Share

KABANATA 2

CELESTINE'S P. O. V

Matapos ng huling katagang binitawan ni Tita Carmen ay napuno ng tunog ng panangis ang apat na sulok ng korte. It was Ynna's mother.

Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha ko.

I was just happy because finally, nararamdaman ko na na malapit na kami sa katotohanan. We are so near in getting the justice for Ynna's death.

Hindi pa man ay masaya na ako sa nakikita kong progress sa kasong ito na hawak ko.

Pero ang ngiti na nasa labi ko ay unti- unting naglaho nang mapagtanto ko na nasa kabilang dako na pala si Mrs. Santiago, ang ina ni Ynna. She was trying her very best to reach for Jonas. And she is so furious that she might cut Jonas down to death.

"Order of the court!" awat naman ng judge sabay pukpok ng malyete upang matigil na ang ingay at komosyon.

Doon na ako tumayo para lapitan si Mrs. Santiago at pakalmahin ito.

Hindi naman ako nabigo dahil unti- unti naman itong kumalma ngunit patuloy pa rin sa pag iyak.

"Again, Mrs. Fuentes, please continue." udyok muli ng judge.

Tumingin pa si Tita Carmen sa anak niya bago muling nagsalita.

"I... tried to ask him where he got those blood. N- nag alala pa ako kasi... kasi I thought someone hurt him and that he just doesn't want me to know." sabi niya. "He said that he got injured only few days ago and he used that cloth to stop his bleeding. Of course, I believed in what he said.

Hanggang sa makarating sa akin ang tungkol sa nangyaring ito. I've been hearing several complaints against my son. Mula sa pinakasimpleng halimbawa ng sexual harassment hanggang sa attempted kidnapping... oh, gosh..."

Hanggang ngayon ay kitang kita ko kung gaano naghihirap si Tita. Of course, she never thought of her son ended up with this. Walang sinumang magulang na ini imagine ang anak na maging isang kriminal. Yet, too bad, Tita Carmen have to deal with her insane son.

"So, you are going against your previous statement, Mrs. Fuentes, are you?" tanong bigla ng judge.

"Y- yes, your honor." sagot naman ni Tita na sinabayan pa niya ng pagtango.

"Your honor!" tawag naman ni Rozaldog bago pa man makapagsalita ulit ang judge.

"Yes, Attorney Rozaldo?" kunot noong baling nito.

"It seems like Attorney Chavez already threaten and blackmailed my client's mother." sabi niya. Pagkatapos noon ay lumingon pa siya sa gawi ko. He gave me the most annoying smirk a dog can do! Gosh. "Aren't you, Attorney?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay at nginitian ng nakakaloko.

"Judge, maybe we can schedule another hearing again-"

"Why, Attorney Rozaldo? Are you going to serve me your fake evidences again?"

Lahat kami ay nabigla dahil sa sinabing iyon ng judge.

"W- what do you mean---"

"Hindi ba't ito ang suot na damit ng suspect sa mismong araw na nawala si Ynna Santiago? Ito rin ang damit na sinasabi ni Mrs. Fuentes na nakita niyang babad sa dugo. Kinikilala mo bang sa iyo nga ito, Mr. Fuentes?"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang hawak ng judge. Isang ziplock plastic bag iyon na may lamang kulay asul na damit na hindi lang nababahiran ngunit halatang nababad nga sa dugo!

Paanong...?

"Again, Mr. Fuentes." tawag ulit ng judge. "Is this yours?"

Ilang sandaling hindi ito sumagot.

Not until he uttered the word "yeah".

At muli, binalot ng hikbi ng pamilya ng biktima ang buong korte.

"Mrs. Fuentes handed me this evidence directly. We already conducted a special DNA test to see if this blood is matched with Ynna's. And yes, it is." litanya pa ng judge na mas ikinagulat ko.

"But... Your honor---"

"Oh, fuck, Rozaldo! Just shut the fuck up!" namumula sa galit na sigaw ni Jonas.

