Share

Chapter 6

"Ayaw mo? Okay, madali naman akong kausap. Dar!" sambit ni feeling reyna.

Nakangiting asong kumilos 'yong tinawag na Dar. Hahampasin na sana siya pero agad ng dinilaan ni girl ang sapatos ni feeling reyna.

Napangiwi naman ako. Uto- uto! Ngumisi naman siya sa ginawa ng babae. Tuwang-tuwa siya sa ginagawang paglinis ng sapatos niyang halatang dinumihan, gamit ang dila ni ate girl nilinis niya ang mga ito.

Tumingin si feeling reyna sa isa sa kasama niyang lalaki. Tumango na may pinahihiwatig. Nanlaki ang mata ko sa sunod na ginawa nito. Binaril nito ang babae sa ulo. Kumalat ang dugo nito sa sahig.

Sa gulat ko, nakalikha ako ng ingay na ikinalingon nila. Sh*t! Tumalikod na ako at kumaripas ng takbo. Dali-dali akong umakyat ng hagdan. Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo, narinig ko ang mga hakbang nilang papalapit sa'kin. Putcha! Hinahabol pa ako.

Malalaking hakbang ang ginawa ko, kumapit ako sa pwede kong makapitan para mapabilis ang pag-akyat ko. Muntik na akong malaglag sa hagdan sa malakas na tunog na umalingawngaw sa buong school.

Hinanap ko naman ang pinagmulan. Nanlaki ang mata ko na galing ito sa fire alarm, at sa pinakamain fire alarm pa. Kapag ang main na ito ang pinindot mo, lahat ng fire alarm na mayroon ay sabay-sabay na tutunog. At pagnangyari 'yon, it means serious matter na. Mayroong malaking sunog na kumakalat.

Nataranta ako na rinig ko pa rin ang mga hakbang ng mga humahabol sa'kin. Napaharap ako sa likuran sa mga nagsisigawan, mga tumpok ng mga studyanteng nagmamadaling lumabas sa kani-kanilang classroom. Nakisabay ako sa agos nila. Tumago para hindi ako makita.

Lahat kami pumunta ng field. AS IN LAHAT! Napalunok ako, what now Rhexyl? Nakagawa ka ng malaking gulo.

Maya lang, nakita ko si Mrs. Villaruel, siya ang dean ng school.

"Relax my fellow students, there is no fire in our university. It was false alarm. We check it and found out, nothing is wrong. So, you can go back inside the campus." Mrs. Villaruel announced.

Napakagat labi ako sa nerbyos, hindi rin ako mapakali. May mga narinig la akong mga reklamo at hinaing pero 'di ko na pinakinggan. Sasabay na sana ako sa mga nagsisibalikan ng ---

"Ms. Salvez," Mrs. Villaruel called.

Nahinto ako at nanigas sa kinatatayuan ko. Gusto kong mangiyak, ito na yata ang pinakamalas na araw na meron ako. Marahan akong lumingon sa kanya.

"B-Bakit po?" sambit ko.

"Follow me." seryoso niyang sabi saka naunang lumakad.

Napatingin ako sa ibang mga professor. Umiling-iling sila wari'y may bagay silang di nagustuhan.

Pakiramdam ko tutulo na ang luha ko ng nandito na kami sa dean office. Sa kaka-isip ko 'di ko na namalayan na narating na namin ang lugar na ito.

Nakaramdam ako ng panghihina ng tuluyan na kaming nakapasok. Hindi ko naman sinasadya na mapindot ang fire alarm. At saka, bakit ako lang ang nakita? Paano 'yong namatay? Paano 'yong nagpatay? Mananatili? Tapos ako? Kick out?

Nakakanerbyus pa ang mukha ni Mrs. Villaruel. Seryosong-seryos siya pero halata namang galit siya.

Pagnalaman ito nila mom, double dead na naman ako.

"Ma'am dean, h'wag niyo po akong ipa-expelled. Hindi ko naman po 'yon sinasadya." mangiyak-ngiyak kong paliwanag.

