Share

KABANATA 1

CELESTINE'S P. O. V

Kuyom ang mga kamay ko habang nakatitig sa walang emosyong mukha ng lalaki na nakaupo sa kabilang panig kung nasaan kami. Mahahalata mo sa mukha niya na hindi siya nakakaramdam ng kahit man lang katiting na pag aalala. Despite the fact na dapat, sa mga pagkakataong ito pa lang ay nanginginig na ang isang normal na taong alam pa ang salitang "takot".

But in the case of Jonas? He must be insane! He must be so much more than being out of his mind.

Imbis kasi na kakitaan ko siya ng takot at pag aalala ay wala. He's just sitting there, waiting for the judgment as if he was just waiting for a cup of hot tea. Pangisi- ngisi pa siya.

And that, made me feel more furious.

Kung sa tingin mo, mananalo ka na naman sa kasong ito, hunghang ka, nagkakamali ka na. I'll make sure that every side of this court will be on our favor. Hinding- hindi ko na hahayaan na mabaluktot mo pa ulit ang batas!

"Mr. Fuentes said that he was on his mother's house when the incident took place. And his mother already testified his statement. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit paulit ulit na ine- emphasize ng kampo ni Ms. Chavez ang lugar ng kinaroroonan ng kliyente ko nang araw na mangyari ang pagpaslang sa alleged victim na si Ynna Santiago." malakas at mapanghamong saad ni Attorney Rozaldo, ang private lawyer na h- in-ire mismo ni Jonas para ipagtanggol siya.

Tumingin ang judge sa amin. Partikular na sa akin.

"Mr. Rozaldo has a point, Ms. Chavez. Bakit nga ba paulit- ulit niyong kinukuwestiyon ang lugar na pinuntahan ni Mr. Fuentes on the day of the incident? Hindi ba't napatunayan na by means of Mrs. Fuentes' testimony na nasa bahay niya mismo si Mr. Fuentes?" kunot- noong sabi nito.

Tumayo ako.

"That's the point, your honor." sabi ko. "I know that we already had a talk about that matter. Pero hindi namin ipipilit at hindi kami mangungulit kung wala kaming baong ebidensya para i- prove ang pinaglalaban namin."

Lalong lumalim ang nakakunot nang noo ng judge.

"So, you're having a new witness and evidence, am I right?" sabi nito.

Tumango ako.

"Yes, your honor. Tama po kayo."

"Well then, present it." utos nito.

"Objection, your honor! It's our time to—"

"Attorney Rozaldo!" sigaw ng judge na ikinatahimik ng abogado. Pagkatapos noon ay bumaling na sa akin ang atensyon ng husgado. "Attorney Chavez, please proceed."

Narinig ko pa ang mahinang pagmumura ni Attorney Rozaldo.

Pero imbis na mag sorry ay tumingin lang ako sa kanya. Then I gave him the most annoying smirk I could ever give.

Hindi naman ako nabigo dahil kitang- kita ko ang galit sa mukha niya at ang dagliang pag aapoy ng mga mata niya.

But I don't care anymore.

Binalik ko na ang atensyon ko sa judge para sabihin ang lahat ng dapat kong sabihin.

"After the previous hearing, pinuntahan namin at kinausap ng masinsinan ang ina ng suspect, which happens too, to be one of his so- called witness on their side. And now, she's here again. Pero this time, nangako siya na sasabihin niya na ang katotohanang nalalaman niya. After that, kayo na ang humusga kung konektado nga ba ang suspect o hindi sa pagkamatay ni Ynna Santiago." sabi ko at lumingon sa kapulungan na nasa likuran ko. Mabilis kong nahanap ang isang magandang babae na nasa mid- fifties na ang edad. Mababakas din sa itsura niya ang pagiging likas na maamo at mapagmahal. Mga katangian na taliwas ng meron ang kanyang anak na si Jonas.

Tumayo naman agad ang ginang kahit pa hindi maitatago sa kanyang anyo ang kaba at pag- aalinlangan. Fighting her tears was also so obvious to her.

Sino nga ba namang ina ang masisiyahan pa at hindi masasaktan na idiin at mag sakdal laban sa kanyang anak?

Because yes, Carmencita Fuentes is here today to testify against her own son.

For, as I said, I went to visit her right after the previous hearing. I didn't expect myself to do it quickly but... yes, I did.

"A- Attorney Chavez? What are you doing here?" halatang gulat na wika ni Mrs. Fuentes nang mapagbuksan ako ng pinto.

Maybe she's not expecting me to come.

"I came to talk to you about some matters, ma'am. If you won't mind." nakangiting sabi ko.

Kahit nag aalangan ay agad niya naman akong inanyayahan na pumasok.