"You know, I can't, Jonas. I can't-"

"Wala ka nang magagawa! My own mother betrayed me and that's all!" sigaw niya rin. Pagkatapos ay bumaling siya sa aming lahat. "So, ano? What now? Papatagalin pa ba natin ito? Send me to jail now. Hurry!"

Napailing na lang ako dahil sa nasasaksihan ko ngayon.

Iba na talaga siya. Hindi na niya ginagalang ang ina niya. He's more like a psycho now.

Tumagal pa ng ilang sandali ang komosyon bago ko narinig ang mga katagang matagal ko nang hinihintay na marinig ulit.

"Ang sinasakdal na si Jonas Gulliermo Fuentes ay hinahatulan ng Reclusion Perpetua o habang buhay na pagkakakulong sa salang panggagahasa at pagpatay sa biktima na si Ynna Santiago noong ika-anim ng Hunyo sa taong kasalukuyan. Siya ay hahatulan ng sang ayon sa batas sa patung- patong na kaso ng multiple grave sexual assault, rape, at murder."

Doon na kumawala ang emosyon ng marami na kanina pa pilit pinipigilan.

Maging ako ay napaluha na rin sa nakikita kong tagpo. Lalo na nang lumapit sa akin ang ina ng biktimang dinepensahan ko.

She came to me as she give me a hug real tight.

"Maraming- maraming salamat sa iyo, Attorney. Kung hindi dahil sa iyo, malamang na nabasura na naman ang kasong ito. Malamang na matulog na lang sa kangkungan ang hustisya na matagal na naming hinihintay." umiiyak na sabi niya.

Nakangiting hinagod ko ang likuran niya.

"Wala po iyon. It's my job to defend people. Lalo na po ang mga nasa tama. Gaya niyo. Kahit makipag patayan pa ako, gagawin ko para lang maipagtanggol ko ang kabutihan at para makamit ang hustisya at karunungan." nakangiting sabi ko.

Mayamaya pa ay nagpaalam na akong lumayo sa kanya.

Nilapitan ko si Tita Carmen na ngayon ay nasa witness stand pa rin. Umiiyak.

"Tita..." tawag ko sa kanya.

Agad naman siyang tumayo at mabilis na naglakad patungo sa akin.

Sinalubong niya agad ako ng isang mahigpit na yakap. She's still crying.

Hinayaan ko na lang siya sa ganoon dahil alam ko na kailangan niya rin ilabas lahat ng hindi magandang nararamdaman niya.

"Tita, I'm sorry. Sorry po kung kinailangan mong gawin at pagdaanan lahat ng ito---"

"Sshhh, hija. Don't be sorry. Wala kang kasalanan. I'm... thankful to you, honestly. Dahil kung hindi sa iyo, hindi magiging buo ang loob ko na pumanig sa kung ano ang tama."

Hindi na ako nagsalita pa.

"Masaya na ako ngayon kahit paano. Even if I lost the chance to with my son again. I'm still verry happy for what I did. Nabigyang hustisya natin ang pamilya na matagal nang naghahanap ng katarungan. Kahit pa ang kapalit noon ay ang anak ko naman ang mawawalan ng kalayaan, then better so be it. Baka sa loob ay mas magkaroon pa siya ng pag asang makapagbagong buhay."

Nagbuntung hininga ako at ngumiti.

"Well, who knows what tomorrow bring? Malay natin, ang pagbabago na hinahanap ninyo kay Jonas ay sa loob mangyari? You know, Tita, hindi po lahat ng mga nakukulong ay puro hirap ang dinaranas. Sometimes, ang pagkakulong na iyon pa ang nagdadala sa kanila sa mga reyalisasyon nila sa buhay. Minsan, sa loob nila napagtatanto na mali na pala ang mga ginagawa nila. Doon sila nakakapag pasya na magbago na at lumipat na sa kabutihan." marahang sabi ko.

And I'm not saying this just to make her feel better. Dahil ang lahat ng sinabi ko ay totoo. Ako mismo ay naniniwala na habang may buhay ang tao, may pag asa pang magbago ito. Kung paanong nagiging masama ang minsan ay mabubuting tao, ganoon din kayang maging mabuti naman ng mga masasamang tao. Basta gugustuhin lang nila at desidido silang tulungan ang mga sarili nila na makapagbagong buhay ng totohanan.