Ito ang pang dalampu't lima kong pinasukan na university sa loob ng dalawang taon ko sa kolehiyo. Madalas nae-expelled ako, o kaya nakikick-out pero di ko naman kasalanan. 'Yung mga nambubully sa'kin ang gumagawa ng paraan. Ang tingin nila sa'kin salot, kasi may mga namamatay kasi. Hawak ko ba buhay nila? Wala naman akong ginagawa, umiiwas na nga ako, kung pwede lang na di na pumasok, e.

Dahil sa mahina ako at walang pera mabilis nilang nagagawa gusto nila. Minsan pabor naman sa'kin kasi gusto ko ring makalayo sa mga pambubully nila.

Kaso lang mahirap makahanap ng mapapasukan ulit.

"Call your parents." utos niya.

Nanlaki ang mata kong lumingon sa kanya. Todo ang iling ko sa kanya.

"H-Huwag po! Papagalitan po ako kapag nalaman nila. Wala naman po akong ginagawang masama." paki-usap ko.

"Ms. Salvez, this is not the first time you have been reported. At hindi na kita kayang pagbigyan." sabi niya.

Na-report na ako ng maraming beses sa maraming dahilan. Gaya ng, tinulak ko ang isang babae sa hagdan dahilan para mapilay ito, binalian ko ang buto ang kaklase, may binulag ako, nangopya, hindi pagsuot ng proper uniform, palaging late etc.

Aminin kong ang dalawa sa huli ay ginagawa ko pero yung mga nauna, hindi ko naman 'yun kayang gawin. Saka, sila ang gumagawa at ako ang pinagbibintangan nila.

Ni hindi nga ako aware 'dun, nagugulat na lang ako na pinapatawag ako sa dean office tapos may ganung kaso raw akong ginawa. Like what the hell! Paanong nangyari 'yun samantalang nasa sulok-sulok lang ako.

Natatameme na lang ako kasi may mga ebidensya sila. Ebidensiyang hindi ko alam paano nila nagagawa.

"I won't tolerate you this time. Kailangan mong maghanap ng magdidisiplina ng behavior mo." seryoso at matalim niyang wika.

Wala na akong nagawa kundi ang lumuhod at magmakaawa.

"Paki-usap po, ipagawa niyo na po lahat sa'kin. Kahit po ako na maglinis ng boung campus, loob at labas. Basta h'wag lang po ngayon. H'wag niyo pong ipaalam sa mga magulang ko." paki-usap ko, tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ayaw ko ng makaranas ng sakit ng katawan mula sa kanila. Baka di na kayanin ng katawan ko bumigay na. Baka sa hukay na talaga ang bagsak ko.

"Hindi ko naman po kasi sinasadya. May humahabol kasi sakin, tapos po--" nag-aalinlangan akong sabihin ang nakita ko

"--tapos po," hindi ko madugtungan ang sasabihin ko

Baka mangyari rin sa'kin ang nangyari sa babae. Malungkot na umiling si Mrs. Villaruel sa'kin.

Hindi niya pinansin ang paliwanag ko.

"Me and other professor decided to throw you to the other school. Paaralang magpapatino sayo. University of Der Mord is willing to take you." saad niya

University of Der Mord? Ipatapon? Mukha ba akong basura? Basurang itatapon lang kung saan nila gusto. Kunsabagay, basura ang tingin sa'kin ng lahat ng tao.

"I made a decision and it won't change." Mrs. Villaruel na may final na desisyon

"P-Please! Pagbigyan niyo pa po ako." masinok-sinok kong sabi, hindi rin ako tumatayo sa pagkakaluhod ko.

Hindi siya natinag sa pagmamakaawa ko. Bakit ganito lagi ang takbo ng buhay ko? Walang nakikinig sa'kin.

"Get your things and leave in my SCHOOL." mariin niyang sabi.

Bakas ang pagkaseryoso sa boses niya. Tila kahit anong gawin ko, o sabihin ay hindi na magbabago pa ang desisyon niya.

Sunod-sunod ang pag-iling.