"Gusto mo ba ng maiinom, Attorney—"

"'Tine' na lang po, Ma'am." sabi ko.

Doon na siya ngumiti din sa akin.

"Sige. I will call you 'Tine'. But only if you would call me 'Tita'."

Hindi ko naman napigilang matawa.

For a moment, parang nakalimutan ko ang totoong sadya ko sa pagpunta sa bahay ng ginang. Bigla kasi ay parang naging sobrang gaan ng loob ko sa kanya. She suddenly seemed to be a long lost aunt I haven't seen for a while.

"Sige po, Tita. I would do that." sabi ko.

Ngumiti lang siya at ilang beses na nanatiling tahimik habang nakatitig sa akin.

"Maiba ako, Tine, hija. Ano nga palang sadya mo sa pagpunta dito?" bigla niyang tanong.

At dahil din doon ay parang sinampal ako ng totoong dahilan kung bakit ako nandito.

"Uhm... I don't want to sound so harsh and I don't know how to start saying this unoffensively but..." huminto ako at nag aalangang tumingin sa kanya.

She's still smiling. And that made me feel more uneasy to tell her about my real agenda.

"I... know that you didn't tell the truth earlier, Tita. Alam ko po na napilitan lang kayong sabihin at gawin ang lahat ng iyon dahil sa anak niyo na si Jonas." tuluy- tuloy na sabi ko.

Ang matamis na ngiti sa labi niya ay unti- unting nawala.

"Tine, hija—"

" My real reason on why I came here is to... plead you say the truth."

Hindi siya nagsalita.

"Alam ko po na magmumukha akong pakialamera at walang modo dahil sa ginagawa ko pero—"

"No, hija. You... don't have to be sorry. Alam ko ang nararamdaman mo at naiintindihan kita. I understand that you only need to help your client—"

"No, Tita. I don't need to. I'm doing this because I want to help my client." pagtatama ko. "You see, hindi po biro ang mawalan ng mahal sa buhay sa misteryoso at hindi inaasahang pagkakataon. The case of Ynna Santiago wasn't as imaginable as others thought. She was raped several times as the suspect sentenced her to death. What happened to her was unwanted by any sensible man. Especially po, ng mga magulang. Walang magulang na gugustuhing mangyari sa kahit sino sa anak nila ang brutal na sinapit ni Ynna. So as her parents and loved ones."

Dahil sa tuluy- tuloy na pagsasalita ko ay hindi ko na namalayan na umiiyak na pala si Tita Carmen sa harapan ko.

"Tita, I'm sorry—"

"No. Tama ka naman, eh. I... really don't know what I did. Kung mabuti ba iyon dahil iyon ang tama? O tama lang iyon pero hindi naman mabuti? Para ngang pareho pang mali, eh."

Hindi ako nagsalita.

"I thought what I did was right. Dahil bilang ina, tungkulin at obligasyon ko na pangalagaan at protektahan ang anak ko. Which happened to be Jonas." marahang sabi niya.

Hindi ako nagsalita.

I was really startled when she suddenly hold my hand.

"But I only made a thought of it. Dahil kahit saan naman tingnan, hindi pa rin tama ang ginawa ko. And what I did, covering his mistakes and sins won't make him a better person, anyway. Baka nga mas may pag asa pa siyang tumino kung malalapatan siya ng akmang kaparusahan."

Hindi ko alam pero... naramdaman kong bigla ang tila unti- unting pagkapunit ng puso ko bunga ng nakikita kong kalagayan ni Tita Carmen.

She was so pure. Malas lang at tinadhana siyang maging ina ng isang lalaking animo'y wala nang pakialam sa kabutihan at katarungan.

Huminga siya ng malalim.

I want to comfort her but... I can't manage to feed her any word.

"I'll show up the next hearing. And please, do expect me to be on your side; testifying against my only son. Kahit mahirap. Kahit masakit. Hindi ko na tatapalan pa ang ginawa kong kamalian kanina nang magsinungaling ako sa harapan ng hurado. Sa harapan ninyong lahat. I am now willing to side on what's best and what's right..."

Napakurap kurap ako nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak ng malalamig at nanginginig pang mga kamay.

It was Tita Carmen's...

Nakatayo siya ngayon sa tabi ko habang nakatingin sa anak niya na nasa kabilang panig ng korte.

She was looking at her son helplessly. Pero ang tanging isinukli lang ng anak niya doon ay isang nang uuyam na tingin.

"Tine, hija... I can't..." umiiyak na sabi niya.

Bumuntung- hininga ako at niyakap siya ng buong pagmamahal.

