti sa sinabi niya. Wala silang pinagkaiba ng ama ko. Mga manloloko. Tanggap ko nang gago si Papa. Pero kahit kailan, hindi ko tanggap ang pagiging babaero niya, lalo na ang bagong babae sa buhay niya. I hate dad, and that woman. Napatitig ako sa mukha ni Yohan. Nakikita ko ang pagkakahawig nila. May hawig siya sa babae ng ama ko. Sa ina niya. May isang kademonyohang pumasok sa isip ko habang nakatingin sa kaniya. Gaganti ako. Igaganti ko si Mama. Wawasakin ko ang pinaka-importanteng tao sa buhay ng kabit ng ama ko. Ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Kung si Tita Yonna, sinaktan niya ang mama ko. Sasaktan ko naman ang anak niya para patas kaming dalawa. Tumayo ako at humakbang papalapit kay Yohan. Mas lalo namang kumunot ang noo nito dahil sa ginawa ko. Ikinawit ko ang mga braso ko sa batok niya bago ako ngumiti ng matamis. “Sleep with me, Yohan.” “You are drunk.” “No, but I want to be drunk with your kisses. Don't worry, walang ibang makakalam ng gagawin natin. Tayong dalawa lang.” Inalis niya ang pakakahawak ko sa kaniya at inilayo niya ako sa kaniya. Naaupo ako sa kama. “Just sleep.” “Why? You sleep with other women, what's the difference if you will sleep with me tonight?” “No.” Muli akong tumayo pero sa pagkakataong ito ay humakbang ako papunta sa pinto ngunit mabilis niya akong nahawakan sa kamay. “Where are you going?” “Hahanap ng iba na—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis niya akong buhatin at itapon sa kama. Mabuti na lang at malambot iyon kaya hindi ako nasaktan. Kita ko ang pag-igting ng mga panga niya habang nakatingin sa akin. Galit siya, pero mas galit ako. Alam kong kabaliwan itong gagawin ko, pero gaganti ako at ito ang paraang naisip ko. Alam kong mas masasaktan ang ina niya kapag ang nag-iisang anak nito ang nasaktan at iyon ang gagawin ko. Sa pagkakataong ito, wala akong pakialam kahit mawasak ang pagkababae ko. Pero wawasakin ko ang buhay niya. Ibibigay ko ang lahat sa kaniya at kapag baliw na siya, saka ko siya iiwan para mas mabaliw siya lalo. Siya ang sasalo ng galit ko sa ina niya. Humakbang siya papalapit sa kama kaya mas matamis na ngumiti ako sa kaniya. Umupo ako at hinila ko ang necktie niya kaya napaluhod siya. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. I will use him to get even with his mother. I gave him a seductive smile; our lips almost met, and I can smell his breath; it's minty. “Touch me, Engineer,” hindi ako nakikiusap habang sinasabi ko iyon. Nag-uutos ako.XANTINAKinabukasan ay tanghali na ako nang magising. Mag-aalas diyes na ng umaga. Dahil hindi naman umuwi ang kapatid ko ay walang gumising sa akin. Hindi rin naman ako ginigising ni Xander kapag natutulog ako dito.Bumangon na ako, nag-inat pa ako bago ako bago nakayapak na nagtungo sa banyo. Pagkatapos ay nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng kape. Hindi naman ako nagmamadaling umuwi. Kalmadong nagkakape lang ako. Tumingin ako sa buong paligid. Sakto lang sa binatang gaya ng kapatid ko ang buong lugar.I think it’s time for me to find my place too. Nang matapos akong magkape ay tumayo na ako. Hinugasan ko ang tasang ginamit ko dahil nakakahiya naman sa kapatid ko kung nakitulugan na ako ay mag-iiwan pa ako ng hugasan. Isa pa, malinis sa lugar si Xander. Okay lang sa kaniya na pumarito ako kahit kailan basta siguraduhin kong huwag akong magkakalat dahil alam niyang minsan ay magulo talaga ako.Nang matapos ako ay sinuot ko na ang heels ko at kinuha ko na ang bag ko na nasa couch
XANTINA’S POV”You said Xander called you. Bakit ka naman tatawagan ng kapatid ko para sabihin na hindi pa ako umuuwi?” nagdududang tanong ko kay Yohan habang nagmamaneho siya. “Sanay naman sila na umaga na ako umuuwi minsan. And why do you care?"Hindi ba siya naabala na sinundo niya ako ng ganitong oras dahil lang tumawag ang kapatid ko sa kaniya?Tumingin siya sa akin pero hindi siya nagsalita. Ito ang nakakapikon kapag may kausap ka tapos daig pa ang pipi at bingi na hindi nagsasalita. Napakawalang kwenta niyang kausap.“Don’t send me home,” saad ko na lang. Napalingon siya sa akin. “Sa pinakamalapit na hotel na lang.”Hindi pa rin siya sumagot kaya inisip ko na pumayag siya sa sinabi ko. Alam kong tahimik siyang tao at hindi kami madalas mag-usap dati pero ganito ba talaga siya? Wala man lang kahit tango? Lihim akong napairap sa kaniya.Wala akong balak na umuwi muna sa bahay dahil bukas paggising ko, sigurado akong bubulabungin na naman ako ni Mama. Siguro nga mas mabuting bumuk