"Stand up and take this card." sabi niya.

Nawalan na ako ng pag-asa. Kahit nanghihina ako, pilit pa rin akong tumayo. Tiningnan ko ang pinapakuha niya sa'kin. Isa itong itim na card.

"Ang card na yan ay nangangahulugang itinatapon ka sa ibang paaralan." sambit niya.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Wala akong magagawa kundi ang tanggapin na lamang ito. Lumakad ko palapit sa table ni Mrs. Villaruel. Nanginginig na

kinuha ang black card.

Pagkakuha ko, humakbang ako patalikod at yumukod.

"T-Thank you for letting me here in a short time. Thank you f-for everything Mrs. Villaruel." pagpapasalamat ko.

Wala siyang ibinigay na reaction o emosyon sa sinabi ko. Marahil puro sakit ng ulo ang binigay ko sa kanya.

Marahan akong tumalikod sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako pagkalabas ko.

Nakayuko akong lumakad, tinatago ko rin ang black card na hawak ko. Bigla akong nahinto ng may mabunggo ako. Titingnan ko sana kung sino ang nakabunggo ko pero nanigas ang katawan ko ng bumulong siya.

"Be ready, i'll hunt you later." bulong niya sa nakakakilabot na boses.

Pagkatapos niyang bumulong umalis na siya. Kaagad akong bumaling sa kanya na dapat hindi ko na ginawa. Nakatingin sa'kin ang mga taong tinakbuhan ko kanina.

Ngumisi ang isa sa kanila.

"RUN!" biglang sigaw niya na ikinagulat ko na siya namang ikinatakbo papalayo sa kanila, rinig ko pa ang paghalakhak nila.

Agad akong tumungo sa locker room para makuha ang ilang gamit ko. Nanginginig ang buo kong kalamnan dahil sa takot. I know what he meant.

Wala akong sinayang na oras. Pagkakuha ko ng gamit, agad na akong umalis. Nagmamadali akong lumabas ng campus. I need to leave as soon as possible.

"Hey, there little rat." sabi ng biglang nagsulpot.

Nagulat ako sa pagsulpot niya kaya napa-upo ako sa sahig sa pagkabangga ko sa katawan niya.

Tiningnan ko sila, anim sila. Napalunok ako.

"A-Anong kailangan niyo s-sakin?" takot kong tanong.

"Ow! Natatakot ang munti nating daga." she mocked.

Umatras ako ng lumapit ang mukha niya sa'kin. Lumayo siya at sumenyas sa kasamahan niya. Nakangiting tumango ang mga ito habang nakatingin sa'kin. Ang mga tingin nilang nakakatakot.

Lumapit sa'kin ang dalawa, sabay na hinawakan ang braso ko. Napadako ang tingin ko sa kamay nilang nakahawak sa braso ko. Nagulat ako ng pwersahan nila akong pinatayo at hinila.

"S-Saan niyo ako dadalhin?" tanong ko.

Wala akong nakuhang sagot. Patuloy nila akong hinila hanggang sa dinala nila ako sa back school. Sa lugar kung saan may natagpuang patay.

Malakas nila akong itinapon sa lupa. Muntik na akong mapasubsub. Hinablot ng isa ang dala kong bag, saka inilabas lahat ng gamit ko.

"H'wag! Itigil mo yan!" pagmamakaawa ko.

Hinablot ng hindi ko kilala ang buhok ko.

"May tapang ka rin pala para makapagsalita." mariin niyang sabi sa'kin.

"P-Paki-usap! Pakawalan niyo ako. Wala n-naman akong ginagawa sa inyo." saad ko

Napabaling ako sa kaliwang direksyon ng sampalin nila akong malakas.

"TUMAHIMIK KA! NARIRINDI AKO SA BOSES MO!" sigaw sa'kin ng leader nila.

Napapikit ako sa boses niyang ubod ng lakas.

"A black card?" narinig kong wika ng isa sa kanila.

Maya lang ay humalakhak sila. Ang malas ko, walang cctv sa parteng ito ng paaralan. Hindi na ako nagulat ng dito natagpuan ang mga bangkay ng mga namamatay.