"Tita, you promised. Tingnan mo sila," sabi ko sabay turo sa pamilya ng biktima na ngayon ay umiiyak na rin. "They're all leaning on your statement. Sa iyo na lang po nila isinasalalay kung makukuha nila 'yung hustisya na kailangan nilang makamit."

Ang pag iyak niya ay lalo lamang tumindi.

"Your honor, mukhang hina harass ni Ms. Chavez si Mrs. Fuentes para bumaliktad ito at magsalita laban sa sarili nitong anak." nakangising sabi ni Rozaldog.

Yes, Rozaldog. Mas bagay kasi sa kanya, eh. Mukha na ngang aso, ugali pang aso. Naturingan pa man ding abogado. Or should I say, 'abogadog'. Tsk!

"Attorney Chavez, is your witness okay? Tama ba ang sinasabi ni Attorney Rozaldog na hina harass mo na ang ina ang akusado para bumaliktad at-"

"N- no!"

Tumahimik ang paligid dahil sa biglang pagsigaw na iyon ni Tita Carmen.

"I... will stand as... witness against... Jonas Fuentes, my... son." sabi niya pa na sinundan muli ng matutunog na hikbi.

"Go on stand. And don't dare me call your 'son' anymore." rinig kong pagbabanta ni Jonas.

Nabahala ako dahil naisip ko agad na baka umatras si Tita Carmen bunga ng pagbabantang iyon ni Jonas.

But what I thought is wrong.

Kahit ako ay hindi na napigilang maluha nang makita ko na unti- unting lumalakad si Tita Carmen patungo sa witness stand.

Ngayon pa lang, siguradong-sigurado na ako na sa amin na ang panalo sa kasong ito. This would be the last hearing and the judge's side would be ours. Abot kamay na namin ang hustisya...

Tumahimik muli ang lahat nang magbigay na ng hudyat ang huwes na resumed na ang hearing.

"I... know I'm here the previous time." nanginginig at naluluha pa ring sabi ni Tita Carmen habang nakaupo sa witness stand. She was roaming her eyes around. "Nasabi ko na rin na... nasa bahay ko ang anak kong si Jonas noong araw at oras na mangyari ang krimen."

Huminto siya. Tumingin sa akin.

Nginitian ko siya at tinanguan para sabihin na magiging ayos din ang lahat.

"May you forgive me all, but... I lied." hirap na sabi niya. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya. "On the sixth day of June, wala si Jonas sa akin. I don't know where he is nor what he's up to.

On the seventh of June, only the next day after the crime was said to occur, umuwi si Jonas sa akin. Bagay na pinagtakahan ko. He's not into me anymore. He grew up and depend on his dad the very same day I got kicked off the house. But that day was different. Sa akin siya umuwi. And he even told me that he's staying for weeks! I didn't suspect him. As a mother, mas gugustuhin ko na makasama na lang ang anak ko na matagal nawalay sa akin. Without hesitations, without throwing any questions."

Nananatili lang akong tahimik at nakikinig gaya ng mga tao sa paligid ko.

The judge, too, is in silence right at this very moment. Pero mahahalata sa mukha nito ang gulat. He must be very startled for what's going on.

"Despite of our family being known for our wealth, I have maids, of course. But the moment my son, Jonas went to me, that's the very time na sinabi ko sa sarili kong paglilingkuran ko siya gaya ng ginagawa ng isang ina sa mga anak niya. That was my very dream since I gave birth to him. I always wanted and dreamt of serving him, of giving him all of my time. Pero hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon nang palayasin ako ng sarili kong asawa na ama ni Jonas. Kaya noong araw na iyon, inisip ko na baka ito na 'yung binigay ng Diyos na sagot sa matagal ko nang hinihiling. Maybe I can serve him just like what I always wanted to do. I cooked for him, give him the best care I could. I cooked, I clean, I... did his laundry."

Pagkatapos noon ay nanahimik siya. And then her tears suddenly ran down again.

"Hanggang sa... Hanggang..." sabi niya saka siya napapalahaw ng malakas.

Tumingin ako sa panig nila Jonas para tingnan ang reaksyon niya.

And right at this point, wala akong makitang emosyon sa mukha at sa mga mata niya. But he's staring at his mother. Blankly. Emotionlessly.

Si Rozaldog naman ay halatang inis na at nagpipigil ng nagbabadyang pagsabog.

Napangisi ako.

"Mrs. Fuentes, please continue." pag-uudyok ng judge pagkatapos lumipas ng ilan pang sandali na hindi pa rin nagsasalita si Tita Carmen.

Naging dahilan naman iyon para bumalik nang muli ang atensyon ko sa kabuuang nagaganap ngayon.

"Hanggang sa... may makita akong damit ni Jonas. T- that was... soaked." nahihirapan pa ring wika ng ginang. "Soaked... in... b- blood."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status