XANTINADumiretso na ako sa bar ko. Doon ko ginugol ang oras ko kaysa sa isipin ko pa ang pamilya ko. Inabala ko ang sarili ko buong magdamag, nakisaya ako sa mga tao sa bar. Kulang na lang ay parang nagpa-party ako at sila ang mga bisita. Nag-bartending at waitress ako. Pagkatapos ay nakisaya ako sa dancefloor.Uminom at sumayaw ako buong magdamag. Nang lumapit ako sa may bar counter ay pawisan na ako at medyo umiikot na ang mga mata ko pero kaya ko pa naman ang sarili ko.Tumingin ako sa buong paligid. Marami pa ring tao kahit ala una na nang madaling araw.“Why you look too hyper tonight?” Napatingin ako kay Noie na mukhang paalis na.Ngumiti ako sa kaniya bago ako umupo sa high stool.“Nothing. I just want to have fun. Uuwi ka na?”“Yes, may site visit ako bukas sa Batangas kaya kailangang maagap ako,” paliwanag niya kaya tumango ako.“Sige, ingat ka.”“No, you take care here. Don’t drink too much, kanina ko pa napapansin na madami ka nang naiinom. Or do you want me to drive you
XANTINA“Why do you look shocked?” mapanuyang tanong ko kay Papa.Umayos siya ng upo.“Dahil mula nang maniwala ka sa ina mo na may mga babae ako, tumigil ka nang pumunta sa opisina ko. Anong nangyari at bigla mong naisipang pumunta doon ngayon?”“Sinasabi mo bang wala kang naging babae?” matapang na tumingin ako sa kaniya. “Paano mo ipapaliwanag ang nakita ko noon? At ang babae mo ngayon?”“You will never believe me so what’s the use of answering your question?” balik tanong niya sa akin.Dahil puro kasinungalingan lang naman ang sinasabi niya. Noong una ay akala ko selosa lang si Mama, na baka hindi totoong niloloko siya ni Papa pero nakita ko mismo kung paano may babaeng humalik sa kaniya kaya mula noon, napatunayan kong hindi lang pala tamang hinala ang ina ko. Talagang nagloloko ang ama ko.“I already talked to Yohan. Ipinaliwanag niya sa akin ang nangyari, walang kasalanan si Xander kaya sana huwag mo na siyang pagalitan pa. Hindi siya ang nagsimula ng gulo, ipinagtanggol lang n
XANTINAPumasok ako sa loob ng opisina ni Dad. Maraming nakatambak na mga papel sa ibabaw ng table niya. Tungkol iyon sa iba’t ibang kasong hinahawakan niya. May two seater black leather couch na magkaharap sa gitna ng opisina niya. Maraming libro tungkol sa batas na nakalagay sa wall cabinet. May mga award din doon.Pumunta ako sa may table niya. Wala na ang family picture na nakikita ko madalas noong bata pa ako na nakalagay doon. Pero napahinto ako nang makita ko ang larawan ko. Tanging larawan ko na lang ang naka-lagay sa picture frame. High school pa lang ako base sa larawan dahil naka-uniform pa ako noon at malaki ang ngiti ko sa camera. May napansin akong isang frame na nakataob sa tabi noon. Kinuha ko iyon at binuklat. Iyon ang family picture naming. Bakit hinayaan niyang nakataob na lang ito? Dahil ba wasak na ang pamilya namin?Naupo ako sa upuan niya. Hindi ko alam kung gaano siya katagal bago bumalik pero maghihintay muna ako sandali sa kaniya.Inilibot ang tingin ko sa b
XANTINATinitigan ko si Tita Yonna.“Kaibigan kayo ni Mama, hindi ba?”“Oo naman, bakit?” nagtatakang tanong niya.“Magagawa n’yo ba siyang saktan?”Gusto kong marinig sa kaniya mismo ang sagot. Kung sino man ang Sabrina na tinutukoy nila, mukhang wala siyang balak na banggitin pa ang tungkol sa kaniya pero ang tungkol sa kanila ni Dad. Wala akong balak na balewalain iyon.“Syempre, hindi. Mahalaga siya sa akin, alam iyan ng mama mo.”Seryoso akong tumingin sa kaniya. Ang alam ni Mama, hindi siya kayang saktan ni Tita Yonna pero iyon nga rin ba talaga ang ginagawa niya? Hindi ko alam kung panghahawakan ko ba ang sinasabi niya. Mula nang makita ko silang dalawa ni Papa ng gabing iyon, nawala na ang tiwala ko sa kaniya.Kung sakali man na mali akong wala silang relasyon ni Papa. Sigurado akong may inililihim sila sa ina ko. At kung ano man iyon, aalamin ko. Pero kung wala talaga silang relasyon ni Papa, bakit sila magkikitang dalawa ng gabi? Nagyakapan pa sila.Tumango-tango ako sa kani