"Tingnan mo nga naman. Ang basurang kagaya mo ay sa wakas, itatapon na." wika niya.

Muling umalingawngaw ang pagsampal sa'kin.

"Saang basurahan ka kaya itinapon?" pagtatanong niya.

Pilit na iniiwasan ko ang hawak niya. Siguro ay nainis siya sa mga iwas ko, mariin niyang hinawakan ang ulo ko saka niya inilagapak sa lupa ang mukha ko.

Boung lakas ko ay nawala sa impact ng ginawa niya. Umiikot ang paningin ko ng marahas niyang inangat ang mukha ko.

" O 'kay gandang wasakin ang nakaka-uyam mong pagmumukha!" gigil niyang sambit saka muling isinalampak ang mukha ko sa lupa.

Wala na akong lakas, hindi na malinaw ang paningin ko maging ang pandinig ko. Pinagsisipa nila ako at pinagbabato. Ramdam ko ang sakit sa bawat sipa at bato nila. Bawat batong dumadapo sa'kin ay naglilikha ng malalim na sugat.

"Easy guys, stop it." wika ng bagong dating.

Nanghihina akong napatingin sa mga gamit ko. Malungkot akong tumitig 'dun, iniisip ko na sana magawa kong makuha iyon at maka-alis na. Pero hindi ko iyon magagawa. Wala akong lakas para gawin 'yon. Marahan kong iginalaw ang mga daliri ko, pilit na inaabot ang bag ko. Napaluha na lang ako.

"Can you share this little rat to us? Mayroon lang kaming itatanong sa kanya. Pwede ba?" rinig kong sabi ng bagong dating.

Pilit akong gumapang, baka sakaling makatakas ako habang wala pa sa'kin ang atensyon nila.

"Alright! Tapos na rin naman kami. It's your turn. I think you have personal business to her." wika ng isa.

I ignore them. Nakapukos ako sa marahang paggapang. Katahimikan ang namayani pero pinabayaan ko iyon. Ang akala kong maabot na bag ay tuluyang naglaho ng hablutin ang buhok ko at itinayo.

"Miss me?" bungad na tanong niya sa'kin.

Nanlaki ang mata ko. Siya 'yun! Ang pumatay sa babaeng nagmamakaawa kanina.

"Gulat ka? Pasensya na, pero nakita mo ang dapat na 'di makita." saad niya.

Napadaing ako sa malakas na paghampas sa likuran ko. Pakiramdam ko nabali ang spinal cord ko. Napakapit ako sa kamay niyang mabilis na pumunta sa leeg ko. Habang sinasakal ako ng may hawak sa'kin paulit ulit na hinahampas ako sa likuran.

Napadako ang tingin ko sa taong kaharap ko. Nakangiti siya, wari'y tuwang-tuwa, walang bakas na awa sa kanya. Wala kang makikita sa mukha niya maliban sa nakakatakot niyang pagngisi.

Malakas niya akong itinapon, tumama ako sa isang puno at parang dahon na bumagsak sa lupa. Tumulong muli ang mga luha ko, ang tanging gusto ko lang ay mamuhay ng payapa. Matanggap ako ng aking ina. Makaramdam ng pagmamahal at pagtanggap.

Nakatingin lang ako sa bag ko. Hindi ko na maigalaw ang katawan ko. Hinang-hina na ako, marahan na lumipat ang kamay kong wala ng maramdaman. Bakas dito ang dugong nagmula sa'kin, nanlalabo ang paningin ko dahil natatakpan ng dugong dumadaloy sa mukha ko.

"Patay na ba?" rinig kong sabi.

Sunod kong naramdaman ang malakas na pagpalo sa ulo ko. Umigtad pa ang katawan ko sa pagpalong iyon. Kasabay ng marahang paglapat ng mga kamay ko sa lupa ay ang unti-unting pagliit ng bag ko sa aking paningin hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman. Naramdaman ko pang muling lumandas sa mukha ko ang aking luha.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status