"Sana nga, hija. Sana nga." sabi naman ni Tita Carmen. "But, Tine, hija, you know what scares me the most now that my son is already going to jail?"

Napakunot noo ako.

"A- ano po iyon?"

Siya naman ang nagpakawala ng malalim na hininga.

"The though of me being totally alone with this life. I mean, yeah, siguro iniisip mo na 'What's wrong? Eh, kahit naman nasa labas si Jonas, he's still too far away from you to reach him. Kaya technically, mag isa ka pa rin.'" sabi niya at tumawa ng pagak. "Tama naman iyon. Kahit nga nasa labas si Jonas, para na rin naman akong mag isa. But the thing here is, ngayon ko mas nararamdaman na may kulang. I have no child to call whenever I need one---"

"Sino naman pong nagsabi niyan? Iharap mo po iyon sa akin, Tita. At papatumbahin ko iyon ngayon mismo." pagbibiro ko.

I even laugh. Ginagawa ko ito para kahit papaano ay gumaan ang kalooban niya. At hindi naman ako nagkamali. Because she smiled!

"Biro lang po, Tita. But seriously, sino po ba kasing nagsabi sa inyo na mag iisa na kayo pagkatapos nito? Nandito pa po ako, oh. I can be your daughter, if you want to." sabi ko.

Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya.

"H- hija... You got to be kidding me---"

"No, Tita. Hindi po ako nag bibiro. I'm serious. Willing ako na maging anak mo kung papayagan mo---"

"Oh, gosh, Tine, hija! Of course!" sabi niya at muli akong sinunggaban ng mahigpit na yakap. "Who could resist a courageous, young yet smart and gorgeous lawyer as a daughter?"

Hindi ko na napigilan na matawa dahil sa mga sinabi niya.

"At dahil po diyan, we have to celebrate. Your daughter just won a case! I'm sure, you won't want to miss a victorious celebration with her tonight. Am I right, Tita?"

DAMIEN'S P. O. V

Seeing her from afar would always be the favorite part of mine for each day in my life. Kahit pa sa malayo lang. Kahit pa hindi ko siya malapitan o makausap kahit na saglit lang. I'm still happy. Masaya na ako na nakikita siyang masaya.

"What makes you call your most handsome best friend, huh, Mr. Damien Nivera?"

Pagkarinig na pagkarinig ko pa lang sa boses na iyon ni Jeremiah ay hindi ko na agad napigilang mapamura.

Napakahangin. Tss. Hindi ko kasi alam kung bakit sa dinami- dami ng tao, siya pa ang itinadhana na maging sanggang dikit ko.

"Café de Balbuene. You owned that café, right?"

Imbis na sagutin ako ng diretso ay tumawa pa siya.

"Oh? At kailan ka pa naging interesado sa negosyo ko? Or maybe, kailan ka pa nahilig sa kape at naghahanap ka ng café ngayon? Akala ko ba, sa alak ka lang malakas kaya puro bar lang ang target mo at---"

"Ang simple ng tanong ko, Perez. Oo o hindi lang ang isasagot mo." putol ko sa kanya gamit ang mariin at nagbabantang tinig.

"Ah... Hehe... I... say so. Hindi na dapat ako dumaldal pa." sabi niya naman bigla. "And, yeah. Akin nga ang Café de Balbuene."

Huminga ko ng malalim.

"Great. Where are you today?" tanong ko ulit. "Are you at your place?"

"Well, sorry, bro. I can't answer you a yes, nor a no. Marami na kasi akong branch kaya, you know---"

"The fuck?" Ang hangin na naman. Liliparin na yata ako sa kinatatayuan ko.

Agad naman siyang nagpakawala ng napaka awkward na tawa.

"Fine, fine! Sa isa sa mga branch ko ng café." sa wakas ay pagsuko niya at pagsagot ng matino.

"And on what branch is that?"

"Dito sa Valle Heights---"

"Good. Nandiyan ngayon si Tine. I want you to---"

"What?! Nandito si Tine?! As in, si Attorney Celestine Chavez na magaling na abogado na ex mo---"

"The heck, Jerem! You're making me pissed off!" sigaw ko. Pero muli kong pinababa ang boses ko nang mapansin ko na tumingin sa akin ang ilan sa mga taong dumadaan. "Listen. I want you to accommodate her. You yourself. At gusto kong alamin mo kung sino ang kasama niya---"

"Hindi ako private investigator, ano ba---?"

"Perez...!" nagbabanta kong sabi.

"Fine, fine! Cut this call off at ako nang bahala kay Tine." sabi niya.

Hindi na ako sumagot pa at pinutol na lang ang tawag.

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Tine at sa kasama niyang matandang babae sa loob ng café ni Jeremiah.

They're talking and they seem so happy.

Ilang sandali lang ay nakita ko na si Jeremiah palapit sa table kung saan nakapuwesto sila Tine.

Tumayo pa si Tine marahil para batiin si Jeremiah. And Jerem, on the other hand, reached for the old woman's hand, who happened to stand, too. Nagkamay ang dalawa, making me guess so easily that Tine already introduced the two to each other.

Nag usap pa sila ng ilang minuto bago ko nakitang umalis si Jerem.

And then, few more seconds and my phone rang.

"Hello?" sabi ko agad matapos sagutin ng mabilisan ang tawag nang makita kong galing iyon kay Jeremiah.

"Bro," sabi niya naman. "I'm sorry to say this pero..."

Dahil sa tono niyang iyon ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba.

"W- what? May... problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Ano kasi... Iyong kasama niyang matandang babae. Nanay pala iyon ng---"

"Oh, fuck, Jerem! Don't tell me that that old woman is a mother of Tine's boyfriend---"

"Nanay ng suspect na napakulong niya kani- kanila lang, Bro."

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya pero...

"You, crazy moron. Ihanda mo na ang mukha mo once na magpakita ka sa akin. I'll definitely rip that together with your gut. You hear me?" inis kong sabi.

Imbis na matakot ay tumawa pa siya.

"Why, bro? Akala mo ba, nanay na ng bagong boyfriend ni Tine ang kasama niya dito--"

"Screw you, Perez. Walang nakakatawa." mariin kong sabi.

Pero sa kabila ng pasaway ko ay nagpatuloy pa siya sa ginagawa niyang pagtawa.

"Eh, ano pa ba kasing ikinakakot mo kung may boyfriend na si Tine? Ikaw naman ang asawa---"

"Jeremiah Perez, huwag mong sagarin ang pasensya ko."

Hindi na siya nagsabi ng anuman at nagpatuloy na lang sa malakas na pagtawa.

"Damn your laughers, Perez. Lumabas ka ng maaga diyan. I have to see you. Sa bahay tayo mamaya."

"Oh, damn! Huwag ako, kol! Bata pa ako, kol!" tili niya na animo'y batang kinukuhanan ng dangal.

"Peste ka talaga. Pest Perez!" bulalas ko na lang. "I'll be at my house, waiting. And let me warn you, oras na hindi ka dumating---"

"Woah! Take it easy! Wala naman akong sinabi na hindi ako dadating---"

"Good then." putol ko sa sasabihin niya. "Mabuti na iyong nagkakaintindihan tayo---"

"Pero wala pa rin akong sinasabi na pupunta nga ako. Hehe."

Napapikit na lang ako ng mariin matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.

I'm not so good in keeping my temper cool, pero sa mga oras na ito ay mukhang na doble ng malala ang pagbilis ng pagkaubos ng pisi ng pasensya ko.

The heck with this psycho. Ang galing mang bwisit!

"Ganoon?" sabi ko matapos kong pilitin ang sarili ko na kumalma. "Pwes, para sabihin ko sa iyon, hindi ko naman hinihintay at hindi naman mahalaga sa akin ang sagot mo kung pupunta ka ba o hindi. I'm not asking you a favor, I'm giving you a command, wala kang choice kundi sumunod sa akin. Or else..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status